Home / Romance / My Ex-husband's Regrets / KABANATA 1 (part 1)

Share

My Ex-husband's Regrets
My Ex-husband's Regrets
Author: LoquaciousEnigma

KABANATA 1 (part 1)

last update Last Updated: 2024-11-06 09:51:04

NAKAYAKAP ang parehong braso ni Hyacinth paikot sa kanyang dibdib sa pintuan ng kusina habang pinapanood ang anak na si Sean na may dalang isang papel na kung saan mayroong iginuhit doon na isang pamilya na nagpipicnic. Tahimik niyang pinagmamasdan ang anak niya papalapit sa kanyang asawa na si Vash, na ama ni Sean, na mailahad ang iginuhit sa kanya.

Hinihintay niya ang magiging reaksyon ng asawa kung matutuwa ba ito o hindi. Sana naman ay tanggapin niya. Sana naman ay matuwa siya. Ikakalukso ng puso niya kapag nangyari 'yon. Hindi lamang siya, kundi ang anak niya rin.

Having the attention of her husband is a big deal.

"Daddy, I made this for you." Marahan na iniaabot ng bata ang papel sa harapan ni Vash. "I hope you like it po." Nakangiti pa ng malapad ang bata at excited na matanggap ng ama nito ang gawa niya.

Umangat ito ng tingin kalauna sa bata, sunod ay sa papel dahilan para gumuhit ng isa ang mga kilay ni Vash. Hindi mapigilan na mapatayo si Hyacinth ng tuwid.

"What the hell is that trash? Get out! I don't need that!" Hinawi ng ama nito ang papel na hawak ng bata at lumipad ito sa ilalim ng mesa.

Naalerto si Hyacinth at kumaripas ng takbo nang itulak ni Vash ang bata papalayo sa kanya. Ang limang taong gulang na si Sean ay napaatras. Kaagad naman niyang sinalo ang anak bago pa ito bumagsak sa sahig.

"Will you please stop coming near me? Para naman hindi kayo nasasaktan ng ganito." May diin na boses na sabi ni Vash.

Mayroong bahid na inis ang hitsura ni Hyacinth bago niya harapin ang asawa. Nakalukot ang kanyang noo at hindi ito makapaniwala sa sinabi at ginawa nito kay Sean.

Hawak pa rin niya ang bata sa may dibdib nito. "Vash, what the hell are you doing? Bakit mo itinulak ang anak mo? He just wants to give you his drawing and wants to impress you! Look how beautiful his work! Sana naman i-appreciate mo 'yon!"

Bilang ina, masakit para sa kanya na balewalain ang effort ng anak niya. Kasi pinagpaguran niya 'yon eh.

Pagharap ni Hyacinth sa anak ay naging malambot siya, nakaramdam ng awa, at parang hinipo ang puso nang makita niya na inaabot ng bata ang iginuhit para sa kanyang ama sa ilalim ng mesa.

He drew that beautiful and creative a family drawing with his coloring materials for his father, mayroon pa itong kaunting message upang mabasa ito ng ama na naglalaman na isang pagsusumao na sana ay matanggap na niya sila ng ina niya para mabuo na sila bilang isang pamilya.

Because that kid wants a complete family katulad ng mga batang kalaro niya sa labas.

"Shut up!" The feet of the chair made a rusty sound when Vash stood up. "Stop using your son to get close to me."

"Anong sinasabi mo? Hindi ko ginagamit ang anak natin!"

He looked at her full of annoyance. Marahas siya nitong hinablot sa braso kaya't pwersahan siyang napatayo at napabitaw sa anak.

Ouch. Ansakit!

Hindi siya dumaing ng malakas ngunit naipakita sa mukha niya na nasaktan siya sa paraan na pagkakahawak nito sa braso niya na para bang inilagay nito lahat ang buong lakas sa kanyang braso.

Hinila pa siya ni Vash papalapit habang hawak ang magkabilang braso nito. Ilang dangkal na lang ang pagitan ay maglalapat na ang mga labi nito.

"That kid will never be my son! Only my Gaeun Yul! Siya lang ang anak ko at hindi 'yang batang pagkakamali na 'yan!" Dinuro ni Vash si Sean na nakasalampak pa rin sa sahig habang mahinang humihikbi.

