Masuk3rd Person's Point of ViewSamantala, sa lugar kung saan naroroon sina Ian at Deserie, hindi naging maganda ang takbo ng gabi para sa dalawa.Galit na galit si Ian habang paikot-ikot sa loob ng silid. Halos hindi na niya alam kung saan ibubuhos ang matinding inis na nararamdaman niya matapos ang nangyari kanina.Sunod-sunod niyang hinablot ang mga gamit na malapit sa kanya at inihagis ang mga iyon sa sahig.May ilang gamit na nahulog mula sa mesa at kumalabog sa sahig, dahilan upang mapatakip naman sa magkabilang tenga si Deserie."What the hell! Huwag kang manira ng gamit!"Napatingin siya kay Ian na tila wala nang pakialam sa anumang nasa paligid niya.Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit ng lalaki. Simula nang makauwi sila ay hindi na ito mapakali at panay ang paglalabas ng sama ng loob."Damn that woman!" sigaw ni Ian habang mariing nakakuyom ang mga kamay. "Hindi ko siya kailanman h
Mikhaela's Point of View"Wife..."Napatingin ako sa asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, at may kakaibang lambing sa mga mata niyang tila hindi nagsasawang pagmasdan ang mukha ko."H-Huh?"Bahagya akong napatigil nang marinig ang pagtawag niya sa akin. Hindi ko kasi inaasahan na bigla niya akong kakausapin habang tahimik kaming magkasama."Nakikita ko na kaya mo nang labanan si Ian."Natigilan ako sa sinabi niya. Unti-unti namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at napayuko na lamang ako.Hindi ko alam kung bakit, pero tila may kung anong bigat na muling bumalik sa dibdib ko nang marinig ang pangalan ng dati kong asawa.Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga nangyari sa amin ni Ian. Kahit hindi ko pa lubusang naaalala ang lahat ng bagay tungkol sa nakaraan namin, alam kong marami akong pinagdaanan sa piling niya."Nakikita ko kasi noon, noong kayo pa, ay palagi kang nakayuko at sinusunod mo ang lahat ng gusto niya nang walang pagdadalawang-isi
Mikhaela's Point of View \*"W-What! Hindi..." Agad na umiling si Ian. "Eh, totoo naman! Kaya ka narito dahil sinusundan mo ako! Dahil hindi mo matanggap na iniwan kita."Napataas naman ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya.Seriously?Hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin kataas ang tingin niya sa sarili niya?Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya dahil tila hindi pa rin niya maintindihan ang totoong nangyari sa pagitan namin.Iniwan niya ako.Siya ang bumitaw.At ngayon, ako pa ang sinusundan niya?Napailing ako bago bahagyang ngumiti."Ilang layers?"Nagtatakang napatingin siya sa akin."What layers?""Ng mukha mo sa kakapal? Bakit ko naman babalikan ang lalaking tinapon ko na?"Nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ko.Halatang hindi inaasahan ni Ian na maririnig niya iyon mula sa akin. Marahil ay iniisip pa rin niyang kahit anong gawin niya ay mayroon pa rin siyang puwang sa puso ko.Pero nagkakamali siya.Hindi na ako ang dating Mikhaela na handang lunuk
Mikhaela's Point of View \*Pakiramdam ko ay biglang tumaas ang blood pressure ko habang nakatitig sa asawa kong kasalukuyang may hawak na baril. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyong ito. Ang alam ko lang ay kailangan kong pigilan si Leo bago pa may mangyaring hindi maganda.Alam kong hindi siya basta-bastang nananakit ng tao nang walang dahilan, pero kapag galit siya, hindi ko rin alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin."Leo, huwag mong gawin ang bagay na 'yan. Makakapatay ka niyan," mahinahon kong sambit habang nakatingin sa kanya.Sinubukan kong panatilihing kalmado ang boses ko kahit hindi ganoon ang nararamdaman ko sa loob. Ayokong isipin niyang natatakot ako sa kanya. Ang kinatatakutan ko ay baka sa sobrang galit niya ay may magawa siyang pagsisisihan namin sa huli.Baka isang kalabig lang niya ay hindi na makabangon ang lalaking nasa harapan namin.Napalingon ako sa paligid at napansin kong unti-unti nang lumalayo ang mga taong kanina ay nakikiusyoso
Mikhaela's Point of View "Oh, gagamitin mo na ba ang yaman ng mga Moretti?"Muli akong napalingon kay Ian nang marinig ang kanyang sinabi.May mapanuksong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Samantalang si Deserie naman ay nanatiling nakahawak sa kanyang braso, tila natutuwa sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng lalaki."Pera lang naman ang habol mo kay Uncle Leo."Naningkit ang aking mga mata.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang tigil sa panghuhusga sa akin.Bakit ba napakahirap para sa kanya na tanggapin na wala na akong pakialam sa kanyang buhay?"At bakit?" tanong ko habang bahagyang itinataas ang aking kilay. "Binigay mismo ni Leo ang card na ito para magamit ko kaya huwag kang magselos."Bahagya kong itinaas ang hawak kong credit card upang makita niya.Hindi ko naman kailangang ipagmalaki ang anumang bagay sa kanila, ngunit hindi ko rin hahayaang maliitin nila ako na para bang wala akong karapatang mamili sa lugar na ito
Mikhaela's Point of View*Nagpatuloy ako sa paglalakad habang bitbit ang ilang shopping bags na nabili ko kanina. Hindi ko naman talaga planong gumastos nang malaki ngayong araw, ngunit dahil may ilang bagay akong kailangang bilhin, napagpasyahan kong samantalahin na rin ang pagkakataong makapaglibot sa mall.Tahimik akong naglalakad habang pinagmamasdan ang mga mamahaling boutique at iba't ibang tindahan sa paligid. Maraming tao ang abala sa kani-kanilang pamimili. May mga magkasintahang magkahawak-kamay, mga pamilyang namamasyal, at mga babaeng abala sa pagpili ng kanilang mga gustong bilhin.Hanggang sa mapunta ako sa isang jewelry room.Bahagya akong natigilan sa harapan ng malaking salamin nitong pintuan. Mula sa labas pa lamang ay kapansin-pansin na ang karangyaan ng lugar. Nagniningning ang mga alahas na nakadisplay sa loob, at ang bawat isa ay tila may sariling kuwentong gustong ipahayag.Dahan-dahan akong pumasok.Agad na sumalubong sa akin ang malamig na temperatura ng silid







