Mag-log in
Lalyn's POV
Six Years Later.... "Mommy, bilis po tayo!" masayang sigaw ng maliit na boses.Si Lyra, ang aking nag-iisang prinsesa. Ilang linggo pa kami dito sa pinas ay bigla nalang nagkasakit si Lyra. Baka nga naninibago ang anak ko sa klima dito. Nagkataon kasi na summer sa bansa ngayon kaya subrang init talaga. Nandito kami ngayon sa isang hospital sa lungsod. Ang lungsod na laging maingay at laging abala na parang walang puwang para sa mga alaala. Pero para sa akin, may isang masakit na alaala na hindi kailanman nawala. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking bag habang nakatayo sa harap ng St. Mercy Medical Center. Normal na check-up lang sana ito para sa anak ko pero bakit hindi mapakali ang tìbok ng aking puso. Alam ko na, ito lang naman kasi ang hospital na ito kung saan sila sir Ethan at Theo ang magkasosyo. Ayaw ko na sanang isipin pa ang pangalan ng huli dahil sìsikip lang ang dibdib ko. Agad akong lumingon at napangiti nang makita ang anak ko. Isang batang babae na may kulot na buhok, malalaki at kumikinang na mga mata, at ngiting kayang magpahina ng kahit sino. Yakap-yakap nito ang pink na stuffed toy habang humahakbang nang pabalik-balik. "Opo baby, nandito na tayo," marahang sagot ko habang inaayos ang buhok nito. Tumingala si Lyra. "Mommy, may Daddy rin ba dito na doctor?" Bigla naman akong natigilan sa tanong ng anak ko. Simula palang na nag-three years old siya hanggang ngayon gusto na niya talagang maglaro ng doktor-doktoran. Kaya nga ba sa tuwing bumibisita ang kanyang ninang Emily at Karina ay puro mga laruan na hospital kit ang pasalubong ng mga iyon. " Mommy, dito rin ba nagwork, Ninang Karina?" masiglang tanong niya. " No,anak. Sa ibang hospital si ninang Karina nagwork." " Mommy, saan na ba kasi daddy ko? Doctor din ba siya tulad ng nakikita ko sa tv?" makulit pa din na tanong nito. Nakangiti nalang ako dahil iyong mga ibang mga magulang na magpapacheck-up din sa kanilang mga anak ay natutuwa nalang din sa kakulitan ng mga tanungan ni Lyra. " Ang ganda ng anak mo,Ma'am. Pero 'yong mata at buhok sa daddy niya yata." Wika ng katabi ko. Bigla naman akong natigilan dahil kung maari lang sana gusto ko nang i-rebond ang buhok ng anak ko. Pero hindi naman pwede dahil ang bata pa niya. Bakit naman kasi ako ang nagtiis ng mga cravings, ako iyong nagpupuyat sa loob ng siyam na buwan hanggang sa dalawang taon si Lyra. Ang kaputian lang niya ang namana sa akin. Kahit mukha niya ay may resemblance sa daddy niya na hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan. O baka naman magpakasasa na sa lungga ng ibang babae. Sa pagiging babaero na n'on, malaman ang dami na 'yong na anakan. Sabagay may kasalanan din naman ako kung bakit nangyari iyon pero ginawa ko lang 'yon para sa kaligtasan namin ng anak ko. " Mommy, gwapo din ba daddy ko?" pangungulit na tanong ulit ni Lyra. Isang tanong na palaging bumabalik. Isang tanong na pilit kong tinatakasan. Ngumiti ako nang pilit. "Baka balang araw, makilala mo rin siya,baby." Mahina kong sagot. Pumasok na kami sa mismong loob ng ospital. Malamig ang hangin. Amoy disinfectant. Malinis, pero mabigat sa dibdib. Sa reception, nag-fill up na agad ako ng form habang si Lyra ay masayang nakaupo sa tabi ko. "Pediatric consultation po," sabi ko. Tumango ang nurse. "Doctor Theo ang mag-a-assist sa inyo." Sa isang iglap, parang tumigil ang mundo ko. Doctor Theo...inulit ko pang bigkas sa mahinang boses. Hindi...imposible... Mahigpit