Share

Chapter 2

Author: Inabels143
last update Huling Na-update: 2025-09-26 08:37:32

Chapter 2

Hindi inasahan ni Naomi ang biglaang tanong ng anak.

Napatingin siya sa mga mata ng bata na puno ng inosenteng kuryosidad. Sandaling natigilan si Naomi.

Doon niya muling napagtanto na ang batang nasa harapan niya, na matagal nang may sakit sa puso at mas payat kumpara sa mga kaedad, ay anim na taong gulang na. Habang lumalaki, nagiging mas sensitibo ito sa kawalan ng isang ama. Unti-unti ring nawalan ng bisa ang paulit-ulit niyang kasinungalingan na nasa malayong lugar ang Daddy niya.

Sa drawer ni Naomi, may nakatabing larawan nilang dalawa ni Cormac. Minsan na iyong nakita ng kanyang anak. Hindi niya inakalang bata pa ito para maalala iyon, ngunit mali siya.

Larawan iyon noong college sila. Isang class photo ng top three students. Maingat niyang ginupit ang isa pang tao roon, iniwan lang silang dalawa.

Hindi rin niya naisip kahit kailan na darating ang panahon na muli silang magtatagpo ni Cormac—kasama pa ang anak nila at dito mismo sa lungsod na matagal na niyang gustong iwan.

Biglang prumeno ang driver, dahilan para bumangga sila sa upuan sa harapan. Kusang niyakap ni Naomi ang anak upang protektahan ito. Pagkaraan ng ilang segundong katahimikan.

“Hindi siya ang daddy mo,” mahinahon niyang sagot sa anak.

“Pero, Mommy,” sagot ng bata, “ang bait ng doctor na ’yon… kamukha talaga niya si Dad.”

Natigilan si Naomi. Ilang segundo bago siya muling nakapagsalita.

“Magkamukha lang sila…” mahina niyang tugon. “Pero hindi siya iyon, okay?”

Tumango ang anak niya. “Hmm.”

PAGDATING nila sa bahay, kumatok si Naomi sa pintuan ni Lola Maria sa ibaba. Mag-isa itong nakatira roon, at kilala sa buong komunidad dahil sa pagiging masungit.

Dalawang taon na ang nakalipas nang makilala ni Naomi si Glenn Guerrero, anak ni Lola Maria. Noon ay nahirapan siyang ipasok ang anak sa kindergarten dahil sa mga papeles. Nagkataon namang naghahanap si Glenn ng taong maaaring pakasalan agad, upang matupad ang hiling ng kanyang maysakit na ama na makita ang magiging manugang bago ito pumanaw.

Matapos ang mabilis na kasal at diborsyo, nakapag-asawa’t naghiwalay din sila kaagad—isang pormalidad lamang upang mairehistro ang apelyido ng bata. Namatay ang matanda kinagabihan. Galit na galit si Lola Maria nang malaman ang nangyari, pero nauunawaan din niya ang pagiging masunurin ng anak sa huling hiling ng ama.

Mula noon, nanirahan na lang ang matanda mag-isa. Nakita nito si Naomi at ang kaniyang anak kaya pinatira niya ito sa attic ng kanyang lumang duplex. May sariling pasukan ang attic, may dalawang kuwarto at maliit na terasa. Nagbabayad naman si Naomi ng upa. 

Isang beses, muntik nang mamatay si Lola Maria matapos mabulunan sa mani, at si Naomi ang sumaklolo. Simula noon, lumalim ang kanilang samahan.

Ang duplex ay luma at sira-sira na, walang elevator at walang parking. Ngunit mura ang bayad sa maintenance, kaya doon sila nanatili.

Kinagabihan, nagtungo si Naomi sa kusina. May nakatabing frozen dumplings sa refrigerator kaya iyon ang niluto niya. Habang abala siya, lumapit si Lola Maria sa kaniya.

“Naomi, dapat maisagawa na ang operasyon ni Neri. Kung wala kang pera, ako na ang magpahiram sa'yo para sa kapakanan ng anak mo. Isipin mo na lang utang ito,” wika ng matanda.

Alam ni Naomi na may naipon ang matanda, ngunit iyon ang tinatawag na “coffin money” o ipon para sa sariling katandaan. Hindi niya maatim na gamitin iyon para sa anak, lalo’t hindi nila alam kung kailan kakailanganin ni Lola Maria ang sariling pera.

