SAKAY na si Olive ng kotse. Patingin tingin siya sa labas ng bintana. Hindi naman ganoon kalayuan ang condo ni Nickson. Kaya nakarating kaagad sila.
Villa Land basa ni Olive sa malaking pangalan ng building. Pumasok na siya sa loob at pumunta sa reception."I'm looking for the unit of Mr. Nickson Balderama," sabi niya sa babae doon. Tiningnan siya nito."Fiancee niya po ako," dugtong na sabi ni Olive."18th floor, room number 54," wika ng babae na receptionist. Tiningnan ni Olive ang name tag nito. Noime, basa niya sa name tag."Thank you, Noime. But next time be nice sa guest niyo," at malawak na ngumiti si Olive dito. Nahihiyang tumango naman ng ulo ang receptionist.Pumunta na si Olive sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot niya ang 54 kung saan ang unit ni Nickson. Nakapalaki ng building kung saan naroon ang unit ni Nickson. Maya maya ay tumunog ito at nasa 54th floor na siya. Lumabas na kaagad siya ng elevator at hinanap ang unit ni Nickson.Nakita naman niya kaagad iyon dahil tatlo lang pala ang unit bawat floor sa building na ito.Nagdoorbell siya. Naiinis na talaga siya. Sinabi ni Nickson na ayaw niya maghintay. Tapos hindi pala siya sisipot. Walang nagbubukas. Kaya pinindot na naman niya ang doorbell.Nakita niya na pinihit ang door knob may nagbubukas na ng pinto. Pagkabukas ng pinto ay nakita niya si Denise na nakatapis lang ng tuwalya."Oh, good morning," nakataas ang sulok ng labi na bati nito sa kanya."Babe, sino 'yan?" tanong ng pamilyar na boses sa kanya. Niluwagan ni Denise ang pagkakabukas ng pinto at nakita si Nickson na nagpupunas ng buhok at nakatapis lang din ng tuwalya. Natigilan si NicksonNanlaki ang mga mata ni Olive. Pakiramdam niya niloloko lang siya ni Nickson."Olive?" doon niya naalala na magkikita pala sila. Ngayong araw ang pagsusukat nito ng wedding gown.Dali-daling umalis si Olive sa harapan ng pinto ng condo ni Nickson."Shit, Olive!" malakas na tawag ni Nickson sa kanya. Agad din siyang lumabas ng pinto at sinundan si Olive.Naabutan niya ito sa harap ng elevator."I'm sorry, I forgot," nakayukong hingi ng paumanhin ni Nickson. Hindi siya pinansin ng dalaga. Kaya hinawakan na niya ang kamay nito.Tumingin si Olive sa kamay niya na hawak ni Nickson. Saka matalim na bumaling sa mukha ni Nickson."Bitawan mo ako," malumanay pa na utos ni Olive."Please, Olive let me explain," pakiusap pa ni Nickson. Hindi nito binibitawan ang kamay niya."Sinabi nang bitawan mo ang kamay ko!" galit na utos muli ni Olive."Sandali lang mag usap muna tayo," pagmamakaawa pa ni Nickson. Pilit na pinapakalma niya si Olive."Hindi ka ba nakakarinig, ha Nickson?! Sinabi nang bitawan mo ang kamay ko!""No!" matigas na tanggi ni Nickson."Anong kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin ngayon, Nickson?! What time it is? Ten o'clock in the morning already. Ang usapan alas otso ng umaga. Naghintay ako sayo ng dalawang oras. Pagkatapos nagpapasarap ka lang pala!"Natigilan na naman si Nickson. Kasalanan naman niya. Nagsabi pa siya kagabi na ayaw niyang naghihintay. Pagkatapos pinaghintay niya si Olive ng dalawang oras."Kung ayaw mong makasal sa akin! Puwes, ayoko rin! Ikaw ang magpaliwanag sa Daddy mo at sa Papa ko kung bakit ako aatras sa kasal nating ito. Tutal wala ka namang pakialam sa napagkasunduan natin, hindi ba? Kaya ngayon palang mag isip ka na ng sasabihin mo sa kanila! Dahil ayoko ko nang magpakasal sayo! Mahawa pa ako ng sakit mo!" galit na galit na sabi ni Olive. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Nickson sa kamay niya. At pumasok na siya sa loob ng elevator.Napaiyak siya."Nakakainis ka Nickson! Dapat hindi na ako pumayag sa deal natin! Buwisit ka!" nawika ni Olive sa isip habang umiiyak.Lalag ng balikat na nakayukong bumalik sa loob ng condo niya si Nickson. Agad naman na sinalubong siya ni Denise nang makapasok siya sa loob ng condo niya."What happen?" nagkukunwari na tanong ni Denise."Go home, Denise. I don't want to talk, now," utos ni Nickson dito."Huh? Bakit mo ako pinapaalis? Di ba dapat natutuwa ka na umatras na siya?"Napaigting ng bagang si Nickson. At humarap kay Denise."I said go home! Ayokong makipag usap muna ngayon! Go out and leave!" galit na galit na taboy ni Nickson kay Denise.Pumunta ng kuwarto si Denise at