Pagkatapos kong maghugas, ay lumabas na ako sa kusina.
"Ate! Tara maglaro tayo! Namiss ka naming kalaro e," masayang mga saad ng mga bata. Gustong-gusto kasi nila ako kalaro. Hinawakan nila ang mga braso ko at hinila papunta sa kanila.
Naglalaro kasi sila ng taya-tayaan. Kung sino ang mahawakan ng taya, ay siya ang taya tapos siya naman ang maghahabol. Ang paborito nilang laro, ay ang tagu-aguan. Lalo na kapag gabi dahil hindi nila basta-basta mahanap ang mga nagtatago kaya lugi ang taya.
habang naglalaro kami, ay biglang may tumawag sa akin.
"May bisita po kayo nasa visitor's room po sila ngayon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi sa akin ng babae. Sila? So ibig sabihin ba nito madami ang bumisita sa akin ngayon? Sino naman?
Nakita ko ang aking Tiya kasama ang kaniyang anak na babae nakaupo sa dulo ng visitor's room. Nang makita nila ako ay ngumisi ang aking Tiya at nagsign na lumapit ako sa kaniya.
Ilang taon na rin silang hindi bumibisita sa akin at sa tuwing bumibisita sila, ay may kailanggan sila sa akin o kaya sasabihan nila ako ng kung ano-ano dahil mahilig naman nila akong siraan sa mga taong mabait sa akin o kaya sa pamilya ko.
Ang tanong bakit nandito siya? Ano ang ginagawa niya ngayon dito? Hindi ko siya kailangan dahil matagal na siyang umalis sa pagiging pamilya namin. Tapos ngayon babalik siya na parang wala silang nagawa sa amin? Ano naman ang dahilan ng pagbabalik nila?
"Grabe ang pinayat mo rito, Allianna. Ano ang nangyare sa'yo? Pinapakain ka ba nila ng maayos dito? Bakit naging gan'yan ang mukha mo? Hindi ka ba naliligo?" Hindi ko sinagot ang tanong ng aking Tiya dahil ako ay umupo sa kanilang harapan.
Nagpapanggap lang naman 'yan na nag-aalala siya sa akin. Sigurado ako na iba na ang iniisip niyan ngayon.
"Gan'yan ba ang tinuro ng mga magulang mo sa'yo? Ang balita ko nag-aaral ka sa Baptist school hindi ba? Bakit gan'yan ang ugali mo? Bastos ka."
"Hindi naman po sa gano'n, Tita," mahinang saad ko habang nakatungo. Hindi ko kayang tignan ang kaniyang mukha dahil natatakot ako. Kahawig niya ang Nanay ko, pero hindi naman gano'n magalit ang aking Nanay. Minsan lang din siya magalit sa akin dahil minsan lang naman ako magkaroon ng mali.
"Bagay ka lang pala rito sa bahay ampunan dahil parehas kayo ng nanay mo na mayabang. Wala ka ngang kwentang anak dahil hinayaan mo silang mamatay at protektahan ka. Siguro nagsisisi sila na ipinanganak ka. Dapat lang sa'yo ang ganitong buhay." Itinaas ko ang aking ulo at tinignan ang aking Tita pati na rin ang anak niya. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng tiya ko? Na kailangan kong protektahan ang magulang ko? E bata pa lang ako noong nangyare ang aksidenteng 'yun.
Hindi ko napansin na ang mga luha ko pala ay tumutulo na kanina pa. Siguro dahil pinapakinggan ko ang mga sinasabi sa akin ni Tita at inaalala ang araw na nakita kong nakahilata sa sahig ang aking magulang.
"Bata pa lang po ako noon Tiya. Kaya hindi ko po kasalanan kung bakit po sila namatay. Isang aksidente po ang nangyare sa amin. Kaya huwag niyo po akong sisihin sa aksidente na hindi ko naman ginagawa." Humagulgol ako sa pag-iiyak at pinaulit-ulit sa kanila ang salitang 'maniwala kayo sa akin', pero kahit anong paulit-ulit ko ay hindi siya naniniwala sa akin.
