Share

Kabanata 3

Author: Allison Zhao
last update publish date: 2026-08-14 13:44:34

Malalim na ang gabi ng pumarada ang isang itim na sasakyang may tatak na BMW, isang lalaking may malaking may abuhing mga mata ang bumaba doon at nakangiting inihagis ang kanyang susi sa lalaking nag-aabang sa back entrance ng Marner Crimson Club. Isa iyong high-end club na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapunta. 

“Kamusta ang mga rooms natin, occupied ba lahat?” tanong ni William na siyang may ari ng naturang club. 

“Yes, Tito William. Full house po tayong ngayong gabi.” sagot ng kanyang manager na syang initusan nyang magtago ng susi ng kotse niya. Tito William ang tawag sa kanya ng lahat sa club dahil ayaw nyang tawagin siyang matanda na. 

“Ayos yan. What about the Dj, that I invited?”

“Nasa loob na din Tito William. ”

“Ayos, sige na balik ka na sa pwesto mo.”

Nakangiting huminto at pinagmasdan ni William ang buong club niya sa isang sulok malapit sa beverages area. Maingay, nakakasilaw ang mga ilaw na umiikot sa kabuuan ng lugar. Isa-isa nyang nginitian ang mga regular customers na nadaanan sya bago dumapo ang paningin niya sa babaeng nakabukas ang damit sa likod. Kitang-kita ang maputing kutis nito kahit pa malayo. 

Malapit na sana niyang maabot ito kundi lang humarang ang isa nyang regular customer, si Dahlia. Ang babaeng nasa 40’s na ang edad pero tambay pa din sa kanyang club. Makulit ito at laging gusto ay ang kanyang atensyon. 

“Fancy seeing you here, Tito William. Can we talk now?” tanong nito, amoy na amoy na ang alak sa bawat buka ng bibig. Kahit na hindi nya gusto ang babae ay napilitan pa din siyang ngumiti. 

“Unfortunately, I can’t. I have works to do, Dahlia.” sagot niya dito, habang inaalalayang makatayo ng diretso. “Where is your driver? Ipapahatid na kita.”

“Booo. You’re always like that. Why don’t you just join me and let’s talk?”

Hinahanap ng mga mata niya ang driver nito sa paligid, hanggang sa makita nya itong pilit na kinakausap ang babaeng nakita nya kanina na nakaupo sa beverages area. Agad naman nya itong tinawag dahil panay na talaga ang iwas ng babae sa kanya. 

“Pre, Fredo!” tumingin naman ito sa direksyon nya. “Tara na dito at iuwi mo na ang amo mo.”

Wala na syang nagawa pa at tuluyan nang iniwanan ang babaeng ginugulo niya kanina. “Ito na ko, Tito William, pasensya na po.”

“Sige na, umuwi na kayo. Gagawa ka pa yata ng eskandalo sa club ko eh.”

Isa iyon sa pinaka ayaw nya sa loob ng club niya. Ang manggulo dahil ang lugar na iyon ay dapat lugar kung saan ka dapat makalimot ng mga problema hindi masali sa gulo. Nang muli nyang hanapin ang babae, wala na ito sa beverages area. Sa halip nasa dance floor na ito at nakaupo sa gitna. Pinagtitinginan ng mga tao. 

Dahil nakaka-abala sa sayawan ng mga nandoon ay mabilis nya itong nilapitan. “Hey, are you okay-” natigilan sya dahil umiiyak ang babae yakap-yakap ang kanyang sarili. Kahit na hulas na ang make up nito ay hindi pa rin maitatago non ang taglay nitong ganda. Namumula na ang pisngi nito kaya lutang na lutang pagka mestisa. 

“Hey, ayos ka lang miss?” mahinang tanong niya. Hindi niya inaalis ang mga mata sa dalaga, kahit pa dumating na ang manager na para sana ito na ang magpatayo sa dalaga. “Bakit ka umiiyak? Maybe I can help?”

