Share

CHAPTER 2

Penulis: KAIPOTIX
last update Tanggal publikasi: 2026-05-13 22:31:17

“Napaka assuming mo, Astra! ” sigaw niya sa isip niya sa sandaling sabihin yun ni Rhys. Napakagat pa siya nang labi habang pinipigilan ang sarili na mapamura.

Samantala, namutawi muli ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, walang gustong bumasag non at pareho silang ingat na ingat sa paggalaw.

Napukaw lang ang atensyon ni Astra nang mag vibrate ang cellphone niya at agad niya itong inunlock nang mabasa niya ang pangalan ni Jacob.

“Astra don't wait for me, ipapaliwanag ko sayo lahat kapag nagkita na tayo,” pagbasa niya sa text message ni Jacob.

Pabalibag niyang ibinalik sa bag ang cellphone niya at napakagat sa kanyang labi.

“Ano naman kayang magandang rason ang sasabihin niya sa'kin?” tanong niya sa kanyang sarili.

“Nagbago ba ang isip niya? Ayaw nya na bang sumama sakin?”

“Sasama pa ba yan sayo kung ikakasal na siya sa iba?” natigilan si Astra at napatingin kay Rhys hindi niya inaasahan na napalakas pala ang pagkakausap niya sa sarili niya.

“A-Ano bang sinasabi mo d'yan? Wag ka nag story maker, Rhys,”.

“Hindi ko forte ang maging story maker,”

“Edi wag kang magbiro!”

“Mas lalong hindi ako joker, Astra,”

Nang makita ni Astra kung gaano kaseryuso si Rhys habang sinasabe yun ay nagsimula nang kumalat ang kaba sa kanyang dibdib, nakaramdam din siya ng paninikip ng dibdib kay minabuti niyang kunin muli ang telepono niya upang tawagan si Jacob. Ngunit nakailang dial na siya rito ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya na mas lalong nagpadurog sa puso niya.

“Ang balita tungkol sa pagtanan mo kasama si Jacob ay kalat na, hot topic pa nga yan sa buong social media,” ani sa kanya ni Rhys.

“Ha? At sino naman ang nagpakalat non e kami lang namang dalawa ni Jacob ang may alam sa plano naming pag-alis ng bansa,”

“Pero siyempre sigurado akong walang Astra ang makikita sa nasabing secret place nyo dahil naging superhero ako ng buhay mo, thanks to me right?” Preskong sabi ni Rhys sa kanya habang siya ay kabado na.

Inihinto ni Rhys ang kotse at binuksan ang bintana, pinagmasdan ni Astra ang galaw nito ngunit napangiwi siya nang makitang kumuha ito nang sigarilyo at basta na lang sinindihan at walang pakialam kung may kasama itong ayaw sa usok ng sigarilyo.

“Pero ang bad news sa side mo, totoong ikakasal na si Jacob, at ang bride niya ay ang first love ko ang panganay na anak ng mga Hernandez,”

Janelle Hernandez?

Si Janelle Hernandez ay half sister ni Astra.

Puno nang pagkalito si Astra nang mga oras na yun, ang mga mata niya ay unti-unting nanunubig at ang paninikip nang dibdib niya ay mas lumala pa.

“Nagsisinungaling ka sakin diba? Kasi hindi ako basta i-iwanan ni Jacob at magpapakasal sa ibang babae,” Umaasa si Astra na hindi nagsasabi ng totoo si Rhys at gumagawa lang ito ng paraan para hindi siya makatakas sa naka takda nilang pagpapakasal.

Malabong mangyari na iwan siya ni Jacob ay ipagpapalit sa step sister niya na palagi niyang kaaway at palagi siyang sinisiraan. 

Alam niyang hindi magagawa yun ni Jacob dahil si Jacob ang takbuhan niya sa tuwing napapagalitan siya nang papa niya dahil sa paninira ng step sister niya.

“What the? Why are you crying? Hindi Ikaw yan, hindi ka ganyan!” nakita ni Astra kung paano itapon ni Rhys ang sigarilyong hawak na hindi pa nangangalahati at bahagyang lumapit sa kanya upang sana ay punasan ang mga luha niya ngunit agad na tinabig ni Astra ang kamay ni Rhys na papalapit sa pisnge niya.