Hinawakan niya ang kamay nito, “La, salamat po sa alok niyo pero hind na po. Nakakaipon naman po ako kahit papaano.” Ngumiti siya at mahinahong tumanggi.

KINAHAPUNAN, nagtungo siya sa G&C Design Studio sa ika-15 palapag ng gusali. Pagkapasok pa lang niya, agad siyang sinalubong ng kanyang clerk na si Hannah.

“Ma’am Naomi, hinahanap ka ni Director Shane sa office.”

Si Shane Monte Carlos ang kanilang design director, at siya ring direktang boss ni Naomi. 

Nang kumatok siya at pumasok, abala pa ito sa tawag. Isang sulyap lang ang ibinigay sa kanya bago siya tinanguan na maghintay. Pinagmasdan na lang ni Naomi ang oras sa kanyang relo.

Labing-tatlong minuto pa ang lumipas bago ibinaba ni Director Shane ang telepono.

“Naomi, na-reject ng client ang huling submission ng design department. Kailangang i-revise at maipasa bago matapos ang linggong ito. Masyado raw konserbatibo at walang dating. Lagyan mo ng kakaiba halimbawa, polka dots, dark embroidery, gano’n.”

“Director Shane,” maingat na sagot ni Naomi, “ang brand concept ng VL ay elegant and refined. Target nito ang 30+ market, ayon mismo sa feedback ng marketing at sales.”

“Ako ba ang director o ikaw?” malamig na putol nito.

“Ikaw po.” Napakagat labi na lang siyang tumango.

Tahimik na bumalik si Naomi sa kanyang workstation. Doon, pinulong niya ang ilang kasamahan upang pag-usapan ang direksyon ng revision. Ngunit hindi nagtagal, nagbulung-bulungan na sila.

“Grabe, ano bang aesthetic meron si Director Shane? Polka dots tapos may dark embroidery? Elegant and graceful dapat ang VL e. Poisonous talaga taste niya.”

“Tayo ang kawawa niyan. Lagi tayong tagasalo para ayusin ang kapalpakan ng gusto niyang design.”

“Uy, narinig n’yo? May interview raw si Director Shane sa Escudero Fashion Media ngayong Sabado. Feature daw about ‘the rise of a top designer.’ Puro connections lang naman.”

“Eh kasi anak siya ng dating big boss. Third-generation rich kid. Nag-design director lang siya dito for fun. Si Mr. Albano, partner ng LM, kaibigan din ng pamilya nila.”

“Shhh, hinaan n’yo boses n’yo!”

Hanggang gabi, abala si Naomi sa trabaho. Samantala ay ka-video call niya ang anak niya. Masaya nitong ibinalitang nakapag-dinner na siya. 

“Hi, baby girl!” Dumaan si Hannah at kumaway kay Neri sa video. 

Napangiti si Hannah ngunit nagulat dahil tatlong taon na silang magkasama sa opisina, ngayon lang niya nalaman na may anak si Naomi.

Mas lalo siyang namangha nang makita ang mukha ng bata dahil makinis ang balat nito at maputi. Napakaganda ng mga mata’t ngiti. Para bang bagong graduate lang si Naomi at hindi na halos kapanipaniwala na may anak na siyang anim na taong gulang.

Tinapik ni Hannah sa balikat si Naomi. “Sige na, umuwi ka na at samahan mo na ang anak mo. Mag-overtime pa kami ng kalahating oras bago makakaalis.”

Nang muling tumunog ang cellphone, nasa subway na si Naomi. Akala niya ay galing iyon sa anak niya, pero laking gulat niya nang makita na galing pala iyon sa isang kaklase niya sa high school. Hindi naman siya nagdagdag ng kahit sinong dating kakilala sa Messenger. Pinutol na niya lahat ng koneksyon sa nakaraan.

Iyon lamang ang natatanging kaibigan niya noong high school, si Angel.

Nagpadala ito ng mahabang voice message at kinonvert ni Naomi sa text.

‘May school reunion tayo at hinanap ka ni Alexis iying class monitor natin. Hindi ka niya ma-contact kaya sa akin siya nagtanong. Sabi ko, hindi ko rin alam. Pero alam mo ba ang kumakalat na balita? Sinasabi nila na patay ka na… jusko mahabaging tsimksa! Pero ngayon, kahit tumayo ka pa sa harap nila, hindi ka na nila makikilala. Ang sexy mo at ang ganda-ganda mo na ngayon.’

Parang bulang bigla na lang naglaho ng pitong taon si Lydia. 

Nanahimik si Naomi ng ilang segundo bago sumagot.

