Share

Chapter 05

Chapter 05

CHELSEA POV

Kinabukasan

Nagmamadali akong pumasok sa school ng makita ko yung babae, maikli ang buhok niya maganda ang kutis niya at maputi, mamahalin din ang suot niya damit. Naghihintay siya sa labas ng dorm namin ni Camerman.

Hindi ko na sana siya papansinin ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"So, ikaw pala si Chelsea." Sabi niya sa 'kin habang tinitignan niya ako mula ulo hangang paa.

"Pwede ko bang itanong kung sino ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Sorry, nakalimutan ko magpakilala sayo. I'm Amie Fiancee ni Camerman."

Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Camerman.

"Actually your are not my Fiancee at isa pa wala tayong dapat pagusapan," sabi nito sabay hinawakan yung kamay ko sabay naglakad kami paalis.

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko ,Si Camerman my fiancee? Bahagya akong natawa.

Hinawakan ni Camerman yung kamay ko sabay naglakad kami paalis.

Huminto kami ni Camerman sa paglalakad nang malapit na kami sa school.

"Sorry, actually she's my ex, hindi ko alam kung paano niya nalaman yung address," paliwanag sa 'kin ni Camerman.

"Hi-hindi, ok lang," sabi ko sa kaniya.

"Nagulat ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman, sige mauna na ako baka ma late na ako," sabi ko sa kaniya sabay tumakbo ako paalis.

Hindi ko maalis sa isip ko yung sinabi nung babae kanina. Sa ganda niya at mukang mayaman pinatulan niya si Camerman.

I mean ang dami naman lalaki dyan bakit si Camerman pa, hindi naman sa may gusto ako sa kaniya kung hindi concern lang ako bilang kaibigan niya.

Nakita ko si Kevin dumaan sa pintuan, inalis ko agad ang tingin ko sa kaniya. Pati si Charlie nagalit nung kinuwento sa kaniya yung nangyari kahapon.

Buti na lang at niligtas ako ni Camerman.

Amie POV

I saw the girl her name is Chelsea, infairness mas maganda ako sa kaniya. Pero sympre hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal namin ni Camerman.

Nakita ko si Camerman pabalik sa dorm nila hinintay ko talaga siya para magkausap kaming dalawa.

"Baby, alam mo naman na ang tagal kitang hindi nakita," sabi ko sa kaniya habang lalapitan ko pa lang siya pero umiwas siya.

"Pwede ba ano ba kasi ang ginagawa mo dito? At paano mo nalaman yung address." Galit na tanong ko sa kaniya.

"Paano mo natitiis 'tong lugar na 'to I mean," dagdag pa nito.

"Tigilan mo na ako, dahil kahit kelan hindi ako makikipag balikan sayo, lalo na pakasalan ka! Hindi mangyayari 'yon.

Sumama ang loob ko sa sinabi ni Camerman, maybe he wants a game, sge hintayin mo lang. kung ayaw mo sa akin ngayon, baka kapag nalaman mo kung ano ang alas ko bigla kang bumalik sa akin katulad ng dati.

Chelsea POV

Dumating ang pangalawang Prof namin sa kaya agad kaming tumayo para batiin pag tapos ay agad din kaming upo.

Isa-isa tinawag ng prof namin ang mag dedemo sa unahan kasama ang activity namin ni Charlie. Nang matapos na ang klase. Isa-isa sila nag silabasan at nag punta sa grounds para manood ng concert.

Tinago ko ang ticket ko baka kasi hindi na ako masamahan ni Camerman manood.

Mag-papaalam na sana ako kay Charlie nang biglang may humatak sa kamay ko nakita ko si Camerman hinila niya ako papunta sa grounds.

"Hindi pwede ikaw lang magisa ang manood niyan " sabi niya sa 'kin habang nakikipag siksikan kami sa madaming studyante na gustong pumunta sa unahan.

Nagulat naman ako ng dumating si Camerman. Alam ko kasi na hindi siya mahilig manood ng ganito.

Pagka-upo namin ni Camerman ngumiti siya sa 'kin kaya ngumiti din ako pabalik sa kaniya.

"Kamusta pala yung Fiancee mo," tanong ko sa kaniya.

Bigla kaming natawa na dalawa.

"Wag ka magalala hindi na babalik 'yon," seryosong sabi naman niya sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kaniya.

"Dahil hindi niya deserved ang pagmamahal ko sa kaniya," dagdag pa nito.

Bigla akong napatingin sa unahan nakota ko si kevin at ashley nakaupo sila sa unahan

. Na ka couple sila na jacket at may hot pa na heart si Ashley habang mag ka hawak silang kamay ni Kevin.

Napansin siguro ni Camerman na napatingin ako kila kevin at ashley.

"Gusto mo palit tayo ng upuan?" Sabi niya sa 'kin .

"Hi-hindi na ok na ako dito," palusot ko sa kaniya.

Tumayo si Camerman napatingin naman ako sa kaniya agad niyang tinuro yung upuan niya kaya tumayo na 'rin ako at umupo sa pwesto niya. Hinarangan naman niya ng katawan niya ang pwesto nila Kevin para hindi ko makita.

"Alam mo wag mo sila bigyan ng pansin, ang importante, nalaman mo agad yung ugali niya bago pa mas lumalim yung nararamdaman mo sa kaniya."

Na tuwa naman ako sa sinabi ni Camerman napatingin ako sa kaniya nakita ko na nakatingin na pala siya sa 'kin.

Pagtapos namin manood naglakad kami sa park.

"Salamat pala, lagi mo na lang pinapagaan yung loob ko,"

"Wala 'yon," sagot niya sa akin.

Amie POV

"Bakit ba sa tuwing nagkakagusto ako sa lalake hindi nila ako minamahal pabalik! Ugh! Fuck my life! Fuck! " sabi ko habang nag-wawala ako sa kwarto ko.

Nakita ako ni yaya sinubukan niya akong pigilan pero hindi niya magawa kaya tinawag niya si Dad at si Mam.

"Ano bang nangyayari sayo Amie?" Tanong ni Mama sa 'kin pag pasok pa lang sa pintuan ng kwarto ko.

"Bakit ba nagkakaganiyan ka princess?" Sabi naman ni Dad sa 'kin.

" I want my wedding to continue, kapag hindi nyo nagawa 'yon you will never see me again, ever."

"Relax princess, kakausapin ko ulit si Don Pablo," paliwanag ni dad sa 'kin pati si Mama pinapakalma ako pero hindi nila ako mapigilan.

"Bakit ba kasi gusto mong maikasal sa Camerman na 'yan" tanong ni Mama sa 'kin.

"Dahil buntis ako, at ngayon ko lang din nalaman at feeling ko siya ang Ama."

Nagulat naman sila sa sinabi ko at hindi nakapag salita agad.

"Ngayon alam nyo na, can you leave all of you," pagalit na sabi ko sa kanila.

Wala naman silang nagawa kung hindi umalis sa kwarto ko. Pagkaalis nila ay agad kong pinunasan ang luha ko sabay umupo ako sa kama ko.

"Wala kana kawala sa 'kin Camerman kahit anong gawin mo babalik at babalik ka 'rin sa akin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status