LOGINEmily's POV
Hindi ko na pinapasok mismo ang sasakyan ni Mr.Castillo kay kuya driver sa lugar namin.Nakakatakot baka magasgasan pa.Alam ko naman na mamahalin iyong sasakyan niya. Baka nga kulang pa kung ibenta ko buong katawan ko.Sa halaga ng sasakyan niya. Masaya ako dahil marami akong dala.Tiyak matutuwa sila mama nito.Mas lalo na si Elizabeth.Ingay ng kapitbahay agad ang naririnig ko.Ganito naman palagi dito sa lugar namin.Pero hindi naman ako natatakot. Dahil kahit maraming mga tambay dito.Wala naman ni isang nagtaka sa kanila na bastusin ako. Kahit alam nilang nagtratrabaho ako sa isang bar bilang waitress. Hindi na ako kumatok. Dahil bukas naman ang pintuan. "Elizabeth..." tawag ko sa kapatid ko. " Ahh..." napasigaw ako ng may biglang humila sa buhok ko. " Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi! Birthday ng papa mo kagabi. Wala man lang handa!" ito agad ang mga salitaan ni mama sa akin. Naiyak ako dahil imbes na salubungin ako ng pag-alala.Ganito pa agad ang sumalubong sa akin.Hindi man lang ako tanungin kung anong tunay na nangyari sa akin kagabi. Sasagot na sana ako.Pero bigla niyang kinuha sa akin ang apat na paper bag na dala ko.May laman iyon na pagkain.Tsokolate at iba pa. Kulang na nga lang ipadala ni Tina sa akin mga groceries doon sa bahay nila Mr.Castillo. " Pagkain po iyan,ma..." masayang sambit ko.Masaya ako dahil ngayon ko lang nakita si mama na ganito kasaya sa pagdating ko. " May pakinabang ka din pala, babae ka. Dagdag pa niya. Babae? Hindi man lang anak? Kailan ko pala huling narinig na tinawag ako ni mama ng anak.Ah! Iyong highschool pa ako.The rest, babae na ang tawag niya sa akin.Minsan pa nga pukpok. Dahil nga nagtratrabaho nga daw ako sa bar. Disente naman ang trabaho ko doon.Hindi naman ako nakipagtable at pumapayag na i- take-out ako ng customer o kaya sa vip room. " Ate..." masayang tawag sa akin ni Elizabeth. "Wow...ang daming pagkain,ate." Dagdag pa niyang sabi. "Kumain kayo... masasarap lahat iyan. " Tinawag din ni mama si papa.Kalalabas lang nito sa kwarto.Mukhang katatapos lang nila mama dahil naamoy ko pa kay papa ang kakaibang amoy. Napailing nalang ako.Sana nga lang hindi masundan si Elizabeth.Kung ganito man lang sila ka irresponsableng mga magulang. " Pa, belated happy birthday po." Masayang bati ko.Ngunit tumango lang siya sa akin.Napakagat-labi nalang ako. Hindi na nila ako pinansin.Masaya na silang kumain.Iyong kapatid ko na lalaki.Mukhang pumasok na sa eskwelahan. Ako mamayang hapon pa ang pasok ko.Kaya may time pa akong mag-review ngayon.Papasok na ako para doon nalang ako sa library magreview.Graduating na ako ngayon kaya kunting tiis nalang talaga.Hindi na ako sa bar magtratrabaho. Hahanap na ako ng disenteng trabaho. "Emily, bukas ikaw muna ang maglalaba kanila madam Alice.May lakad kami ng papa mo." Pahabol ni mama sa akin.Papasok na ako sa kwarto namin ni Emily. Naglalabandera si mama sa amo niyang si madam Alice. Imbes na maawa ako dahil naglalabandera siya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili na mainis.Dahil ang kita niya kulang lang din sa pagmamadyong niya.Si papa naman, kung gusto lang niya mamasada okay. Kapag ayaw niya okay lang din. Umaasa lang siya sa buwanan bigay ng kapatid niya nandoon sa abroad na kumakayod din. Iyan ang pangtustos nila sa pag-aaral ni Elizabeth at Ezekiel.Kaya ako, kailangan ko na magbanat ng buto.Para may pangtustos ako sa pag-aaral ko.Mabuti nga lang scholar ako simula first year college. Tumango nalang ako bilang sang-ayon.Binilisan ko na ang kilos ko.Baka maisipan na naman ni mama na may ipagawa sa akin.Kailangan kong makapunta na agad sa eskwelahan para makapag-review. " Emily, baka may pera ka diyan. Utangin ko muna may laro kami mamaya. Kailangan kong makabawi." Nagulat pa nga ako dahil naka-abang na si mama sa pintuan.Iyong tipong wala kang takas. " Ma, wala pa po akong sahod." " Bwesit! H'wag mo akong niloloko, Emily! Saan ka ng