LOGINLalyn's POV
Dahan-dahan siyang lumuhod para magpantay sila ni Lyra. Mas malinaw niyang tinitigan si Lyra.At doon niya napansin ang kulot na buhok.Ang hugis ng mata at ang maliit na ngiti. Parang…nag-iisip siya habang tinitigan niya si Lyra.Habang nanatili lang akong nakatayo at mahigpit na hinawakan ang aking bag. Nagsimula na din manginig ang aking kamay. Taimtim akong nanalangin na sana huwag muna ngayon dahil hindi pa ako handa na harapin ang totoo. Nandito parin iyong takot at sakit sa nakaraan. "Lalyn," muling tawag niya, mas mariin ngayon. "Sagutin mo ako." Humigpit ang hawak ko sa kamay ng anak ko. "Pasensya na, Dok… anak ko siya." Garalgal kong boses na kaunti nalang ay pumiyok na ako. Ngunit kailangan kong lakasan ang aking loob. Sandaling katahimikan.Parang tumigil ang paghinga ni Theo. "Anak mo…" ulit niya, dahan-dahan, parang sinusukat ang bawat salita. Mabilis akong tumango kahit mabigat sa dibdib. " Si Lyra." Sa pangalang iyon, tila may pumutok sa loob ni Theo. Lyra...paulit-ulit pa niyang sambit. Bigla siyang tumayo, at sa unang pagkakataon, bakas ang pagkabalisa sa kanyang mga galaw. "Ilang taon na siya?" tanong niya. "Four." Mabilis na sagot na ikinagulat naman niya. Nakita ko pa ang pagkakunot-noo niya. Isang salitang sapat para magbago ang lahat. Biglang tumahimik ang paligid pero naririnig ko parin anv malakas na kalabog ng aking puso. Ngunit sa mata ni Theo, mabilis ang pag-ikot ng mundo. " Four years..." tumatango-tango pa ito at umiigting ang kanyang panga. Na mas lalong nakadagdag sa pagiging magandang lalaki nito. Kahit nasa mabigat na tensyon ang pagitan naming dalawa sa loob ng kanyang clinic, hindi ko pa rin maiwasang lihim siyang hangaan. Sa paglipas ng mga taon, lalo lamang tumindi ang damdaming pilit kong itinatago isang paghanga na unti-unting nauwi sa mas malalim na pagtingin na hindi ko dapat nararamdaman. “Sa kabila ng malamig na aura na bumabalot sa kanya bilang isang doktor, hindi maikakaila ang taglay na kagwapuhan ni Theo. Ang matangos niyang ilong, ang matalim ngunit nakakaakit niyang mga mata, at ang presensyang tila laging kalmado ngunit dominante.Lahat ay bumabagay sa kanya na para bang ginawa para hangaan. Parang may hinahanap siyang sagot sa matematika ng nakaraan.Bigla niyang binalik ang tingin sa akin. Alam kong nakuha na niya ang sagot. Ayaw kong mag-isip o umaasa pero may nakita akong lungkot na bumabahid sa mga mata niya. “Bakit mo siya dinala dito?” malamig niyang tanong, pero may halong sakit. Hindi agad ako ako nakasagot. "Dahil may lagnat siya,"mahinang sagot ko. Ngunit alam namin dalawa na hindi iyon ang tunay niyang tanong. Naramdaman ko parin na may gusto parin siyang itanong sa akin tungkol sa pagkatao ni Lyra. Ngunit mas pinili na lamang niyang ipagpaliban. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil binalingan na niya ng atensyon si Lyra. Huminga siya nang malalim.At sa isang iglap, lumambot ang tingin niya kay Lyra. "Pwede ba kitang tingnan?"mahinahong tanong niya sa bata. Ngumiti si Lyra. "Opo, Doc Prince!" masiglang sagot naman ni Lyra. Nahabag naman ang puso ko sa eksena ng dalawa. Patawarin mo ako anak, not this time...tahimik kong bulalas. At habang tsi-ni-check ni Theo si Lyra, hindi naman niya napigilan ang sariling mga mata na muling bumaling sa akin. Lihim pa akong mapasinghap sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. May tanong...may galit... may sakit...iyan ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Kasalanan niya at may kasalanan din ako kung bakit nangyari ang sakit ng nakaraan. Pero mas mabuti nalang siguro na gan'on ang nangyari kaysa mapahamak pa kami ng anak ko. Tahimik ang silid ng konsultasyon, habang sinusuri ni Theo ang anak ko. Nakaupo naman si Lyra sa maliit na upuan, masiglang sinusundan ng mga mata ang bawat galaw niya habang tsi-ni-check ang vital signs nito. "Ang galing mo po, Doc Prince," masayang sabi ng bata. Ngumiti lamang si Theo nang bahagya, pero hindi maalis ang tingin niya sa mukha ni Lyra at minsan sa akin. "Masunurin ka pala, Lyra," marahan niyang sagot. Sa pangalang iyon, muling kumirot ang dibdib ko. Lyra... ito lang naman ang pangalan na gusto ni Theo sa magiging anak niya sana. Marahil dalaga na ang adopted daughter nitong si Lila. