Third Person’s POV
“Demitri!” tawag ni Mialyn sa kaniyang anak na bunso.
“Ano ba ‘yun, Mom? Nakailang tawag ka na po sa akin. Pwede mo naman pong tawagin si Kuya hindi lang po puro ako.”
“Huwag ka na ngang magreklamo. Samahan mo kaming manood ng balita rito.”
“Para saan?” Inis na umupo si Demirtri sa pang-isahang sofa at nakasimangot na tinignan ang kanilang TV. “Ano naman ang gagawin ko sa balita na ‘yan, Mom? Imbis na nag-aaral ako e,” dagdag pa nito.
“Ano naman ngayon? E ‘d dito mo gawin ‘yang pag-aaral na sinasabi mo. Pwede mo naman ‘yun gawin dito.”
“Ano ba naman ‘yan.”
“Gusto ka lang makita ng Nanay mo, Demitri. Kaya gawin mo na lang ang gusto niya. Kung nag-aaral ka, mag-aral ka rito. Huwag kang mag-alala, makakapag-aral ka naman ng maayos dahil hindi naman kami maingay manood ng Nanay mo.” Napabuntong hininga na lang si Demitri dahil sa sinabi ng kaniyang Ama.
Inis siyang pumunta sa kwarto niya, pero bago siya bumalik sa sala ay pinasok niya muna ang kwarto ng kaniyang kapatid. Magsasalita na sana siya nang bigla siyang unahan ng kaniyang kuya.
“Hindi ka ba marunong kumatok?” Napalunok ng laway si Demitri at lalabas na sana siya nang magsalita ulit ang lalaki. “Ano ang kailangan mo?”
Agad tumabi si Demitri sa kuya niya na nakaupo sa study table habang nag-aaral.
“Kailangan ko kasing malaman kung ano ang gagawin ko rito. Pwede mo ba akong turuan?” Napatigil ang lalaki at tinignan si Demitri ng walang emosyon.
“Ilang taon ka na?” seryosong tanong nito sa kaniya.
“Ten?”
“Ten ka na kaya alam mo na ‘yan. Kaya mo na dapat gawin ‘yan dahil nag-aaral ka.”
“Kahit ngayon lang hindi mo ako maturuan. Isang subject lang naman e.”
“Isa lang naman pala bakit hindi ikaw ang gumawa?” Napa’tsk’ na lang si Demitri at lumabas na sa kwarto ng kapatid.
Nang makapunta siya sa sala ay nakita niya ang kaniyang nanay na umiiyak.
“Ano pong nangyare, Dad?” Tinignan lang siya ng kaniyang Ama at nagsign na bumalik na lang sa kaniyang kwarto.
**
“Anong gagawin natin ngayon?” umiiyak na saad ni Mialyn sa kaniyang asawa nang matapos nilang malaman na ang kanilang kaibigan ay wala na.
“Gagawa tayo ng paraan para mahanap ang kanilang anak, Hon. Kaya huwag ka nang umiyak dahil mahahanap natin si Allianna.”
“Paano kung hindi na?”
“Hindi pwedeng hindi, Hon. Siguro naman alam ng mga taong ‘yun kung nasaan ang anak ng mga kaibigan natin. Kaya mahahanap natin agad siya.” Niyakap ng mahigpit ni Mialyn ang kaniyang asawa at doon humagulgol.
Ngayon lang din kasi nila nalaman na wala na pala ang mga kaibigan nila na matagal na nilang hinahanap. Ngayon lang din nila nalaman na may anak na itong babae. Hindi nila alam kung saan hahanapin ang babaeng ‘yun, pero sigurado ang Ama na may alam ang mga taong nasa korte kung saan nila dinala si Allianna. Kaya hindi sila mahihirapan.
**
“Nasaan na ba ang dalawang ‘yun. Bakit ang tagal naman nilang magising?” inis na sabi ni Mialyn sa kaniyang asawa habang nilalagay ang mga pang-umagahan nilang pagkain.
