“Sir, a certain Attorney Madrid wants to see you!”
Yan ang sinabi ng sekretarya ni Lance sa kanya kaya napaisip ito kung sino ang Attorney Madrid na ito. Wala naman siyang kakilala na may ganitong pangalan at mabuti na lang may oras pa siya bago ang susunod na appointment niya kaya naman pinapasok niya ito sa opisina niya.
“Good morning, Mr. Villavicencio, Attorney Leonard Madrid po, legal counsel ni Mrs. Freeshia Natalia Villavicencio.”
Nakaramdam ng kaba si Lance ng marinig niya ang pangalan ng asawa. Although he already knows kung para saan ang pagpunta nito ay pinili niyang magpatay malisya.
“Have a seat? Coffee?” alok niya pa dito pero tumanggi naman ang abogado
“No thanks! Nagpunta lang ako dito para iabot sa iyo ang kopya ng divorce papers. My client wants it to be signed as soon as possible.” pahayag ng abogado kaya napataas ang kilay ni Lance
Kagabi, akala ni Lance simpleng tantrums lang ito dahil sa nalaman ni Freeshia tungkol sa kanila nila Celestine. Hindi niya akalain na seryoso pala ito sa kagustuhan niyang makipaghiwalay sa kanya.
“Pinabibigay din po ito ng asawa ninyo!” sabi pa ng abogado sabay lapag sa mesa niya ng isang brown envelope
Inabot iyon ni Lance at inusisa ang laman nito. Nandoon ang tatlong credit cards na binigay niya sa asawa pati na ang susi ng townhouse. At ang huling bagay na napansin niya ay ang wedding ring nila.
Pinilit ni Lance na hindi indahin ang kirot sa puso niya. Hindi niya alam pero dapat nga ay masaya siya sa gustong mangyari ni Freeshia.
“Please send the papers to my office Mr. Villavicencio once it’s done. Or daanan ko na lang po?” tanong ni Attorney Madrid kaya tumango na lang si Lance
“Ipapadala ko na lang attorney!” sagot niya kaya naman tumayo na ang bisita niya at nagpaalam na sa kanya
Binasa niya ang dokumento at nakasaad doon na hindi magde-demand ng kahit ano si Freeshia, pera man yan o property, basta lang pirmahan na agad niya ang papeles.
Napakuyom ang kamay ni Lance sa nangyayari! Hindi niya akalain na gagawin ito ng asawa niya.
He got his phone at agad na dinial ang numero nito. Matagal itong nag-ring pero kalaunan ay sinagot din niya ang tawag.
“Lance?” bakas mo ang katigasan sa tinig ni Freesia pero hindi naman nagpatinag ang lalake
“Bumalik ka sa townhouse at mag-usap tayo!” utos niya dito pero hindi ito sumagot
Narinig pa niya ang paghinga ng malalim ni Freesia kaya buo ang loob niya na susundin nito ang utos niya.
“Nandyan sa sa iyo ang susi ng townhouse Lance. Kakatawag lang ni Attorney Madrid, naibalik na daw niya sa iyo.” matatag na sagot ni Freesia sa asawa niya
“Pwes, susunduin kita kung nasaan ka man at mag-uusap tayo! You can’t do this to me!” galit na sabi ni Lance dahil aminin man niya o hindi, natapakan ang pride niya sa ginawa ni Freeshia
“I just did, Lance! Pirmahan mo na ang papel para magkanya-kanya na tayo!” bulyaw ni Freeshia mula sa kabilang linya kaya lalong nagpanting ang tenga ni Lance
“Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para gawin ito, huh? May lalake ka ba?” he felt pain in his chest, isipin pa lang niya ang senaryong iyon
“C’mon Lance! Sa ating dalawa, ikaw ang gumagawa ng kalokohan! Huwag mong ibalik sa akin ang kasalanan mo!”
Hindi nakakibo ang lalake dahil alam naman niyang totoo ang sinabi ng asawa niya. Siya ang nagloko! Siya ang nangaliwa!
Nagsisisi ba siya?
“Alam ko Freeshia! Pero hindi simpleng bagay lang ang gusto mong mangyari! We need to talk things out dahil kasal tayo, for Pete’s sake!”
Narinig niya ang pagtawa ni Freeshia kaya naman nairita siya. Sa loob ng apat na taon, hindi niya halos narinig ang pagtawa nito.
Sabagay, paano nga ba niya maririnig iyon kung sa loob ng isang buwan ay halos isa o dalawang beses niya lang ito kung puntahan.
And worse, pinupuntahan niya lang ito kapag gusto niya itong gamitin. And after that, lalayasan na niya ito ulit.
“Wow! Just wow, Lance?! Ngayon ipapamukha mo pa sa akin na kasal tayo?!” nang gagalaiti ang bawat salita ni Freesia at hindi maiwasan ni Lance na mapapikit
She is really mad!
“If you want the divorce, magkita tayo ngayon. Umuwi ka sa townhouse, I’ll be there in an hour!” Lance said at natahimik ang kabilang linya
Pero naririnig niya ang mabigat na paghinga ni Freesia, patunay na galit na galit na ito.
