Ang totoo, natuwa si Fae sa paglapit ni Jigo. The last thing she needed was getting exposed to Sarah’s sex bunny. Dahil kay Jigo kaya bigla siyang binitiwan ni Tom.
Pero habang lumilingon siya sa kanyang rescuer, namalayan niyang hindi pa pala siya nakakababa sa high stool. Sumuray siya, magsa-slide sa gilid, at babagsak sa kanyang mukha sa sahig. Hinawakan siya ni Jigo sa likod. Naramdaman niyang kumapit ang kamay nito sa kanyang damit at nahila siya bago siya tuluyang mag-slide all the way down…
“I’m just talking to Fae,” narinig niyang katwiran ni Tom.
Pumapalibot sa kanyang beywang ang braso ni Jigo, securing her in place atop the stool. Napahawak siya sa dibdib nito para bumalanse, ni hindi nag-takang malapad iyon. At matigas.
Jigo had always looked solid. Now she knew that he really was solid. She could feel it. Ito ang unang beses na nahawakan niya ito nang ganito, at hindi na siya nagdalawang-isip sumandal dito kasi malakas naman ito. Parang ding-ding na bato.
“No…” sabad niya sa kung ano pang pinagtatalunan ng dalawa noong ma-huli niya ang sinabi ni Tom. At least, iyong huling narinig niya nang malinaw. “Non-non-non-no. Hindi lang tokk ang-ngusto niya, Jigo. Gusto niya akong isha-ma sa walang ibang tao raw. Shabi ba naman n’yaa… as if sha-sha-ma ako sa kanyano?!” pilit pa niyang kuwento kahit parang dalawang dila na magkapatong ang nasa loob ng bibig niya.
Shet. Tequila.
“C’mon, man. Fae and I are friends,” pilit pa rin ni Tom.
Napatawa siya. “Oohh, do not lie. No-we’re. Not!” At dinuro niya ang dulo ng ilong nito ng dulo ng kanyang kanang hintuturo. “He and Sarah are fuck buddies,” pambibisto niya rito, at nasiyahan siya sa kalayaang dala ng alak. There’s nothing more gratifying than saying the eff word when you were drunk. More, more! “I’m not friends with fuck buddies of Sharah be-kosh Sheraa ishent ma friend enimor. Or… never. Been my friend. Whatever…”
Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki, komikal ang shock sa mga mukha. At napatitig siya sa dalawa. Wala ni sa kalingkingan ng kaguwapuhan ni Jigo si Tom. Patunay lang na talagang palpak pumili ng lalaki si Sarah. Kung hindi isang maniac na gaya nitong si Tom, isa namang gaya ni Carl na mayroong nagmamahal na iba.
Ako. Mas mahal ko si Carl. There is no way Sarah could love him like I can… d***g niya sa isip niya, at bigla ay hindi na siya masaya. Kasi para na namang may humihiwa at lumalapirot sa puso niya.
“Shit,” sambit ni Tom, pinagtawanan siya. Kaya nalaman niyang nasabi pala niya iyon nang malakas.
“Shut-ap, you shit,” parrot niya rito.
“I told you never to frequent any of my bars,” sita ni Jigo kay Tom.
“Jigo, we were on a fucking wedding. Walang ibang bar na malapit dito kundi itong sa ‘yo, ano ka ba? I have a room here, too.”
“You’ve checked out. You’re rooming somewhere else so stay out then I wouldn’t fucking care. And if I just hear anything from the other owners about you and your creepy ass, I’m going after you. Do we understand each other?”
Wala na siyang narinig kay Tom. Pumihit siya para tumingin pero muli siyang sumuray at namalayan na lamang niyang nakapalibot na ang parehong matipunong mga braso ni Jigo sa kanya at natutunaw siya rito na parang jelly.
Gusto niya itong pasalamatan. “Jigo…?” Pero nadi-distract siya sa salakay ng masarap na pakiramdam sa matatag nitong hawak. Security. Ligtas siya sa mga bisig nito mula sa mga Tom sa mundo. Marahan ang mga kamay nito, maging ang haplos nito sa kanyang likod.
