Share

Chapter 68

Penulis: Inabels143
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-30 13:03:16

Chapter 68

Biglang nanlaki ang mga mata ni Georgia at tinitigan si Cormac na parang nakakita ng alien. Kailan pa naging ganito ka-gentle si Cormac? Sino ang sumapi sa kanya?

Napatingin siya habang hawak ni Cormac ang kamay ng bata, at magkasama silang naglakad papunta sa counter para bumili ng inumin.

“Mommy,” tawag ni Yuan.

Nakayuko ito habang humihigop ng sabaw at nagbulong sa sarili, “Si Mommy at si Uncle, pareho silang weird ngayon…”

Pagkatapos ng tawag, bumalik si Naomi sa tindahan.

Nakita siya ni Georgia at napansin ang bahagyang pagkakunot ng kanyang noo.

“May nangyari ba?” tanong ni Georgia, may halong pag-aalala.

Mahina ang tinig ni Naomi. “Wala naman, nakatanggap lang ako ng harassment text nung nakaraan.”

Alam niyang hindi sila ganoon kakilala ni Georgia . Maalalahanin man at palakaibigan ito, ayaw pa ring mawala ni Naomi ang kanyang sense of boundaries.

Napakunot ang noo ni Georgia. “Hay naku, mga lalaki talaga ngayon. Puro kalokohan ang nasa isip. Ingatan mo sarili mo pa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 69

    Chapter 69Sinabi niya na si Naomi ay “nakikipaglandian” sa ibang lalaki, pero ang totoo siya itong may hawak ng kamay ng babae, at ayaw pakawalan. Alam ni Cormac ang totoo, na nagseselos siya kahit wala siyang karapatan. Pero ayaw niyang aminin.Sa gilid, may mga kapitbahay na napatingin sa kanila.Kilala si Naomi ng halos lahat roon. Lalo na’t paborito si Naomi ng mga kaibigan ni Lola Maria sa baraha at mga kasamahan sa senior dance troupe.Kaya’t nang makita sila, may mga matang puno ng kuryosidad.“Si Naomi ‘yon ah…” bulong ng isa. “Pero sino ‘yong lalaking ‘yon? Ang porma…”Bumukas ang pinto. Dalawang matandang babae ang lumabas.Nagkatinginan sila ni Naomi at sabay-sabay silang napatigil.Doon lang biglang napabitaw si Cormac. Ayaw niyang bitawan talaga, pero alam niyang mali. Kilala ng mga ito si Naomi. At higit sa lahat, may asawa si Naomi, nakatira pa sa bahay ng biyenan.Narinig niya ang bulungan sa likod.“’Di ba ‘yan ‘yung nakatira kina Maria?”“Sino ‘yong lalaki? Mukhan

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 68

    Chapter 68Biglang nanlaki ang mga mata ni Georgia at tinitigan si Cormac na parang nakakita ng alien. Kailan pa naging ganito ka-gentle si Cormac? Sino ang sumapi sa kanya? Napatingin siya habang hawak ni Cormac ang kamay ng bata, at magkasama silang naglakad papunta sa counter para bumili ng inumin.“Mommy,” tawag ni Yuan.Nakayuko ito habang humihigop ng sabaw at nagbulong sa sarili, “Si Mommy at si Uncle, pareho silang weird ngayon…”Pagkatapos ng tawag, bumalik si Naomi sa tindahan.Nakita siya ni Georgia at napansin ang bahagyang pagkakunot ng kanyang noo.“May nangyari ba?” tanong ni Georgia, may halong pag-aalala.Mahina ang tinig ni Naomi. “Wala naman, nakatanggap lang ako ng harassment text nung nakaraan.”Alam niyang hindi sila ganoon kakilala ni Georgia . Maalalahanin man at palakaibigan ito, ayaw pa ring mawala ni Naomi ang kanyang sense of boundaries.Napakunot ang noo ni Georgia. “Hay naku, mga lalaki talaga ngayon. Puro kalokohan ang nasa isip. Ingatan mo sarili mo pa