‘Hayaan mo na silang isipin na patay na si Lydia.’

Walang nagkagusto kay Lydia noon. Maging siya mismo, hindi niya nagustuhan ang dati niyang sarili. Kaya binago niya ang pangalan niya—isang paraan ng pamamaalam sa nakaraan.

Muling tumunog ang messenger niya at binasa ang mensahe ni Angel.

‘Narinig ko lang, ha, pero mukhang pupunta rin si Cormac. Parang bumalik na siya ng Pilipinas. Gusto mo bang pumunta? Pero siguro hindi ka na niya makikilala ngayon.’

Magkaibigan sila ni Angel noong college, kahit magkaibang section. Paminsan-minsan, nagkakausap pa rin sila, at dumalo pa nga si Naomi sa kasal nito. Hindi siya nakilala agad ni Angel noon, at labis itong namangha. Ang dating matabang babae ay naging kasingganda na ngayon ng isang artistang modelo.

Napahinto ang mga daliri ni Naomi habang nakatitig sa pangalan ni Cormac.

Gusto niyang sabihin kay Angel na nakita niya ito pero pinigilan niya ang sarili.

Mabilis siyang nag-type. “Hindi ako pupunta.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 81

    Chapter 81Napakunot ang noo ni Naomi. Hindi niya inasahan na iisipin ni Cormac ng gano’n. Pero mali ang iniisip ng lalaki.‘Yung tsinelas na ‘yon… hindi kay Glenn ‘yon. Siya mismo ang bumili noon. Bilang isang single mother at sila lang mag-ina, kailangan niyang magkunwaring may lalaki sa bahay, para makaiwas sa mga mapanghusga at usisero.Sa balkonahe, may dalawang piraso ng damit panglalaki na nakasampay. Isa roon ay kay Glenn na nakuha niya mula sa aparador ni Lola Maria.Ang tsinelas sa pinto? Para iyon sa mga bisitang dumarating, hindi dekorasyon lang. Pero nitong mga nakaraang araw, may butas bigla sa tsinelas parang sinunog. Hindi niya alam kung sino ang may gawa noon.Hindi rin niya akalaing hanggang ngayon, iniisip pa rin ni Cormac na kasal siya kay Glenn na si Neriah ay anak nilang mag-asawa. Pero sa isang banda, mabuti na rin iyon para hindi niya kailanman malalaman na ang batang iyon ay anak niya.Huminga si Naomi nang malalim. “Siyempre iniingatan ko ang sarili ko. Kaya

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 80

    Chapter 80Pagbukas ng pinto, isang lalaki ang tumambad kay Cormac. Nagkatinginan sila na agad ikinakunot ng noo niya. Ang mga mata ni Cormac ay madilim at malalim, bahagyang nakapinid ang labi, tila pinipigilan ang kung anong emosyon.Kumurap-kurap si Neriah. “Uncle Erick!”Ngumiti si Erick at hinaplos ang buhok ng bata. “Neriah, nag-enjoy ka ba ngayong gabi?”Halatang alam niyang lumabas si Neriah para maglaro. Ngunit nang mapansin niya si Cormac, agad niyang naramdaman ang bigat ng presensya nito halatang galing sa ibang antas ng lipunan. Bahagya siyang nailang.“Gabi na. Salamat sa paghatid kay Neriah,” wika ni Erick nang may paggalang.Wala namang mali sa sinabi niya. Pero sa pandinig ni Cormac, tila may tumusok na kirot. Anong karapatan niya para magpasalamat sa akin? Hindi ko naman siya kinakausap. Papansin!Tahimik na pumasok si Cormac, hawak ang kamay ng batang babae. Habang naglalakad siya, dumaan siya sa tabi ni Erick at bahagyang tinapik ang balikat nito parang hindi sina

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 79

    Chapter 79Nangunot ang noo ni Cormac, nanatiling walang ekspresyon, saka isinara nang mariin ang bintana. Pagbalik niya sa sariling kotse, naroon si Neriah sa likurang upuan, tahimik at maayos na nakaupo. Sa paglingon niya, naramdaman niyang unti-unting nawawala ang inis na kanina’y bumabalot sa kaniya.“Doc Pogi,” tanong ng bata. “Sigurado po bang okay lang ‘yong hindi ko sabihin kay Mama?”“Kailangan niyang mag-overtime ngayong gabi,” mahinahong paliwanag ni Cormac. “Ihahatid kita mamaya bago mag–alas-nueve.”Plano niyang gawin muna, saka na magpaliwanag kay Naomi.“Neriah,” tanong niya, nakangiti, “gusto mo bang makipaglaro kay Doc Pogi, ha?”Tahimik na tumango si Neriah at malawak ang ngiti.Alam niyang parang hindi gusto ni Mama si Doc Pogi dahil kamukha raw nito si Daddy sa larawan.Kapag sinabi niyang nakipaglaro siya kay Doc Pogi, malulungkot si Mama. Pero gusto niya si Doc Pogi. Mabait ito, at tuwing magkasama sila, masaya siya.“Opo!” excited na sagot niya..Nang marinig iy

