Ranzzel's Point of View*
Hindi pa siya umaalis at nakatingin siya sa akin. "Young master, may meeting ka po ngayong umaga." "Okay, sabihan mo si manang na handaan ng maligamgam na tubig at almusal ang asawa ko." Napatingin naman sa akin si Assistant John. "Yes, young master." Napatingin ako kay Vincentius na walang emosyon pa ding nakatingin sa akin at umalis na sila at sinirado na agad ang pintuan na kinabuntong hininga ko na lang. Tama nga ang sinabi nila na sobrang gwapo nito at ang problema lang ay moody at hot headed. Nasa kanya na ang lahat, siya ang heir ng Vaughn Clan, siya pa ang pinakamayamang young businessman at pinakamatalinong director doctor sa boung mundo. Nasa kanya na ang lahat pero isa lang ang hindi okay sa kanya at yun ay ang hindi niya paglakad dahilan para maging moody siya. I want to help him dahil Asawa na niya ako pero di ko alam kung paano. Once lumalapit na siya sa akin at nanginginig na ako sa takot habang nakatingin sa kanya. Na parang may ginawa siyang hindi maganda sa akin nung huling buhay ko. Nagulat ako nung biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Manang Maria na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Isa pa ito! Mas okay na kaharap ko si Vincentius kaysa sa kanya. Lumapit siya sa akin at agad niyang tinanggal ang kumot na nakatakip sa katawan ko na kinalaki ng mga mata ko at napatakip sa katawan ko. Napatingin din siya sa blood stain na nasa bed sheet. Bakit siya ganito sa akin? "Ano pang tinunga-tunganga mo diyan? Tumayo ka na at maligo doon." Tumalikod siya at kasabay na umalis sa kwarto at ako naman nakatulalang naiwan sa kinauupuan ko. "Anong problema nung babaeng yun?" mahinang ani ko. Kahit masakit ang katawan ko at ang pagitan ng mga binti ko ay agad akong tumayo at nagmamadaling sinirado at ni-lock ang pintuan para walang makakapasok. Agad akong napatingin sa paligid kung may masusuot ako dito dahil kailangan kong pumunta sa trabaho dahil nakikita ko sa gc namin na hindi pwedeng umabsent dahil dadating ang bagong nagmamay-ari ng maliit na pharmaceutical company namin. Binili naman kasi ng bagong may-ari ang company namin at di ko alam kung bakit at bibisita daw ngayon ang bagong may-ari para i-check ang lahat ngayon. Hindi pwedeng ma-late! Isa kasi akong chemist sa kompanyang iyon at pati daw kami ay kailangan i-check. Maaga pa naman pero kailangan kong maghanda. At mabuti nakadala ako ng gamit at kinuha ko ang bag ko at pumasok ako sa banyo. Natapos akong maligo at nagbihis ng uniform ay nagmamadali akong bumaba nang napatigil ako nang makita si Manang Maria na nasa baba ng hagdanan at nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "At saan ka pupunta, young lady?" "M-magtatrabaho, manang." Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Maaga pa para pumasok at isa pa hindi mo pa nalalabhan ang bed sheet at kumot sa kwarto ninyo, young lady." Mahahalata talaga sa boses niya ang pagkairita habang nakatingin sa akin. "Pero male-late na po ako---" "Wala po kaming pake-alam ang sa trabaho mo. Labhan mo na ang bedsheet sa kwarto! Wala kang magagawa dahil nakaayon ang lahat sa batas ng pamilyang ito kaya sumunod ka." Nagulat ako sa sigaw niya at wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto ko at napakamao ako. Anong karapatan niyang ganituhin ako? Katulong lang naman siya? Ganito ba talaga dito? Kahit katulong ay dapat respituhin? Hindi naman tama ang lahat ng ito. Pakiramdam ko parang nasa puder pa din ako ng madrasta at stepsister ko ngayon. Ginaganito din nila ako pero pinabayaan ko na lang. Pa-ikot ikot na lang ba ang buhay ko na ganito? ***** LMCD22Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Ranzzel's Point of View* Hindi ko napigilan na lumabas ng bahay at agad naman akong nahawakan ni Vince. "Wife, anong gagawin mo?" "Ano pa ba? Edi sugurin ang babaeng 'yun." "Hindi mo naman kailangang gawin ang bagay na 'yan." Naningkit naman ang mga mata kong napatingin sa kanya. Eh ano pa ba ang gagawin namin sa bagay na ito? "Vince, kailangan may gagawin tayo para sa mga taong nandidito. Alam mo naman na hindi makatarungan ang ginagawa sa kanila 'di ba? Tutulungan ko sila sa abot ng makakaya ko." Hinila ko ang kamay ko at agad akong tumakbo papunta sa babae kung saan nandodoon ang mga taong nagagalit at nagmamakaawa sa babae na si Winnie. "Babayad na kami ng taxes. Ibalik mo na ang kuryente namin." "Susunod na kami sa kagustuhan ni mayor." Napakamao ako habang nakatingin doon. Ginagamit nila ang walang edukasyon ng mga tao dito para tapak tapakan at maliitin sila. Ito ang hirap sa mga maliliit na baryo katulad dito. Humarap ako sa kanila at napatingin naman sa