Pakiramdam ng bata ay nasayang ang kanyang effort dahil hindi man lang tinanggap ng ama ang kanyang munting obra. Sa limang taong gulang ay kaya na niyang gumuhit ng napakagandang larawan.

Mahilig kasi itong manood ng mga videos tapos ginagaya niya ang mga ito. Tatlong taon pa lang si Sean ay marunong nang humawak ng maayos ng pencil.

Hindi pumayag si Hyacinth sa kanyang narinig kaya't pinilit niya na makawala ang kanyang mga braso mula sa pagkakahawak ni Vash. Masakit at kapos hininga niya itong sinagot, "Hindi pagkakamali si Sean!" Parang napunit ang puso nito dahil nasaktan siya para sa kanyang anak. "Anak natin siya at parehas tayong nasarapan sa kama, Vash. We were in love with each other nang gawin natin siya! Kaya paano ko naman gogoyohin ang ulo mo na hindi mo siya anak? May dahilan ba kung ipagpipilitan ko siya sa 'yo kung hindi mo siya anak?"

Mabilis ang kamay niyang hinawi ang luha na nakakalat sa kanyang pisngi. Patuloy niyang ipagtatanggol ang anak dahil alam naman niya na anak ito ni Vash.

Paano naman siya mabubuntis sa iba kung ang asawa lang niya ang hinahayaan niyang humawak sa kanyang katawan? Walang ibang rason na magloko siya dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa at handa siyang magpaka-martir.

Takot ang namutawi sa katawan nito nang hablutin siya ni Vash sa panga. He looked at her full of disbelief and doubt. She glanced the pain through his eyes and she hates it, she hates seeing her husband hurting like that.

Sa ilang taon na lumipas ay hindi na nagbago ang mga mata ni Vash. May galit, sakit, at lungkot sa tuwing tinitingnan siya.

"Hindi ako ang ama niyan, Hyacinth. Alam mo 'yan sa sarili mo, lalo na ako." His lower lip trembled, moving his eye balls to wash off his emotion.

Nangingintab ang mata nito. Alam ni Hyacinth na naluluha si Vash.

"Ikaw ang ama. Ama ka ni Sean," pagdidiin pa ni Hyacinth pero may halong lambing.

"Ibang lalaki ang ama niya. I clearly remember how you end up with another man's bed. Ako ang nakauna sa 'yo pero may pumangalawa sa akin and that's the father of your child! Best friend mo pa, Hyacinth. And then you want me to trust you with that Caleb guy?" His eyes were flaming in anger as if he was ready to throw her away. "Huwag mo 'yang pinagpipilitan sa akin at baka pati ang anak mong 'yan ay mapagbuhatan ko ng kamay!" He exclaimed. "Matagal na akong nagtitiis sa kanya, and I can't just hurt him like I want to do kasi bata lang siya!"

Pabagsak siyang binitawan ni Vash at dahil nanlalambot ang kanyang tuhod ay pareho na sila ngayon ng kanyang anak na nakaupo sa sahig at parehong umiiyak sa nangyayari.

Sumisikip ang dibdib niya at nais na niyang pahingain ang sarili niya. Ganito siya sa tuwing umiiyak at nasasaktan pati ang kanyang paghinga ay naaapektuhan.

"Both of you, stay away from me! Nothing will change between us. Don’t hope that things will go back to how they were, Hyacinth, because you destroyed everything. My trust and my love, you burned them so quickly para lang sa lalaking alam mong simula pa lang ay pinagseselosan ko na. It's definitely true that a best friend can ruin a relationship."

Hindi na muli siya nakasagot at pinanood niya ang palayong asawa mula sa kanila. Naiinis siya sa kanyang sarili at sa kanyang asawa. Naiinis siya sa sarili dahil nangyayari ito sa kanila at nadadamay pa ang kanyang anak nang dahil sa kanya at naiinis ito sa asawa dahil hindi man lang niya ito binibigyan ng pagkakataon para makapag-paliwanag kung ano ang totoong nangyari sa likod ng maling balita na 'yon.