“Hon, kanina ka pa stress diyan. Pwede bang huwag mo na muna sila intindihin? Alam mo naman ‘yang mga anak mo. Hindi na nila kailangan tawagin pa dahil may mga kusa ‘yan. Saka hindi ka na nasasay sa kanila.”
“Hindi naman sa gano’n, Hon. Ang punto ko kasi ay baka malate tayo sa pagbisita kay Attorney. Hindi ba ngayon ‘yun?”
“Ngayon na ba ‘yun? Bakit parang ang bilis naman ata?”
“Isang buwan nilang hinanap si Allianna at ngayon alam na nila. Kaya kailangan natin siyang puntahan.”
“Bakit hindi na lang siya sabihin sa atin kung nasaan si Allianna? Bakit pa natin siya kailangan puntahan?”
“Meron siyang sasabihin sa atin. Hindi mo ba maintindihan?” Napailing na lang ang lalaki at ininom ang kaniyang kape. Ayaw niya kasing makipagtalo sa kaniyang asawa dahil alam niya na hindi naman siya mananalo.
“Goodmorning, Mom.” Nagulat si Mialyn nang bigla na lang may lumapit sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi.
“Bakit ngayon ka lang bumaba? Hindi mo ba alam kung anong oras na? Nasaan ang kapatid mo?” Hinawakan ng lalaki ang kaniyang noo at umupo sa kaniyang upuan na katabi ng upuan ni Demitri.
“Malaki na si Demitri, Mom. Hindi niya na kailangan gisingin pa.”
“Napakakulit niyo talagang dalawa.” Umupo na lang ang babae at inumpisahan na ang pagkakain ng almusal.
“Aalis kami pagkatapos niyo mag-almusal. Ikaw na muna ang maghatid sa kapatid mo mamaya sa paaralan.”
“Ano? Bakit ako? Pwede niyo naman siyang ihatid mamaya hindi ba?”
“Mas mauuna kami umalis kaya ikaw ang maghahatid kay Demitri. Wala kang magagawa kung hindi ang gawin ang utos ko dahil tulog pa ang kapatid mo.” Napabuntong hininga na lang lalaki at kinain na ang kaniyang almusal.
“Tapos na ako, mauuna na akong maligo, Hon.” Tumayo si Mialyn nang makita niyang tumungo ang kaniyang asawa.
“Anong meron kay, Mom? Hindi naman siya gano’n.” Napatawa ang kaniyang Ama at ibinaba ang tasa na hawak-hawak nito.
“May nalaman kasi ang Mom mo kagabi kaya gan’yan siya.”
“Nalaman niya na may kabet ka?”
“Ano? Wala akong kabet dahil hindi ko ‘yun magagawa sa Mommy mo. Hindi ko muna sasabihin ngayon kung ano ang dahilan. Basta gawin mo na lang ang sinabi sa’yo ng Nanay mo.”
“Okay.”
“Goodmorning, nasaan si Mom?” Nang makaupo si Demitri sa kaniyang upuan ay agad niyang sinonggaban ang pagkain. Naghihintay siya ng sagot pero walang nagsalita. “Bakit ang tahimik niyo?” dagdag pa nito.
“Kumain ka na lang dahil ihahatid pa kita.” Kumunot ang noo ni Demitri.
“Bakit ikaw ba ang maghahatid sa akin?”
“Hindi ba obvious?” Inirapan ni Demitri ang kaniyang kapatid at kumain na lang.
“Thank you sa pagkain.” Napatingin ang mag-ama sa lalaki dahil tumayo ito.
“Kaunti pa lang ang nakakain mo, Daylon. Kaumain ka pa.”
“Hindi ko na kailangan, Dad. Kailangan ko nang maligo dahil ayaw kong malate.” nang tumungo ang kaniyang ama ay tinignan niya si Demitri. “Bilisan mo kumain dahil kapag nalate ako, ikaw ang sisisihin ko.”