Ranzzel's Point of View*Kinakabahan ako ngayon habang nakatingin sa dad ko na dinala sa hospital. Napatingin naman ako sa stepmother at stepsister ko na nag-aalala kunong nakatingin sa dad ko."Anong nangyayari?""Bakit ka pa ba bumalik! Wala ka namang pakealam kay dad!"Tinulak naman ako ni Michelle na kinaupo ko sa sahig habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. What the hell makatulak tung babaeng ito oh!Parang hindi babae eh!"Anong karapatan mong itulak ako!"Nagulat kami nang napansin namin na nagmamadaling nagtakbuhan ang mga doctors papunta sa kwarto ng dad ko at nakita ko na pinagtutulungan s'yang salbahin ng mga doctors.Napatakip ako sa bibig ko. No way! "D-Dad!"S'ya na lang ang naiwan sa akin tapos ganito pa ang mangyayari. Pati s'ya ay mawawala pa sa akin?"Daddy!"Gusto ko s'yang puntahan pero may mga doctors na nakaharang sa pintuan at isang iglap ay may gumising sa akin."Wife, wake up."Napamulat ako habang hinahabol ko ang hininga ko na kinatingin k
Ranzzel's Point of View*Nasa bahay na kami at binigyan ko ng tubig si Vince dahil pagod na pagod s'ya ngayong araw lalo na 'yung dumating na mga bisita ngayon."Hubby, 'di mo na sana pinatulan ang mga 'yun."Tiningnan ako ni Vince at nag-sign s'ya na lumapit ako sa kanya. Lumapit naman ako at pinaupo n'ya ako sa lap n'ya. "Wife, wag mo ng isipin ang bagay na 'yun, okay?" mahinang ani n'ya sa akin.At pinat niya ang ulo ko."Pero..."Hinalikan n'ya ang labi ko para tumahimik na ako at sandali lang 'yun."Alam ko na gusto ko 'rin na tulungan ang mga taong nandidito kaya ko ginawa ang bagay na 'yun. Hindi tama ang pagsingil sa kanila ng ganun."Hinaplos n'ya ang buhok ko."Hubby, nag-aalala kasi ako baka once makisali ka sa ganung bagay ay baka madamay ka pa at baka makita ka ng mga taong---""I can protect myself, my love."Tiningnan ko ang mga mata n'ya at nakikita ko ang assurance roon na walang mangyayaring masama sa kanya o sa akin. "Ikaw bahala, hubby."Napangiti na lang s'ya."
Ranzzel's Point of View*"Any problems with that?" Natigilan kami nang magsalita ang asawa ko at nakatingin siya sa babae na may malamig na awra.Agad namang prinutektahan ng mga bodyguards ang babae."Hey, stop that," reklamo ni Winnie at nung nakita n'ya ang mukha ng asawa ko ay parang natulala s'ya na ewan."Ehem, ehem... hindi ko aakalain na mas gwapo ka pa pala sa inaakala ko. Attract atah ako sa 'yo agad."Hala ang kapal ng pores ng babaeng ito! Pero kailangan kong kumalma dahil ayoko ng gulo.Napabuntong hininga ako dahil ayokong pumatol sa nilalang na ito."Hello, miss."Seryosong napatingin ako sa kanya at lumapit ako sa kanya."Milady, wag po," mahinang ani ng ibang mga tao sa akin na parang malaki ang makakalaban ko ngayon."It's okay, mag-uusap lang kami."Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang mapahinto ako sa harapan n'ya."They called you milady? Why is that? Hindi ko naman nakikita na mukha kang milady. Yung si doc ay pwede pang maging anak mayaman.""I don't care kung
Ranzzel's Point of View* Lumipas ang ilang araw at mabuti tahimik pa rin ang pamumuhay namin ng asawa ko dito at walang kalaban na pumunta dito. Napatingin ako sa kanya na tinitingnan n'ya isa isa ang mga kumukunsulta sa kanya at nakikita ko naman na masaya s'ya sa bagay na 'yun. Lumapit ako sa kanya habang may dala akong pandesal at kape. Hindi pa kasi siya kumakain ngayon dahil marami nang naghihintay sa kanya kanina pa lamang. Habang lumalapit ako ay nakita n'ya agad ako at sabay ngiti. "Hubby, kain ka muna sandali. Hindi ka pa kasi kumakain." "I'm fine, wife. Hindi pa ako nagugutom." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya at napabuntong hininga s'ya at napatingin sa mga kumonsulta sa kanya. "Kain muna po tayo dahil alam ng asawa ko ang iba aa inyo dito ay hindi pa kumain. Balikan n'yo na lang po ang linya ninyo mamaya po. Salamat." Napangiti ako dahil sa sinabi n'ya at agad namang sumunod ang mga taong nandodoon at napatingin s'ya sa akin. "Can I eat now, wi
3rd Person's Point of View* Nakaalis na sila Ranzzel at Vince at may isang doctor naman ang nakamasid sa kanila at may kinuha sa bulsa n'ya. At agad nitong tinawagan ang isang tao para mag-report sa mga nangyayari dito ngayon. Matagal na s'yang nakamasid sa nangyayari at matagal na dapat s'yang nag-report pero baka mahalata s'ya. Naglakad s'ya papunta sa kakahuyan at agad namang sinagot ang tawag n'ya. "Boss." 'Anong nangyayari? Bakit hindi ka ma-contact?' "Boss, nandidito po ang subject natin." 'What do you mean?' Sinabi nito ang lahat sa boss na nandidito si Vincentius na matagal na nilang hinahanap at ganun na rin ang asawa nito na si Ranzzel. 'Magpapadala ako ng back up.' "Yes, boss." Binaba na nito ang tawag at agad na itong bumalik sa dagat kung nasaan ang mga kasamahan nito. Matagal na s'yang tauhan ng taong tinawagan n'ya. Kahit tinakot sila kanina ni Vince ay nananatili pa rin itong loyal sa amo nito. Sa dagat naman kung nasaan ang mga kaibigan ni Ranzzel naroro