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 67

    Chapter 67Nanlaki ang mata ni Naomi.“Ay Diyos ko!” mabilis niyang pinindot ang unsend at sinarado ang app.Huminga siya nang malalim. Sana hindi niya nakita. Sandali lang naman ‘yon.Pero ilang segundo lang ang lumipas, nag-vibrate ang phone niya.Dalawang bagong message.Cormac: “?”Cormac: “Ano iyon?”Napatitig si Naomi sa screen, parang natigilan ang mundo.Hinawakan niya ang noo, napasinghap.“Ano nga ba ‘tong pinasok ko…”Pinatay niya ang screen at ibinulsa ang cellphone.-Habang nakahinto ang sasakyan sa ilalim ng pulang ilaw, kinuha ni Georgia ang cellphone niya at mabilis na nag-type ng mensahe para sa kapatid.Georgia: “I just met a friend. Yung anak niya may sakit sa puso. Ibinigay ko sa kanya ‘yung Facegram mo. Please, i-add mo siya.”Alam ni Georgia na medyo suplado at tahimik ang kapatid, kaya nagpadala pa siya ng isa pa.Georgia: “Please, give me some face naman. As a doctor, nasaan ang compassion mo?”Tahimik lang si Cormac, walang reply. Napairap si Georgia at napab

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 66

    Chapter 66Akala niya panaginip lang iyon. Lasing lang siya.Pero malinaw pa rin sa isip ni Cormac ang nangyari.“Bakit, Cormac?” halos pabulong ngunit mariin ang tono ni Madison.“Ayaw kong maging... Dalawang taon lang ang tanda mo sa’kin. Pwede mo naman akong tingnan bilang babae, hindi ba?”Bago pa siya makasagot, marahas nitong hinila ang zipper sa likod ng suot na asul na knitted dress. Dahan-dahan itong dumulas pababa, lumantad ang makinis na balat.“Madison!” malamig ang boses ni Cormac, halos parang utos.Nanginig ang babae, mabilis na sinuot muli ang damit, nanginginig ang mga kamay. “I’m sorry… I’m sorry,” bulong niya, bago tumakbo palabas ng silid, tinatakpan ang mukha sa hiya.Tahimik na napaupo si Cormac, sumandal sa headboard. Humugot ng malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang sigarilyo at sinindihan iyon.Gusto niya sanang ayusin ang sarili. Pero kahit saan siya magpunta, iisa pa rin ang laman ng kaniyang isipan..Lumapit siya sa bintana. Hinangin ang kurtinang kul

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 65

    Chapter 65Alas-diyes ng umaga nang dumalo kami sa isang malaking operasyon sa departamento ng cardiac surgery.Si Dr. Enrico, ang kauna-unahang cardiac surgeon sa Pasig, ang nanguna mismo sa operasyon, na ini-live broadcast pa ng mga pangunahing media outlet.Matapos ang pitong oras na operasyon, matagumpay itong natapos nang walang anumang komplikasyon.Sa labas ng operating room, nagbigay ng limang minutong panayam si Dr. Enrico bago niya tinawag ang kanyang team.Pagkatapos, bahagya siyang lumayo sa gitna ng mga tao at ngumiti nang mapansin si Cormac na nakatayo hindi kalayuan.“Tito Miguel,” bati ni Cormac nang magkalapit sila.“Umuwi ka mamayang gabi,” sabi ni Dr. Enrico na may ngiti sa labi. “Sabay tayong maghapunan. Naghihintay na ang Tita mo sa bahay. At si Madison na ilang beses na niya akong tinanong nang malaman niyang darating ka ngayon.”Ang pamilyang Enrico sa Pasig ay kilalang angkan ng mga doktor. Ang ama ni Dr. Enrico ay dating military doctor at matagal nang kaibiga

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 64

    Chapter 64Hindi kailangang dumalo ni Naomi sa kasal ng pinsan pero dapat pa rin siyang pumunta kahit sandali dahil hiling ng lola.Kaya nang dumating ang weekend, kumuha siya ng day-off sa trabaho. Plano sana niyang isama si Neriah, pero mahigit isang daang kilometro ang biyahe, kaya pinakiusapan na lang niya si Lola Maria na bantayan muna ito.Bumili siya ng ilang vitamins at gatas para kay Lola bago sumakay ng bus. Dalawang oras at kalahati ang biyahe.Pagdating niya sa Laguna tila bumalik siya sa nakaraan. Dito siya lumaki. Dito niya natutunang maglakad, magbasa, at umiwas sa tsismis ng baryo.Ngayon, habang naglalakad siya sa makitid na daan, napansin niyang maraming matatandang nakaupo sa harap ng mga bahay—mga kilalang mukha noong bata pa siya. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakilala siya.Tinitigan lang siya na para bang estranghera.Nagsimula na namang umalingawngaw ang mga bulungan na pilit niyang kinakalumutan pero bumabalik pa rin sa alaala niya.“’Yan ba ang apo ni Laid

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status