Emily's POV
Hindi ko na pinapasok mismo ang sasakyan ni Mr.Castillo kay kuya driver sa lugar namin.Nakakatakot baka magasgasan pa.Alam ko naman na mamahalin iyong sasakyan niya. Baka nga kulang pa kung ibenta ko buong katawan ko.Sa halaga ng sasakyan niya.
Masaya ako dahil marami akong dala.Tiyak matutuwa sila mama nito.Mas lalo na si Elizabeth.Ingay ng kapitbahay agad ang naririnig ko.Ganito naman palagi dito sa lugar namin.Pero hindi naman ako natatakot. Dahil kahit maraming mga tambay dito.Wala naman ni isang nagtaka sa kanila na bastusin ako. Kahit alam nilang nagtratrabaho ako sa isang bar bilang waitress.
Hindi na ako kumatok. Dahil bukas naman ang pintuan.
"Elizabeth..." tawag ko sa kapatid ko.
" Ahh..." napasigaw ako ng may biglang humila sa buhok ko.
" Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi! Birthday ng papa mo kagabi. Wala man lang handa!" ito agad ang mga salitaan ni mama sa akin.
Naiyak ako dahil imbes na salubungin ako ng pag-alala.Ganito pa agad ang sumalubong sa akin.Hindi man lang ako tanungin kung anong tunay na nangyari sa akin kagabi.
Sasagot na sana ako.Pero bigla niyang kinuha sa akin ang apat na paper bag na dala ko.May laman iyon na pagkain.Tsokolate at iba pa. Kulang na nga lang ipadala ni Tina sa akin mga groceries doon sa bahay nila Mr.Castillo.
" Pagkain po iyan,ma..." masayang sambit ko.Masaya ako dahil ngayon ko lang nakita si mama na ganito kasaya sa pagdating ko.
" May pakinabang ka din pala, babae ka. Dagdag pa niya.
Babae? Hindi man lang anak? Kailan ko pala huling narinig na tinawag ako ni mama ng anak.Ah! Iyong highschool pa ako.The rest, babae na ang tawag niya sa akin.Minsan pa nga pukpok. Dahil nga nagtratrabaho nga daw ako sa bar.
Disente naman ang trabaho ko doon.Hindi naman ako nakipagtable at pumapayag na i- take-out ako ng customer o kaya sa vip room.
" Ate..." masayang tawag sa akin ni Elizabeth.
"Wow...ang daming pagkain,ate." Dagdag pa niyang sabi.
"Kumain kayo... masasarap lahat iyan. "
Tinawag din ni mama si papa.Kalalabas lang nito sa kwarto.Mukhang katatapos lang nila mama dahil naamoy ko pa kay papa ang kakaibang amoy. Napailing nalang ako.Sana nga lang hindi masundan si Elizabeth.Kung ganito man lang sila ka irresponsableng mga magulang.
" Pa, belated happy birthday po." Masayang bati ko.Ngunit tumango lang siya sa akin.Napakagat-labi nalang ako.
Hindi na nila ako pinansin.Masaya na silang kumain.Iyong kapatid ko na lalaki.Mukhang pumasok na sa eskwelahan.
Ako mamayang hapon pa ang pasok ko.Kaya may time pa akong mag-review ngayon.Papasok na ako para doon nalang ako sa library magreview.Graduating na ako ngayon kaya kunting tiis nalang talaga.Hindi na ako sa bar magtratrabaho. Hahanap na ako ng disenteng trabaho.
"Emily, bukas ikaw muna ang maglalaba kanila madam Alice.May lakad kami ng papa mo." Pahabol ni mama sa akin.Papasok na ako sa kwarto namin ni Emily.
Naglalabandera si mama sa amo niyang si madam Alice. Imbes na maawa ako dahil naglalabandera siya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili na mainis.Dahil ang kita niya kulang lang din sa pagmamadyong niya.Si papa naman, kung gusto lang niya mamasada okay. Kapag ayaw niya okay lang din.
Umaasa lang siya sa buwanan bigay ng kapatid niya nandoon sa abroad na kumakayod din. Iyan ang pangtustos nila sa pag-aaral ni Elizabeth at Ezekiel.Kaya ako, kailangan ko na magbanat ng buto.Para may pangtustos ako sa pag-aaral ko.Mabuti nga lang scholar ako simula first year college.
Tumango nalang ako bilang sang-ayon.Binilisan ko na ang kilos ko.Baka maisipan na naman ni mama na may ipagawa sa akin.Kailangan kong makapunta na agad sa eskwelahan para makapag-review.
" Emily, baka may pera ka diyan. Utangin ko muna may laro kami mamaya. Kailangan kong makabawi."
Nagulat pa nga ako dahil naka-abang na si mama sa pintuan.Iyong tipong wala kang takas.
" Ma, wala pa po akong sahod."
" Bwesit! H'wag mo akong niloloko, Emily! Saan ka ng pambili ng mga pagkain.Ang dami-dami niyan!" galit na niyang sambit.
" Binigay lang po iyan ng boss namin,ma." Magalang ko na sagot.
" Hindi ka man lang humingi ng pera sa sugar daddy mo."
" Ma, wala po akong sugar daddy. Hindi ko po gagawin iyan."
" Ah! Bwesit kang babae ka!" aniya na sabay kuha sa bag ko.
" Ma, pamasahe ko nalang po iyan.May babayaran pa ako sa school mamaya." Maiiyak ko na wika.
Pero hanggang iyak nalang ako. Dahil nakuha na nga ni mama ang pera ko. Na dapat pambayad ko iyon sa babayarin namin sa school mamaya.
" Hingi ka nalang sa sugar daddy mo, babae." Natatawang pahabol pa ni mama sa akin.
Mama ko ba talaga siya? Bakit ganoon nalang lagi ang maramdaman ko. Hindi nalang ako sumagot pa. Pinunasan ko nalang ang aking luha.
Nakasimangot akong lumabas ng bahay.Maglakad nalang ako nito papuntang eskwelahan.Kainis naman imbes na i-review ko na ang oras na iyan.Ilalakad ko pa tuloy.
Kunting tiis nalang Emily.Makakatakas ka din sa impyernong buhay mo sa sarili mong pamilya.Isasama ko si Emily sa pagtakas ko. Mahirap na mukhang nag-a-aadict pa naman sila mama at papa minsan.
Bahala na si Ezekiel,palaban din naman iyon.Hindi din kami magkasundo ng pangalawang kapatid ko.Magagalit iyon sa akin kapag sinisita ko siya.Mantakin mo naman hirap na nga kami sa pagkain.Magdadala pa siya ng mga barkada niya sa bahay. At doon magluluto kung anong meron.Hindi naman sa madamot ako.
Okay lang sana kung pag-aaral ang inatupag nilang magbarkada.Puro paglalaro sa cellphone at maingay pa.Kaya sa eskwelahan nalang talaga ako may time sa pagrereview ko.Dahil kailangan ko din turuan si Elizabeth sa mga lessons niya. Na dapat si mama ang gumawa nun.
Puro ungol nalang nila mama at papa ang marinig ko.Kapag tinuruan ko na si Elizabeth sa mga assignment niya.Hindi na sila nahiya sa amin na marinig namin ang gawain nila sa gabi.Hindi man lang tumahimik habang gínawa nila iyon.