“Ano bang ginagawa mo? At anong hindi ako ganito? Kung umasta ka parang kilalang kilala mo ako, baka nakakalimutan mong pilit lang kung magkita tayo,”

Napakamot naman sa batok si Rhys at marahang lumayo kay Astra.

“Fine, you only have 2 choices, Astra.” sambit ni Rhys sa kanya at bahagyang inihinto ang sasakyan, naging malamig din ang tingin nito sa kanya at padabog na lumabas nang kotse. 

Pinagmasdan lang ni Astra kung paano lumiko si Rhys ngunit napaatras siya nang buksan nito ang pinto ng passenger seat. “What are you doing?” tanong pa niya nang biglang ilapit ni Rhys ang mukha nito sa mukha niya.

“I give you another chance this time, you have only 2 choices that's why choice wisely, Astra,” ang malamig na boses ni Rhys ang siyang dahilan nang pagtaas nang balahibo ni Astra, napaigtad pa siya nang maamoy niya ang hininga nito.

Amoy sigarilyo ngunit hindi ito mabaho katulad nang inaasahan niya, nanatili parin itong mabango para sa kanya kahit alam niya sa sarili niya na ayaw na ayaw niya ang amoy ng sigarilyo.

Sunod sunod ang paglunok ni Astra at napakurap kurap pa siya bago ito nagsalita. “A-Anong choices naman yun, Rhys?” gusto niyang hampasin nang napakalakas si Rhys nang mapangisi ito habang nanatiling makalapit ang mga mukha nila. “Marry me at sisiguraduhin ko sayo na walang magtatangkang saktan ka dahil pag-aari kita, ang mapabilang sa pamilya nang Almazan ay malaking advantage sa lipunang ito,” itinulak ni Astra si Rhys at sinalubong ang malamig nitong titig.

”At bakit ko naman gagawin yun? Alam kong ang pamilya niyo ang pinaka mayaman sa buong bansa pero hindi mo parin ako mabibili ng yaman mo, hindi binibili ang pagmamahal, Rhys,”

“I don't need your love, Astra. Because I don't love you either, I just want to fulfill the promise of my mom to your late mother,”

“Maiintindihan naman na siguro yun ni mama, sacred ang marriage Rhys at hindi ka pwedeng magpakasal sa kung sino lang dahil lang sa kasunduan ng magulang natin, alam kong pareho tayong ayaw matali sa taong hindi naman natin mahal, that's torture to the both of us,” seryusong sabi ni Astra ngunit nakaramdam siya nang pagkainsulto nang biglang ngumisi si Rhys na animo'y nakakatawa ang mga tinuran niya.

“So ayaw mo akong pakasalan?” umiling si Astra.

Namilog pa ang mga mata niya nang hilahin siya palabas ng kotse ni Rhys.

“Lah? Ano na naman problema mo? Ang hilig mong manghila!” reklamo pa ni Astra at nanatiling nakaupo sa passenger seat.

“Last Chance, Astra! Do you want to marry me?” tila nauubusan nang pasensya na tanong ni Rhys.

“Ayaw ko, ayaw kong magpakasal sayo,”

Samantala, Natahimik bigla si Rhys napalabi pa siya at sunod sunod na tumango na animo'y hindi niya nagustuhan ang sagot ni Astra. 

Tila sinampal siya nang kaliwa’t kanan sa pagtanggi ni Astra sa alok niyang kasal. Hindi siya makapaniwalang sa loob pa lamang ng ilang oras, ay nagawang iparamdam ni Astra sa kanya ang iba't ibang klase ng emosyon. 

Tila hindi matanggap ng ego ni Rhys na tinanggihan siya ng Isang babae bagay na ni minsan hindi niya naranasan noon, uminit ang buong mukha nito at nagsimula nang magalit.

“Then get out to my car,” seryusong sabi pa ni Rhys kay Astra. 

Sa tono pa lang ng pananalita ni Rhys ramdam na ni Astra na hindi na ito mapapakiusapan pang manatili muna nang ilang minuto sa loob ng kotse dahil nagsisimula na naman pumatak ang ulan.

“Ano mang oras ay darating na rito ang reporter, at oo kung akala mo ay umalis na tayo sa secret place nyo nagkakamali ka,”

“A-Anong ibig mong sabihin?”

“Look at your surroundings Astra, narito ulit tayo, inilibot lang kita pero kung pumayag kang pakasalan ako edi sana nalayo na kita sa Lugar na to, now get our of my car.”