Kaagad na gumapang si Hyacinth papalapit ang anak niya upang yakapin ito ng sobrang mahigpit. Idinikit niya ang mukha sa ulo ng anak.

Humagulgol ito sa kanyang dibdib habang hawak ang regalo para sa kanyang ama. Masakit ang loob ni Hyacinth sa ginawang paghawi ni Vash sa effort ng anak nila.

Ang daming mga ama riyan na gustong-gusto silang drawingan ng mga anak nila, pero kakaiba si Vash.

"Tahan na, anak ko," may malambot na boses niyang pag-aalo sa anak habang hinahaplos ang ulo nito.

"Are you okay, mommy?" Alalang tanong ni Sean sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha gamit ng kanyang maliit, mainit at malambot na kamay.

Nang dahil sa mga kamay ng anak ay medyo napawi ang bigat niya sa dibdib.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 57 (part 2)

    SA kabilang dako, sa loob ng isang malawak na bahay, nakaupo sa sofa si Megan, hawak ang remote habang nanginginig ang mga daliri habang pinapanood si Vash sa live broadcast.Kagat-kagat niya ang labi niya at awang-awa siya sa mga magulang niyang nakaluhod ngayon at humahagulgol habang nagmamakaawang itigil na ni Vash ang paggiba ng kanilang gusali.Hindi siya makapaniwala na pinagawa ni Vash ang bagay na ito.Sa tabi niya, si Harold, tahimik lang din, pero halata ang tensyon sa mukha. Nanonood din siya kay Megan na humihikbi."Megan…" mahinang tawag ni Harold, pero hindi siya sumagot.Ang mga mata ni Megan ay nakatutok lang kay Vash sa TV habang nagraragsaan ang luha niya sa pisngi.Habang pinapakinggan niya ang bawat salitang binibitawan nito, parang isa-isa ring nababasag ang mga swerteng dumaan sa buhay niya."Ayan ba ang mahal mo? 'Yung unti-unting sumisira sa buhay mo?" Tanong ni Harold na nagpintig sa tenga ni Megan."Shut up."Yung mga panahong akala niya minahal siya ni Vash.

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 57 (part 1)

    LUMIPAS ang ilang minuto mula nang pagsisira ng mga makina sa gusali. Ang Briones Tower, na minsang simbolo ng kayabangan at yaman, ay unti-unting bumibigay sa lakas ng mga bulldozer. Ang ingay ng bakal at salamin na nababasag ay parang musika sa pandinig ni Vash.Puno ng alikabok ang paligid. Wala na rin ang mga tao at sobrang layo na sila. May kumalabit sa kanya, si Atty. Marcelo, hawak ang isang dokumento sa loob ng envelope."Mr. Ferrer," mahinang sabi ni Atty. Marcelo, "handa na po ang DNA result. Sigurado po kayong ipapakita natin 'to ngayon?"Sandaling tumingin si Vash sa paligid, sa mga camera, sa mga taong nagmamasid, sa mga Briones na ngayon ay nakaluhod na sa gilid na nakikiusap. Sa loob-loob niya, ramdam niya ang pagtibok ng puso niya."Nga pala, pinapasabi ng ama ninyo na umuwi ka mamaya sa bahay niyo."Alam niya na alam ng pamilya niya ang ginagawa niyang 'to ngunit magpapaliwanag na lamang siya. Hindi naman siguro magagalit ang kanyang ama at ang pumanaw na kanyang lol

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 56 (part 2)

    Sa TV screen, nakikita na ang paglapit ng mag-asawang Briones, si Mr. Adan Briones at Mrs. Marga Briones. Parehong kabado, parehong pawis na pawis kahit nasa lilim."Vash, tumigil ka na. Pwede ba nating pag-usapan ‘to?" pakiusap ni Adan habang pinipigilan ang boses na manginig. Kinakain niya rin ang kanyang ego. Kilala si Adan bilang isang bossy na kahit sino minamaliit niya, ngunit ngayon ay parang tuta siya ngayon sa harap ni Vash. "Hindi mo kailangang gawin ‘to sa harap ng media."Ngumiti si Vash ng malamig. "Bakit? Nahihiya ka ba?"Inikot ni Adan ang kanyang paningin at kita niya ang maraming kumpulan ng mga tao. Napayuko siya sa kahihiyan."I’m done staying quiet, Adan. What gives you the right to mess with me and my family? It’s time everyone sees your true colors, including that child of yours."Ang mga camera ay tuloy-tuloy sa pagkuha ng bawat galaw ni Vash. Lalong napalakas ang bulungan at ang iba ay nakapukaw lahat ang tingin sa mag-asawa.Sa mansyon, halos mapabitiw si Nadi