“Damn you! Ano pa ba ang gusto mo?!” frustrated na tanong ni Freeshia pero pinutol na ni Lance ang linya
Sa galit ni Lance ay nagpigil lang siyang maibalibag ang hawak niyang telepono. This is not happening! Gulo ito pag nagkataon na matuloy ang gusto ni Freeshia.
Gulo sa pagitan ng pamilya Villavicencio at Altamonte!
Kaya ba niyang i-give up si Celestine? No! Hindi pwede! He lost her once at hindi siya papayag na maulit pa iyon.
Then how about Freesia? Makakaya ba niyang ibigay ang gusto nito? But they are married! Till death do us part diba?
Damn it, Lance! You are in great trouble!
Agad siyang tumayo para isuot ang coat niya. Dinampot niya ang susi ng kotse saka siya nagmamadaling lumabas ng opisina.
Confident siya na darating si Freesia lalo pa at kating-kati na itong makipaghiwalay sa kanya! At iyon ang hindi niya papayagan! Freesia is his’!
After ten minutes of waiting ay namataan na niya ang kotse ng asawa niya na papasok sa gate ng townhouse. Nakasimangot ito pagbaba ng sasakyan pero hindi na niya ito pinansin.
He opened the door at pumasok siya sa loob pero nanatiling nasa labas si Freeshia.
“Get inside!” utos nito kaya lalong nalukot ang mukha ng asawa niya
“Argghh!” narinig niyang sabi nito kaya napangisi na siya
“Lance ano ba!” inis na sigaw ni Freeshia sa kanya
“You don’t need to shout!”
“Ano bang pag-uusapan pa natin? Malinaw naman ang gusto ko hindi ba?” hindi magawang kumalma ni Freesia lalo pa at alam niyang pinapahirapan siya ni Lance
“Where is our wedding picture?”
Napatingin si Freesia sa direksiyon ni Lance at nakita niya nakatingala ito sa space kung saan nakasabit ang picture ng kasal nila.
“Tinapon ko! Why would you even look for it?!” inis na bwelta ni Freeshia kay Lance saka siya naupo sa couch at dume-kwatro
Nilingon siya ni Lance at hindi ito nakapagsalita seeing her sitting in that position. Napaka-sexy niyang tignan!
“What?!” inirapan siya ng asawa kaya naman bumalik siya mula sa pagkakatulala
“Bakit mo naman tinapon?” tanong pa niya matapos siyang mapalunok upon seeing her long shapely legs
“At bakit hindi? Baka malasin pa yung susunod na tumira dito kapag inabutan yun! Isa pa, biyernes santo ang mukha mo doon, Lance! Daig mo pa ang namatayan kaya hindi na dapat itago!” mahabang litanya ni Freeshia
Mahabang katahimikan ang nagdaan hanggang sa basagin iyon ni Lance.
“Wedding anniversary ng parents ko sa makalawa. You know very well na dapat nandoon ka, with me!”
Napailing na lang si Freesia sa pinagsasabi ng asawa niya. Pakiramdam tuloy niya, may diprensya na ito sa utak.
Maghihiwalay na sila and yet gusto pa nitong isama siya doon?
Seryoso ba siya?
Nakarating na ang private plane na sinasakyan nila Herea papunta sa Cebu at kanina pa siya kinakabahan dahil ito na ang araw na magkikita sila ni Troy.Kasama niy ang kanyang pamilya pati na ang pamilya ni Freeshia at ni Mint. Magiging bakasyon na din ito para sa kanila at doon sila tutuloy sa hotel na pag-aari ni Troy, Lance at Damon.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na ito pero dahil hawak ni Adam ang kamay niya, kahit papano ay nawawala ang takot nito.Pagbaba nila sa tarmac ay may sumundo sa kanilang van na may tatak ng resort ni Troy at dumeretso na sila sa nasabing resort dahil nagpahanda daw doon si Troy.“Relax!” bulong ni Adam nung papasok na ang van sa resort kaya pinisil naman ni Herea ang kamay ng kanyang asawaNaunang bumama ang mga kasama niya at nahuli na sila Troy and when she Troy, tumibok na ng mabilis ang kanyang puso.Nakatayo ito sa may entrance at naghihintay sa kanila. Walang pinagbago si Troy after all this years. Sa tingin ni Herea,
“Her, hindi ba mahirap yung sitwasyon ninyo? I mean, paano kung makaalala na si Argus? Baka magalit pa siya pag nalaman niya ang totoo?” nag-aalalang saad ni Freeshia, isang araw na dumalaw sila ni Mint sa bahay ni Herea kasama si Lance at si DamonSobrang saya ni Herea dahil unti-unti, naibabalik na ang mga panahong nawala sa kanya at sa matalik na kaibigan niyang si Freeshia. May bonus pa dahil nadagdagan sila at yun nga ay si Mint.Naikwento kasi niya ang sitwasyon nila ngayon ni Adam with regards to Argus at hindi naman mapigilan ni Freeshia na mag-alala.“Freeshia, hindi naman namin itatago sa bata ang totoo tungkol sa katauhan niya. Hindi lang ngayon dahil hindi pa naman siya totally okay!” sagot ni Herea habang nakatingin kay Argus na nakikipaglaro sa mga anak ni Freeshia at MintSi Lance at Damon naman ay nasa garden at binabantayan ang mga batang naglalaro habang nagkukwentuhan.Isang buwan na din ang nakalipas buhat nung mamatay si Clarisse at hanggang ngayon, hindi pa rin n
