Share

Chapter 06

Chelsea POV

Hindi ako mapakaniwala na may fiance pala si Camerman before ano kaya ang nangyari sa relationship nila dati? I mean curious lang naman ako kung bakit sila nag hiwalay just like me and kevin. Nandito kami sa gym habang nakaupo sa baba pinapanood namin maglaro ang team nila Camerman. Actually hindi ko naman talaga bet si Camerman before kasi may pagka badboy siya na may pagkamayabang dati. Pero ngayon isa pala siyang tunay na kaibigan yung laging nandyan para sayo yung alam mong hindi ka iiwan kahit anong mangyari.

Kinuha ko ang tubig ko iinumin ko na sana ito ng biglang lumapit sa 'kin si Camerman at kinuha ang tubig ko marami naman ang napatingin saming dalawa even si Charlie nagulat sa ginawa ni Camerman pagkatapos niyang inumin yung tubig ko ay ibinalik din niya ito sa 'kin. Lahat sila nagbubulungan habang nakatingin sa 'kin.

"Ayus ka lang gusto mo ikuha na lang kita ng panibagong tubig?" Tanong ng kaibigan ko na si Charlie.

Napailing ako

"Hi-Hindi na ok lang" sabi ko sa kaniya sabay ngumiti ako ng pilit.

Pagtapos ng laro nila Camerman nag pahintay siya sa 'kin dahil sabay na daw kami uuwi. Pinahawak pa nga niya sa 'kin yung bag niya.

"OMG! Sila ba?" Sabi nung dumadaan habang nakatingin sa 'kin na hindi sila mapakaniwala sa nakita nila kanina.

"Ewan hindi sila bagay," dagdag pa nung isa habang naglalakad paalis.

"Tara na" sabi ni Camerman sa 'kin sabay kinuha yung bag niya.

"Ayus ka lang ba?" Tanong niya sa 'kin.

"Ayos lang ako, ayos na ayos," sabi ko sa kaniya sabay naglakad kaming dalawa paalis sa hallway..

Napansin ko na nakatingin samin yung mga studyante na naglalakad. Yung iba nakangiti yung iba naman seryoso ang muka.

"Thank you pala sa paghintay sa 'kin at sa paghawak ng bag ko," sabi ni Camerman sa 'kin.

"Ok lang yun," tipid na sagot ko sa kaniya.

"Congrats nanalo kayo first round" nakangiting sabi ko kay Camerman.

"salamat libre kita mamaya labas tayo, kahit saang lugar," sabi niya sa 'kin sabay nakangiti.

Amie parents POV

Hindi mapakaniwala ang magulang ni Amei sa natuklasan nila na nagdadalawang tao ang anak nilang babae. Lalo pa at alam nilang hindi pa handa ito. Wala naman silang nababalitaan na nobyo nito dahil wala din siya ipinapakilala sa kanila maliban lang kay Camerman. Ang lalakeng gustong gusto ng anak nila.

"Paano nagawa ng anak mo 'to satin!" Hindi mapakaniwalang sabi ng Dad ni Amie habang umiiling-iling ito sabay napaupo sa upuan habang kausap ang kaniyang asawang babae.

"Kahit naman ako, hindi ko alam na may lihim palang tinatago yang anak mo," dagdag naman na sabi ng Mama ni Amie.

"Bakit anak ko! Hindi ba anak mo 'rin si Amie" nagulat ito sa sagot ng kaniyang asawa sabay tumingin siya dito at tinignan ng masama.

"Aalis muna ako," paalam ng Mama ni Amie habang hindi pa sila tapos magusap magasawa.

Tila tumatakas ito sa sinabi ng kaniyang asawa.

"Wag mo akong talikuran! Dahil ba sa nawawala mong anak! Kaya hindi ka pa 'rin maka move on!"

Tumayo ito ng pagalit habang nakatingin sa kaniyang asawa.

Hindi naman siya nilingon nito.

"Paano kung sabihin kong oo, titigil kaba," sagot nito habang hindi nililingon ang kaniyang asawa at nakatalikod pa 'rin sabay naglakad paalis.