"Kahit ano pa ang sabihin mo, kasalanan mo pa rin. Sana ikaw na lang ang namatay hindi ang kapatid ko. Mas maganda pang ikaw dahil wala ka namang kwentang anak."
"Pakinggan niyo po ako, Tita. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin noon. Bata pa lang po ako kaya hindi ko po talaga kasalanan. Alam ko po na nangungulila kayo sa pagkapatay ni Mommy, pero nangungulila rin po ako. Araw-araw po akong umiiyak."
"Kasinungalingan ang mga sinasabi mo. Noong pumasok kami rito at hinanap ka namin sa mga tao rito. nasa labas ka raw kalaro ang mga bata. Masaya ka habang kami nagluluksa, Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Sarili mong magulang pinahamak mo? Wala rin namang mangyayareng aksidente kung hindi mo sinabi na birthday mo gusto mong pumunta sa lugar na gusto mo." Umiyak na lang ako dahil wala naman akong magagawa kung ipaglalaban ko ang sarili ko.
Sa buong buhay ko, ang magulang ko lang ang kakampi ko wala ng iba. Sila lang ang naniniwala sa akin at pinaglalaban nila ako dahil alam nila na wala akong kasalanan. Pero ngayon? Wala na sila kaya wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang magiging buhay ko.
"Let's go, Xyllene. Walang mangyayare sa babaeng ito. Kaya huwag kang gagaya sa kaniya. Isa siyang kahihiyan sa pamilya natin."
Bago sila umalis may binulong sa akin si Xyllene.
"Nanalo na naman ako, Allian. Paano ba 'yan? Nasa akin na ang lahat ng sa'yo." Nang mailayo niya ang bibig niya sa tenga ko ay nginisian niya ako at sumunod na sa kaniyang Nanay.
Ano ang ibig sabihin ni Xyllene? Ano ba ang nangyayare? Hindi ko siya maintindihan.
"Tapos na ba?" saad ng babae na nagsabi sa akin na may bisita ako at nang tumungo ako ay nginitian nila ako sabay nginitian ko rin sila para malaman nila na ayus lang ako.
Kung meron man silang tinatago sa akin. Kailangan kong mag-isip ng maayos kung ano 'yun dahil kailangan ko 'yung malaman.
Sana merong mga tao na tumulong sa akin ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko mag-isa na ako at wala nang tutulong sa akin. Kailangan ko nang matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Kailangan kong buhayin ang aking sarili. Kahit nandito ang mga madre na kayang tumulong sa akin, ay hindi pa rin sapat dahil gusto ko na rin umalis dito kahit masakit sa akin.
Kung ano mang hamon ang dadating kailangan kong lampasan. Kailangan kong magpatuloy dahil 'yun ang gusto ng aking mga magulang. Ipapakita ko sa lahat na hindi ko kailangan ng tulong para mabuhay.
Kung sino man ang may gawa nito. Sisiguraduhin kong makakapaghigante ako. Ipaparamdam ko sa kanila ang mga nararamdaman ko ngayon. Ipapamukha ko sa kanila kung gaano ako nahirapan sa sitwasyon ko ngayon.
***
"Nakita mo ba ang mukha niya kanina?" natatawang saad ni Xyllene nang makasakay sila sa kanilang kotse.
"Oo, anak. Hindi ako makapaniwala na nasa atin na ang lahat ng kanilang kayamanan. Maghanda ka anak dahil tayo ay magbabakasyon. Magpapakasaya na tayo ngayon dahil nasa atin na ang kayaman na matagal na nating inaasam."
"Pero ano na ang mangyayare kay Allian ngayon, Mama?"
"Ang batang 'yun? Habang buhay na siya sa bahay ampunan dahil hindi siya makakapag-aral ng maayos katulad ng ginawa ko sa nanay niya noon. Sigurado naman ako na magiging masaya siya roon dahil may mga kasama siya."
"Paano kung makalabas siya roon?"
"Imposibleng mangyare 'yun dahil wala na siyang kakampe. Tayo lang ang pamilya niya. Hindi na siya makakalabas doon. Doon siya lalake at doon din siya mamamatay."