pambili ng mga pagkain.Ang dami-dami niyan!" galit na niyang sambit. " Binigay lang po iyan ng boss namin,ma." Magalang ko na sagot. " Hindi ka man lang humingi ng pera sa sugar daddy mo." " Ma, wala po akong sugar daddy. Hindi ko po gagawin iyan." " Ah! Bwesit kang babae ka!" aniya na sabay kuha sa bag ko. " Ma, pamasahe ko nalang po iyan.May babayaran pa ako sa school mamaya." Maiiyak ko na wika. Pero hanggang iyak nalang ako. Dahil nakuha na nga ni mama ang pera ko. Na dapat pambayad ko iyon sa babayarin namin sa school mamaya. " Hingi ka nalang sa sugar daddy mo, babae." Natatawang pahabol pa ni mama sa akin. Mama ko ba talaga siya? Bakit ganoon nalang lagi ang maramdaman ko. Hindi nalang ako sumagot pa. Pinunasan ko nalang ang aking luha. Nakasimangot akong lumabas ng bahay.Maglakad nalang ako nito papuntang eskwelahan.Kainis naman imbes na i-review ko na ang oras na iyan.Ilalakad ko pa tuloy. Kunting tiis nalang Emily.Makakatakas ka din sa impyernong buhay mo sa sarili mong pamilya.Isasama ko si Emily sa pagtakas ko. Mahirap na mukhang nag-a-aadict pa naman sila mama at papa minsan. Bahala na si Ezekiel,palaban din naman iyon.Hindi din kami magkasundo ng pangalawang kapatid ko.Magagalit iyon sa akin kapag sinisita ko siya.Mantakin mo naman hirap na nga kami sa pagkain.Magdadala pa siya ng mga barkada niya sa bahay. At doon magluluto kung anong meron.Hindi naman sa madamot ako. Okay lang sana kung pag-aaral ang inatupag nilang magbarkada.Puro paglalaro sa cellphone at maingay pa.Kaya sa eskwelahan nalang talaga ako may time sa pagrereview ko.Dahil kailangan ko din turuan si Elizabeth sa mga lessons niya. Na dapat si mama ang gumawa nun. Puro ungol nalang nila mama at papa ang marinig ko.Kapag tinuruan ko na si Elizabeth sa mga assignment niya.Hindi na sila nahiya sa amin na marinig namin ang gawain nila sa gabi.Hindi man lang tumahimik habang gínawa nila iyon.Emily's POV Bumalik kami sa pinagp'westuhan namin kanina nila papa.Pero wala na siya doon.Kahit si mama na kanina pa umaalis ay hindi pa bumalik.Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Napangiti nalang ako nang makita ko si Ezekiel na masayang kumain na kasama mga barkada niya. Sana si Ezekiel nalang ako. Happy go lucky lang. Hindi nga nakitaan ng pag-alala kung saan kami matutulog ngayon gabi. Hindi man lang ito lumapit sa amin ni Elizabeth kung kumusta kami.Minsan talaga gusto ko nalang maghalo bigla. Ang dami ko nang hinanakit mismo sa pamilya ko.Tanging bunsong kapatid ko nalang talaga ang nagbibigay lakas-loob sa akin para manatili akong matatag. Si Arvin naman ang mayaman kong boyfriend na hanggang ngayon. Wala parin reply sa akin. Binalita ko na sa kanya ang nangyari sa bahay namin. Nasunugan kami kailangan namin ng pansamantalang matitirahan. Hindi ko man diretsahan na sinabi ko sa kanya. Pero gets na niya iyon. For the first time, humingi ako sa kanya ng tulong ngayon. "At
Emily's POV Masaya ako na walang nangyari sa amin ni Arvin kagabi batay na din sa kwento niya. "Nakakahiya naman sa daddy mo,babe. " wika ko. " You're beautiful,babe. Actually hindi naman nakita ni daddy ang buong mukha mo.Dahil natabunan ng buhok mo.Higit sa lahat wala naman pakialam iyon sa mga taong nakapaligid sa kanya. Pero nanibago lang ako dahil nag-alala siya kagabi." "Talaga,babe? Sabi mo nga, cold hearted man ang daddy mo. Kaya ngayon palang natatakot na tuloy ako." Natawa siya," You don't have to,babe. Mabait naman si daddy. He's the best dad i've ever knew. He spoiled me a lot of things too." Napangiti nalang ako kay Arvin. Nakikita ko sa kanya kung gaano siya ka proud sa daddy niya. Mahal na mahal niya ang daddy niya pati narin ang mommy niya.Wala siyang kapatid, kaya spoiled siya sa lahat. Pero hindi mo makitaan ng kayabangan si Arvin. Isa sa nagustuhan ko sa kanya ang pagiging humble lang niya. " Thank you for saving me again last night,babe. Ahm, wh