Lalo naman nainis ang muka ng Dad ni Amie dahil sa sagot ng kaniyang asawa.

Camerman POV

Today was a good game nanalo kami sa first round ibig sabihin kami ang maglalaro ulit sa susunod. Umuwi muna ako sa dorm dahil meron kaming celebrate ng mga ka team ko. Kaya nag paalam ako kay Chelsea na hintayin niya ako dahil magpapakita lang ako sa kanila pagtapos ay uuwi na 'rin ako. I lilibre ko kasi siya mamaya.

Habang naglalakad ako may humintong itim na van sa unahan agad ko sila iniwasan pero sinusundan nila ako sinubukan kong dumaan sa ibang direksyon pero ang dami nila gusto ko silang labanan pero hinawakan ako ng dalawang lalake sa braso ko sabay sinikmuraan ako at nilagyan ng takip ang buong ulo ko at isinakay ako sa loob ng van.

"SINO KAYO,IBABA NYO NA AKO DITO,"

Sabi ko sa kanila pero pinagtawanan lang nila ako na parang nakikipaglokohan lang ako sa kanila.

"Pwede ba malaki ang kasalanan mo sa boss namin kaya wag kang mag expect na papakawalan ka namin," sabi nito sa 'kin sabay natawa sila nung dalawa niyang kasama.

"KUNG PERA ANG GUSTO NYO MERON AKO PWEDE KO KAYONG BIGYAN!"

"PAK!"

Bigla akong sinapak nung lalake sa sinabi ko sabay hinawakan ang buhok ko at sinabunutan.

"Wala kaming pakelam sa pera mo," dagdag pa nila.

Huminto ang van mahigit tattlong oras din simula ng dukutin nila ako.Naunang bumaba yung lalake pagtapos ay ibinababa nila ako at at inakyak ng hagdan.

"Pumasok ka dyan," sabi nung lalake sabay tinulak ako papasok sa loob.

Pagkatulak nila sa 'kin sa loob narinig ko yung lalake na nagsalita.

"Nandito na siya boss," sabi nito sa kaniya sabay tinanggal yung takip ko sa muka.

Isang lalake na nasa 40's naka upo ito sa isang malaking upuan habang may dalawang lalake sa gilid niya.

"So ikaw pala ang naka buntis sa anak ko" sabi niya sa 'kin na ikinagulat ko.

"Ha? sino yung buntis?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo kilala yung anak ko pagkatapos mo siyang mapakinabangan?"

Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo kilala si Amie" dagdag pa niya.

"Si Amie buntis?" Nagtatakang sabi ko sa kaniya.

"Oo at ikaw ang Ama, kapag hindi mo pinakasalan si Amie, alam na ng dad mo kung ano ang pwede kong gawin sayo," pananakot niya.

"Teka! Hindi ako ang ama ng anak ni Amie dahil wala naman namamagitan saming dalawa at isa pa matagal na kaming hiwalay ng anak nyo kaya hindi ako naniniwala na ako ang ama ng dinadala niya."

"Kung hindi ikaw ang ama sino?" Nagtatakang tanong nito sa 'kin.

"Maniwala kayo sa 'kin na hindi ako ang ama ng batang dinadala niya." Dagdag ko pa

"Sinongaling! Hindi ako naniwala, tumatakas ka lang sa responsibilidad mo, kahit hindi ikaw ang ama matutuloy pa 'rin ang kasal niyong dalawa."

"Sige alam nyo na kung saan dadalin yan," utos niya sa mga tauhan niya.

Chelsea POV

Maaga pa lang ay nagayos na ako dahil ililibre daw ako ni Camerman ngayon. Pero hating gabi na wala pa 'rin si Camerman sinubukan kong tawagan yung phone niya pero hindi niya 'iyon sinasagot. Weird baka nag enjoy siya na kasama yung mga team players niya.

"Wag mo na akong hintayin,nandito ako sa bahay ni Amie,"

Kaya nag luto na lang ako sa bahay pagtapos ay nagpalit ako ng damit sana hindi na lang niya sinabi sa 'kin na ililibre niya ako kung hindi lang din pala matutuloy sana hindi na lang ako naghintay ng matagal sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status