“No one can help me,” humi-hikbing sagot ng babae sa harapan niya. “Unless you will marry me so I can have my legal guardian to fight my adopted parents. Why not?” suminghot pa ito bago nagpatuloy. “I just…I just feel terrible that I did everything pero iyon pala, ampon lang ako. I’m just a big joke.”

Sumenyas sya sa kanyang manager na hayaan na sya at sya na ang bahala sa dalaga. “I see. Why don’t we sit down somewhere comfortable? Baka matamaan ka ng mga sumasayaw dito.”

“Let them. I think kailangan ko lang masaktan para magising sa bangungot na ito.” Maya maya ay unti-unti itong nag-angat ng tingin sa kanya, nagtama ang kanilang mga mata at sa mga oras na iyon ay parang tumigil ang oras para kay William. Angkop na angkop sa mga sinasabi nito ang nakikita nyang lungkot sa mga mata ng dalaga. Nangungusap ang mga iyon na para bang nagsasabi na ilayo sya sa lahat. Malungkot at may halong galit. “Hindi ikaw yung lalaking makulit kanina.” sabi ng babae. 

“W-what?” nautal na tanong niya dahil parang natuyo ang lalamunan niya sa magandang mata nito. 

“See? Kahit mga lalaki ayaw sa akin. Hindi kasi ako maganda.. Kasi ampon lang ako at wala akong kwenta sa likod ng pangalan ko.”

Sasaktan dapat nito ang sarili pero mabilis na napigilan ni William. Kinuha nya ang hindi nya napansing hawak nito na tinidor na isa-saksak sana sa kanyang pulsuhan. Napunta sa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat kasabay ng tugtuging pinasikat ni Bruno mars na may pamagat na “versace on the floor”. Dahil sa pwersang pagkuha ni William sa hawak nito ay nawalan agad ng balanse ang babae at babagsak na sana ang ulo sa sahig kundi lamang iyon nasalo ng kanyang kaibigan si Albert na kanina pa pala sila pinagmamasdan. 

Nagkatinginan pa silang magkaibigan dahil doon. Natatawang tinukso sya ng kaibigan. “Wow. Who is this pretty woman?”

“Can we carry her somewhere safe before you ask me that, and long time no see ha. Ayos naman ako, maayos ang kompanya, at okay na ko.” sagot niya sa tanong nito na may himig pagka sakrastiko dahil ngayon lang sila ulit nagkita pero ang unang sinabi nito ay maganda ang babaeng tinulungan niya. 

“Sorry naman pare, sige na buhatin mo na siya.”

Yumuko naman agad si William at buong ingat na inilapat ang kanyang isang kamay sa ilalim ng kili-kili nito habang ang isa ay sa mga hita nito. Sa unang dampi pa lamang ng mga kamay nya sa makikinis nitong balat ay nagtayuan na ang mga balahibo niya. “Walang libreng kwarto ngayon sa club. Pwede bang hanapin mo sa beverage counter ang gamit niya?”

Sumunod naman ito agad habang sya ay mabilis na kinarga ito papunta sa entrance ng club kung saan ipinarada ng manager nya ang kotse niya. Hindi naman sya nahirapang hanapin ito dahil nakasunod na ito sa kanya. “Mukhang lasing na lasing sya Tito William. Saan nyo po sya balak dalhin?”

Hindi rin nya alam. “Kapag nakita ko ang address sa gamit niya. Ihahatid ko sya doon. Buksan mo ang kotse.”

Dahan-dahan nyang inilapag ang babae sa likudan ng kotse, paa pa lamang nito ang nailalapag nya ng bigla itong magising at hinila sya pabalik sa ibabaw nito. Nayanig ang buong damdamin ni William dahil halos dumukit na ang mukha nya sa babae. “Please…wag mo akong iuwi. Papatayin nila ko. Please…”

Ilang segundo itong hindi gumalaw hila hila ang damit niya bago muling pumikit. Nasa ganoong sitwasyon sila ng maabutan sila ni Albert kaya hindi na naman siya nakaligtas sa pang iinis nito. “Wow, after years magkaka-lovelife ka na din pre.”