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaibang bigat ang bawat ulit na binabanggit niya ang pangalan na Lyra. Sa kabilang upuan, tahimik lang akong umuupo. Hawak ang aking bag, na hindi parin makatingin nang diretso kay Theo. Alam ko na darating ang araw na tatanungin parin ako ni Theo kung bakit ako umalis na hindi nagpapaalam sa kanya. At natatakot akong sagutin ang mga tanong niya na kung maaari sana ito na ang huli naming pagkikita muli. " Okay naman ang lagnat niya,” sabi ni Theo habang isinusulat ang notes. "Mild viral infection lang." Huminga naman ako ng maluwag. "Thank you, Doc." Ngunit hindi pa tapos si Theo.Tumayo siya at humarap sa akin nang tuluyan. "Lalyn…" mababa ang boses niya, "hindi ito simpleng pagkikita lang." Natigilan naman ako sa sinabi niya, nagsisimula na naman akong kabahan. “Anong ibig mong sabihin?” mahinang tanong ko. Dahan-dahang lumapit si Theo, ang mga mata ay hindi kumukurap. “Six years ago, bigla kang nawala.”Aniya. Nagulat ako pero sinisikap ko ang sariling maging kalmado. Tahimik ang buong paligid,nakita ko si Lyra na mataman lang siyang nakaupo sa upuan at walang reaksiyon na nakikinig lamang sa mahina namin usapan ni Theo. “Walang paliwanag. Walang paalam. Walang kahit ano.” Parang sumikip ang dibdib ko.Hindi agad ako nakasagot. “Ngayon…” tumingin si Theo kay Lyra, “may anak ka.” Mas lalong tumindi ang katahimikan. “Gusto kong malaman ang totoo,” mariin niyang sabi. Napayuko ako,na nagsimula ng manginig sa galit. “Wala kang karapatan…” mahinang bulong ko. Ngunit mabilis akong pinutol ni Theo. “Kung ako ang ama niya?” Parang tumigil ang mundo.Agad akong napatingin sa kanya, gulat at takot sa mga mata. “Hindi...” agad kong sagot, pero hindi ko naituloy.Dahil sa isang iglap, si Lyra ay tumayo at lumapit kay Theo. Hinawakan ng bata ang kamay niya. “Doc Prince…” malambing na sabi ni Lyra, "Ikaw po ba ang daddy ko?” Parang lahat ay biglang tumigil. At si Theo… hindi agad nakasagot. Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon hindi na niya kinailangang magtanong pa. " I'm sorry little princess...i'm not your dad. But you can call me daddy if you want." Nasaktan naman ako sa tinuran ni Theo. Iwan ko ba ito naman ang gusto ko na hindi niya malaman ang totoo pero bakit nasasaktan ako? Mas lalo nang makita ko ang lungkot ng mga mata ng anak ko.Lalyn's POV Nagpatuloy kami sa pagkain ng hapunan. Naririnig na nga namin sa bintana ang malakas na ulan na sinabayan pa kulog at kidlat. Nagmamadali kong tinapos ang pagkain dahil naalala ko si Lyra na takot 'yon sa kulog at kidlat. " Puntahan ko lang si Lyra. Ako na ang maghugas n'yan mamaya." " Ako na ang bahala sa mga hugasin natin.Puntahan mo na ang anak natin." Aniya. Pinagdiinan pa niya na anak namin si Lyra. Agad na akong sumang-ayon.Mabilis na akong umalis sa kusina. " Baby..." tawag ko pa sa anak ko.Napangiti na lamang ako nang madatnan ko sa sala si Lyra na mahimbing nang natulog sa may sofa. Dahan-dahan akong lumapit para kargahin siya papunta sa kwarto namin. May kabigatan pa naman si Lyra kaya buong lakas ko siyang binuhat. " Ako na..." nagmamadaling lumapit si Theo sa amin. Agad niyang kinuha si Lyra sa akin. Nagkatinginan pa nga kami nang masagi niya ang dibdib ko. Pakiramdam ko pa sa oras na ito ay nangangamatis na sa pagkapula ang pisngi ko. Naki
Lalyn's POV Sinadya ko na tumikhim ng malakas para marinig ni Lyra. Nakangiti siyang lumabas sa pinagtaguan niya." Come here, little princess..." masayang tawag ni Theo kay Lyra.Mabilis naman naglakad si Lyra papunta sa mesa. " Maupo ka muna, baby.Matagal pa maluto 'tong ulam natin." Agad naman siyang umupo. Tumabi rin ako ng upo sa kanya.Samantalang nanatili lamang na nakatayo si Theo na nakasandal sa alababo. " Daddy doc, gusto ko po makilala si ate Lila.I want to be her sister too." Masiglang wika ni Lyra.Agad naman kaming nagkatinginan ni Theo. Nakangiti siya sa akin kaya sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti. " Gusto mo ba ng kapatid,Lyra?" biglang tanong ni Theo kay Lyra."Hmm...kapag gusto ni mommy gumawa ng little sister ko." Inosenteng pagkasabi ni Lyra.Na para bang ang daling gumawa ng bata. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Theo. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. " Mommy, I want little sister.Kasi may big sister na ako si ate Lila," baling naman sa akin ni Lyr
