Kaagad na gumapang si Hyacinth papalapit ang anak niya upang yakapin siya ng mahigpit. Humagulgol ito sa kanyang dibdib habang hawak ang regalo para sa kanyang ama. Masakit ang loob niya sa ginawang paghawi nito sa effort ng anak.
"Tahan na, anak ko," may malambot na boses niyang pag-aalo sa anak habang hinahaplos ang ulo nito. "Are you okay, mommy?" Alalang tanong ni Sean sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha gamit ng kanyang maliit, mainit at malambot na kamay. Nang dahil sa mga kamay ng anak ay medyo napawi ang bigat niya sa dibdib. "Yes, anak. How about you? May masakit ba sa 'yo?" She examined her son, looking for a bruise or something that made him in pain. Dumako muli ang kanyang mata sa mukha ng anak nang umiling ito na para bang naiintindihan niya ang titig ng ina. "I'm fine, mommy. I'm so sorry po. Kung hindi ko po nilapitan si Daddy hindi ka niya po sasaktan," tumatangis nitong paninisi sa sarili. Umiling si Hyacinth ng ilang beses. Walang karapatan ang anak na sisihin ang sarili nito. Nais lamang nito ang mabuhay ng normal na mayroong parehong magulang, lalo na isang ama na malaya nitong tinatawag na 'daddy'. "No, anak. Wala kang kasalanan. Wala ka namang ginawang mali at huwag mong pakinggan ang daddy mo, huh? Hindi ka pagkakamali. We love each other nang mabuo ka, so hindi ka pagkakamali, okay? Matatanggap ka rin ni Daddy." Ipinatong ng anak ang kanyang pisngi sa dibdib. Mahal nila ang isa't isa n'ong ibinigay niya ang katawan sa asawa at ipinangako ni Vash sa kanya na kung mabubuntis siya ay magiging mabuti siyang ama. He will spoil his son with everything he wants. Ngunit ang pangakong iyon ay para lang isang bulang nawala dahil lamang sa maling impormasyon na kanyang nalaman. Determinado ang hitsura ni Hyacinth habang nakatingin sa kawalan. Sinasabi nito sa sarili na hindi siya susuko kay Vash dahil siya lang ang bukod tanging minahal niya at kinabaliwan na lalaki. Anak ni Vash si Sean at walang kahit sinong lalaki ang gumalaw sa kanya. Iyon ang ipaglalaban niya hanggang dulo dahil karapatan ni Sean si Vash. Karapatan nitong maramdaman na mayroon siyang ama. Gagawin niya ang lahat upang hindi na maging hangin pa ang kanyang anak kay Vash. At hindi rin siya titigil hangga't hindi niya napapatunayan na isa siyang inosente at malinis na babae. Sa edad na labing-walo, ikinasal siya kay Vash upang matulungan siya nito na makuha ang mana. Limang taong kontrata ang nakasulat sa kanilang marriage contract at pagkatapos ng limang taon na 'yon ay pupwede na silang mag-annul at maging malaya na muli sa isa't isa. Ngunit sa loob ng isang taon nilang magkasama sa iisang bahay bilang mag-asawa ay natutunan nilang pahalagahan at mahalin ang isa't isa. Ibinigay niya rito ang kanyang sarili na buong puso at ilang beses pa kaya't nabuo ang kanilang anak na si Sean. Walang makakatumbas pa sa saya niya noon nang malaman niyang buntis na siya. Alam niya na isa iyon sa mga pangarap ni Vash kaya't galak siya noon na ipaalam sa asawa. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasira lahat ng kanilang pagsasamahan at pagmamahalan nang mayroong nag-set up sa kanya kasama ang matalik na kaibigan na si Caleb. Mayroong nag-aya sa kanya na mag-inuman sa isang sikat na bar na paboritong pinupuntahan ni Vash kasama ang mga barkada nito. Kasama niya si Megan, ang kanyang sampong taong best friend, at si Caleb. Magkakasama na silang tatlo mula high school. Naroroon din si Vash n'ong mga oras na 'yon ngunit naroroon siya sa VIP room. Hindi alam ni Hyacinth na mayroong binabalak si Megan. Nilagyan niya ng pampatulog ang mga alak nilang dalawa ni Caleb at nawalan sila ng malay. Tumawag ng tulong si Megan sa kanyang kasabwat na si Harold at idinala ito sa motel na katabi lamang ng bar. Nagkaroon ng mapanlarong plano si Megan at hinubaran si Caleb at Hyacinth bago niya ito kinuhanan ng mga litrato upang ipakita iyon kay Vash. Nang mapagtagumpayan ni Megan iyon ay kaagad na niyang ipinakita kay Vash ang mga pictures. Ang litrato na magkasama sa iisang kama na kasama niya si Caleb at parehong walang saplot. Natagpuan nila ang kanilang sarili sa iisang kwarto nang mag-umaga na at parehong nagulat sa nangyari. Alam naman nila sa sarili nila na walang nangyari sa kanilang dalawa at iisang lalaki lang ang tanging