kong hinawakan ang ballpen. "Mommy?" napatingin si Lyra sa akin, “Bakit parang natatakot po kayo?" "A-ako? Hindi ah, baby,” pilit kong sagot sabay ngiti. Ngunit bago pa ako makabawi... "Next patient." Isang boses ang narinig ko sa loob ng room. Mababa, kalmado at higit sa lahat pamilyar na boses ang narinig ko. Parang bumalik lahat ng mga pangyayari na pilit ko ng kinalimutan. " Let's go,baby...tawag na tayo," pinilit ko na maging normal ang aking boses at kahit ang kilos ko at baka magtaka ang aking anak. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng kwarto. At dito, biglang tumigil ang ikot ng aking mundo ng mapagtanto ko kung sino ang maging doktor ng anak ko. Dahan-dahang nilipat ko ang aking mga mata kay Lyra. At sa isang iglap, tila may nabasag sa loob ko. Alam kong ganito din ang naramdaman ngayon ni sir Theo. Akala ko dati, isa din siya sa may-ari ng hospital na ito. Pero ngayon, ginagamit din niya pala ang kanyang lisensya bilang pediatrician. Si Lyra naman ay ngumiti lang," Mommy, ang gwapo niya… parang prinsipe,” bulong ng anak ko.Ngunit hind sapat ang mahinang boses ng anak ko na hindi parin marinig ni Theo ang sinasabi ni Lyra. Hindi agad nakakilos si Theo. Hindi rin siya nakapagsalita agad.Nakatingin lang siya sa bata… na parang may hinahanap sa mga mata nito.Parang may kinikilala. Humakbang ako nang bahagya, hinila si Lyra palapit sa akin. "Doctor Theo…" mahinang sambit ko. Unti-unting tumingin si Theo sa akin. At sa pagkakataong ito, malamig ngunit matalim ang boses niya. "Lalyn..." Sandaling katahimikan. Isang titig na puno ng tanong.Hanggang sa lumabas ang salita na bumago sa lahat. "Sino ang batang ’yan?" Bigla akong natigilan at alam kong hindi na maitatago ang nakaraan. Hindi agad ako nakasagot sa kanya.Parang may nakabara sa aking lalamunan habang hawak ko nang mahigpit si Lyra. Si Theo. Ang lalaking iniwan ko at ang lalaking hindi ko inakalang makikita ko pa ulit. At ngayon… doktor na ng anak ko. Humakbang si Theo palapit, ang mga mata ay hindi inaalis kay Lyra. "Lalyn…" ulit niya, mas mababa ang boses ngayon. " Sino ang batang ‘yan?" Sandaling katahimikan.Tila lahat ng ingay sa ospital ay nawala. Si Lyra naman ay walang kamalay-malay sa bigat ng sitwasyon. Ngumiti pa siya at kumaway kay Theo. "Hi po, Doc Prince! Ang pogi n'yo po." Masiglang wika ni Lyra. Natigilan naman ako sa sinabi ng anak ko. Nakita ko pa ang pagkurap ni Theo. Parang may tumama sa dibdib niya. Hindi siya makagalaw.Lalyn's POVHindi ko alam kung bakit pinaghandaan ko ang araw na ito. Kanina pa ako nakatutok sa salamin pero wala akong ginalaw na kahit isang kolorete man lang para sa aking mukha. Balak ko sanang maglagay ng kaunting blush-on sa pisngi at kaunting lipstick. Pero inunahan ako ng pag-iisip na baka may masamang isipin si Theo sa akin. Baka isipin niya na pinaghandaan ko talaga ang araw na ito para sa kanya. " Mommy, are you done?" boses ni Lyra sa aking likuran. Nagulat pa ako na nasa likuran ko na pala ang makulit kong anak." Ahm, saglit nalang ito,baby." Nakita ko pa ang pag-iba ng reaksyon niya." Kanina ka pa d'yan,mommy,eh. Anong meron sa salamin? Bakit po kayo titig nang titig d'yan?" Lihim nalang akong natawa sa tanong niya. " Doon muna ako hintayin sa labas,Baby.Maglagay lang ng lipstick si mommy." " Me too,Mommy. I want lipstick too." Napailing nalang ako kay Lyra. Pero pinaintindi ko sa kanya na bawal muna siya maglagay ng lipstick sa labi niya dahil bata pa siya.