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 78

    Chapter 78Narinig iyon ni Cormac at bahagya lang siyang ngumiti bago tuluyang bumalik sa trabaho.Tinitigan ni Dr. Bautista ang case file sa harap niya. Kabisa na niya ang kalagayan ng batang babae—si Neriah Mendoza. Alam niyang labis ang malasakit ni Cormac sa batang ito. Kung tatanggihan niya, malamang ay haharangan siya ni Cormac sa opisina at hindi siya tatantanan.Ngunit may napansin si Dr. Bautista na kakaiba. Hindi niya iyon binanggit. Sa totoo lang, para bang may pagkakahawig si Neriah kay Cormac lalo na sa mga mata at sa hugis ng kilay.At kahit sabihing interesado nga si Cormac kay Naomi, malinaw pa rin na napakalaki ng agwat ng mga pamilya nila. Halos imposibleng mangyari iyon.“Hihilingin ko sa ospital na kontakin ang ina ni Neriah para ayusin na ang petsa ng operasyon,” seryosong sabi ni Dr. Bautista.Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Cormac.“Salamat, Dr. Bautista,” sagot niya, kalmado ang tinig.Napakagat siya sa ibabang labi, marahang nadama ang hapdi ng sugat doon,

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 77

    Chapter 77Muling tumunog ang cellphone ni Naomi, kasunod ang isang mensahe mula kay Cormac.Cormac: Huwag mo akong subukang i-block, dahil kapag may nagtanong bukas tungkol sa labi ko, sasabihin kong ikaw ang kumagat.Pinindot ni Naomi ang do not disturb setting para sa mga mensahe ni Cormac at itinapon ang cellphone sa gilid.Kinabukasan, sa ospital. Habang abala si Cormac sa trabaho, napansin niyang marami ang palihim na nakatingin sa kaniya. Sampung katao na ang dumaan sa harap niya, lahat ay nagpipigil ng tawa, at kapag nakalampas na siya ay nagbubulungan ang mga ito.“Anong nangyari sa labi ni Dr. Lagdameo?”“Ang laki ng sugat! Parang kinagat ng kung ano.”“Ano pa nga ba? Baka ng girlfriend niya.”“Sino namang may lakas ng loob na magtanong kay Dr. Lagdameo?”“Hindi ako. Narinig ko pa nga—”“Shh! Lakasan mo pa ‘yan, ayan na si Dr. Amery!”Napatingin silang lahat nang dumaan si Dr. Amery, suot ang puting coat, at malamig ang ekspresyon. Tiningnan niya ang nurse na kanina pa masi

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 76

    Chapter 76Awtomatikong hinarangan ni Cormac ang pinto. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang naging reflex niya—siguro dahil ayaw niyang makita ng bata ang sarili niyang hindi maganda.“Ah… ngayong gabi…” napakamot siya sa batok, halatang nag-iisip ng dahilan.Pero kahit anong pilit, wala siyang maisip na matinong paliwanag.Sa kabilang banda, si Neriah, antok na antok na, ay lumabas lang para magbanyo.“Doc Pogi?” pautal niyang sabi habang kinukusot ang mata.Nakasuot pa siya ng pajama na may print ng mga bituin, hawak ang paborito niyang stuffed rabbit.“Teka, bakit gising ka pa?” pilit na ngumiti si Cormac.Naamoy agad ng bata ang sigarilyo.Napakunot ang maliit nitong noo. “Amoy usok po…”Biglang napahiya si Cormac, tinapik ang sigarilyong nakapatay na.“Ah, ano lang may inaayos lang ako. Matulog ka na, ha?”Pero lumapit pa si Neriah, kuryusong-kuryoso.“Doc Pogi, bawal po ‘yan. Sabi ni Mama, masama sa baga.”Napatawa si Cormac, pero hindi niya alam kung matutuwa o maiilang.“Aya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status