Share

My Dormmate is a Billionaire
My Dormmate is a Billionaire
Author: Tey

Prologue

FLASHBACK

Camerman POV  

Pinatawag ako ni Dad habang nagbabasa ako ng paborito kong libro. 

“Camerman, come here,” sambit niya sa tipikal niyang istriktong boses.

Naglakad ako papunta sa office niya. Nakauwang ang pinto. Pagkasilip ko ay nakita ko siya na may binabasang wedding invitations.

 

"Sino ang ikakasal?" nakakunot noo kong tanong sa kaniya habang nakatayo pa rin sa pinto.

"Bakit hindi ka muna pumasok para malaman mo kung sino?” wika niya sa 'kin.

Pumasok ako sa office tapos naglakad ako papunta sa sofa at umupo. 

Wala naman akong nababalitaan na may engaged sa mga kamag-anak o kakilala namin kaya sino nga kaya? Nakaka-curious. Suprise wedding ata.

Iniayos ni dad ang pagkakaupo niya sa swivel chair niya.

"Tutal, tumatanda ka na, bakit hindi mo isipin na makipagblind date? Or ikasal?"

Nagbago agad ang expression ng muka ko sa sinabi niya sa 'kin.

Napaawang na lang ang bibig ko at halos hindi makapaniwala.

Ako ang ikakasal? Pucha!

“No!” agad akong napatayo.

"Ayokong makipagblind date, lalo na ang ikasal!” malakas na pagtanggi ko sa kanya.

"Exactly my point, alam kong hindi ka papayag kaya nga ipinahanda ko na yung invitations for your wedding," dagdag pa niya.

Napatingin ako sa kaniya na pagalit ang aking muka. 

Ni hindi ko nga kilala kung kanino ako ikakasal tapos may invitation na agad?

"Gumawa ka ng wedding invitations ng hindi mo man lang sinasabi sa 'akin?" mariin kong tanong.

"Bakit? Kapag ba sinabi ko sayo ay papayag ka? Hindi rin naman," kaswal na tugon niya.

Naikuyom ko na lang ang palad ko sa sobrang inis. Nakita ko na kinuha niya ang isang folder at pinirmahan. Iniabot niya iyon sa akin. 

"Here, check the flow of your wedding," utos niya sa 'kin.

Hindi ko iyon kinuha dahil sa sobrang pagkainis ko sa kaniya. Kulang na lang ay ipamuka niya sa 'akin na wala akong kwentang anak.

"Tch,” naaasar ko na lang na reaksyon at tinitigan lang yon. “Isa lang ang masasabi ko sa inyo, you will never see me again," taas noo kong sabi sa kaniya sabay naglakad ako palabas ng office. I even shut the door loud. 

Ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? Hindi mangyayari 'yon dahil ngayong gabi pa lang ay aalis na ako sa bahay na 'to. 

****

Hindi ako kumain ng dinner dahil busy ako sa pag-iimpake ng mga damit ko.  Sinabihan ko na 'rin si Manang Diana na sabihin kay Manong Singko na ipagdrive ako sa bahay ng kaibigan ko. 

Hating-gabi na. My plan was almost successful nang makita ko si Dad na nakaupo sa sala. 

"I knew it, hindi mo ba alam na ginawa na 'yan ng kuya mo before?" sabi niya sa 'kin sabay binuksan ang lampshade. 

Nagulat ako pero agad kong inayos ang postura ko. "Bakit ba hindi nyo na lang hayaan ang buhay ko?”

Sumama ang ekspresyon ng muka ni Dad.

"Bakit? Gusto mong matulad sa Mama mo na walang kwenta!" 

Uminit na rin ang ulo ko. "Bakit ba parati nyo na lang binabanggit si Mama? Hindi ba kayo naman ang dahilan?" 

Napatigil ako nang tumayo si Dad sa upuan niya at naglakad siya papunta sa 'kin. 

PAK!

Bigla niya akong sinampal nang malakas na ikinagulat ko.

"Wag na wag mo akong pinagtatasan ng boses! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko bago ko nakuha ang Sol and Foundation pati  'tong buhay na 'to!" galit na galit na pagkakasabi niya sa  'kin. 

Gusto ko sana siya patulan, pero napaisip ako na hindi ako lumaki na katulad niya na sakim at walang ibang iniisip kung hindi ang kayamanan niya lang at ang reputation niya.

"Sige umalis ka! Para magaya ka sa Mama mo na walang pangarap sa buhay!" dagdag pa niya saka siya nagtitimping umalis. Ramdam ko ang galit niya.

Naiwan akong nakatayong mag-isa. Ni hindi ko na siya nilingon kahit na isang beses. Kapag nakaalis ako rito sa bahay na 'to ay hindi na ako babalik!

Sumakay ako ng taxi at bumaba ako sa bahay ng kaibigan kong si Franco. 

Nagulat siya nang makita niyang may dala akong mga gamit. 

“Ano ‘yan? Lumayas ka ba sa inyo?” agad niyang tanong.

Tanging tango lang ang sagot ko.

Napailing siya at halata mong nag-aalala.

“Kaibigan kita, pre. May pakialam pa rin naman ako sayo pero alam mo namang kailangan kong protektahan si Chelsea.”

Ang tinutukoy niya ay ang nakababata niyang kapatid na babae. May tinatago kasi si Franco at kailangan niyang siguraduhing ligtas ito.

Napahinga ako nang malalim.

"Fine, tutulungan kitang protektahan si Chelsea, but promise me, kapag nagtanong sayo si Dad, sabihin mo wala kang alam. Kailangan ko kasi talagang magtago-tago muna."

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang pumayag.

"Promise, hindi ako magsasalita," sagot niya sa ‘kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status