“Hindi ako pupunta doon, Lance! Are you even thinking!” tanggi ni Freeshia the moment she heard Lance’s words
“You are still my wife! Alam mo na hahanapin ka ng parents ko kapag nagpunta ako doon na hindi kita kasama!” giit ni Lance kaya inikutan naman siya ng mata ng asawa
“Maghihiwalay na tayo! Ano pang silbi na dalhin mo ako doon at iharap sa pamilya mo na parang walang nangyayari!”
Hindi makapaniwala ang babae sa kagustuhan ng asawa niya. Mabait ang mga magulang ni Lance sa kanya. Kahit noon ay tanggap na tanggap siya ng mga ito!
Oh! Nakalimutan nga pala niya na ang mga magulang nga pala ni Lance ang may gusto na magkatuluyan sila kaya naman nakipagkasundo sila sa parents niya para maikasal sila.
“Maghihiwalay pa lang, Freeshia! At kung gusto mong pirmahan ko ang lecheng divorce paper na yan, susundin mo ako!”
Obviously, ginagamit ni Lance ang pagpirma niya sa divorce paper na bala para mapasunod ang asawa niya.
Napapikit si Freeshia saka niya matapang na tiningnan si Lance.
“Okay Lance! Pagbibigyan kita! Pero pagkatapos nito, you will sign the paper!”
Ngumisi si Lance sa sagot ng asawa. Para saan pa at magaling na negosyante siya kung hindi niya ito magagamit sa babaeng ito.
“Good! And don’t worry, ako mismo ang magdadala sayo ng mga papel, with my signature of course!”
Tumango si Freeshia saka siya tumayo para makaalis na. Mukhang okay naman na ang usapan nilang mag-asawa.
“By the way Lance, after the party, sabay nating kakausapin ang mga magulang natin. I’m sure, nandoon din ang parents ko so mas maganda na sabihin na natin ang totoo.” sabi ni Freeshia saka siya naglakad para makalabas na ng townhouse
“No way, Freeshia!”
Napatigil si Freeshia sa paglalakad at nagsimula na namang uminit ang ulo niya sa lalaking ito
“Karapatan nilang malaman yon! Ano, itatago mo din sa kanila ang tungkol sa paghihiwalay natin?”
“You know very well na kakagaling lang sa mild stroke ni Daddy! Gusto mo bang matuluyan siya?”
Natahimik naman si Freeshia dahil aware naman siya na nagkaroon nga ng mild stroke ang Daddy ni Lance noong nakaraan. Mabuti na lang at naagapan ito kaya naman after six months, medyo maganda na ang kalagayan nito.
“Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nila na idi-divorce ako ng babaeng ipinilit nilang ipakasal sa akin!” sabi pa ni Lance kaya muling bumigat ang pakiramdam ni Freesia
Bakit ba palagi nalang nitong pinapamukha sa kanya na napilitan lang ito na pakasalan siya?
Para iyong kutsilyong unti-unting itinatarak ni Lance sa puso niya. For four years, he have been doing that. Kaya naman niyang tiisin dahil sa pagmamahal niya kay Lance pero dahil nalaman niya ang panloloko nito, hindi na siya pwedeng manahimik na lang.
“Sa akin wala silang masasabi Lance! Dahil ako, wala akong ginawang mali! Nagtiis ako and I remained the faithful wife samantalang ikaw? Ginago mo ako!”
Natawa pa ng pagak si Freeshia habang matalim na nakatingin sa asawa niya.
“So you see, sa’yo, marami silang pwedeng sabihin!” dagdag pa nito
Hindi na talaga kilala ni Lance ang babaeng kaharap niya. Nawala ang dating Freeshia na asawa niya sa loob ng apat na taon.
Maaring hindi na din niya ito makita dahil nag-iba na ang asawa niya. At marahil dahil iyon sa sakit na ibinigay niya dito.
“Hindi pa magaling si Dad, Freeshia!” babala ni Lance pero hindi man lang niya nakitaan ng pagkabagabag ang asawa
“For once, Lance, magpakalalaki ka naman! Have the balls and admit your mistake!” singhal ni Freeshia sa asawa niya kaya tuluyan ng nagdilim ang paningin nito
Inilang hakbang lang ni Lance ang asawa saka niya hinaklit ang braso nito.
“Bawiin mo yang sinabi mo!”
“Bakit ko babawiin? Ano nasasaktan ka! Duwag ka! Gagawa-gawa ka ng multo pero takot na takot ka naman dito!”
Napatili si Freeshia nag buhatin siya ni Lance at isampay sa balikat niya na parang sako. Pumalag ito at pinagbabayo ang likod nito.
“Ibaba mo ako Lance!” Hiyaw nito pero nanatiling bingi si Lance at umakyat ng hagdan kung saan nandoon ang mga kwarto ng townhouse
“I’m warning you Lance, stop this!”
Napatili muli si Freeshia ng ibalibag siya ni Lance sa ibabaw ng kama. Tatayo sana siya pero agad na sumunod si Lance at dinaganan siya.