isinuot ang mga damit niya."Break na tayo!" sigaw na sabi ni Denise saka umalis.Napasabunot si Nickson sa buhok niya. Hindi na niya alam ang gagawin. Kung si Denise ba o si Olive ang hahabulin niya.Sakay ng kotse ni Nickson. Sinundan niya kaagad si Olive sa bahay nila. Kanina pa siya hampas ng hampas sa manibela dahil naipit siya sa traffic."Fuck, this life! Fuck! Fuck!" saka pinaghahampas ang manibela."You're so careless, Nickson! Nakapa iresponsable mo! Hindi kita pinapalaki ng ganyan!" galit na sabi ng Daddy niya. Nakayuko lang ng ulo si Nickson habang pinagsasabihan siya ng Daddy niya. Tinanggap niya ang mga mura ng Daddy niya. Nagpasya na lamang muna siyang maunang kausapin ang Daddy niya."Sorry, Daddy. It was my fault. And kapag umatras si Olive ay kasalanan ko po," Paghingi ng paumanhin niya sa Daddy niya at pag ako sa kasalanan."Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Nickson. Either, pagbuhatan kita ng kamay ay walang mangyayari. Now, face it. At humingi ka ng tawad kay Olive. Makiusap ka sa kanya,""How? She don't want to talk to me. Nagmakaawa na nga po ako kanina kay Olive. Matigas pa din po siya.""Then ipakita mong sincere ka sa sinabi mo. Huwag mong hayaan na mawala ang kompanya nila. Halos naiinvest ko ang lahat doon, Nickson. And I dont want a failure," tumalikod si Erickson sa anak at umalis.Naiwan si Nickson na problemado. Paano niya palalambutin ang puso ni Olive? Mas pinoproblema niya ngayon si Olive kesa sa girlfriend niya. Ex-girlfriend na pala. Nakipaghiwalay si Denise sa kanya.Pabor sa kanya ang pakikipaghiwalay ni Denise para makapag isip-isip siya.Kinuha niya ang phone niya at idinial ang number ng kanyang kaibigan."I need help. Let's meet all in the bar," sabi ni Nickson sa kanilang linya. Then he cut the line.Samantala magkasama sina Ely at Omar ngayon sa bar."Loko talaga itong si Nickson. Mukhang problemado. Ngayon lang siya nanghingi ng tulong sa atin," sabi ni Ely. Tumango tango naman ng ulo si Omar."Parehas lang kayo ni Nickson na problemado sa mga babae. Buti na lang ako walang sabit. Hindi pa naiinlove. Problema lang ang mga babae na iyan!" sabi naman ni Omar. Hinampas naman ni Ely si Omar sa ulo."Bakit ka ba nanakit? Hindi pa kasi amining problemado ka rin kay Cindy," dagdag na sabi ni Omar."Oo na! Iniiwasan na kasi ako ni Cindy ngayon," amin na din ni Ely. Naghihintay na sila ngayon sa pagdating ni Nickson. Parker is still in London. Kaya hindi nila ito kasama.Nickson's POV MASAYA akong pinagmamasdan ang aking mag ina. Habang tuwang tuwa na nakapalibot sa kanila ang aming mga magulang. Abot abot ang tahip ng dibdib ko noong nasa loob ng delivery room ang asawa ko. 'Di ako pinayagan ng mga doktor na pumasok sa loob ng delivery room. Kaya nagkasya na lamang ako sa sobrang pagdadasal para sa kaligtasan ng aking mag ina. Nakahinga ako ng maluwag. Nang ligtas na nakaraos ang aking asawa at ito nga ay mayroon na kaming anak. Sobra ang kaligayahan ko ngayon. Halos lumagpas na sa langit ang aking ngiti. Sa wakas kompleto na ang pamilya ko. Ligtas na sila sa kamay ni Crissa at hindi na kailanman mangugulo sa amin. Panay ang dasal ko habang nasa loob ng delivery room si Olive. Parang hindi ko na makakaya kung mawawala pa sila sa akin. Sila ang buhay ko, ang mag ina ko ang bumubuhay sa akin. Mamatay ako kung malalayo sila at hindi ko sila makikita pa. Napaluha ako na nakikita ko silang sobrang galak ang mga puso sa pagdating ng aming unang sup
IT'S a big day for Nickson and Olive. The day that they are waiting for. As the music starts "Bigay ng Maykapal" by Dj Bombom. Ito ang napili nilang kanta para sa araw na pinaka-espesyal sa kanilang buhay— ang kanilang kasal. Mas memorable ngayon dahil puro ang gusto nila ang nasunod.Ito ang pinagarap niyang kasal para kay Olive. She deserved what she has now for loving them unconditionally. Ang mga sakripisyo niya para sa kanilang lahat. Kahit pa ang kalimutan ang sarili niyang kaligayahan.Habang nakatingin sa malayo si Nickson at hinihintay na dumating ang kanyang pinakamagandang bride. Ang babaeng ibinigay sa kanya ng Maykapal.Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sila pa rin ni Olive ang magkakatuluyan. Ang dami nilang pinagdaanan na dal'wa. Dalawang beses pa silang nagkalayo. Naisakrispisyo ni Olive ang sarili para lamang mailigtas ang kanyang pamilya sa masamang kamay ni Crissa. Natutuwa siya na hinarap iyon ng asawa niya na mag isa. Kahanga hanga ang ganoong klaseng babae.So
