Share

Kabanata 3

Author: Red Angel1221
last update Last Updated: 2025-11-13 02:04:19

Emily's POV

Nang makita ko ang cctv. Hindi lang kaway ang ginawa ko.Sa subrang kasiyahan ko dahil sa pagligtas niya sa akin kagabi.Hangang sa pagpatulog niya sa akin dito sa bahay niya. Nag flying kiss ako sa kanya.

" Maraming salamat po,Mr.Castillo. Paano po kita mababayaran sa kabutihan mo?" wala sa sarili kong tanong.Dahil nakatuon na ang atensyon ko sa mga pagkain.

" Be a good girl... that's how you pay for me."

Natigilan naman ako dahil nakuha pa nitong sumagot.Tumingin ako kay ateng katulong.Ngumiti siya sa akin na para bang kinikilig.Kaya ngitian ko nalang din siya.

Hindi na ako nagsalita pa. Baka nakadisturbo na ako masyado kay Mr.Castillo.Magana akong kumain.Minsan lang ito sa buhay ko na ganito kasarap ang almusal ko.

Bigla akong nalungkot nang maalala ko ang sitwasyon ko sa bahay namin.Swertihan nalang kapag matirhan ako ng ulam. Kahit nga ba pera ko ang pinambili ng pagkain.Pero wala silang pakialam sa akin. Kung may matirang ulam swerte ko. Pero kapag wala naman malas ko nalang.

Minsan pa nga papasok nalang ako sa school na kalam ang sikmura ko. Dahil kapag masarap ang ulam ay pati kanin ubos walang matira.

Hindi kasi nila ako pasabayin kumain dahil apat lang daw upuan sa mesa namin.Tatlo kasi kaming magkapatid. Kaya akala ko sa tv ko lang makikita ang ganun trato ng pamilya.Nangyayari din pala sa totoong buhay. Lalo na sa akin. Minsan nga naisin ko nalang iwan ang pamilya ko at bumukod ako.Pero naawa naman ako kay Elizabeth ang bunso kong kapatid.Bukod siya lang ang makasundo ko sa bahay namin.

" Bakit malungkot ka? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain na pinaluto ko?"basag ng boses sa audio si Mr.Castillo ulit. Talagang nakabantay lang siya sa cctv.

" Hindi po...may naalala lang po ako,Mr.Castillo."

Kahit wala siya dito ay nakuha ko parin ngumiti.Tiningnan ko ulit si ate na nasa gilid ko lang.Naghihintay lang yata ito kung may iutos ako. Kaya sinenyasan ko siya na maupo at sabayan ako sa pagkain.

Tumanggi siya na hindi.Pero agad din pumayag nang marinig namin ang boses ni Mr.Castillo.

"Sabayan mo na siya, Tina." Utos ni Mr. Castillo.

Tina pala ang pangalan ni ate.Tahimik lang kaming kumain.Hindi naman p'wede na magtanong ako sa katulong ni Mr.Castillo.Dahil alam ko naman na maririnig niya ako.

Wala na bang privacy ang mga tao dito? Paano sa kwarto ng mga katulong meron din bang cctv? Tanong ko sa sarili.

Natawa ako ng malakas kahit si Tina ay hindi napigilan ang matawa.Dahil bigla nalang akong dumighay ng malakas.May narinig pa nga kaming tumatawa din sa audio. Bigla naman akong nahiya dahil baka akalain nito ay ang lakas kong kumain.Na overwhelmed lang siguro ako.Dahil puro masasarap ang pagkain ko ngayon.

Marami pa ngang natira. Naalala ko si Elizabeth, tiyak matutuwa iyon kapag may dala akong pagkain.Pero nakakahiya naman kung magbalot pa ako.

Tinitigan ko nalang ang pagkain.Hindi naman siguro nila ito itapon. Baka nga ito na din ang pagkain ng mga katulong.

"Let's it all wrapped, Tina." Utos ulit ni Mr.Castillo kay Tina.

Lihim akong napangiti. Sa wakas may ma-i-uwi akong pagkain.Birthday pa naman ni papa kagabi. Hindi tuloy ako nakapag celebrate sa birthday niya.Sabagay hindi naman ako kailangan.Sabi nga niya matutuloy naman daw ang birthday niya kahit wala ako.Kaya mas lalong dumagdag ang pagdududa ko sa kanila kung anak ba talaga nila ako.

Nabalot na agad ni Tina ang lahat ng pagkain.Pinakita ko ito sa cctv.Dahil alam ko na nakabantay parin si Mr.Castillo.

" Maraming salamat po sa pagkain,Mr.Castillo..." masayang wika ko.

Wala na akong narinig na sagot mula sa audio.Kaya umalis na kami ni Tina sa dining area.

Namangha ako sa labas ng bahay. Napakaganda nga nito at malaki.Pero wala akong nakitang ibang tao. Maliban kay Tina at ang driver na pinaiwan pa talaga ni Mr.Castillo para ihatid ako sa bahay namin.Ibig sabihin,tatlo lang sila dito sa malaking bahay.