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 56 (part 1)

    MEDYO maingay ang buong land ng mga Ferrer nang sumapit ang hapon. May mga inaayos kasi ang mga tauhan ng mga Ferrer na mga machines at mga sasakyan. Sa loob ng bahay, medyo magulo dahil nakikipaglaro si Shayne kasama ang kanyang pinsan na si Hayes, four years old na siya, at anak ni Maureen. Madalang lamang idala ni Maureen si Hayes sa bahay ni Warren kaya't masaya siya na sa wakas ay may kalaro na ang anak niya.Sa sala, naroroon sina Nadine, si Warren pati ang kanyang mga kapatid. Kasama rin si Sean na busy sa pagbabasa ng isang libro at katabi lamang siya ni Warren.Mas gusto pa ng mga magulang ni Vash na dito tumira ang mga apo nila kaysa mahiwalay pa sila ngunit wala naman silang magawa kapag kinuha sila ni Hyacinth papunta sa condo niya."Apo, hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Nadine kay Sean at malambing niya itong hinaplos sa ulo."Hindi po," sagot ni Sean na nakabaling sa lola niya at ngumiti.Malaki na ang pagbabago ni Sean, unlike before, bastos siya kung sumagot. Mabuti n

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 55 (Part 2)

    Totoo nga pala na biglang manunumbalik ang pagmamahal mo sa tao kapag nagbago sila para sa 'yo.At pinapanalangin niya na sana wala ng magiging problema katulad ng nangyari sa kanila dahil gusto na niyang mamuhay ng normal kasama si Vash at ang mga bata."Mommy, you forget about me!" Reklamo ni Shayne sa sulok na ikinahalakhak ng dalawa.Oh, no. Nandito pala ang baby girl nila."Sorry, baby!" Hinila ni Hyacinth si Shayne sa tabi nila at sinama sa yakapan.Ngayong nararamdaman niya ay masaya at parang nabura na lahat ni Vash 'yung duda niya sa kanila.Bahala na. She will take the risk again. If it fails, wala na siyang magagawa. Siguro ay matututo na siya ng sobra n'on kapag nangyari pa ulit ang naging problema nila.SA kabilang banda, parehong namomroblema si Harold at ang kanyang naging driver dahil pinaalam sa kanya na may nakakaalam sa nangyari. "Boss, paano 'yan?""Manahimik ka! Ang plano ko sana ay maghanap ka ng pagtataguan namin ni Megan dahil anytime ay pwede kaming guluhin n

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 55 (part 1)

    "AYOS na ba 'yung pinagapagawa ko sa 'yo?" Tanong ni Vash kay Atty. Marcelo nang bisitahin niya ito sa office ni Vash.Sa maluwag na opisina ni Vash, umupo si Atty. Marcelo sa malapit na mesa at inilapag ang isang makapal na folder na pinagkilala ng leather strap. Tahimik na bumuka ang pinto ng office habang papalapit si Kyla dala ang kakainin ni Vash at naglalakad ito nang hindi nagmamadali dahil nagtataka din ang sekretarya niya na mukhang seryosong usapan ang nangyayari sa pagitan nina Atty. Marcelo at Vash.Pinagkrus ni Vash ang mga braso niya habang pinupukaw ang mga mata sa mga papeles na nasa harapa niya."Kyla, give us a moment," utos ni Vash sa kanyang sekretarya na kaagad naman nitong sinundan.Si Atty. Marcelo ay kinuha ang bawat papeles na inihanda niya at ipinakita at binasa ito sa harap ni Vash.Halos narinig naman lahat ni Vash ang dapat niyang marinig kaya't wala na siyang tinanong pang iba kay Atty. Marcelo."May rights akong ipagiba 'yung building?" Vash asked. Kaaga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status