Hindi na lamang niya ito binigyan ng pansin at inihiga na ng tuluyan ang ulo nito. 

“Wala akong nakitang ID sa bag niya, just one black card lang. Mukhang big-time 'yan."

Hindi agad isinara ni William ang pintuan ng kotse at muling tumingin sa babaeng nasa likudang upuan niya. Hindi niya pwedeng iwanan ito sa kung saan dahil baka mapahamak ang babae. Kinuha nya ang black card na hawak ni Albert maski ang maliit na bag nito at saka isinara ang kotse.

Dadalhin nya ito sa hotel. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Daughter's Bestfriend   Kabanata 30 ( SPG )

    Tahimik lang si William nanonood sa gilid nya habang inaayos nya ang mga matcha sa mangkok na hindi nito naayos na timplahin. Gusto nyang itanong kung bakit ito nag titimpla ng ganon, kung para ba iyon sa kanya. Kumirot ang pagkababae nya pag kaisip niyon. Nang sa wakas ay naging creamy na ang matcha mixture na ginawa nya ay inilipat na nya iyon sa isang mas malinis na mangkok. “Hindi ko alam na pwede palang lagyan ng cream iyan. Sorry, nag-aaral palang kasi ako.” sabi ni William na naiwan sa may lababo habang sya ay inilagay muna sa ref ang matcha cream na ginawa nya. “Bakit ba kasi naisipan mong gumawa nyan?” “Para sayo..”Lumingo sya muli sa pwesto nito. Nakatingin na ito sa ibaba. Tama siya, para nga sa kanya ang effort nito sa paggawa niyon. “H-Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon, we're getting divorce diba?”May parte sa puso nya na kumirot pagkasabi niyon, mapait ding ngumiti si William at tumango. “Isa pa, paano na ang girlfriend mo kapag nalaman nyang ginagawa mo pa din,

  • My Daughter's Bestfriend   Kabanata 29

    “Girlfriend?” wala sa sariling pag uulit ni Natalia matapos nyang marinig ang sinabi ng babaeng nakaupo sa tabi ng driver seat. “Yes, hindi ba ko na kukuwento sa’yo ni William?” Gusto nyang pumalatak at sabihin sa babae na wala syang pake sa kanya at sya naman ang asawa. Pero ang pinagtataka nya? Bakit tahimik lang si William?Dahil ba sa tatlong araw silang hindi nag usap nakakuha na agad ito ng bagong babae? Eh ano palang ginagawa nito ngayon? Bakit ito nagpunta sa kompanya nya? Para ipamukha sa kanya na madali syang palitan? “Ganon ba? Hello, I'm William's friend.” Pagpapakilala nya rin sa babae, inabot pa nya ang kamay dito. Nakita nya ang gulat na ekspresyon ni William sa harapan, tinignan pa sya nito mula sa rearview mirror. Tinaasan lamang nya ito ng kilay. “Ang dami mo talagang kaibigang babae e no?” tukso pa ni Jenny kay William at ipinatong pa ang isang kamay sa balikat nito. Napakagat si Natalia sa kanyang labi, dahil sa inis. “Wag kang mag-alala, ganyan lang talaga si W

  • My Daughter's Bestfriend   Kabanata 28

    Mabilis na lumipas ang tatlong araw na event ng MTRL company. Dinagsa ang kanilang physical store bazaar sa MOA, habang ang orders sa kanilang online application ay tumanggap ng hindi lang daan-daang orders kundi libo-libo. Iyon na yata ang pinaka mataas na sale na nakuha ng company ni Natalia. Masaya sya sa naging resulta ng kanilang mga paghihirap. Ngunit ni minsan hindi niya nalimutang hindi isipin si William o maging si Maggie. Ilang araw na rin nya itong tine-text at tinatawagan pero mukhang naka block na ang numero niya. “Sasama ka ba samin, Ma’am?” tanong ni Tricia, katabi si Yana at ang ilan pang executives matapos ang meeting nila. Alas otso na ng gabi pero mukhang balak mag liwaliw ng mga tauhan niya. Hindi siya natinag sa kanyang upuan sa loob ng conference room ng kompanya niya. Ngumiti siya sa mga tauhan. “No. Madami pa akong kailangang tapusin para sa business trip ko the next day. Yana, come here.” “Po?” Lumapit naman agad ang babae. Inabot sa kanya ni Natalia ang i