Nakaramdam ng takot si Freeshia pero hinding-hindi niya iyon ipapakita kay Lance dahil tiyak gagamitin niya ito para mapasunod siya.
“Ano bang…”
Hindi na naituloy ni Freeshia ang balak niyang sabihin dahil sinugod na siya ng halik ni Lance.
Itinulak niya ang dibdib nito pero malakas si Lance kaya wala siyang laban dito. Itinikom niya ang labi niya pero dahil mapilit si Lance, kinagat nito ang pang-ibabang labi ni Freeshia.
Dahil sa sakit ay naibuka niya ang bibig kaya naman kinuha ni Lance ang pagkakataon para ipasok ang dila niya at galugarin ang loob ng bibig ng asawa.
She protested…pero para iyong ungol na kumawala sa lalamunan niya. Naramdaman niya ang paghaplos ni Lance sa mga dibdib niya at dala na rin ng kasabikan ay muling napaungol si Freeshia.
“Do you still want to leave me?” bulong ni Lance habang patuloy ito sa pagdila sa leeg niya
Doon nagising ang diwa niya kaya hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya. Hindi na siya nanlaban dahil napagod na din siya at inakala naman ni Lance na tuluyan ng bumigay ang asawa niya.
Lance cupped her breast kahit pa may damit pa siya at ng akma niyang babalikan ang mga labi nito ay nakita niya ang pagdaloy ng luha ng asawa niya.
Natigilan si Lance at pinigilan ang makamundong pagnanasa na bumabalot sa kanya. He just stared at his wife. Nakapikit habang umiiyak.
“S**t!” malutong na mura niya saka siya umalis sa ibabaw nito
Tumabi siya kay Freeshia saka niya ito mahigpit na niyakap. Somehow, he knows, that he was way too much.
“I’m sorry! I’m sorry!” paulit-ulit na bulong niya
In his head, gustong-gusto niyang murahin ang sarili niya.
Samantalang si Freeshia, pakiramdam niya, she was violated!
Hindi kumibo si Freeshia at nanatili lang siya sa yakap ni Lance. Ito ang unang beses na niyakap siya ng ganito ng asawa. In fact, ito ang unang beses that they cuddled dahil kadalasan, kapag may nangyayari sa kanila, iiwan din siya agad nito kapag nakaraos na.
Hanggang sa maramdaman ni Lance ang vibration ng phone niya. Hindi niya sana iyon papansinin pero hindi ito huminto at nagpatuloy.
Kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa and she saw that it was Celestine. Sinagot niya ito habang yakap-yakap pa rin ang kanyang asawa.
“What?! O-okay! Papunta na ako!”
Agad na tumayo si Lance at bago siya lumabas ay nilingon niya si Freesia. Nakapikit pa rin ito at umiiyak pero pinili niyang buksan ang pinto at lumabas.
Napahagulgol na lang si Freeshia upon hearing the doors closed. Alam naman niya kung sino ang tumawag dahil nasulyapan niya ang pangalan nito sa phone ni Lance.
Kahit kailan talaga, hinding-hindi siya pipiliin ng asawa over his mistress. Ganun niya ito kamahal!
Nakarating na ang private plane na sinasakyan nila Herea papunta sa Cebu at kanina pa siya kinakabahan dahil ito na ang araw na magkikita sila ni Troy.Kasama niy ang kanyang pamilya pati na ang pamilya ni Freeshia at ni Mint. Magiging bakasyon na din ito para sa kanila at doon sila tutuloy sa hotel na pag-aari ni Troy, Lance at Damon.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na ito pero dahil hawak ni Adam ang kamay niya, kahit papano ay nawawala ang takot nito.Pagbaba nila sa tarmac ay may sumundo sa kanilang van na may tatak ng resort ni Troy at dumeretso na sila sa nasabing resort dahil nagpahanda daw doon si Troy.“Relax!” bulong ni Adam nung papasok na ang van sa resort kaya pinisil naman ni Herea ang kamay ng kanyang asawaNaunang bumama ang mga kasama niya at nahuli na sila Troy and when she Troy, tumibok na ng mabilis ang kanyang puso.Nakatayo ito sa may entrance at naghihintay sa kanila. Walang pinagbago si Troy after all this years. Sa tingin ni Herea,
“Her, hindi ba mahirap yung sitwasyon ninyo? I mean, paano kung makaalala na si Argus? Baka magalit pa siya pag nalaman niya ang totoo?” nag-aalalang saad ni Freeshia, isang araw na dumalaw sila ni Mint sa bahay ni Herea kasama si Lance at si DamonSobrang saya ni Herea dahil unti-unti, naibabalik na ang mga panahong nawala sa kanya at sa matalik na kaibigan niyang si Freeshia. May bonus pa dahil nadagdagan sila at yun nga ay si Mint.Naikwento kasi niya ang sitwasyon nila ngayon ni Adam with regards to Argus at hindi naman mapigilan ni Freeshia na mag-alala.“Freeshia, hindi naman namin itatago sa bata ang totoo tungkol sa katauhan niya. Hindi lang ngayon dahil hindi pa naman siya totally okay!” sagot ni Herea habang nakatingin kay Argus na nakikipaglaro sa mga anak ni Freeshia at MintSi Lance at Damon naman ay nasa garden at binabantayan ang mga batang naglalaro habang nagkukwentuhan.Isang buwan na din ang nakalipas buhat nung mamatay si Clarisse at hanggang ngayon, hindi pa rin n