ARAW ng kasal nina Crissa at Nickson. Kompleto ang pamilya nina Nickson. Ang Daddy niya ay tutol sa kasal nila. Pero walang nagawa nang si Nickson na ang may gusto na maikasal kay Crissa. Wala naman silang kaalam alam sa lahat. Tanging siya lamang ang nagpasimuno ng kasal nila ni Crissa.Pinagbigyan na niya ito na makasal silang dalawa para matigil na ang babae ng kahahabol sa kanya. At matahimik na ang kanyang buhay.Huwag lang sanang mabulilyaso ang kanyang plano. Dahil buhay ng pinaka-importanteng tao ang malalagay sa alangin. Hindi niya makakayanan na may mangyari na mas grabe pa noon. Itataya na niya ang buhay niya kung magkagayon."Nickson, hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Hindi mo na ba mahal si Olive? Mas gusto ko pa rin si Olive para sayo," sabi ni Ericson sa anak. Mas hamak na mabait at napaka-natural ng ugali ni Olive. 'Di kagaya ni Crissa na parang plastic kung humarap sa kanila. Palibhasa ay ang anak lamang nila ang gusto nito. Nagkamali siya noong kinausap niya it
MABILIS na tumulin ang mga araw. Malapit ng manganak si Via. Kompleto na ang mga gagamitin ng anak niya. Nagpapasalamat siya kay Quinay na hindi ito umalis sa kanyang tabi. Palagi itong nakaalalay sa kanya."Ate, may check up ka pala. Sasamahan kita," paalala ni Quinay kay Via."Oo. Salamat sa pagpapaalala. Nahihirapan na nga akong lumakad.""Kaya nga ako andito, Ate Olive. Para alalayan ka sa lahat ng oras."Napangiti si Olive. Naglakad siya palapit sa dalaga. "Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Paano na lang ako kung wala ka sa tabi ko? Siguro baka hirap na hirap ako at palagi na lang mag isa.""Hindi mangyayari na mag iisa ka. Para na kitang kapatid, habang andito ka sa lugar namin. Andito lang ako palagi sa tabi mo, ate.""ARE you sure you want to marry Nickson, Crissa? Ako'y nagpapaalala lang sayo. Hindi tama ang ginawa mo sa kanila. Paano kung mahuli ka ni Nickson? E, 'di ikaw lang ang mapapasama," giit ni Mayor Cris.Masyado nang nagiging abusado ang anak. Self-centered a
"SIGURADUHIN ninyong safe sila. At huwag na huwag kayong lalayo sa kanya. Bantayan ninyong maigi at ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya," madiing utos ni Nickson. May anim na buwan na rin noong umalis si Olive. Iniwan ng asawa ang pamilya niya at maging siya. Walang makapagsabi at makapagturo kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Buti na lamang at may natrace sa CCTV noong gabing na nawala ang asawa.Araw-araw na sinisiguro ni Nickson na nasa maayos ang kanyang mag-ina. Kahit na nasa malayo ay nababantayan niya ito. Hindi na siya magagalaw pa ni Crissa. Nagdidiwang ngayon si Crissa dahil sa ang akala nito ay tuluyan na siyang nakuha. Ang hindi nito alam, matagal na niyang alam ang plano nito kay Olive.Habang si Crissa ay masayang-masaya. Ang akala niya ay magtatagumpay siya sa mga plano niya. Ang hindi niya alam lalo lamang siyang nababaon sa kasalanang ginawa niya sa kanilang mag asawa.Napapangisi siya habang ini-imagine ang araw na poposasan si Crissa. Hindi na ng
LUMIPAS ang limang buwan ay mag-isang namumuhay si Olive sa isang malayong probinsiya. Apat na buwan na rin ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat siya dahil sa may naiwan naman sa kanya na alala ni Nickson. Ito ay ang anak nilang dalawa. Habang himas ang tiyan ay napaiyak si Olive. Miss na niya si Nickson. Sumuko siya para sa kaligtasan ng lahat. Importante na mabuhay silang lahat kahit pa masaktan siya."Anak, patawarin mo si Mommy kung hindi ko pinaglaban ang Daddy mo. Masaya ako kung magiging masaya ang Daddy mo sa piling ni Crissa. Hayaan mo andito pa naman si Mommy. Hinding-hindi kita iiwan," usal ni Olive habang hawak ang may kalakihan na din na tiyan."ATE, pupunta lang po ako sa kabilang bayan. Ipamimili kita ng mga prutas tsaka mga gamit ni baby," paalam ni Quinay kay Olive. Si Quinay ang dalagita na kasama niya sa bahay simula noong lumipat siya sa maliit na bayan ng Santa Barbara.Nakilala niya ito noong naghanap siya ng babaeng makakasama. Maigi na lamang ay nadala niya ang ka