"Hindi kaya sobra na ang nagawa natin?"
"Ayus lang 'yun dahil mas sobra ang nagawa nila sa atin. Natatandaan mo ba kung paano nila tayo pinaalis sa kanilang bahay?"
"Pero si Lolo ang nagpalayas sa atin, Mama. Hindi sila Tita Lia."
"Manahimik ka, Xyllene. Gusto mo bang sumama kay Allainna sa bahay amounan? Dahil kung gusto mo, pwede naman. Gusto mo ngayon na e. Kaladkarin kita papasok doon."
"Sorry."
"Manahimik ka na lang diyan. Masaya na tayo ngayon. Nasa atin na ang lahat. Kaya maging masaya ka na lang. Hanggat nasa bilangguan ang babaeng 'yun. Hindi siya makakalapit sa atin."
Allianna’s POV“Mauna na kayo sa bahay dahil muna ako ngayon. Gusto kong icelebrate ang pagkapanalo ko ngayon,” seryosong sabi kokay Lio at kay Bianca.“Miss, paano po itong mga documents na kailangan niyong pirmahan? Kailangan niyo na po itong mapirmahan.”“Bukas na ‘yan, Bianca. Gusto ko munang maging masaya ngayon. Kaya hayaan mo muna ako.” Nang makalabas ako ng kotse, ay agad akong naglakad papunta sa entrance ng bar, pero bago pa ako makapasok, ay meroon nang pumigil sa akin na dalawang guard.“May I’D po ba kayong dala, Miss?” Kumunot ang noo ko sa lalaking nagtanong.“Bakit mo kailangan?”“Gusto ko lang pong malaman kung ilang taon na kayo, Miss.”“Wala akong dalang I’D kaya papasukin mo na lang ako.”“Hindi pwede, Miss.”“Fuck! Papasukin mo ako, gusto ko lang magsaya ngayon. Kaya hayaan mo na ako maging masaya. I’m an adult now!” Dahil sa mga sinabi ko, ay agad na nila akong pinapasok. Kaya masaya akong pumunta agad sa dance floor. Habang sumasayaw ako, ay kumuha ako ng isang
Third Person's POV"Congratulations, Miss Gregorio. Ikaw na ngayon ang may-ari ng lahat ng kayamanan ng Gregorio." Pilit na ngumiti si Allianna kay Attorney Heiz nang matapos niyang pirmahan ang documents na pinapirma ni Heiz kay Allianna.Nakuha man ni Allianna ang hustisya na matagal niya nang gustong makuha, pero may isa namang tao ang nawala sa buhay niya. Kaya lungkot at saya ang nararamdaman ni Allianna ngayon."I am Bianca Green, ako ang secretary ng daddy mo noon." Nginitian siya ni Alliann at nakipagkamayan. "Ako lang ang nandito, dahil may mga documents na kailangan mong pirmahan.""Pwedeng mamaya na lang 'yan? Meroon pa akong kailangan puntahan.""Sige po.""Lio," tawag ni Allianna sa kaniyang driver. Kaya pumunta agad si Lio sa harap ni Allianna. "Ihanda mo ang sasakyan dah pupunta tayo sa Catholic School.""Yes, Miss." Nang makaalis si Lio, ay nagpaalam na rin si Attorney Heiz kay Allianna na aalis na ito dahil manganganak na raw ang kaniyang asawa. Kaya si Biance na lang
After 10months*Allianna's POV"Miss, ako na po ang hahawak ng maleta niyo." Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin. Isa siguro sita sa nagtatrabaho rito sa airport dahil nakauniform siya."I don't need your help. I can handle my things." Tutungo na sana ang lalaki nang biglang lumapit sa akin si Aunt Grace."Let him help you, dear. Pagod tayo sa flight. Kaya gusto ko nang magpahinga... I can't wait to go home." Napangisi ako sa sinabi ni Aunt Grace, kaya ibinigay ko na lang ang dalawang maleta ko sa lalaki.Sa sampong buwan namin sa France, ay wala akong ginagawa kung hindi ang tumunganga lang sa hotel room. Minsan naman, at sinasama ako ni Aunt sa business meeting nila, pero hindi ako nakikinig. Wala rin anmang kwenta ang pinag-uusapan nila. Puro kwento lang ng buhay, 'yung ibang lalaki naman ay grabe makatingin sa akin.Hindi ko inaasahan na magtatagal kami sa France at ngayon na nakabalik na ako. Ito na siguro ang masayang mangyayare sa buhay ko.Matagal man akong nawal