nakakahawak sa kanyang katawan. Impokrita kasi ang kanyang dating matalik na kaibigan at basta-basta na lamang niya itong itinapon ang matagal nilang samahan dahil lang sa kalandian nito at para makuha ang asawa niya. Nang malaman ni Vash ang tungkol sa set up na 'yon at tinadtad niya ng bugbog si Caleb na halos ma-coma na ito sa sobrang pambubugbog. Laking pasasalamat na lamang niya ay pinigilan siya ng kanyang mga barkada. Nang dahil nagkaroon na sila ng problemang mag-asawa ay doon naman nanghimasok si Megan. Iyon pala ay intensyon niyang akitin at landiin si Vash na naging dahilan upang mabuo si Gaeun Yul. Nanganak na si Hyacinth noon at mag-iisang taon na si Sean nang mabuntis si Megan. Nang aminin ni Hyacinth noon na buntis siya kay Vash ay galit lamang ang nakuha niyang tugon sa asawa at sinasabi na hindi siya ang ama, kung hindi si Caleb. Mas pinaniwalaan ni Vash ang ipinakitang proweba ni Megan at nakatatak na sa kanyang isip na lalaki ni Hyacinth si Caleb. Kung titigan ang anak, kamukhang-kamukha ni Vash ang bata. Kid version ni Vash si Sean at nagtataka pa rin si Hyacinth kung bakit hindi pa rin nakikita ni Vash iyon. Paano niya nasasabing hindi niya anak si Sean, e, ilong, mata at labi pa lang ay kuhang-kuha niya ang hugis tulad n'ong kay Vash? O sadyang nagbubulag-bulagan lang ito dahil hindi matanggap na nagalaw siya ng ibang lalaki? Vash is a savage beast when he is hit by jealousy. Halos gusto na niyang mambugbog at mambale ng buto kahit na titigan lamang ng mga kalalakihan si Hyacinth. She missed that moment, iyong magdadabog pa si Vash dahil sa selos. Ngayon ay wala na itong pakialam sa kanya. Hyacinth has a perfect body shape and smooth skin kaya kahit nanay na siya ay para pa rin siyang eighteen years old. The most funny thing and worst for Hyacinth is that Megan is living with them. Yes, iyong malanding kabit na asawa niya ay nakikisabit sa mansyon ni Vash kasama ang bunga nila. Iyon ang kinabibiyak ng puso niya lalo na sa tuwing nakikita niya kung gaano ka-sweet si Vash kay Megan at kay Gaeun. Nanliliit siya sa sarili niya at awa naman para sa anak niya. Kung sino pa ang mga original ay sila pa 'yung nanghihingi ng atensyon kay Vash. Pagdating kasi kay Megan at kay Gaeun ay nagiging 'mabuting' asawa at ama siya. Pagdating naman kina Hyacinth ay nagiging 'kaaway' nila siya at pinaparamdam ni Vash sa kanila na hindi sila mahalaga. But one thing Hyacinth is grateful for; Vash never laid his aggressive hand to their son. Itinutulak, oo, pero hindi ganun kalakas. Pero sampalin o tadyakin ang bata ay hindi niya ginagawa. Iyon naman ang pinapanalangin palagi ni Hyacinth.Megan’s hands fidgeted, wringing the edge of her shirt. "Hindi… ikaw ang daddy, Vash. Don’t doubt it just because of some paper—""Don’t lie to me," he said coldly. "Kung ako ang ama, bakit hindi ako puwedeng magdonate? Ngayon uutusan kita. Tawagin mo si Harold ngayon.""W-What? Bakit siya?" Nagtatakang tanong ni Megan."Tawagin mo, ngayon din or else magwawala ako rito," kalmadong utos ni Vash. Dali-daling kinuha ni Megan ang phone niya at sinabihan kaagad niya si Harold na pumunta sa hospital.Napapamura na lamang si Megan sa isip niya.The silence was suffocating. Nurses glanced at them nervously but dared not intervene. Nakatingin din ang doctor kay Megan tapos bumaling ulit sa bata.Megan's eyes darted to Vash, her heart pounding. Vash had no words, only questions swirling in his mind.Paulit-ulit na tanong kung bakit hindi niya kablood type ang anak niya."Gaeun is not my son," Vash spoke."No! He is your son!" Pamimilit ni Megan at tinakpan ang kanyang kinakabahan na ekspresyo
THE smell of antiseptic filled the air the moment they stepped into the other hospital kung nasaan si Gaeun.Nangunguna pa si Vash na maglakad kay Megan kahit hindi naman niya alam kung saan siya pupunta. Kahit anak ni Megan si Gaeun ay mahal pa rin naman niya ang anak niya. Sa mata ng iba hindi siya fair, pero alam niya sa kaloob-looban niya na pantay-pantay lang ang tingin niya sa mga anak niya.Nagmumukhang paborito niya si Sean kasi nga bumabawi siya sa bata."Baby, your hand is bleeding," alalang sabi ni Megan. Binalingan siya ni Vash habang magkasalubong ang may pagkamakapal nitong kilay."Mauna ka. Bilisan mo!" He hurried her. Kaagad na tumango si Megan at nagmadaling pinuntahan si Gaeun. Pumasok sila sa isang room na may mga bench kung saan doon naghihintay ang mga bantay ng patients. Walang tao ngayon sa room at nasa kabilang hallway sila.A nurse led them toward the room where Gaeun is inside. He lay inside the ICU, motionless, his skin almost as white as the sheets. Tubes
