Miley’s POV.
ISANG TAON na rin ang nakalipas ng mamatay ang lolo Arnold ko kaya umalis na ako sa dati naming tinitirahan dahil binawi na ‘yon ng mga anak ng lolo ko. Kaya ito ako ngayon nangungupahan sa apartment sa Bulacan dahil malapit ito sa kompanyang pinapasukan ko. Ang nanay ko naman na sumama sa ibang lalaki ay hindi ko na alam kung nasaan.
Agad akong napasimangot nang matanawan ko ang sedan ni Jackson sa harap ng apartment ko. Matapos kong iparada sa likod ng sasakyan niya ang kotse ko ay bumaba na ako at nagtuloy-tuloy sa pag-akyat sa hagdanan pero agad akong hinarang ni Jackson.
“Milli, mag-usap naman tayo, please? Ayusin natin ‘to?” sabi niya at sinubukang hawakan ako sa magkabilang braso pero agad ko ‘tong pinalis.
“Wala na tayong dapat pag-usapan, Jack. Ilulusot mo pa ba ang nakita ko?” asik ko sa kanya at diretso siyang tiningnan sa mga mata. Pero sa huli ay nagbawi rin ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tingnan.
“O-oo, nagkamali ako. Patawarin mo na ako, please? Ayusin natin ang relasyon natin, please?” nahimigan ko ang pagsusumamo sa tinig niya pero ayoko nang magpaloko pa. Hindi ba nga’t may kasabihan na; ONCE A CHEATER, ALWAYS A CHEATER!
“Umalis ka na Jack, please? Balikan mo na lang si Chelsea tutal ay siya ang ipinalit mo sa ‘kin,” pagtataboy ko sa kanya. Ni hindi na ako makaiyak. Siguro ay naubos na kanina.
“Hindi ko mahal si Chelsea, Milli. Maniwala ka naman sa ‘kin. Natukso lang ako dahil lagi siyang nandiyan kapag wala ka. Sa tuwing hindi ka dumarating sa mga dates natin—”
“Sinasabi mo bang kaya ka nagloko ay dahil nagkulang ako sa ‘yo? Gano’n ba Jackson?” hindi ko napigilang sikmatan siya. Kung nakamamatay lang ang titig siguro ay nakabulagta na siya ngayon sa lupa.
Inihilamos niya ang palad sa mukha at hindi niya malaman kung anong gagawin. “That’s not what I meant, Milli, pero hindi ko gagawin ‘to kung palagi sana kitang nakakasama. Please, I’m sorry. I can’t lose you, Milli, please?” pakiusap niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Ang kaninang luha na akala ko ay wala na ay nagsimula na namang bumukal. Namumugto na ang mga mata ko pero hayun at may tumutulo na naman. “I-I know I made a mistake but I will make it up to you, Milli. J-just give me chance,” dagdag pa niya.
Napahikbi ako pero agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilin ang paghagulgol. “I-I’m sorry, Jackson. P-pero h-hindi kita kayang patawarin. I’m choosing myself over our relationship. Because if I act like nothing happened, I will just despise you even more,” nagawa kong sabihin ‘yon sa pagitan ng pag-iyak.
Unti-unti kong binawi ang kamay ko at tinalikuran siya. Pero muli akong humarap at sinalubong ang titig niya. “I want you to be honest with me and to yourself, Jackson. You are only asking for forgiveness because you got caught and not because you are really sorry,” sabi ko at tuluyan na siyang iniwan sa labas.
Matapos kong ibaba ang bag ko sa sofa ay dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Wala akong ganang kumain pero kailangan kong lagyan ng laman ang sikmura ko.
Nang matapos ay nagtungo ako sa sofa at inilabas ko sa bag ang tablet para rebisahin ang agenda ng bagong CEO bukas. I may be broken but I still have a job to do. Ginagawa ko ‘yon habang humihigop ng kape.
Clifford Alfonso ang pangalan ng bago kong boss, ang newly appointed CEO ng real estate, tech company na Alfonso-Bueno Group of Companies. Walang litratong ipinadala pero may kaunting background para hindi ako nangangapa kung sakaling magkita kami bukas.
Mas bata siya kaysa sa dati kong boss. Forty-three years old lang at single pa rin. Napatango ako. Hindi na ako nagtaka na single pa rin siya dahil alam kong subsob siya sa trabaho. Ang iniisip ko lang ay baka naman hindi siya gwapo kaya single pa rin?
Huminga ako ng malalim at isinara na ang tablet. Bukas ko malalaman kung ano ang hitsura niya. Malalaman ko rin kung mabait ba siya gaya ng dati kong boss o masungit. Inubos ko na ang laman ng tasa ng kape ko at dinala iyon sa sink para hugasan at nagpunta na ako sa kwarto ko.