Third Person's POVPinindot ni Attorney Heiz ang doorbell sa bahay ng Quinter family. Kaya naghintay siya ng magbubukas ng gate.Nang makita niya ang isang lalaking binata na papunta sa kaniya, ay inayos niya ang kaniyang tayo."Sino po kayo?" tanong ni Daylon."I am Attorney Heiz. Gusto ko lang makausap ang magulang mo, pwede ko ba silang makausap?""Sorry, but I don't know you.""Of course, you don't know me, pero importante kasi ang sasabihin ko sa magulang mo. Kaya gusto ko sana silang makausap. Kahit dito na lang kami mag-usap.""Wait, I'll call them." Pinanood ni Attorney Heiz ang lalaki na pumasok sa bahay at mga ilang segundo, ay lumabas na ang mag-asawa na si Mialyn at Benjamin."Gusto mo po kaming makausap? Pwede ko bang malaman kung ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Benjamin."Tungkol po kay Allianna Gregorio." Napatulala si Mialyn kay Attorney Heiz at hindi alam kung ano ang sasabihin."Pag-usapan natin sa loob ng bahay.," sagot naman ni Benjamin. Alam niyang hindi pa
Nagising ako na masakit pa rin ang ulo. Dumadalas na ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Umiinom naman ako palagi ng tubig, pero kaunti lang ang kinakain ko. Baka pagkain lang ang kailangan?Bumuntong hininga ako at tumayo para buksan ang kurtina ng bintana ng kwarto ko. Hihintayin ko na lang siguro na kumatok si Carol na tawagin ako para mag-almusal, pero hindi kumatok si Carol.Kaya lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa dining area, pero hindi ko nakita sila Aunt Grace."You," tinuro ko ang isang kasambahay na palaging kasama ni Aunt Grace. Kakadaan niya lang sa dining area. Kaya nakita ko siya. "Nakita mo ba si Aunt Grace?""Maaga po siyang umalis, Miss.""Bakit?""Aasikasuhin niya raw po ang passport and ticket niyo papuntang France at deretsyo po siya sa kompanya.""Nakita mo si Carol?""Opo, nasa likod po siya ng mansion, naglalaba po.""Ok." Pagkatapos kong sabihin 'yun, ay pumunta agad ako sa likod ng mansion at doon ko nakita si Carol na nagsasampay
Habang hinihintay ko si Carol na makabalik, ay hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Kulang lang ba ako sa kain? O ililigo ko na lang ito?Hindi naman mainit dahil nakaopen palagi ang aircon ang buong bahay. Napabuntong hininga na lang ako at isinandal ang aking likod sa upuan.Sasama ba ako kay Aunt Grace papunta sa France? Wala akong choice kung hindi ang sumama dahil alam ko na kailangan niya akong tignan palagi. Hindi ako pwedeng mawala sa mga mata niya. Kaya kailangan niya akong isama. Siguro kaya niya naisip na isama ako dahil kapag umalis na siya, ay baka umalis ako? Pwede kong gawin 'yun, pero alam ko na malalaman 'yun ni Aunt Grace."Miss, nakuha ko na po 'yung book na pinapakuha niyo." Pumasok si Carol sa loob at ibinigay sa akin ang libro."Salamat, Carol. Balik ka na lang ulit dito, para kuhain ang cellphone." Pagkakuha ko ng libro, ay tumungo siya at lumabas.Tatawagan ko pa ba sila? Sabado naman ngayon kaya sure ako, ay walang pasok sila Daylon. Ang kailanga