Share

Kabanata 3: Paid

Author: Red Angel1221
last update publish date: 2026-07-02 17:40:52

Lalyn's POV

Pagkatapos ng check-up ni Lyra,agad ulit nagtawag si Theo ng ibang pasyente. Bago kami tuluyan makalabas ng room ay may pahabol muna siya sa akin.

'" Hanggang sa muli natin pagkikita,Llayn." Aniya.

Agad ko nang hinawakan ang kamay ni Lyra at mabilis na kaming lumabas ng konsultasyon. Agad akong lumapit sa reception para magbayad.

" Ma'am, okay na po..." nakangiti nitong sabi.

Naguguluhan naman ako kung anong ibig niyang sabihin na okay.

" Anong okay na po,miss?"

" Bayad na po ang check-up ng anak po ninyo."

" What!?"

" Mommy,come on...bayad na nga daw po. Can you tell to doctor prince, thank you.And I want to be his friends..." maarteng sambit ni Lyra sa babaeng receptionist.

Napatutop nalang ako sa aking noo. Nahihiya ako sa mga receptionist dahil natawa sila sa pinagsasabi ng anak ko.

" Lyra, stop it! Let's go,okay?"

" Mommy... gusto kong pumunta sa mall. You told me last time, we will buy a doll."

" Anak, pwede bang sa susunod nalang. Hindi maganda ang pakiramdam ni mommy,okay?"

Nakanguso naman agad ito na tila nagpapacute na naman sa akin. Pero hindi uubra ang pag-iinarte niya sa akin ngayon. Gusto ko munang takasan ang realidad. Ayaw ko pang i-absorb sa isipan ko na nagkita kami ulit ngayon ni Theo at kasama ko pa si Lyra.

" Mommy, bakit po same kami ng hair at eyes ni doc prince? Is he my real dad?" tanong ni Lyra. Mabuti nalang na sa labas na kami ng hospital wala nang makakarinig sa amin.

" Baby, wag ka ng maraming tanong,okay? Masakit ang ulo ni mommy."

Tahimik naman itong tumango at niyakap ako sa baywang. Ito talaga ang kahinaan ko ang pagiging sweet ng anak ko. Kaya himdi ko papayag na halungkatin pa ang nakaraan. Masaya na ako na kasama si Lyra.

" Mie, hindi ba pupunta si daddy Lexter sa house ngayon?"

" Ahm, gusto mo ba papuntahin natin daddy Lexter mo?" nakangiti kong tanong sa anak ko.

" Yes...para magplay po kami. I miss him badly, tagal ko na siyang hindi nakita,eh."

" Okay, I will call him."

Maya-maya pa ay may magarang sasakyan na ang huminto sa harapan namin ni Lyra. Lumalabas dito ang nakangiting si Lexter. May bitbit pa nga itong pumpon ng bulaklak.

" For you, Lalyn... and for you my beautiful princess..." tig-isa kami ni Lyra na inabutan ni Lexter ng bulaklak.

Humahagikhik naman ng tawa si Lyra na tila kinikilig siya sa ginawa ni Lexter sa amin.

" Tayo na... " yaya ni Lexter sa amin na mabilis na niyang kinarga si Lyra. Hinapit din niya ang baywang ko. Kaya kung titingnan kami ngayon ay larawan kami ng masasayang pamilya.

Lumingon pa ako sa entrance ng hospital dahil pakiramdam ko may nakamasid sa amin. Muntikan na akong matisod nang sa paglingon ang madilim na mukha ni Theo ang nakikita ko.

" Careful,Lalyn..." mahinang bulalas ni Lexter. Hanggang sa pumasok na ako sa loob ng sasakyan pakiramdam ko ay sinusundan parin kami ng tingin ni Theo.

" Okay ka lang? Kumusta ang check-up ni, Lyra?" binalingan ako ng tingin ni Lexter. Tiningnan ko din sa likuran si Lyra na malungkot habang nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan.

" Okay naman normal na lagnat lang," walang ganang kong sagot. Iwan ko ba ang bigat ng aking pakiramdam sa oras na ito. Hindi ako mapakali,hindi ko mawari kung anong pwede kong maramdaman sa oras na ito.

" Okay ka lang?" nag-alalang tanong ni Lexter sa akin.Tahimik lang akong tumango.

" May alumni nextweek sa batch natin sa isang resort daw gaganapin sasama ka ba?"

" Hindi muna..."

" Hey, are you sure you're okay?"

"Oo naman siguro napagod lang ako,Lexter. Pwede bang umidlip saglit?"

" Oo naman..."

" Thank you..."

Ngumiti lang ako at naramdaman ko na ang bigat ng talukap ko. Napasinghap pa ako ng mahina dahil sa pagpikit ko ang gwapong mukha ni Theo na ngumiti ang nakita ko.

SABAY na kaming pumasok sa loob ng condo unit na nabinili ko. Nakabukod kami ni Lyra kasama namin ang nagbabantay ng anak ko na si Jucivelle.

" Ate, kumusta ang check-up ni Lyra?" agad na tanong ni Jucevill.

