Share

Chapter 01

CHELSEA POV

Naglalakad kami ni Kevin sa gilid ng kalsada  habang magkahawak ang kamay naming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil lahat ng dumadaan at nakakakita sa ‘min ni Kevin ay nakatingin at nakangiti. First time niya akong dinala sa isang restaurant, at binigyan ng isang bouquet ng pulang rosas. 

Dati kasi sa bahay lang o sa fast food chain kami nag c-celebrate kapag monthsary namin. 

Nang malapit na kami sa tawiran ay agad niyang binitawan ang kamay ko.

Akala ko ay nangawit lang siya sa paghawak ng kamay ko nang bigla siyang lumapit sa 'kin at bumulong. 

"I'm sorry Chelsea, I'm breaking up with you." 

Napatingin ako kay Kevin, gaya ng tingin ko  sa kanya dati nung una ko siyang nakilala. He looked at me like that without sadness in his eyes.

He smiled at me brightly like he’s finally so proud of himself.

‘I will never see her again and this time I am free,’ basa ko sa mga mata niya.

Hindi ako makagalaw sa aking pwesto na tila nawalan ng gana ang dalawa kong paa sa paghakbang. 

Everything’s getting slowly, while you were walking away from me, I was just standing in a corner all alone by myself. 

I can't see clearly because my eyes..

..were starting to glistened, while my body is shaking. 

I cant..

Tears were dropping from my eyes. 

Ang daming taong dumadaan sa paligid ko, pero nandito pa rin ako at sinububukang i-process sa sarili ko kung tama ba ang narinig ko o hindi. 

Ni hindi niya man lang hinintay ang sasabihin ko at bigla na lang siyang naglaho. 

Napaupo ako sa malamig na sahig. Hindi ko maiwasang hindi mapahagulgol. People were starting to stare at me pero wala akong pake sa kanila. 

The pain that he left me. 

I dont know if I can handle it by myself.

 

Sinubukan kong tumayo pero wala akong lakas. Hangang may isang lalake ang humila sa 'kin patayo. 

He even talked to me pero ni isa ay wala akong naintindihan sa sinasabi niya. All I can hear was silence, everything was getting heavy and emotional. I can't breathe properly. 

Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko habang wala akong emosyon. 

It was Camerman, the guy next to my door, parehas kami ng dorm, magkaiba lang kami ng kwarto. 

He's wearing his usual clothes. Denim pants, black t-shirt and white shoes. Hinihingal siya habang nakatingin sa ‘kin. His hair is messy, halatang tumakbo siya papunta rito.

But why? 

Bakit niya ako sinundan? 

Maybe dahil sa utang ko sa kaniya na bente pesos? 

Or baka naman nakita niya lang ako na mag-isa habang umiiyak, naawa siya sa 'kin kaya tinulungan niya akong tumayo para hindi ako nakaharang sa daan. 

Naglakad kami malapit sa 7/11 at binigyan niya ako ng tubig. Medyo nahimasmasan ako. 

"Ano ba kasi ang ginagawa mo roon! At bakit ka umiiyak?"

"Ano ba kasi ang ginagawa mo roon! At bakit ka umiiyak?"

Tanong nito sa ‘kin habang nakaupo sa tabi ko at binubuksan ang tinapay na binili niya. 

Huminga ako nang malalim bago ako sumagot sa tanong niya. 

"Nakipag-break sa ‘kin si Kevin, ang saya hindi ba?" 

Nag-iba naman ang awra ng muka niya. 

"Sinabi ko naman kasi sayo, na walang dulot yung lalake na yun sayo, ‘no," proud pang sabi niya sa ‘kin habang kumakain ng tinapay. 

Napakunot ang noo ko. 

"Wala ka namang sinabi, dahil busy ka sa mga babae na labas-pasok sa kwarto mo ‘no, like eww!" sagot ko sa kanya tapos napatingin ako sa bulaklak na binigay sa ‘kin ni Kevin. Kinuha ko iyon at ibinato sa basurahan. 

Pero hindi rin nagtagal ay kinuha ko ulit iyon pero pinigilan ako ni Camerman. 

Lumalakas ang iyak ko, nagulat naman siya, pati na yung mga tao na kumakain sa 7/11. Agad niya akong nilapitan at itinago sa loob ng jacket niya. Napangisi si Camerman dahil sa mga nakakakita sa 'min. 

"Ui, umayos ka nga, akala nila pina-iyak kita," sabi niya sakin habang bumubulong sabay ngiti sa mga nakakakita sa 'min. 

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakasandal sa dibdib niya. 

"Ok lang po siya wag nyo siya problemahin," sabi ni Camerman sabay ngiti ng pilit habang tumatawa. 

Umalis kami sa loob ng 7/11.  Naghanap siya ng bakanteng upuan sa labas. Nang may nakita siya ay agad niya akong pinaupo roon. 

"Dito ka lang," sabi niya sa ‘kin bago siya pumasok ulit sa loob at bumili ng beer

"Alam ko ito ang kailangan mo," sabi niya sa ‘kin habang nilalabas yung apple na beer na binili niya.

