Kinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito. Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo muli sa mga ito kagaya nitong magarang salo-salo pagkatapos ng pormal na pagbibigay-pugay sa mga awardees. “Ayon si Mr. Black, ikaw na ang bahala dumiskarte kung paano mo siya malapitan at makuha ang iyong pakay,” pabulong na sabi ni Adrian kay Sabrina. Pareho silang nakaupo sa bar stools sa isang sulok ng bulwagan. “Kinakabahan ako pero kakayanin ko.” “Do it like how you did it to me before.” Hindi tumitingin kay Sabrina na nagwika ang binata. “Is it necessary to remind me what I did before?”
Kinabukasan, maagang nagising sina Adrian at Sabrina para magpaalam sa mga kasamahan nilang mauunang uuwi. Naiintindihan naman ng mga ito kung bakit maiwan si Sabrina at nakisimpatya sa nangyari sa kanya at nagbigay ng suporta at panalangin na sana matagpuan niya ang kanyang kapatid. “So, you’re going home with Prof. Reyes?” Tanong ni Bernard nang mapagsolo sila ni Sabrina sa isang tabi habang abala pa ang iba sa pag-checkout. “Yes! Pakisabi kay Alex na wala akong pasalubong. Alam naman niya ang nangyari sa akin,” tugon ni Sabrina. “Huwag mag-alala si Alex pa ba kukulangin ng pag-unawa sa ‘yo?” Mahinang napatawa si Sabrina. Totoo nga naman ang sinabi nito tungkol sa kanyang kaibigan. Si Alex na yata ang kaibigang hindi niya kayang ipagpalit o mawala. Mula nang magkakilala silang dalawa, ni minsan hindi sila nag-away na ikakasira ng kanilang samahan. Nagtatalo sila sa ibang bagay pero naayos din naman kaagad lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife. “Oh, Bernard. Tapos ka na ba?”
“Ayaw mo ng bag mo?”Magkasalubong ang kilay na tanong ni Adrian kay Sabrina. Kahit ang mga pulis na naghatid ng kanyang bag ay napailing na lamang.“I mean, huwag mo na akong bayaran kasi hindi naman ikaw ang dahilan kaya nawala ang mga ‘yon. Ang unfair naman na ikaw ang mag-compensate sa mga bagay na hindi mo naman kinuha.” paliwanag ni Sabrina.“Just take it as a gift.”“Adrian, huwag na. If this happens for a reason, then let it be. Okay lang kung hindi ko mahanap ang kapatid ko,” tugon ni Sabrina na nanghihinayang sa perang nawala sa kanya“Speaking of your brother, may dadaluhan akong forum at pwede kitang isama roon.”Sasagot na sana si Sabrina nang muling lumapit ang dalawang pulis para magpaalam na sa kanila.“Are eveything fine now, Sir?”“Yes, Sir! Thank you so much for your help.”“No worries, Sir!” tugon ng dalawang pulis. “We have to go.” paalam pa ng mga ito.Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap ni Sabrina si Adrian.“So, hindi ka sasabay ng uwi sa iba?”“Hindi! Extended
“Two hours?” Parang nabigla pang ulit ni Adrian ng naging tugon ni Sabrina sa kanya. “Hmm. . .” Tumango lamang ang dalaga para kumpirmahin sa binata na hindi ito nagkamali ng dinig. “Tumawag ako kay Alex para humingi ng tulong. Kailangan ko ng passport para hindi ako mahuli dito kapag lalabas ako.” dagdag pa ni Sabrina. “Hoping that the authorities will retrieve your belongings from those gangsters. Kung bakit kasi nakipagmatigasan ka pa sa kanila? Kung kusa mong ibinigay kahit ‘yung pera na lang, eh hindi sana umabot sa ganito,” saad ni Adrian na walang ekspresyon ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. “Sinisisi mo ba ako? Eh, nandon nga ang passport ko at ang perang gagamitin ko sa paghahanap ng kapatid ko,” tugon ng dalaga na bumalatay ang lungkot sa mukha. “Hindi naman sa sinisisi kita pero kapag ganoong sitwasyon mas mahalaga pa rin ang buhay natin. Mabuti na lang at nandoon ako. Paano kung wala?”“Gaya nga ng sabi ko passport at pera ko ang laman ng bag kaya ayaw kong ibig
Passport at lahat ng perang pinaghirapang ipunin ni Sabrina ang laman ng bag kaya nang marinig ang sinabi ng isa sa mga naka-motorsiklo ay niyakap niya ang bag para hindi makuha ng mga ito mula sa kanya. Panay pa rebolusyon ng mga ito ng motor habang pinaiikutan si Sabrina kaya nakadagdag ito ng takot sa dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkahilo sa dalaga na humigpit ang pagyakap sa bag na tila doon kumukuha ng lakas.“Dude, look at her, she seems not willing to give the bag,” wika ng isa sa mga lalaki na kinausap ang nasa kanan nito. Nagtawanan ang mga ito kasama ang iba pa. Palingon-lingon naman si Sabrina sa pagbabakasakaling may isa sa mga dumadaan na tutulong sa kanya para sawayin ang mga kalalakihan pero ni isa wala yatang may balak na gawin iyon. Umiwas pa nga ang mga ito at tila ayaw nang makialam sa nangyayari. Nang makitang walang balak ang mga kalalakihan na umalis, ibinaba ni Sabrina ang isang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan kung saan hindi pa tuluyang naghilom ang kanyang
Nahihiya man pero hinayaan ni Sabrina na ipagpatuloy ni Adrian ang pagpupunas sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa dahil presko pa ang sugat gawa ng kanyang operasyon baka kung ipagpilitan niyang siya ang magpupunas sa sarili ay mahihirapan siya. Hindi maaring mabasa ang kanyang sugat para mailayo sa impeksyon. “Ano ba Adrian?” angil ni Sabrina nang itinaas ng binata ang nakatakip na kumot sa pang-ibaba ng kanyang katawan. Napakunot-noo naman ang binata na nag-angat ng paningin at tumingin sa kanya na puno ng pagtataka. Ang kamay nitong may hawak na bimpo ang naitukod nito sa pagitan ng mga hita ni Sabrina.“Pinupunasan ka. Bakit?” “Huwag mo akong punasan diyan, ako na ang gagawa.” namumula ang mukha ng dalaga na hindi makatingin ng diretso kay Adrian habang nagsasalita.“Bakit nahihiya ka pa ba na punasan ko ang maselang parte ng iyong katawan? Nakita ko na ito ng ilang beses, Sabrina.” napapangiting tugon ni Adrian habang inilalapit ang mukha sa mukha ng dalaga. “Get well so