Nanatili lang na nakaupo si Astra, pumasok na rin sa loob ng kotse si Rhys dahil malakas na ang ulan, napakagat pa siya sa labi at pinasadahan ang daan, sobrang dilim sa parteng yun at malayo sa highway kung saan pwede sana siyang mag taxi na lang para umuwi at ang paglabas ng kotse ni Rhys ay ang pinaka dilikadong gagawin niya dahil bukod sa mababasa ulit siya ay makukunan pa sya ng litrato nang mga reporter.

“Pwede bang ihatid mo man lang ako sa Lugar kung saan madali akong makakahanap ng taxi? Wala ka bang puso? Hindi ka ba naaawa sa magandang tulad ko?” ginawa na ni Astra ang lahat para mapaamo si Rhys ngunit nanatili itong nakatingin sa daan at tila lang balak mag drive.

Napayuko pa si Astra nang makita niya ang nagkukumpulang reporter na papalapit sa gawi nila.

“Nasan siya?”

“Hindi ba’t dapat nandito na siya sa station na to? Mali ba ang lokasyon na nakuha natin?”

Pagtukoy nito sa subway kung saan madalas magkita sila Astra at Jacob.

“Meron nang reporters! Sino ba kasi yung nag leaked ng information?”

“Open your social media, I already told you that you're both viral tonight especially you,” 

Hindi maintindihan ni Astra ang nais iparating ni Rhys kaya minabuti siyang buksan ang kanyang social media at nagulat siya nang tumambad ang pangalan niya.

“Wow sikat na ba ako?” biro pa niya ngunit napalis ang mga ngiti niya nang mabasa niya ang Isang article na hot topic ngayon sa social media.

“Sikat na celebrity na si Janelle Hernandez, inanunsyo ang nalalapit nitong pagpapakasal, ngunit pinaghihinalaan niya ang kanyang magiging kabiyak na makikipagtanan sa kabit nito ngayong gabi,” pagbasa ni Astra sa headline ng article.

She clicked on the post and saw a nine-grid photo collage. Janelle, dressed in a haute couture gown and smiling sweetly, was arm-in-arm with Jacob. The man, dressed in a suit, was also there with Janelle. at a high-end restaurant.

The post was six hours old, and the number of comments was still skyrocketing.

Muling nakaramdam nang paninikip nang dibdib si Astra.

“Hinintay ko siya rito nang ilang oras, halos mamatay din ako sa pag-alala dahil akala ko may masamang nangyari sa lintik na Jacob na yun, tapos ngayon makikita ko na nakipag romantic date siya sa ibang babae?” nanunubig na ang mata ni Astra nang Sabihin nya yun.

“Thats life,” walang ganang sagot sa kanya ni Rhys.

“Tatlong taon kaming magkarelasyon tapos magiging kabit lang ako sa mata ng nakakarami nang ganon kadali? Ang sabi sakin ni Jacob magpapaliwanag siya! Paano niya kaya ipapaliwanag sakin ang mga ito?”

“If you don't want to marry me, what do you want?” Pag-iiba nang topic ni Rhys.

“Gusto mo bang maging laman nang balita, Astra?”

“Wala ka bang ibang choices, Rhys?”

“Marry me is the best way to stop the rumors, Astra. Once na nagpakasal ka sakin at least marami kang pera na lulustayin dahil wala naman akong pakialam, marami kaya akong pera,” 

“Yabang mo rin ano?” 

“Honest lang,” nakangiting sagot sa kanya ng binata.

“At kapag hindi ka pumayag na pakasalan ako…I’ll break your legs,”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Ex Left Me in the Cold; His Rival Kept me in his Bed.   CHAPTER 4

    Hindi namalayan ni Astra na nakatulog na pala siya; naalimpungatan lang siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya.Nakita niya ang pangalan ni Jacob sa lock screen niya.“Where are you? Let's meet, Astra.” pagbasa niya sa text message ni Jacob.Napangiwi siya dito at nagtipa nang erereply."Let's meet at Japanese garden in Laguna,” sagot nito sa kanya at pabalibag na inilapag ang cellphone niya.Umahon siya sa bathtub at kinuha ang bathrobe.Staring at the white bathrobe in her hands, listening to the rumbling thunder and pouring rain outside, she felt an emptiness and a bitter taste in her mouth.Although she didn't want to admit it, she felt Rhys was right.Going back to the Hernandez family now, looking so pathetic, would only make her look ridiculous. If what Rhys said was true, and Jacob had moved in as his son-in-law, then what was she?What about their three years of relationship?She met Jacob in her sophomore year of college; he pursued her first. After graduation, he