Lalyn's POV Warning‼️ Mature Content‼️ Iniwan ko muna sila sa mesa dahil hindi pa tapos si Lyra na kumain. Paano ba naman kasi dinaldalan na naman niya si Theo. Masaya naman ang huli na nakikinig sa kadaldalan ng anak ko. Mabilis akong nagpaalam nang magtanong na naman si Lyra kay Theo kung may biological daughter ba ang huli at nasaan ang pamilya nito. Hindi ko na pinakialaman ang pag-uusap ng dalawa. Tumingin lang ako kay Jucevill at nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin sa tingin. Tahimik lang siyang tumango at ngumiti. " Jesus!" malakas na bigkas ko nang madatnan ko si Theo na prenteng nakaupo sa aking kama," Papatayin mo ba ako sa gulat,Theo? Bakit ka nandito sa loob ng kwarto?" gulat ko parin tanong. Ang loko, ngumisi lang siya na diretsong nakatingin sa akin. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang hawak niya. " Same size... so,bukod sa mas lalo kang gumanda. Hindi parin nagbago ang size ng panty mo. Kulay pink..." nakangisi niyang wika. Nanati
Lalyn's POV Nagmamadali na akong umakyat ng elevator dahil gusto ko nang magpahinga. Iwan ko ba okay naman ako kaninang umaga, hindi naman masyadong tambak ang trabaho ko kanina dahil wala naman may nagreklamong mga customers sa hotel. Hinawakan ko aking kaliwang dibdib ang lakas ng tìbok ng aking puso. Shit! Nasapo ko ang aking noo dahil naiwan ko pala ang aking cellphone sa upuan ng sasakyan ni Theo. Mas lalo akong natataranta sa isipin na wala pa naman password ang cellphone ko.Hindi mo kasi nilalagyan ng password gawa ng hinihiram 'yon minsan ni Lyra. Ayaw kong disturbuhin pa niya ako sa pagbukas mg cellphone kunb may password kaya hindi na ako naglagay. " Mommy!" gulat na salubong ni Lyra sa akin. Napansin niya siguro ang pagkabalisa ko. " Hello,baby...wala bang kiss si mommy? Ikaw ha, nakalimutan mo na ang kiss ni mommy." Kunwari nagtatampo kong sabi. Humahagikhik naman siya at agad niya akong hinalìkan sa pisngi. Sabay na kaming naglakad papuntang sala. " Mommy,
Lalyn's POV Tinitigan muna ako ni Theo bago siya tumalikod sa akin. Sinundan ko na lamang ng tingin ang kanyang malapad na bulto. Kahit nakatalikod ito, maganda parin itong tingnan dahil na rin sa maganda ang tindig nito. " Mommy, where is doc prince?" agad na tanong Lyra sa akin pagbalik ko sa loob ng private room. " He went home,baby." Napansin ko naman ang biglang paglungkot ng mukha ng anak ko. Kaya napabuntong-hininga ako ng malalim. "Lyra, doc prince is a busy man. Kaya kailangan na niya umuwi dahil may gagawin pa siya,okay? Don't be sad,baby." Hinahaplos ko pa ang kamay niya. " Mommy, can we invite doc prince for dinner?" Hindi agad ako nakasagot sa gusto ng anak ko. Bakit naman kasi ganito kakulit ang anak ko may pinagmanahan din sa kakulitan. " Next time,baby. Kapag hindi na busy si doc prince." " I'm not busy." baritonong boses sa may pintuan. Sabay kaming tumingin ni Lyra sa direksyon ng pintuan. Napasinghap pa kami na si Theo pala ang nagsasalita.
Lalyn's POV Sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Lyra pagkadating ko sa condo. " How are you,mommy?" masigla niyang tanong.Ito talaga ang stress reliever ko,ang aking nag-iisang prinsesa. Kahit noon na malungkot ako,siya ang happy pill ko. " I'm fine,baby. Mommy, got tired. Can you get me a water please..." " Yes,mommy!" natawa pa ako nang sumaludo pa siya sa akin. Nilingon ko si Lexter na tahimik lang nakaupo sa sofa pero nakangiti sa akin. " Thank you sa pagsundo kay Lyra." Umiling siya," Bakit ka nagpasalamat? Hindi na iba sa akin si Lyra.Beside inaanak ko siya kaya may obligasyon din ako sa kanya. " " Ang dami mo nang nagawa sa amin ng anak ko,Lexter." " Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa akin kung sino ang ama ni Lyra? Or else kilala ko talaga ang ama ni Lyra,Lalyn." Tinitigan niya ako na parang inaarok ako na magsasabi ako ng totoo. " Hindi na kailangan na malaman mo,Lexter. Hindi na rin kailangan malaman ni Lyra ang tunay niyang ama." " Sa ti
Lalyn's POV Akala ko doon na magtatapos.Pero pagkagabi…pag-uwi ko sa hotel office area, akala ko wala na si Theo. Hanggang sa... "Miss Valeriano." Napapitlag ako.Nandun siya mag-isa. Walang staff. Walang board members. Nakaupo siya sa sofa ng lounge area, niluwagan niya ang kanyang necktie at nakatingin sa akin na parang pagod na pagod na hindi niya maipakita buong araw. “Sir Theo? Bakit po kayo nandito?” gulat kong tanong. Tumayo siya. At sa isang iglap… wala na naman ang CEO vibes niya. Ito ang napansin ko sa kanya kapag maraming mga empleyado pa ang nakapaligid sa amin umaasta talaga siyang CEO. Wala naman problema sa akin iyon dahil iyon ang tama at iyon ang nakasaad sa work ethics. Lumapit siya sa akin, mas mabagal, mas tahimik. “Ang daming tao kanina,” mahina niyang sabi. Natigilan ako. “Po? Anong meron kapag maraming tao?" tanong ko kaagad,pero kahit ang totoo alam ko naman na ang ibig niyang sabihin. Kapag sa tingin niya na kami nalang ang tao sa paligid.Nil