Ayon na rin sa kagustuhan ng kapatid ni Clarisse, pina cremate ang mga labi nito at ngayon nga ay inilagak nila ito sa isang columbary sa Maynila. Nailipat na ni Adam si Argus sa Manila at dahil wala pa rin itong naaalala ay minabuti na nilang hindi ito isama sa libing ng kanyang ina.Ayon sa doktor na tumingin kay Argus, he is experiencing amnesia dahil sa trauma na natamo niya ng dahil sa aksidente. Maaring temporary lang ito at maari din na hindi na bumalik ang alaala ni Argus at depende ito lahat sa kanya.Ang sinabi lang ng duktor, dapat maging handa sila at dapat ipakita pa rin nila ang suporta at pagmamahal nila sa bata. Habang nasa ospital si Argus ay nakita na ito ni herea at nakaramdam talaga siya ng awa sa batang ito.Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay at kung sakali nga na bumalik na ang alaala ni Argus, siguradong masasaktan ito pag nalaman niya na wala na ang kanyang ina.Pagkatapos ng libing ay dumaan muna sa isang restaurant si Adam at Herea pati na din ang kapat
Tinawagan ni Adam si Herea matapos niyang makausap ang doctor ng kanyang anak at nakahinga naman siya ng maluwag nung sabihin nito na okay naman ang kalagayan ni Argus. Wala naman itong internal bleedings according sa mga CT-scans kaya labis ang pagpapasalamat ni Adam sa Diyos.Naikwento niya din sa kanyang asawa na hindi maganda ang kalagayan ni Clarisse at sinabi pa nito sa kanya na ipagdarasal niya ito na sana makaligtas siya.Lakas-loob siyang pumasok sa kwarto kung saan nandoon si Clarisse habang naiwan naman si Lucas sa kwarto ni Argus.Nakasuot ng PPE si Adam at siniguro naman ng mga nurse na disinfected siya bago siya papasukin sa loob ng kwarto ng pasyente.Naupo si Adam sa tabi ni Clarisse na hanggang ngayon ay wal pa ring malay at marami din ang nakakabit na aparato sa kanya.“Clarisse, si Adam ito!” aniya at nakatingin siya kay Clarisse hoping na makakita ng reaksyon mula dito“Magpagaling ka dahil kailangan ka pa ni Argus! Kailangan ka ng anak natin!” dagdag pa niya“Pata
Isang linggong nanatili si Adam at Herea sa Paris para sa kanilang honeymoon at bakas ang kaligayahan sa kanilang mukha ngayon na pauwi na sila sa Pilipinas. Gusto pa sana ni Adam na mag stay pa doon pero kailangan na din nilang bumalik dahil may mga naiwan silang responsibilidad dito.“Don’t worry, Love! Everyday is honeymoon day naman sa atin!” pabirong sabi ni Herea habang nakasakay sila sa eroplano lalo na at panay ang reklamo ni Adam na bitin pa ang kanilang bakasyon“Alam mo naman na gusto ko ng magka-baby tayo eh!” maktol pa ni Adam kaya hinawakan naman ni Herea ang kamay ng kanyang asawa“Malay naman natin, may nabuo na tayo, Love! Panay ang overtime mo eh!” sabi nito kaya natawa naman ng mahina si Adam sabay haplos sa tiyan ni Herea“Sana nga, Love! I just wish na may baby na talaga tayo!” sabi nito kaya napangiti si HereaAlam niyang masaya naman si Adam at excited ito na magkaroon ng bunga ang pagmamahalan nila pero batid din niya na gusto ding makita ng kanyang asawa ang
Araw ng kasal ngayon nila Herea at Adam at walang pagsidlan ang saya ng dalawang magsing-irog. Beach wedding ang kanilang kasal at ilan lang sa malalapit na mga kaanak at kaibigan ng bawat pamilya ang imbitado sa kasal. Nakasuot lang si Herea ng simpleng gown at flat sandals dahil hindi naman siya makakapas-heels sa buhangin na nasa dalampasigan. Private resort naman ang lugar na ito na pag-aari ng isang kaibigan ni Adam kaya naman very solemn ang lugar dahil sila lang ang nandito at ang mga bisita.Si Adam naman ay nakasuot ng puting suit at nakasuot lang din siya ng itim na flat sandals at ganun din naman ang suot ni Stanley at ni Walter. Nasa isang cottage si Herea kung saan siya inayusan ng kanyang make-up artist at nakaramdam ng lungkot si Herea dahil naalala niya si Freeshia. Nandoon ang pag-asam niya na sana, nandito si Freeshia, at kasama niya sa mga oras na ito. Ito naman ang pangako nila sa isa’t-isa noon, that they will be the bridesmaid of each others wedding and in he