Lalyn's POVSa biyahe pauwi, nanatili lang akong tahimik dahil alam kong na wala na akong takas sa oras na ito. Nakalimutan ko nga na makapangyarihang tao si Theo. Kung gustuhin niya talaga ay magagawa niya. Akala ko makakatakas na ako sa realidad dahil nagawa ko naman itago ang katotohan sa loob ng anim na taon. Ngunit nagbago ang lahat nang bumalik ako sa Pilipinas. Akala ko hindi na magtagpo ang landas namin dahil wala na akong komunikasyon sa kanya at sa mga taong konektado su Theo maliban nalang kay Emily at sir Ethan. " Are you okay? Don't worry, ayaw ko naman na madaliin ka. Sapat na sa akin na makasama ko kayo." Aniya.Nilingon ko siya na bumalik na ang kanyang atensyon sa manibela. " Pwede bang ipagpaliban muna natin ang usaping ito?" mahinahon kong sabi. Tiningnan ko muna si Lyra sa rear mirror. Busy ang anak ko sa katitingin sa labas ng bintana.Narinig ko ulit ang mabigat ng kanyang buntong-hininga." Okay, pero sana huwag na natin patagalin ito,Lalyn. Huwag mong antayi
Lalyn's POVPAGPASOK pa lang namin sa loob ng mall. Halos lahat ng mga nakasalubong namin,hindi na maalis ang tingin nila kay Theo. Kaya naiinis ako kapag kasama ang lalaking ito laging agaw pansin. Nagseselos ka kasi... pang-aasar sa akin sa magkabilang isipan ko. " Doc prince, I'm so happy..." masayang sambit ni Lyra." Because?" malambing na tanong ni Theo." We're happy together." bibong sagot naman ni Lyra.Medyo natawa ako doon sa sinabi ng anak ko.Nahuli pa nga ako ni Theo na may ngiti sa aking labi. Ngumiti din siya sa akin na ikinapula naman ng pisngi ko.May kunting kilig kasi akong naramdaman kahit hindi naman dapat. " Mommy, gusto ko po ng make-up kit 'yong pwede po para sa bata." " Don't worry,little princess. We will buy that later." Masayang sambit ni Theo, na hinahaplos pa ang buhok ni Lyra. Para naman akong na guilty sa nakita kong sweetness ng dalawa.Alam ko na magagalit sa akin si Theo oras na malaman niya ang totoo. Hindi lingid sa kaalaman ko na lihim niyang
Lalyn's POVHindi ko alam kung bakit pinaghandaan ko ang araw na ito. Kanina pa ako nakatutok sa salamin pero wala akong ginalaw na kahit isang kolorete man lang para sa aking mukha. Balak ko sanang maglagay ng kaunting blush-on sa pisngi at kaunting lipstick. Pero inunahan ako ng pag-iisip na baka may masamang isipin si Theo sa akin. Baka isipin niya na pinaghandaan ko talaga ang araw na ito para sa kanya. " Mommy, are you done?" boses ni Lyra sa aking likuran. Nagulat pa ako na nasa likuran ko na pala ang makulit kong anak." Ahm, saglit nalang ito,baby." Nakita ko pa ang pag-iba ng reaksyon niya." Kanina ka pa d'yan,mommy,eh. Anong meron sa salamin? Bakit po kayo titig nang titig d'yan?" Lihim nalang akong natawa sa tanong niya. " Doon muna ako hintayin sa labas,Baby.Maglagay lang ng lipstick si mommy." " Me too,Mommy. I want lipstick too." Napailing nalang ako kay Lyra. Pero pinaintindi ko sa kanya na bawal muna siya maglagay ng lipstick sa labi niya dahil bata pa siya.
Lalyn's POV Warning‼️ Mature Content‼️ Iniwan ko muna sila sa mesa dahil hindi pa tapos si Lyra na kumain. Paano ba naman kasi dinaldalan na naman niya si Theo. Masaya naman ang huli na nakikinig sa kadaldalan ng anak ko. Mabilis akong nagpaalam nang magtanong na naman si Lyra kay Theo kung may biological daughter ba ang huli at nasaan ang pamilya nito. Hindi ko na pinakialaman ang pag-uusap ng dalawa. Tumingin lang ako kay Jucevill at nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin sa tingin. Tahimik lang siyang tumango at ngumiti. " Jesus!" malakas na bigkas ko nang madatnan ko si Theo na prenteng nakaupo sa aking kama," Papatayin mo ba ako sa gulat,Theo? Bakit ka nandito sa loob ng kwarto?" gulat ko parin tanong. Ang loko, ngumisi lang siya na diretsong nakatingin sa akin. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang hawak niya. " Same size... so,bukod sa mas lalo kang gumanda. Hindi parin nagbago ang size ng panty mo. Kulay pink..." nakangisi niyang wika. Nanati