  • My Ex Left Me in the Cold; His Rival Kept me in his Bed.   CHAPTER 3

    Samantala, nanindig naman ang balahibo ni Astra dahil sa sinabi ni Rhys; nakayakap pa siya sa sarili, at nanuyot din ang lalamunan niya, natahimik din siya bigla at natatakot na magsalita.Kahit hindi niya tignan ang sarili sa salamin sigurado siyang namumutla na ang mukha niya.Ngunit ganon na lamang ang gulat niya nang biglang napahagalpak nang tawa si Rhys.“A-Anong nakakatawa, Rhys? ”“You look pale, Astra. What happened? ”Patay malisyang tanong sa kanya ni Rhys Dinuro naman ni Astra si Rhys. “Itikom mo yang bibig mo pwede? ”“Ha? Inaano ka nitong bibig ko? ”“Paano mo nasasabi yung mga ganong bagay sa harap ko? Ni hindi nga tayo close para kung ano-ano na lang ang kabastusan ang lumalabas dyan sa bibig mo.”“Anong kabastusan naman? Hoy Astra, para sabihin ko sa iyo, pure pa ako sa pure."“Talaga lang ah! E kung makasabi ka nga nang "I'll break your leg," e mukha kang rapist! "Napatakip naman sa bibig si Rhys at namilog din ang mga mata nito.“My gosh, Astra, I never expected th

  • My Ex Left Me in the Cold; His Rival Kept me in his Bed.   CHAPTER 2

    “Napaka assuming mo, Astra! ” sigaw niya sa isip niya sa sandaling sabihin yun ni Rhys. Napakagat pa siya nang labi habang pinipigilan ang sarili na mapamura.Samantala, namutawi muli ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, walang gustong bumasag non at pareho silang ingat na ingat sa paggalaw.Napukaw lang ang atensyon ni Astra nang mag vibrate ang cellphone niya at agad niya itong inunlock nang mabasa niya ang pangalan ni Jacob.“Astra don't wait for me, ipapaliwanag ko sayo lahat kapag nagkita na tayo,” pagbasa niya sa text message ni Jacob.Pabalibag niyang ibinalik sa bag ang cellphone niya at napakagat sa kanyang labi.“Ano naman kayang magandang rason ang sasabihin niya sa'kin?” tanong niya sa kanyang sarili.“Nagbago ba ang isip niya? Ayaw nya na bang sumama sakin?”“Sasama pa ba yan sayo kung ikakasal na siya sa iba?” natigilan si Astra at napatingin kay Rhys hindi niya inaasahan na napalakas pala ang pagkakausap niya sa sarili niya.“A-Ano bang sinasabi mo d'yan? Wag ka na

  • My Ex Left Me in the Cold; His Rival Kept me in his Bed.   CHAPTER 1

    “Huwag mo na siyang antayin hindi na siya darating,”Nakatayo si Astra habang nababagot na kakahintay sa boyfriend niya; hindi niya ininda ang malamig at malalaking patak nang ulan, ngunit nagulat na lamang siya nang marinig niya ang pamilyar na boses sa harap niya.Hindi na rin niya maramdaman ang patak nang ulan sa katawan niya kaya unti-unti niyang iniangat ang ulo niya, at nakita niya ang lalaking may hawak na itim na payong na nakatapat na mismo sa buong katawan niya.“A-Anong ginagawa mo rito? ”Tanong ni Astra sa lalaking hindi naman dapat naroon sa harap niya.Seryuso lamang siyang tinignan ni Rhys, napakamot pa ito sa tungkil ng ilong bago muling nagsalita.“Jacob is getting married.”Napakunot ang noo ni Astra sa narinig niya, sandali pang nablangko ang isip niya, at tila sa kanya tumama ang napakalakas na kidlat dahil sa pagbiglang sikip nang dibdib niya.“What did you say? ”tanong pa ni Astra kay Rhys.Umaasang baka nagkamali lang siya nang pandinig, sapagkat sigurado naman

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status