Share

Chapter 10

Penulis: Inabels143
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-29 22:08:50

Chapter 10

Naaalala ni Naomi na isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Cormac na abala siya at sa susunod na linggo na lamang niya kunin ang aso.

Ilang araw pa lang ang nakaraan nang kausapin niya si Lola Maria tungkol sa pag-aalaga ng aso. Agad pumayag ang matanda; may maliit na terasa kasi sa labas ng kanilang silid sa attic kaya may malaya itong gagalawan. Nang magpasiya si Naomi na alagaan ang aso, pinangako niya sa sariling pag-aaralan niyang mabuti ang pagpapalaki rito. Basta’t hindi gaanong maingay at di istorbo sa kapitbahay, makakasama pa ito ni Neri kapag siya’y abala.

Maraming puamsok sa isipan niya nitong isang linggo. At isa roon kahit wala mang kasintahan si Cormac, imposibleng sila pa rin ang magkatuluyan.

Mula ngayon, iiwasan na niya ang numero ni Cormac kapag may follow-up checkup sa ospital. Malaki ang Manila kaya maliit ang posibilidad na lagi silang magkita.

Napansin ni Hannah ang kunot sa noo ni Naomi. “Ano’ng problema? May nangyari ba?”

“Wala naman.” Um
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 13

    Chapter 13Hindi rin nakatulog si Cormac. Mayroon pa siyang aasikasuhing operasyon kinaumagahan, kaya dapat ay maaga siyang makapagpahinga. Subalit paikot-ikot siya sa higaan, binabaha ng paulit-ulit na alaala ang kanyang utak. Ilang beses siyang pumikit, pilit na tinataboy ang iniisip, pero bawat sulyap niya sa kisame ay parang imahe ni Lydia ang nakaukit doon.Sa huli, napilitan siyang uminom ng sleeping pill. Ngunit maya-maya lang ay muling lumitaw ang mukha ni Lydia sa kanyang isip.Umuulan noon at halos wala nang tao sa parking lot ng campus nang makita ni Cormac si Lydia na pawisan at may dalang maliit na karton. “Lydia, ano ’yang dala mo?” tanong ni Cormac, nakataas ang isang kilay.Lumapit ang babae, at nang idikit sa kanya ang karton, sumilip ang isang gusgusing tuta na payat, nanginginig, at may sugat sa tenga.“Napulot ko lang sa labas. Walang pumapansin, kawawa naman. Cormac… pwede bang ikaw muna ang mag-alaga?” Nagmamakaawa ang mata ni Lydia.Napasinghal si Cormac. “Ako?

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 12

    Chapter 12Malinaw na hindi naniwala si Cormac. Dumulas ang kanyang mga mata sa mukha ng babae, parang gustong basahin ang nakatagong lihim.Uminit ang hininga ni Naomi. Mahigpit niyang kinuyom ang tuta sa kanyang mga bisig at kusang umatras ng dalawang hakbang, hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa malamig na pader ng elevator.“Tanong lang naman, Miss Mendoza. Bakit ka ba parang kabado?” malamig at mabagal ang tinig ng lalaki.Pinilit ni Naomi na huwag ipakitang nanginginig ang boses niya. “Dr. Lagdameo,” matigas ang tinig niya, “hindi ba sa tingin mo masyado nang bastos ang ginagawa mo?”“Nakatayo lang ako sa labas ng elevator, dalawang metro ang layo sa iyo, tatawagin mo akong bastos?” Pagkasabi noon, tumigil siya sandali, saka dahan-dahang ngumisi. “O baka naman… may tinatago ka?”Nanlamig ang batok ni Naomi. “Kung mayroon man akong tinatago,” mabilis ang sagot niya, “ikaw ang huling taong dapat makialam.”Bahagya pang lumapit si Cormac, hindi para pumasok kundi para lalo siy

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 11

    Chapter 11Biglang gusto ni Naomi na tumakbo paalis. Ngunit may bahagyang tinig sa loob niya na ayaw pang bumitaw.Mahigpit ang pagkakayakap sa kanyang baywang ni Cormac.Pinilit ni Naomi ang sarili na amgsalita“Dr. Lagdameo," mariing bigkas niya.Saka lamang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. Mabilis siyang tumayo, humakbang papalayo sa lalaki, saka huminga nang malalim.“Dr. Lagdameo,” wika niya. “Kung ayaw mong igalang sarili mo, pwes igalang mo ako.”Pagkasabi nito, bigla siyang tumalikod at lumabas.“Paggalang sa sarili…” marahang ngumiti si Cormac. Sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Naomi.Ang mahabang palda blue nito ay lumilikha ng banayad na alon habang ito'y naglalakad, at may manipis na halimuyak na sumasabay sa hangin. Napakagat labi siya habang nakatitig sa manipis na bewang ng babae. Hindi niya napigilan ang sariling ilagay ang daliri sa sariling labi at ngumiti.Makalipas ang ilang minuto, palabas na rin si Cormac mula ospital at sa di-kalayuan ay na