" Okay naman normal na lagnat lang."

" Guys, I think kailangan natin mag-order ng pagkain para makakain na tayo." Singit naman ni Lexter.

" Nagpadeliver na ako." Mabilis na sagot ko. Nagpaalam muna kami ni Lyra na papasok muna sa kwarto para magpalit mg damit.

" Mommy, ang pogi ni doc prince,noh? Kasi pareho kami ng hair at eyes."

Natigilan ako bigla dahil hindi parin mawaglit sa isipan ng anak ko si Theo. Katulad ko ay gan'on din ang naramdaman ko, hindi na mawaglit sa akin ang gwapong mukha ni Theo. Hanggang ngayon naramdaman ko parin ang pangangatog ng aking tuhod.

" Yes,anak pogi si doc prince.Pero ba, baby, huwag mo nang banggitin si doc prince kapag nandito si daddy Lexter mo."

" Ahm, why naman po?" malambing parin niyang boses kahit naguguluhan ang anak ko.

" Basta please,baby...be good to mommy,okay?"

" Okay,mommy...I love you."

Kahit naguguluhan nagawa nalang tumango ni Lyra sa akin. I'm sorry anak kung naging kumplikado si mommy. Bulalas ko sa sarili.

Paglabas namin ni Lyra galing kwarto,naabutan namin si Lexter na mataman lang nakaupo sa sala habang may katext sa cellphone.

Agad naman itong ngumiti nang makita kami ni Lyra. " Hello, my little pinces? Are you hungry now?" masayang tanong ni Lexter sa anak ko habang kinakarga niya si Lyra at pinaupo sa kanyang kandungan.

" Hindi pa ba dumating ang order natin, Jucevill?"

" Hindi pa po,Ate. Baka 'iyan na..." mabilis na tumayo si Jucevill para tunguhin ang pintuan pero mabilis ko siyang pinigilan.

" Ako na...ihanda mo nalang ang mga pinggan para makakain na tayo."

" Sige po,Ate."

Iniwan ko muna sila Lexter at Lyra sa sala para pagbuksan ang delivery man. Hawak ko na din ang pera para sa bayad.

" Good evening,ma'am. Here's your order." Nakangiting bulalas ng delivery man.

" Thank you..." nang akmang ibigay ko na ang bayad ay mabilis siyang nagsasalita.

" Bayad na po ito,Ma'am." Nakangiti parin niyang sabi.

" Ha? Paano naging bayad? Eh, cash on delivery ito."

" May nagbabayad na po sa akin,ma'am. Boyfriend mo daw siya at pinasabi po ni sir hihintayin ka daw niya sa lobby."

" W-what?" nagtataka kong tanong.

" May kailangan pa po ba kayo,ma'am? Maari na po akong umalis?"

" Ah,okay.Salamat."

Sinundan ko nalang nang tingin ang delivery man na naglalakad papalayo.Samantalang nakatitig lang ako sa hawak kong order na pagkain.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me(SPG)   Kabanata 48: Leave

    Lalyn's POV Parang may anghel na dumaan sa harapan namin ni Geena. Bigla kaming natahimik, wala ni isa sa amin ang naglakas loob na magsalita. Hindi na niya tinapos ang kanyang pagkain sa plato. Magalang siyang nagpaalam sa akin na aakyat na siya ng hagdan. Hindi ako galit sa kanya dahil naunawaan ko na ngayon ang naramdaman niya. Pero nagtatampo ako sa kanya, dahil pakiramdam ko hindi siya masaya na kasama ako. Napilitan lang pala siyang pakisamahan ako. Ganoon na ba ako kasamang ate? Ang hirap ko bang pakisamahan? Partida, hindi oa siguro alam ni Geena na buntis ako. Parang wala na siyang pakialam sa buhay ko. " Honey, what are you doing here?" Nilingon ko agad si Theo na nasa pintuan palang. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. " Nagutom ako." " Okay. Anong gusto mong kainin?" " Nawala na ang gutom ko." Natawa siya ng bahagya. " Is that so? Ang bilis naman ng transition ng cravings mo, honey." " Wala akong gustong kainin,okay? Nawala na iyon

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me(SPG)   Kabanata 47: Tirìk (SPG)

    Lalyn's POV Warning ‼️ SPG Alert‼️ Kanina pa ako niyaya ni Theo na matulog na kami ngunit mabilis akong tumanggi. Dahil may hinihintay pa ako. " Masama sa buntis ang magpupuyat, honey." " Hindi pa kasi ako inaantok. Isa pa, may hinihintay pa ako." " Kausapin mo nang maayos ang kapatid mo. Huwag mo lang siyang pagalitan dahil mas lalong magrerebelde ang bata." " Hindi na siya bata, Theo.Twenty-one na si Geena kaya alam na niya ang ginagawa niya." " That's my point. Kaya hayaan mo na siya dahil alam na ni Geena ang ginagawa niya, honey." " Nandito siya puder ko kaya obligasyon ko ang kaligtasan niya." " Baka nasakal na ang kapatid mo sa'yo." Napalingon ako sa kanya. Nasaktan ako doon sa sinabi niyang baka nasakal na si Geena sa akin. " Nakakasakal na ba ngayon ang pagiging protective?" Mabilis niya akong inakbayan at pinasandal sa headboard ng kama. " Minsan, kapag masyado ka nang naka-focus sa isang tao, nagsasawa rin sila, lalo na kapag pakiramdam ni