Pagpasok sa kwarto ko ay inihanda ko na ang mga susuotin ko kinabukasan. Pero natigilan ako nang makita ang mga gamit na binigay ni Jackson sa ‘kin. Dahan-dahan kong pinulot ang kahon na nasa ibaba ng cabinet at binuksan ‘yon. Isa iyong putting sneakers, ang katunayan ay may kapares ito na na kay Jackson. Couple shoes kumbaga. Wala sa sariling napangiti ako pero may bahid ng lungkot. Minsan ko lang ito gamitin dahil minsan lang kami magkaroon ng out of town trips. Mayroon pa nga kaming couple shirt na terno sa sneaker na ‘to.
Napabuntong hininga ako at inilabas ko ‘yon para ipatong sa ibabaw ng kama. Doon ko naman nakita ang life sized teddy bear na bigay niya sa ‘kin noong nakaraang anniversary naming. Nakapwesto ito sa ibabaw ng kama ko dahil gusto kong lagi siyang katabi.
Nagsisikip na naman ang dibdib at lalamunan ko sa biglaang pagbaha ng mga memories namin. Nagpupuyos ang dibdib ko sa magkahalong galit at sakit. Natigilan ako at sandaling natulala sa kawalan.
For a moment ay bigla akong nakaramdam ng pagsisisi. Maraming tanong ang biglang pumasok sa isip ko. Itatapon ko na lang ba ang apat na taong pinagsamahan namin? Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama. Nalilito ako, hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na makipaghiwalay sa nobyo ko.
Nahiga ako at niyakap ko ang life sized teddy bear na binigay niya sa ‘kin. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at bumadha na naman ang masasayang memories sa utak ko. Jackson wasn’t that bad after all. He just really messed up when he cheated on me. Ang hindi ko maintindihan sa sarili ko ay kung bakit hindi ko siya kayang patawarin. Siguro ay dahil sa labis na sakit na idinulot niya sa ‘kin.
Miley’s POV.“SO, THE secretary of the CEO is here? What brings you here, Millicent?” mapang-uyam na tanong ni Chelsea nang magkita kami sa HR Department. May mga papeles na ipinapakuha si Sir Clifford kaya napilitan akong magpunta sa lungga ng kaaway.Napairap ako at nilampasan lang siya. “Dahil ba sa ginawa ni Jackson kaya naging bastos ka na?” tanong niya.Tumaas ang isang kilay ko at napalingon sa kanya. “Talaga ba? Hindi ba deserve mo naman dahil kabastos-bastos ka?”Bago pa siya makapagsalita ulit ay narinig na naming ang tumitiling si Kendi, ang HR Head. “Millicent, is that you?” tuwang-tuwang sabi niya at lumapit sa ‘kin para makipag-beso.“It’s been a while, Kendi,” nakangiti ring salubong ko.Biglang nawala ang ngiti niya nang makita si Chelses na naka-cross arms at kulang na lang ay tumirik na ang mata sa pag-irap. “Anong ginagawa mo dito, Guanzon? Hindi ba’t inutusan kitang mag-lead sa interview ng mga applicant? Iniaasa mo na naman ba kay Bubbles at Vana ang trabaho mo?”