Hindi naman kaya nakakatakot kapag ganun? Tanong ko sa sarili.

" Kuya, tayo na po ba?" agad ko na tanong sa nasabing driver.

" Kayo,ma'am...aalis na ba tayo?" balik na tanong din niya sa akin.

Tumango lang ako. Inaalalayan na niya akong makapasok sa loob ng sasakyan. Parang gusto ko ng maiyak. Dahil dito lang ako tinuring na tao ako.Dito ko na naramdaman na may halaga pala ang buhay ko.Hindi katulad sa mismong bahay namin.

Napahigit nalang ako ng malakas na hangin.Nahinto lang ang pagmumuni ko nang pumasok na si kuya driver.

Tahimik lang ako buong biyahe. Ang sarap sa mata na makikita mo ang malalaking bahay na iba't iba ang disenyo.Nagkaroon tuloy ako ng determinasyon sa buhay na kailangan ko makapagtapos at magkaroon ng magandang trabaho.. Para balang araw magkaroon kami ng maayos na bahay. Kahit hindi man ganito kalaki dahil impossible ng mangyari iyon.

Gusto ko sanang magtanong kay kuya driver. Kahit kunting background lang kay Mr.Castillo.Pero nahiya naman ako.Di bale, pagkatapos nito hindi na siguro kami magkita ni Mr.Castillo.Maliban nalang kung magpakita siya ulit sa bar.Dahil sabi nga niya bar niya iyon.

Naalala ko tuloy si Mr.Romano.Sana blacklisted na siya sa bar. Dahil nakakatrauma siya.Hindi ko maisip ang sarili kung hindi pa dumating si Mr.Castillo kagabi na iligtas ako sa dalawang tauhan ni Mr.Romano.Malaman binaboy na ako ng demonyo na iyon.

Kaya tuloy nagsimulang manginig ang buong katawan ko. Bagay na napansin pala ni kuya driver.

" Okay lang ba kayo,ma'am?" nakatingin siya sa side mirrow.

" Opo, kuya...at tsaka wag n'yo na po akong tawagin na ma'am.Isang hamak lang ako na waitress sa bar ni Mr. Castillo.Nakakahiya po," Wika ko. Napakamot pa ako sa ulo.

Ngumiti lang sa akin si kuya driver.Ganito din ang reaksiyon sa akin ni Tina kanina.Tahimik na kami ulit sa biyahe. Medyo malayo-layo din pala ang lugar nila Mr.Castillo papunta sa lugar namin.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)   Kabanata 131

    Masusi akong sinuri ni doktora, bawal muna sa akin ang magbabad sa gadget para mabawasan daw ang pagkirot ng noo ko. Okay naman ang result ng CT scan. Kanina pa nakaalis ang dalawa sa ward ko. Si ate Tina ay umuwi na para mag-asikaso ng pagkain sa bahay. Tapos na din kaming nagvideo call magkapat

  • My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)   Kabanata 130

    Emily's POV Puting kurtina at puting kisame agad ang nabungaran ko nang magising ako. Napapikit pa ako saglit dahil umikot ang aking paningin. Kumikirot ang aking noo kaya agad ko na kinapa ng may mahawakan ako. Bandage? Bakit may ganito ako sa aking noo?... " Emily, kumusta kana?" nakangiti n

  • My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)   Kabanata 129

    " Landi ko diba?" patuyang tanong ko kay Cassandra." Pinagpapasahan ako ng mag-ama," humahagikhik ko pa na sabi. " Emily, tama na iyan... hindi ka malandi. Nagkataon lang na nagustuhan mo ang ex fiance's daddy mo." " Masama na ba akong tao, Cassandra? Hiniwalayan ko, si Arvin. Tapos nakipagrelas

  • My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)   Kabanata 128

    Emily's POV Unang araw hanggang sa pangatlong araw ay nagawa pa ni Ethan na tumawag at magtext sa akin. Ngunit pagdating ng pang-apat na araw hanggang sa naging isang linggo na ay hindi na siya nagparamdam. Kaya hindi ko na maiwasan ang malungkot at mag-alala baka may masama ng nangyari sa kanya

  • My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)   Kabanata 127

    Ngitian lang niya ako, " Yeah, hindi mo na nga alam. Hindi mo na nga alam na nakanganga ka at humihilik pa." Mabilis ko siyang dinibdiban ng mahina dahil nahihiya ako sa sinabi niya. Alam ko naman na binibiro lang niya ako dahil hindi naman ako naghihilik. Pero iyong nakanganga ay hindi ko na ala

  • My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)   Kabanata 126

    Emily's POV Tinawagan ni Ethan ang driver kung saan sakay sila Karina, Lalyn at ang kapatid ko. Sinabihan niyang diretso ang way namin sa dating lugar kung saan kami nakatira.Matagal na din kaming walang balita doon dahil sila Elizabeth at Ezekiel ay naka transfer na sa private school. Noong un

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status