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me(SPG)   Kabanata 46: Hate

    Lalyn's POV Napangiti ako na normal naman ang resulta lahat ng laboratory ni Theo. Ngumiti din sa akin ang doktor. " Hindi lang nagustuhan ng sikmura ni Mr. De Vera ang kinain niya ngayon.Sa test result niya ay normal naman kaya walang dapat ipag-alala,Mrs.De Vera." " Thank you,doc." Agad nang nagpaalam ang doktor sa akin. Agad naman naglapitan sila Lila at Lyra. " Is daddy okay,mommy?" tanong ni Lyra. " Yes, baby... okay na ang daddy." Nagyakapan naman ang dalawa. Nagpaalam muna ako sa kanila na bumalik na ng kwarto para matingnan ko si Theo. Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto. Naabutan ko si Theo na ang lalim ng iniisip. " Kumusta, honey?"malambing na tanong ko sa kanya. Agad siyang ngumiti nang makita niya ako. " May problema ba? Nakita ko na ang results ng mga laboratory mo normal naman lahat.Kaya sabi ng doctor there's nothing to worry about." Matamis siyang ngumiti." Yeah, there's nothing to worry about. I've told you, sa kinain ko lang siguro."

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me(SPG)   Kabanata 45: Cravings

    Lalyn's POV Hindi pa man kami tuluyang nakarating ni Lyra sa kusina na naririnig na namin ang boses ni Theo. " Honey..." tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon dahil kapag gagawin ko iyon makita niya reaksyon ng mukha ko. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Daddy, you're here." " Yes, little girl." " Daddy, I'm not a little girl anymore.Magiging ate na ako diba?" Natawa si Theo." Alright...so, can you go upstairs. Maligo ka na dahil ihatid na kita sa school." " Wala po kaming pasok, daddy.Pero aalis na ako hindi ko na sasamahan si mommy sa kusina.Nandito ka na eh." " That's a better idea." Mabilis nang nagpaalam si Lyra sa amin. Tumikhim muna si Theo bago ako binalingan. Nanatili lang akong nakayuko. " Hi, honey... hindi ka ba nangangalay? Kanina ka pa nakayuko diyan?" narinig ko ang mapakla niyang tawa," I think you have some unfinished business that you need to settle." “Theo…” Kinagat ko ang aking labi para hindi ako matawa. Nagpapacute muna a

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me(SPG)   Kabanata 44: Good news

    Lalyn's POV Nagising ako na parang bumaliktad ang aking sikmura.Napapikit ako nang mariin habang mabilis na inilapat ang isang kamay ko sa aking tiyan. “Diyos ko…” Hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon o talagang masama ang pakiramdam ko.Muli akong napalunok. Isang kakaibang hilo ang dumaloy sa buong katawan ko. Parang may umiikot sa loob ng aking ulo habang ang sikmura ko naman ay patuloy na nagrereklamo. Hindi ko na napigilan.Mabilis akong bumangon mula sa kama at halos matisod sa sarili kong paa habang nagmamadaling pumunta sa banyo. Pagdating ko sa loob ng banyo, agad akong yumuko sa harap ng inodoro.Ilang sandali akong nanatili roon. Ngunit walang lumabas. Tanging malalim na paghinga at paminsan-minsang pag-ubo lamang ang narinig ko. “Bakit ganito?” Napahawak ako sa dibdib ko.Hindi naman ako nagkasakit nitong mga nakaraang araw.Pero ilang araw na akong madaling mapagod.Madalas din akong inaantok. At nitong mga nakaraang umaga, kakaiba talaga ang pakiramdam ng tiya

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me(SPG)   Kabanata 43: Twisted

    Lalyn's POV “Since when?” “Five years ago.” Napatawa ako nang mapait. “Five years…” Tumulo ang luha ko. “So everything was a lie?” “No.” “You knew me!” “Yes.” Nanigas ako. “What?” Hindi siya agad nagsalita. “Say it.” “Honey…” Napayuko siya. Naramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko. “Then why?Bakit pinaramdam mo sa akin na hindi mo alam na ako ang babaeng napagkamalan mong binayaran mo sa gabing iyon.” “Because I was trying to protect you.” “Protect me?” Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak. “From what?” “From my family.” Hindi ako makapagsalita.Family? Bakit niya ako gustong protektahan sa pamilya niya. Okay naman ako sa kanila hindi naman sila hadlang sa amin ni Theo. Sa katunayan, umattend pa nga sila ng kasal namin.Maliban nalang pala sa daddy niya. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko dahil simula palang pala kilala na niya ako. Pero hinayaan niyang mangyari ang lahat. Iyon ba sinasabi niyang prote

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status