“Where the hell is your shawl?” narinig niyang tanong nito. “Fae? Let’s get you out of here,” bawi nito agad sa mas marahang tinig. May konting galit pa rin sa tono nito dahil kay Tom.
“Hmm? Andito lang… ‘di ba? Sa’n ba—” At tumitig siya ulit rito. Dalawa na ang Jigo na nakikita niya. “Why’re you two? I’m so drunk, shhheeet.” Mabuti na lang at eye candy ito kaya okay lang na dumami ang candies.
Pero batid niyang pinapahiya niya ang sarili niya sa harapan nito at tiyak niyang magsisisi siya once na mahulasan siya bukas, kaya pilit siyang nagsalita nang matuwid.
“You’re here. You’re… you’ve come near me. You’ve been… looking out for me.”
Nagbuntunghininga ito. “Yes, I am.”
Nag-init ang mga mata niya. “Peh-ro dikaw gusto… ko.”
“I know that, too. Did you think na hindi nag-aalala sa ‘yo si Carl? O si Lola Leah? Ang mga friends natin sa reception? O ako?”
“Thank you… Carl’s friend…” At suminghot siya. “But I can’t help it… I hurt sho much…”
At nakita niyang lumambot ang mukha nito. “You’re drunk and heart-broken, kid. Let me get you upstairs. Can you walk?”
Ibinaba niya ang kanyang noo sa elegante nitong balikat. “And heart-broken.” Nangalog ang ibaba niyang labi. She felt bad, suddenly, for starting to cry on him. Pero ayaw niyang umiyak. Kaya nga siya uminom ng alak para makalimot.
But how could she forget this day that easily? How could they do this to her?
“Jigo… I’ve lost… Carl,” sumbong niya ulit dito. “I’ve lost him completely now.”
Noong nagsalita ito, mas masuyo pa ang tinig nito, na parang ang kausap nito ngayon ay isang malungkot na bata na inaalo. “I know… I’m so sorry, Fae. C’mon, let’s get you out of here.” At hawak na nito ang shawl at purse niya, nakuha mula sa kung saan na parang magic. And she wasn’t even surprised.
“Billie,” sinasabi nito sa bartender. “Ikaw na muna ang bahala rito.”
“But I’m not… finished here,” protesta niya, ayaw nang umalis ngayong may kasama na siya.
“Fae… you can barely sit straight,” sambit nito malapit sa teynga niya.
“I’m finished… when I’m… done. When I can’t… I can’t think about him anymore, Jigo…” At iyon muli, naiiyak na naman siya.
“If you want to drink, I’ll drink with you, okay?” anito bigla. “But not here. Let me bring you somewhere where I can take care of you. Halika na.”
Tumingala siya rito at nalunod siya sa simpatiko nitong mga mata.
He had beautiful eyes. Maganda ang hugis, at may makapal at malantik na mga pilikmata.
Ngayon lang niya napansin iyon. Ngayon lang siya nakalapit nang ganito kalapit sa lalaki. Pero kahit noon pa, laging mabait ang mga mata nito. Kaya nga hindi siya nahihiyang ngumiti rito tuwing nagkakasalubong sila sa kahit saan. Kahit minsan, pinakakaba siya nito. At hindi lamang dahil kaibigan ito ni Carl o na apo ito ng pinakamabait na donyang nakilala niya, si Lola Leah.
Naaawa ito sa kanya. Ngayon, sa mga sandaling ito, naaawa ito sa kanya at hindi nito tinatago. Hindi gaya nang normal na walang feeling sa mukha nito.
Pero hindi gaya sa iba, hindi niya alam kung bakit okay lang sa kanya kung maawa man sa kanya si Jigo.
Siguro dahil sa lahat, ito lang ang narito ngayon sa tabi niya. Ito lamang ang may oras para sa kanya.
Well, he did own this hotel but still, he chose to be here with her.
Hindi niya gustong may ibang makakita sa kanyang ganito, pero ngayong narito ito saka niya naramdamang kailangan niya nang makakasama para mabawasan ang sobrang kalungkutang pumipiga sa kanyang puso at nagpapa-hirap sa kanyang paghinga.