Natuwa naman ako sa ginawa niya. Kinuha niya yung apple na beer sa harapan ko pagtapos ay binuksan niya iyon at ibinigay sa ‘kin. Kinuha niya naman yung sa kanya sabay binuksan yun at ininom. 

"Alam mo ang laki ng pagsisisi ko nang makilala ko si Kevin. Hindi ko akalain na masasaktan ako nang ganito. Alam mo 'yon! Dinala niya ako sa isang restaurant. Nagbihis ako ng maganda tas binigyan niya ako ng bulaklak." Hindi ko tinapos ang sinasabi ko dahil nagsimula nang manginig ang boses ko. Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak habang nagkukwento sa kaniya. 

"Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!" umiiyak na sabi ko sa kaniya. 

"Hindi ka tanga, maling lalake lang ang napunta sayo," seryoso na sabi niya sa ‘kin sabay kuha niya ng beer at ininom.

Pinasan ako ni Ethan pauwi sa dorm namin. Buti na lang at walking distance lang iyon malapit sa 7/11. 

"Kaya ikaw!" lasing na sabi ko sa kaniya. 

"Wag kang magjojowa kapag hindi mo kaya! Ha!" dagdag ko pa. 

Narinig ko siyang natawa nang konti.  

***

CAMERMAN POV

Pasan-pasan ko si Chelsea sa likod ko hanggang sa makarating kami ng third floor. Wala kasing elevetor ang dorm namin. 

Pahirapan pa sa paghahanap ng susi dahil ang bigat niya at isa pa, nahaharangan niya yung muka ko ng kamay niya. 

"Found it." 

Sabay ipinasok ko sa lock ng pintuan. Pagkarating namin sa loob ng dorm ay agad kong dineretso si Chelsea sa kwarto niya at dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kaniyang higaan. Pagkatapos ay tinanggal ko yung sandals niya at nilagyan siya ng kumot. 

Napangiti ako. “I'm sure magagalit ang kuya mo kapag nalaman niya na naglasing ka at umiyak ka dahil sa gago na lalake na 'yon,” kausap ko sa kanya kahit nakapikit siya.

Tiningnan ko siya ulit na masarap ang tulog. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa pintuan. Pinatay ko muna ang ilaw bago ko sinarado ang pintuan. 

***

 

CHELSEA POV

Kinabukasan.

Nagising ako na masakit ang aking ulo. Wala rin akong maalala sa conversation namin ni Ethan. Napatingin ako sa orasan nang bigla kong makita yung litrato naming dalawa ni Kevin. Agad ko iyong kinuha at tinaob. 

Tsaka ako tumayo at dumertso sa banyo para maghilamos. 

Pagkatapos kong maghilamos ay nagpalit ako ng damit. Naka-denim ako na short at white t-shirt. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Camerman na nag pu-push up habang walang damit na suot na pang-itaas. 

"Oh! Gising ka na pala," gulat na sabi niya sa ‘kin sabay tayo. 

Napatingin ako sa pawisan niyang balat. Isama mo pa ang six pack niya na abs. Agad akong tumalikod at naglakad papunta sa mga baso para kumuha ng tubig. Napansin niya na wala siyang sout na t-shirt kaya agad niyang kinuha ang t-shirt niya sa bangkuan at agad niya iyong sinuot. 

"Kamusta? May hangover ka?" tanong niya sa ‘kin habang nagpupunas siya ng pawis. 

"Oo, medyo masakit lang yung ulo ko konti," sabi ko sa kaniya. Naglakad siya malapit sa ‘kin at kumuha ng mangkok. 

"Gumawa pala ako ng corn soup, sabi niya maganda 'yan sa hangover," suhesyon niya sa ‘kin sabay nagpunta sa kalan at kumuha ng corn soup. 

"Salamat," sabi ko sa kaniya, "ako na lang kukuha ng soup," dagdag ko pa saka ko kinuha yung mangkok. Agad din naman niyang binigay sa ‘kin yung mangkok.

"Sige kain ka lang, pagpapatuloy ko lang yung pag-eexercise ko sa kwarto," sabi niya sa ‘kin sabay naglakad sa kwarto niya. 

Pumasok naman ako sa loob ng kwarto ko at doon ako kumain. Alam kong kakagaling ko lang sa break up. Pero kasi ngayon ko lang nakita na may abs pala si Camerman. 

Napaisip ako.

Paano kaya ako makaka move on kay Kevin? 

Makakaya ko kaya na mag-isa?

Ang hirap naman kasi mag move on sa taong minahal mo nang sobra, pagkatapos, ang kapalit pala nun ay hindi ka naman niya gaanong minahal. 

I checked my phone at nanlumo ako sa nakita ko.

Pagka-open ko kasi ng fàcebook ko ay nakita ko agad ang profile picture ni Kevin with another girl!

Agad na kumirot ang puso ko dahil dun.

I guess ako lang ang mag mo-move on mag-isa!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status