Arvin's POV Tumabi ako ng upo kay Emily.Inayos ko muna ang hibla ng buhok niya.Napapikit pa siya. God! I love this woman beside me. She's beautiful and innocent. Hindi mo makikita sa magandang mukha niya.Na sa likod ng mga ngiti nito may dala-dala pala itong hirap sa buhay. Hindi lang sa kahirapan pati na din kung paano siya tratuhin ng sarili niyang mga magulang. Kaya pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Pinaramdam ko din sa kanya ang pagpapahalaga bilang tao. Madiin ko siyang hinalikan sa kanyang noo. Bago ko kinwento sa kanya ang buong nangyari kagabi. Napakunot-noo ako nang makita ko si Monica. Kalalabas lang din niya ng comfort room.Doble ang kaba ko baka nakilala niya si Emily at baka may ginawa siya sa girlfriend ko. Kaya matagal itong lumabas. Pero mas lalong nakuha ang atensiyon ko nang may kausap na itong trabahante ng Top restaurant kung saan kami ngayon nag-di-date ni Emily.Masama ang kutob na may gagawin siyang masama.Alam ko na sinusundan niya ako h
Emily's POV " Okay ka lang, babe? "nag-alalang tanong ni Arvin sa akin nang lumabas na ako galing cr. " Okay lang ako,babe. Sorry natagalan ako.Medyo sumama kasi ng kunti ang tiyan ko." "I think you're hungry,babe. Let's go, let's eat. " Inakbayan na ako ni Arvin habang naglalakad kami papunta sa table namin. May nakahanda ng pagkain sa mesa namin.Kaya agad na kumalam ang sikmura ko nang makita ko ang pagkain.Amoy palang mukhang masasarap na. "Kumain ka ng marami,babe. May gagawin tayo mamaya." Natawang wika ni Arvin.Alam ko na nagbibiro lang siya sa akin. Isa sa hinangaan ko kay Arvin ay nirespeto niya ang desisyon ko. No sex untill we get married. Na mabilis naman niyang sinang-ayunan. Masaya naman daw siya sa akin. Mahal niya ako kaya handa siyang maghintay kung kailan ko handang ibigay ang sarili ko sa kanya. Pero baka hindi ko na mapanghawakan iyon. Dahil simula nang makakita ako ng live sex nila Mr.Castillo at ang babae niya. Para bang may pumupukaw na landi s
Emily's POVHinintay ko muna na lumabas si Arvin sa sasakyan niya.Nilingon ko muna si Mr.Castillo.Kung saan siya naglakad papalayo." Hi,babe... who's that guy with you earlier?" agad na tanong ni Arvin sa akin.Hinalíkan niya muna ako." Ahm, dumaan lang may tinanong lang siya sa akin." Pagkaila ko." Okay, let's go.I have something surprise for you,babe." Masayang wika ni Arvin.Makikita mo sa kanya ang kasabikan.Inaalalayan na niya ako papasok sa loob ng kanyang sasakyan. "You're beautiful that dress,babe.It's fits you well." Wika pa niya. "Thank you,babe.I love you..." nakangiti ko na sabi.Ngumiti siya sa akin na ubod ng tamis.Dinala niya ang kamay ko sa kanyang labi at hinalíkan.Bago niya pinaandar ang manibela.Nakahawak ang isa niyang kamay sa akin.Habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.Bigla akong napapikit nang biglang sumagi sa isip ko si Mr.Castillo.I'm with my beloved boyfriend.Pero bakita naisingit parin si Mr.Castillo sa isipan ko.Hanggang ngayon ramdam ko pari
Emily's POV " Iyan na pala ang sundo mo, Emily.Iba talaga ang magagawa ng maganda sinusundo. Sana all nalang talaga." Bulong sa akin ni Lalyn.Natapos na ang klase namin sa araw na ito.Tumawag kasi si Arvin nag boyfriend ko na sunduin niya ako ngayon.Maraming ngang nakatingin sa amin ni Lalyn na mga estudyante.Agaw pansin kasi ang sasakyan ni Arvin na halatang mamahalin. " Hi,babe..." masayang bati sa akin ni Arvin.Siya iyong first boyfriend ko.Nakilala ko lang din siya sa bar na pinagtrabahuan ko. Hindi pa niya alam ang nangyaring tensyon sa bar. Sa pamagitan nila Mr.Romano at Mr.Castillo nang dahil sa akin.Mas lalong walang alam si Arvin sa nangyari sa akin kagabi. Ayaw ko din naman na mag-alala pa siya. "Hi,babe..." bati ko din sa kanya.Humalík muna siya sa akin.Bago ko binalingan si Lalyn. " Sabay ka na sa amin,Lalyn.P'wede naman natin siyang ihatid diba,babe?" "Yeah, sure...come in,guys." Kanya-kanya na kami pasok sa loob ng sasakyan ni Arvin.H'wag lang talagang