Ayon na rin sa kagustuhan ng kapatid ni Clarisse, pina cremate ang mga labi nito at ngayon nga ay inilagak nila ito sa isang columbary sa Maynila. Nailipat na ni Adam si Argus sa Manila at dahil wala pa rin itong naaalala ay minabuti na nilang hindi ito isama sa libing ng kanyang ina.Ayon sa doktor na tumingin kay Argus, he is experiencing amnesia dahil sa trauma na natamo niya ng dahil sa aksidente. Maaring temporary lang ito at maari din na hindi na bumalik ang alaala ni Argus at depende ito lahat sa kanya.Ang sinabi lang ng duktor, dapat maging handa sila at dapat ipakita pa rin nila ang suporta at pagmamahal nila sa bata. Habang nasa ospital si Argus ay nakita na ito ni herea at nakaramdam talaga siya ng awa sa batang ito.Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay at kung sakali nga na bumalik na ang alaala ni Argus, siguradong masasaktan ito pag nalaman niya na wala na ang kanyang ina.Pagkatapos ng libing ay dumaan muna sa isang restaurant si Adam at Herea pati na din ang kapat
Tinawagan ni Adam si Herea matapos niyang makausap ang doctor ng kanyang anak at nakahinga naman siya ng maluwag nung sabihin nito na okay naman ang kalagayan ni Argus. Wala naman itong internal bleedings according sa mga CT-scans kaya labis ang pagpapasalamat ni Adam sa Diyos.Naikwento niya din sa kanyang asawa na hindi maganda ang kalagayan ni Clarisse at sinabi pa nito sa kanya na ipagdarasal niya ito na sana makaligtas siya.Lakas-loob siyang pumasok sa kwarto kung saan nandoon si Clarisse habang naiwan naman si Lucas sa kwarto ni Argus.Nakasuot ng PPE si Adam at siniguro naman ng mga nurse na disinfected siya bago siya papasukin sa loob ng kwarto ng pasyente.Naupo si Adam sa tabi ni Clarisse na hanggang ngayon ay wal pa ring malay at marami din ang nakakabit na aparato sa kanya.“Clarisse, si Adam ito!” aniya at nakatingin siya kay Clarisse hoping na makakita ng reaksyon mula dito“Magpagaling ka dahil kailangan ka pa ni Argus! Kailangan ka ng anak natin!” dagdag pa niya“Pata
Isang linggong nanatili si Adam at Herea sa Paris para sa kanilang honeymoon at bakas ang kaligayahan sa kanilang mukha ngayon na pauwi na sila sa Pilipinas. Gusto pa sana ni Adam na mag stay pa doon pero kailangan na din nilang bumalik dahil may mga naiwan silang responsibilidad dito.“Don’t worry, Love! Everyday is honeymoon day naman sa atin!” pabirong sabi ni Herea habang nakasakay sila sa eroplano lalo na at panay ang reklamo ni Adam na bitin pa ang kanilang bakasyon“Alam mo naman na gusto ko ng magka-baby tayo eh!” maktol pa ni Adam kaya hinawakan naman ni Herea ang kamay ng kanyang asawa“Malay naman natin, may nabuo na tayo, Love! Panay ang overtime mo eh!” sabi nito kaya natawa naman ng mahina si Adam sabay haplos sa tiyan ni Herea“Sana nga, Love! I just wish na may baby na talaga tayo!” sabi nito kaya napangiti si HereaAlam niyang masaya naman si Adam at excited ito na magkaroon ng bunga ang pagmamahalan nila pero batid din niya na gusto ding makita ng kanyang asawa ang
Araw ng kasal ngayon nila Herea at Adam at walang pagsidlan ang saya ng dalawang magsing-irog. Beach wedding ang kanilang kasal at ilan lang sa malalapit na mga kaanak at kaibigan ng bawat pamilya ang imbitado sa kasal. Nakasuot lang si Herea ng simpleng gown at flat sandals dahil hindi naman siya makakapas-heels sa buhangin na nasa dalampasigan. Private resort naman ang lugar na ito na pag-aari ng isang kaibigan ni Adam kaya naman very solemn ang lugar dahil sila lang ang nandito at ang mga bisita.Si Adam naman ay nakasuot ng puting suit at nakasuot lang din siya ng itim na flat sandals at ganun din naman ang suot ni Stanley at ni Walter. Nasa isang cottage si Herea kung saan siya inayusan ng kanyang make-up artist at nakaramdam ng lungkot si Herea dahil naalala niya si Freeshia. Nandoon ang pag-asam niya na sana, nandito si Freeshia, at kasama niya sa mga oras na ito. Ito naman ang pangako nila sa isa’t-isa noon, that they will be the bridesmaid of each others wedding and in he