“Okay,” bulong niya rito. She trusted him. Sa tagal nitong kaibigan si Carl, wala itong ginawang ayaw niya. Wala rin siyang narinig kahit kailan na masama tungkol dito maliban sa ilang kapilyuhang likas na sa mga lalaking binata. He was most ideal, in fact, than any guy she had ever met.
Bukod kay Carl. Na may leash na. Bakit ba hindi na lang ito ang nagustuhan niya sa halip na si Carl?
Napapikit siya noong umangat siya sa ere, nahapit sa katawan nito dahil sa mga bisig nitong bumuhat sa kanya mula sa stool na animo isa lang siyang sako ng bulak.
Sweet.
God, it felt so good being taken care of. Like a little kid again. Itinago niya ang kanyang mukha sa leeg nito kasi lalo siyang naiiyak. She felt so pitiful and so heart-broken.
Inalis lang niya ang pagkakasubsob rito noong tumahimik na sa paligid. Nadala na pala siya nito sa elevator. Yumuko siya noong bigla siyang nakadama ng hiya.
“Hey…? You still awake?” tanong nito sa marahang tinig. “What are you thinking now?”
“Ikaw…” sagot niya habang nakayuko pa rin. “Alam mo lahat… pero kahit kailan… hindi mo ako hinusgahan. Or… at least, hindi ko naramdaman.”
“Oh.” Inayos niyo ang pagkakakarga nito sa kanya. Saka ito nagbuntung-hininga. “There is nothing to judge.”
May napansin siya at natawa siya.
“What’s so funny now?” tanong nito, bahagyang nangingiti.
“My girly purse straps… on your very manly shoulder. It’s silly-funny.”
Noong sinilip niya ang mukha nito, nakatingala ito sa floor counter na pataas nang pataas ang bilang, pero nangingiti rin ito. Noong napansin ang tingin niya, inangat nito ang culprit na balikat at umarteng coy habang pinikit-pikit ang mga mata. “Strike a pose?”
“Oh my god, nooo!” Napahagikhik siya at narinig niya ang mahina nitong tawa.
Dinala siya ni Jigo sa isang luxurious na restroom. Noong nakita niya ang paligid nang maluwang na cubicle sa black and silver na interior shade design, napaangat ang kanyang ulo sa gulat.“What the—” Tapos napatingin siya sa kabila ng restroom. May isa pang room na kanugnog iyon kung saan may bed at may kitchenette. Noong nabuhay ang ilaw dahil may motion sensor sa may pinto, saka natambad sa kanya ang kabuuan niyon.“It’s been here all along?” natatawa niyang tanong. May day break room at bath si Jigo sa office!“Not like this. Simpleng single bed lang dati at ang laman ng kitchen ay drinks lang. Nagte-take-out ako, ‘yon lang ang laman ng mini-fridge. May damit ako at suits na ilang piraso sa isang closet in case kailangan ko for emergency. Dito rin kasi ako natutulog noon kapag nag-o-overtime ako o kaya sobrang daming ginagawa nag-o-overnight na lang ako. But I’ve had our interior decorator renovate this two months ago. Mabagal nga lang kasi nakaka-work lang sila rito kapag weekends
Nasa meeting si Jigo noong dumating si Fae sa office nito sa 20th floor ng high-rise building ng mga Myrick. May celebration sila ng kanilang monthsary ngayong gabi (both wedding were on the same day, the 15th, but six months apart). Nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon, and it was eight months since the second wedding.Gusto niyang surpresahin si Jigo bago pa ang dinner celebration nila mamayang gabi with a ‘lunch date.’ Matapos niyang bilinan si Maria na siya na ang bahala sa asawa at pwede na itong lumakad para sa lunch break nito, naiwan siyang mag-isa sa opisina kung saan siya nagpalit ng suot niyang damit saka muling sinuot ang mahaba-habang lady’s jacket niyang suot para maitago iyon kay Jigo pagbalik nito mula sa nagaganap na meeting.Twelve-thirty na, wala pa ito. Masakit na ang paa niya sa suot niyang high heels. Mabigat na ang tummy niyang bundat sa kanilang panganay, at inaantok na siya. Lagi siyang inaantok these days dahil sa stress dahil