  • My Daughter's Bestfriend   Kabanata 27

    Let's get divorce, WilliamPaulit-ulit iyon sa utak ni William kahit wala na sya sa opisina ni Natalia sa Manila. Nakasakay na sya ngayon sa isang BMW na itim na kotse, nakatanghod sa labas ng bintana habang nakaupo sa backseat. Ang personal driver nya ang nagmamaneho habang ang sekretarya nyang si Paulo ang nakaupo sa tabi nito. “Sir, we made a deal with President Lim about sa distribution ng mga schools sa Batangas. We just need to finalize the papers tomorrow.” ulat nito hawak hawak ang tablet. “Go on. What about the turn over sa Marner Malls? Napirmahan na ba ni Castro?” tanong niya pabalik, itinukod ang siko sa may bintana at ang kamay ay nasa kanyang ulo. “Hindi pa sir, kino-kontak na po namin sya kanina pa. Wala pa pong sagot.”“Make sure na mapasa atin na ang full shares ng Mall bago matapos itong buwan. You know what I mean, Paulo diba?”“Yes, sir.”“Good.”People know him as Tito William, isang lalaking may ari ng mataong club sa Makati without knowing who he really is. W

  • My Daughter's Bestfriend   Kabanata 26

    “Maggie, anak, sandali,” sigaw nya habang hinahabol ang anak papasok sa elevator ng condominium. Nahabol nya ito at agad na hinawakan sa kamay. “What is happening, how did you know Natalia? Totoo ba?”“Bitawanan mo ko! I thought it's Mom you're finally getting to marry. What is this, Dad?” singhal ng anak nya sa kanya. Iwinasiwas nito ang hawak nyang kamay nito ngunit hindi nya iyon binitawan. Windang pa sya sa rebelasyonh bigla na lamang inilatag sa kanya gayong maganda na ang simula ng araw. “H-Hindi ko alam, anak. I told you, I like this woman. Hindi ko naman alam na bestfriend mo siya, you didn't tell me.”“Kailan ka ba nagkaroon ng pakialam sakin? O kay Mommy? Hindi ba nga wala ka nang pakialam sa kanya maski sakin?”“That's not true, Maggie. Ilang beses akong nakiusap sayo na sa akin ka sumama. Ako ang piliin mo. And now it's my fault?”Sa isang matigas na pagbalya ng anak nya sa kamay nya ay nakawala ito sa kanyang pagkakahawak. “Kasalanan mo, Daddy. Mommy cheated because you

  • My Daughter's Bestfriend   Kabanata 26

    “Good morning,” bati ni William sa kanya paglabas nya sa kwarto. Inaasahan na nya na malawak ang ngiting iyon ng lalaki pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kahapon. Siguro dahil sa pagod kaya hindi na siya nagising pa kagabi. Nakabihis na siya ng bestidang puti na galing sa loob ng closet ng anak nito. Ngumiti siya kay William, naiilang pa din sa pinag gagawa nila kahapon. Isa pa, ang awkward kung sasabayan niya ang nakakalokong ngiti nito. “Nagluto ako ng almusal. Gusto mo ba ng kape?”Umiling siya, tsaka umupo sa bakanteng upuan. “Mas gusto ko ang mainit na matcha sa umaga.”“Mahal na mahal mo talaga ang matcha no? Sabagay madaming benefits ang matcha.”Hindi siya nagkamali, di talaga katulad ng iba si William na sinasabing ang matcha ay para sa mga taong kumakamain ng damo. Di gaya ni Elton, o di kaya ng kaibigan nyang si Maggie. Speaking of Maggie, noong isang araw pa niya ito hinihintay pero walang paramdam sa kaniya. “Anong iniisip mo?” Napapiglas sya ng maramdaman na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status