Shayne screamed on what she saw. "Mommy! Are you okay? You ugly, why did you hurt my mom? Are jealous because she's beautiful than you?" Naiiyak na pangingialam ni Shayne. "Ugly! You're ugly! You're witch!"Gusto niyang pigilan si Shayne na magsalita ng ganun pero totoo naman ang pinagsasabi ni Shayne."You!" Sigaw ni Sean at akmang ibabato niya ang bowl kay Megan pero pinigilan siya ni Vash.Vash pushed himself up on the bed, wincing at the pain in his back. "Megan, enough! What the hell is your problem!?"But Hyacinth didn’t need saving from anyone. Hindi siya papayag na natapakan siya bigla sa pamamagitan ng sampal. Her chest heaved, blood roaring in her ears, and then she snapped. Her fist clenched, and with all the fury boiling inside, lumapit siya kay Megan at isang matigas na kamao ang tumama sa mukha niya dahilan para manlambot si Megan at mapaupo sa mga hita ni Vash.Napahawak si Megan sa mukha niya at ramdam niya ang dugong dumadaloy sa gilid ng labi niya.Vash gasped and re
HAPON na at nandirito pa rin si Vash sa hospital, nagpapahinga. Ayaw pa kasi nilang tumayo siya at maggalaw-galaw dahil sa mga sugat niya. Lahat ng mga taong nadamay sa lindol ay naroroon na sa kanya-kanyang hospital bed.Hindi na naging crowded ang bawat hallway ng hospital.Vash sat propped up against a mound of pillows, his back stiff with fresh bandages. Para sa kanya ay hindi na ito gaanong masakit. He can smile and laugh with his family."Water," inabot ni Hyacinth ang bottled water kay Vash. Kaagad naman niyang ininom ito.A tray of fruit was balanced on his lap. Sean was beside him, peeling an orange with great focus, while Shayne held up a small fork with a slice of apple, waiting for her father to open his mouth. Pinagmamasdan lang ni Hyacinth ang tatlo. Kita niya ang tuwa kay Vash. Mukha naman ding hindi napipilitan si Sean na bigyan ng prutas ang ama niya.Bumalik na ba sa dati ang baby boy niya? Sana naman ganun na nga. Vash leaned closer to Shayne and gave her kisses
She bent forward, pressing her forehead against his hand. "You’re crazy… but thank you." Her voice softened, breaking into sobs. "Thank you sa sacrifice mo. You're the hero in their eyes."Sean crawled closer to the stretcher, he hugged his father’s arm. "Stay with us, Daddy. Don’t go, please." Nagulat bigla si Hyacinth sa sinabi ni Sean. Humiga si Sean sa braso ng dad niya.Ewan niya, pero sobrang saya sa dibdib niya na kinausap ni Sean ang daddy niya ng ganun.Vash’s chest tightened, not from the wounds, but from hearing his son call him like that. He lifted his trembling hand, touching Sean’s cheek. "I’m not going anywhere… I promise. Sugat lang 'to.""But you look pale. Don't die, please. Iiwan mo ako ulit?"Bigla na lang naiyak si Vash dahil sa tanong ng anak. Hindi dahil kabado siya sa nangyari sa kanya, kundi sa tanong mismo ng anak kung iiwan ba niya ito ulit. Nakonsensya siya dahil ganito ang naging epekto sa anak niya ang pag-iwan niya kay Hyacinth."I'm sorry. I won't die,
THE ground shook harder, throwing another wave of screams across the coffee shop. Maski si Hyacinth ay napatili dahil sa lakas ng pag-ugong ng buong floor. Tables slid, glasses exploded against the floor. Hyacinth tightened her grip around Sean and Shayne, pulling them under her arms.Hindi pa nabubuksan ni Vash ang kotse nang biglang umugong ang kanyang tinatapakan. Nanlaki ang mga mata niya, nabitawan ang hawak niyang paper bag, at kaagad niyang tinalikuran ang kotse patakbo pataas ng coffee shop kung nasaan ang buong pamilya niya. Hindi na niya maisip kung masusubsob siya o iindahin niya ang pagkahilo. Ang nasa isip niya ngayon ay mapuntahan sina Hyacinth sa taas.Damn! Earthquake! He can't believe na ngayon pa talaga mangyayari ang bagay na 'to kung saan nasa second floor ang mag-iina niya!Vash bent over them nang mapuntahan na niya ang mga ito, kaagad niyang niyakap ang tatlo na nakaupo sa may table, his whole body forming a shield. "Stay down! Don’t move!" His voice cracked,