The wedding came and went without a single hitch. Dahil sa grounds din ang reception, lumipat lang sila ng pwesto matapos ang seremonya para sa selebrasyon. Kung hindi masayang mga tawanan ay pagdapo ng mga luha sa mga pisngi ang dinala ng mga speeches ng mga kaibigan nila o malapit na kamag-anak sa toast ng mga bisita para sa bagong kasal.Pero pinaka-poignant ang mga sinabi ni Carl.Dumating ito kasama ang grandparents na umuwi para dumalo sa kasal. Tahimik ang lahat tungkol kay Sarah na para bang wala man lang nakakilala sa babaeng iyon sa mga bisita rito. May non-disclosure agreement na pinirmahan si Sarah kapalit ng settlement sa paghihiwalay ng mga ito kaya may harang ang bibig nito sa anumang pagtatangkang gumamit ng victim card. Nahihirapan din itong makahanap ng trabaho sa mga law firms sa Kamaynilaan dahil iyong bulung-bulungan na nagpabayad ito kapalit ng sexual favors noong nag-aaral pa ay kumalat. Ang huli niyang balita ay umuwi ito sa pro
“I love you…”Napangiti si Fae sa narinig niyang bulong ng asawa malapit sa kanyang teynga.Nasa may bintana siya sa isa sa mga kwarto sa first-floor ng manor house at nakaroba pa lamang. Nakatalikod siya sa bintana pero nakasandal ang likod sa pasimano ng nakabukas na bintana sa isa sa mga kwarto sa unang palapag ng bahay na ginamit nila sa kanyang paghahanda. May make up na siya at naka-arrange na ang kanyang buhok sa eleganteng chignon na kakabitan ng veil pagkatapos niyang isuot ang kanyang wedding gown.Pero mag-isa siya sa kwarto. Lumabas sandali ang make-up artist para tawagan na ang iba mula sa dining room kung saan nag-aalmusal ang mga ito. Alam niyang pababa na rin ang iba pa mula sa mga guestrooms sa taas at magiging maingay na rito sa sunod na mga sandali.Pero ninamnam muna niya ang katahimikan at kapayapaan bago ang gulo.At dapat inasahan niyang may isang makulit na hindi makakatiis talagang sumili
Natulala si Jigo kay Fae at umikot ang mga mata ng babae. “Oh no, you don’t. Mabuti na rin na hindi mo ako tinangkang lapitan noon dahil sa bilis ng mga pangyayari ngayon, baka hindi ako nakapag-concentrate sa pag-aaral ko.”“I would have helped—”“Kung naging boyfriend na ba kita noon, makakaalis ka para mag-aral sa ibang bansa?”“Isasama kita.”Natatawa siya. As if may point pa ang argument na iyon, tapos na. “And I think my Dad knew, too. Sabi niya, huwag kitang papansinin. That’s why he said you were trouble.”Napaisip ito. “Oh… yes…” sabi nito, napapangiwi. Ilang beses n’ya akong nahuling nakatitig sa ‘yo noon. God.” Napakuskos ito sa mukha nito. Pagkatapos ay tumingala ito sa kisame at pinagdikit ang mga palad. “I’m so in love with her and I’m taking care of her to the most of my ability,
Hinalikan ni Jigo si Fae sa noo. “Go ahead sa kwarto. I’ll just get the staff to clean up here at ang driver para kina Pam. Susunod ako agad.” Saka siya bumulong. “Get naked and I’ll take care of everything for you.”Napahingal ito. “What?”“You were so hot a while ago, didn’t you know? It turned me on big time. Amasona pala ang misis ko kapag may nang-aapi sa akin.”Natatawa na naman ito. “Babe, lagi ka pong turned on,” paalala nito.Hinalikan niya ito sa pisngi. “They’ll be okay. He’ll be okay. Kailangan lang niyang magising at kapag nagtagal, malalaman din niya ang tamang gagawin niya sa buhay niya.”Marahan itong tumango pero biglang bigla, mukha itong pagod. “I’m just worried about him. Mukha siyang wala sa sarili noong umalis. I hope they get home safe.”“Malaki na siya. He’ll be fine,&rdq