Miley’s POV.HINDI ko magawang tumingin kay Sir Clifford dahil sa kalokohang pinagsasabi ko kaninang tanghali. Magkatabi kami ngayon sa loob ng sasakyan niya at pupunta kami sa meeting sa isang dating investor na nagnanais bumalik.“Have you talk to Cara?” mula sa kawalan ay tanong niya.Sinulyapan ko siya at nakita kong abala siya sa telepono niya. “W-what do you mean, Sir?” nagmaang-maangan na tanong ko. Iniisip kong baka tungkol sa trabaho ang itinatanong niya at sana nga ay tungkol doon.“The one where you mistook us fo a couple? Did she clear your assumptions?” tanong niya at sinulyapan ako. There’s that playful smile forming his lips.Biglang nanginit ang mukha ko at ang ibig sabihin lang no’n ay nagba-blush ako. Shems! Naging malikot ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung saan babaling. Ni hindi ko magawang umiwas dahil nasa loob kami ng umaandar na sasakyan.“I gave her a job because she needs experience,” pagbibigay alam niya.Tumango-tango ako. “She’s a fast learner and sh
Miley’s POV.NAGDADALAWANG-ISIP ako kung ibibigay ko ang niluto kong pagkain kay Sir Clifford dahil sa nakita ko noong nakaraang araw. Oras na ng tanghalian at wala pang umaakyat galing sa cafeteria para magdala ng pagkain.“Anong niluto mo ngayon, Ate Miles?” tanong ni Cara nang lumapit sa desk ko.“H-ha? A-ah, kasi—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tawagin ako ni Sir Clifford.Agad akong tumayo para lumapit. “Y-yes, Sir?” tanong ko.“It’s lunch time,” pagbibigay alam niya. Tumango lang ako bilang tugon. “Where’s my lunch?” tanong niya.Napalunok ako. Para akong matutunaw sa titig niya. Pero hind inga pala pwede dahil kay Cara. Inayos ko ang reading glass ko bago nagsalita. “Do you want me to call the chef to bring you some food?”Hindi siya nakapagsalita at hinubad ang suot na salamin. Lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko. May mga hibla ng buhok ang nalaglag sa noo niya at si Superman ang una kong naisip. “You didn’t cook for me?” tanong niya na hindi tinatanggal ang tin
Miley’s POV.PAGKATAPOS kong ipagluto si Sir Clifford pakiramdam ko ay bumait siya sa ‘kin. Balik na ulit sa dati na ako ang tinatawag niya kapag may iuutos siya. Ipinagluluto ko pa rin siya at pati na rin si Cara. Pero kasabay no’n ay napansin kong nagiging close din sila lalo ng intern assistant. Pakiramdam ko minsan ay may relasyon sila.“Cara, may sarili ka bang sasakyan? Gusto mo bang isabay na kita pauwi?” tanong ko nang magkasabay kami sa elevator ng hapong ‘yon.Banayad siyang ngumiti kasabay ng pag-iling. “Salamat sa alok, Ate. Pero may maghahatid na sa ‘kin. Saka mapapalayo ka pa kung ihahatid mo ako,” tugon niya.“May sundo ka ba?” tanong ko pa.“Wala, Ate,” tipid na sagot niya.Napakunot na ang noo ko. Kung wala siyang sundo sino ang maghahatid sa kanya? Bago pa ako makapagtanong ulit ay bumukas na ang elevator sa basement parking lot.“Sige, Ate bukas ulit!” Paalam niya at tumakbo na palayo.Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad ako papunta sa kotse ko. Mayamaya ay
Miley’s POV.SECOND day ni Cara as intern assistant at hindi ko maitatangging malaki ang naitutulong niya sa ‘kin. Close na rin kami at para akong may nakababatang kapatid. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Cara ang madalas tawagin at utusan ni Sir Clifford imbes na ako. Iniiwasan kaya niya ako? Though, ayokong maging assuming. Pero sa tuwing may iuutos siya sa ‘kin ay pinapadaan pa niya kay Cara.“Ate Miles, pinapasabi ni Sir na dito na tayo mag-lunch sa loob ng office. Um-order na siya ng food,” sabi niya.“Ha? Paano ‘yan? Um-order na rin ako ng para sa lunch natin? Paakyat na nga ang delivery guy dito e,” nakangiwing sabi ko.Hindi pa man nakakapagsalita si Cara ay bumukas na ang elevator at iniluwa no’n ang delivery guy na may bitbit ng order ko. Tumayo ako para salubungin siya.“Thank you, Kuya. ‘Yan dinagdagan ko na ang bayad para sa pagod mo,” nakangiting sabi ko sa kanya at iniabot ang bayad ko. Ngumiti siya at nakita ko ang suot niyang brace. In fairness, gwapo
Miley’s POV.ILANG beses kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Tinitingnan ko kung natakpan ba ang eyebag. Bukod pa ro’n ay ang damit na suot ko. Hindi naman ako naiilang dati sa mga damit na sinusuot ko sa office. Pero ngayon ay nakailang palit na ako ng damit bago ako na-satisfied. Isang pencil skirt na above the knee cut at sleeveless blouse na may ruffles sa bandang dibdib na pinatungan ng cream blazer ang suot ko. Kung dati ay 1-inch lang ang taas ng heels ng sinusuot ko ngayon ay mas mataas na. Medyo inayos ko rin ang pag-aapply ng makeup para maitago ang eyebags ko.Pagkatapos no’n ay umalis na ako ng apartment. Bago palang sumisikat ang araw pero kailangan kong agahan ang pasok sa opisina. Ayokong magkasabay kami ni Sir Clifford dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa inasal ko kagabi. Ito nga at halos hindi ako nakatulog dahil kahit sa panaginip ko ay naroon siya.Napapangiwi ako habang nagmamaneho dahil sa naalala kong nangyari kagabi. I’m physically and sexually at