Share

Chapter 03

Chapter 03

Camerman POV

Pag dating namin sa tapat ng dorm pinigilan ko si Chelsea maglakad dahil nakita akong lalake nakausap yung landlord. Naka suit ito at mamahalin ang sasakyan na gamit. Hindi kaya nahanap ako ni Dad kung nasaan ako at pinapunta niya yung lalake na 'yan para guluhin ulit ang desisyon ko. Napatingin ako kay chelsea, nakatingin siya doon sa dalawa.

"Hindi ba pwedeng sa iba ka muna mag stay ngayong gabi?" Sabi ko sa kaniya nagiba naman ang expression ng muka niya. Siguro nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit ako makikituloy sa iba?, eh ayan yung dorm ko," naguguluhan na sabi niya.

Ah basta hindi kami pwedeng matulog dito masama ang kutob ko, hinawakan ko ang taas ng kamay ni Chelsea pagtapos, hinitak ko siya paalis.

"Talaga! Camerman dito mo talaga ako dinala?"

Wala naman talaga akong choice , kung hindi dito siya dahil,bakit hindi naman porket dinala ko siya sa motel ay may gagawin kami hindi ba pwedeng mag stay saglit dito. Pang palipas ng oras.

"Bakit ba kasi dinala mo ako dito ha? Paano kung may makakita sa 'tin dito!" Naiinis na sabi niya habang hindi siya mapakali.

"Pwede ba, tumahimik ka muna saglit," sabi ko sa kaniya.

"Eh bakit nga kasi dito tayo nagpunta?" Tanong niya ulit sa 'kin.

"May naghahanap kasi sa 'kin may utang kasi ako sa kaniya, wag kana mag tanong, kaya dito muna tayo mag stay, siguro mamaya na tayo umuwi."

Paliwanag ko sa kaniya. Bakit kasi ito pa ang naisip kong lugar. Natahimik naman siya sa sinabi ko.

"Dapat kay Charlie na lang tayo nag stay, kesa dito mag babayad kapa, napagastos ka lang ulit,"

Amie POV

"Nakita ko na yung address pero wala sila sa loob," sabi ni nung lalake habang kausap si Amie sa cellphone.

"What do you mean sila?" Sabi ni Amie habang nagtataka sa sinabi nung lalake.

Biglang kumunot ang noo nito habang kausap yung lalake tila naiinis ito sa mga naririnig niya.

"Yung babaeng kasama niya sa dorm," paliwanag nito sa 'kin habang magkausap kami sa cellphone.

"You mean nag-aaral ulit si Camerman pagtapos may kasama siyang babae! Hell no! Hindi pwede may kasama siyang iba! Ugh!" Napasigaw ako sa sobrang inis ko.

"Hanapin mo! If ever wag mo sila tatantanan hangang hindi mo nakikita yung muka nung babae," naiinis na sabi ko sa kaniya sabay pinatay ko ang tawag.

Ugh! Nakakainis naman una kung hindi pa ako nagpunta sa bahay nila Camerman hindi ko pa malalaman na wala siya doon. Pagtapos naman ngayon maykasama siyang ibang babae.

Binato ko yung flower vase na nakita ko, sa sobrang inis ko.

Padabog akong nag lakad paalis sa sala para puntahan si Mama sa garden paglabas ko nakita ko siya na maykausap na lalake, narinig ko na naman yung pangalan niya. Hindi na ako tumuloy at naglakad na lang ako papunta sa kwarto ko. Bakit ba kasi lagi niya pinapahanap yung anak niya.

Anak kami ni Mama sa pangalawa niyang asawa, simula nung lumaki ako wala akong ibang narinig kung ang pangalan ni LEA. Ayan ang lagi kong naririnig. Bakit hindi ba kami importante ni kuya sa kaniya at ganun na lang siya ka desperada para makita yung anak niya na matagal nang nawawala!

Fuck this life! UGH!

Chelsea POV

Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng utang si Camerman hindi 'ko rin alam na mayaman pala yung sharks loan. Nandito pa 'rin kami sa motel habang naghihintay ng oras. Bakit kasi hindi niya sinabi sa 'akin agad edi sana hindi na siya na pagastos ulit.

Nakaupo lang ako sa upuan habang si Camerman naman ay hindi mapakali habang kanina pa paikot -ikot dito sa kwarto.

"Bakit kaya hindi na lang natin try umuwi" suggest ko sa kaniya habang nahihilo ako sa kaniya dahil kanina pa siya paikot-ikot.

"Hindi pwede, kilala ko 'yon alam kong hindi aalis 'yun hanggat hindi ako nakikita,"

"Sige bahala ka it's your choice naman, tutal ikaw yung may utang bakit hindi mo na lang ako payagan umuwi," sabi ko kay Camerman sabay tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Hindi pwede, baka ikaw yung singilin nila," sabi nito sa 'kin. Kaya napaupo ako ulit.

*****

7:00 na ng hating gabi, Buti na lang at pumayag si Camerman na umuwi na kami dahil kanina pa ako nagugutom. Pag dating namin sa harapan ng dorm wala na yung lalake na naka suit pati yung sasakyan niya na mamahalin.

Nang makapasok na kami sa loob doon ko ulit napansin yung sugat ni Camerman sa kamay.

Oo nga pala tinulungan niya ako kay Kevin.

"Bakit ba kasi pinatulan mo pa si kevin yan tuloy na mamaga yung kamay mo.

Napailing na sabi ko sa kaniya habang nakatingin ako sa mga sugat niya.

"Nakakainis kasi, siya na nga yung nakipag hiwalay sayo siya pa ang may galit, ayaw mo nga sumama sa kaniya pinipilit ka pa"

"Salamat pero sa susunod wag mo nang uulitin 'yon,"

"Patingin nga ulit ng sugat mo," sabi ko sa kaniya sabay ipinakita niya sa 'kin yung kamay niya na namamaga.

Amie POV

"Dad, hindi mo ba alam na kausap pa 'rin ni Mama yung detective para hanapin yung nawawala niyang anak?" Naiinis na sabi ko habang kumakain kaming apat sa lamesa wala akong pakelam kung marinig ni Mama ang lahat.

Napatigil si Dad sa pagkain. Sabay ibinaba ang

kubyertos na gamit niya.

"Totoo ba yon?" Sabi ni Dad kay Mama sabay napatingin ito sa kaniya.

Patuloy lang si Mama sa pagkain tila wala narinig sa tanong ni Dad.

"Totoo ba yon!" Pasigaw na sabi ni Dad kay Mama.

Huminto si Mama sa pagkain habang mahinaon pa 'rin ito. Sabay tumingin muna sa akin bago kay Dad.

"Ano naman ngayon kung pinapahanap ko? Bakit mababawasan ba yung pera mo! Hindi hindi ba! Dahil sarili ko paring pera ang ginagamit ko,"

"Hindi ka ba nahihiya sa harapan ng anak mo!"

"Bakit ako mahihiya? Si Amie naman lagi ang tama para sayo," pagkatapos ni Mama magsalita agad itong umalis sa lamesa ng hindi inabubos ang kaniyang kinakain.

Napaharap ako kay dad na dissapointment ang kaniyang muka sabay tumayo 'rin sa kaniyang upuan at umalis.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang sabihin 'yon" pagalit na sabi ni Kuya. Sabay iniwan rin ako sa lamesa.

Bakit wala naman masama sa sinabi ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status