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 10

    Chapter 10Naaalala ni Naomi na isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Cormac na abala siya at sa susunod na linggo na lamang niya kunin ang aso.Ilang araw pa lang ang nakaraan nang kausapin niya si Lola Maria tungkol sa pag-aalaga ng aso. Agad pumayag ang matanda; may maliit na terasa kasi sa labas ng kanilang silid sa attic kaya may malaya itong gagalawan. Nang magpasiya si Naomi na alagaan ang aso, pinangako niya sa sariling pag-aaralan niyang mabuti ang pagpapalaki rito. Basta’t hindi gaanong maingay at di istorbo sa kapitbahay, makakasama pa ito ni Neri kapag siya’y abala.Maraming puamsok sa isipan niya nitong isang linggo. At isa roon kahit wala mang kasintahan si Cormac, imposibleng sila pa rin ang magkatuluyan.Mula ngayon, iiwasan na niya ang numero ni Cormac kapag may follow-up checkup sa ospital. Malaki ang Manila kaya maliit ang posibilidad na lagi silang magkita.Napansin ni Hannah ang kunot sa noo ni Naomi. “Ano’ng problema? May nangyari ba?”“Wala naman.” Um

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 9

    Chapter 9Napailing na lamang ang ginang. “Inaasar mo nanaman ata ang kapatid mo.”Pumasok ang inang si Olivia. Agad nitong dinakma ang kamay ni Cormac at nag-usisa. “Anak, naghahanap ka ba ng kasintahan o ng modelong pang-rampa? Ang mga pamantayan mo, puro numero at sukat. Hindi ka naman engineer…” “Ma, I’m busy. Please iwan niyo muna ako,” agap ng anak.“Oh, okay.” +Mabilis na isinara ang pinto ni Mrs. Olivia.Bumuntong-hinga ito pagkalabas at naroon pa rin si Georgia na natatawa dahil hindi manlang tumagal ng dalawang minuto e lumabas na rin.“Huwag mo munang ipapaalam sa ama mo ang type na babae ng kapatid mo. Baka sabihing kabastusan at kababawan lang alam,” sermon dito.“Ma…” maingat ang boses ni Georgia, “naaalala mo ba… noong nasa college si Cormac? May girlfriend siya…”“Naaalala ko. Dahil sa babaeng ’yon kaya pinaalis si Ace Mirando papuntang abroad…” Malinaw sa isip ni Mrs. Olivia ang nangyari noon. Siya mismo ang nakakita ng gulo.Halos nakalimutan na ni Mrs. Olivia ang

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 8

    Chapter 8Pagkapasok ni Naomi sa sala, halos pumikit na sa antok si Neri. Binuhat niya ang bata papasok sa kuwarto, marahang hinaplos ang likod, saka isiniksik sa mga braso nito ang pink na rabbit na laruan.Inayos niya ang gamit ng anak para sa eskuwela, saka napatingin sa munting asong kulay krema na nakahiga sa lumang diyaryong ginuhitan ng kamay.Napabuntong-hinga si Naomi. Nagpasya siyang dumaan bukas sa pet shop para tumingin ang mga aso.Ibinagsak naman ni Cormac ang cellphone sa mesa sa tabi ng kama. Nakapulupot sa leeg niya ang gray na tuwalya, pinupunasan ang basa niyang buhok.Nakatayo malapit si Georgia, sunod-sunod ang tanong.“Babaeng pasyente ba ’yon? Bata at maganda ang boses ha. Single ba? Pabebe ka magsalita ha. Siya ba may-ari nitong aso?”“Ate Georgia, kailan ka naging tsismosa?” Mababa ang tinig ni Cormac, nakapikit ang talukap habang binabanggit ang pangalan nito.“Aba, nag-aalala lang ako sa ’yo ‘no. Wala ka bang balak mag-asawa?”Bahagyang kumurba ang kanyang l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status