Nang makaalis si Daylon sa dining area ay kinamot ni Demitri ang kaniyang ulo.
“Ano ba ang mga problema ng mga tao rito. May problema ka rin po ba, Dad?”
“Ako? Ano naman ang problema ko?” Napangiti at napailing na lang si Demitri. Hindi naintindihan ng Tatay niya kaya uubusin niya na lang ang pagkain niya.
**
“Ano sa tingin mo ang problema ni Mom?” tanong ni Demitri kay Daylon nang makalabas sila ng bahay. Nang makasakay sila sa kanilang mga bike ay hindi pa rin sinasagot ni Daylon ang tanong ng kapatid.
“Bakit hindi mo palagi sinasagot mga tanong ko?”
“Wala namang kwenta ang mga tinatanong mo.”
“Anong walang kwenta ron?”
“Problema nila Mom ‘yun. Kaya hindi dapat tayo nangengeelam.”
“Ang daming alam, nag-aalala lang naman ako kay Mom.”
“Huwag kang mag-alala. Hayaan mo silang maayos ang sarili nilang problema.” Nanahimik na lang si Demitri dahil tama naman ang sinabi ng kaniyang kapatid. Saka kapag nangeelam sila baka mas lalong lumala ang problema ng kanilang magulang.
Nang makadating sila sa paaralan ni Demitri ay nagpaalam na agad ito sa kaniyang kuya at pumasok na sa paaralan. Habang si Daylon naman ay dumeretsyo na sa kaniyang paaralan.
Nang makita niya ang orasan sa kaniyang relo ay agad niyang binilisan ang pagpaandar ng bisikleta. Iniiwasan niya lang ang mga taong nakakasalamuha niya at minsan naman ay hindi nakikinig sa kaniyang pito na tumabi, kaya muntikan niya nang mabangga.
“Tang-ina,” mahinang saad niya dahil nakita niya ang gate ng paaralan na nakasara na.
May mga estudyante na nasa labas at kausap ang guard ng paaralan kaya pumunta siya roon para makinig.
“Ano namang rason kung bakit kayo late?” tanong ng guard. Ang mga estudyante naman ay nakayuko lang at hindi sinasagot ang tanong ng guard.
“Hinatid ko ang kaipatid ko sa paaralan niya. Kaya ako nalate.” Ang lahat ng tao ay napatingin kay Daylon. Pati na rin ang guard na ngayon ay nakangisi na.
“Hindi ko makapaniwala na nalelate pala ang isang Quinter.” Tumawa bigla ang guard at pinalapit si Daylon sa kaniya.
Siyampre hindi mawawala ang mga bulungan ng mga estudyante. Hindi rin sila makapaniwala na nalate si Daylon. First time kasing malate ng lalaki.
“Dahil reasonable naman ang reason mo at ngayon ka lang nalate, papapasukin kita. Pero ngayon lang ‘to, Mr. Quinter. Sa susunod na nalate ka na isasama na kita sa mga nalate at paparusahan.”
“Hindi pwede ‘yun, Sir. Nalate po ako kaya kailangan niyoakong ilista sa mga nalate at parusahan ngayon. Hindi magiging fair sa mga nalate ngayon kung ako lang ang papapasukin mo.” Nagulat ang mga estudyante pati na rin ang guard. May mga babae rin na kinikilig.
“Sigurado ka ba?” Tumungo si Daylon at nagsalita.
“Bilang isang SSG President, gusto kong maging pantay-pantay ang pagtatrato ng mga estudyante sa paaralan na ‘to. Hanggat ako ang president tuloy-tuloy ang patakaran na binigay ko.” Napatahimik ang guard, kaya agad na pumunta sa likod si Daylon para hinatayin kung ano sasabihin ng guard.
“Dahil sa sinabi ni Mr. Quinter isasama ko siya sa paparusahan ngayon. Pumila kayo rito sa gilid.”
“Malapit na malaglag ang panty ko kanina sa sobrang kilig.”
“Naiinlove ako.”
“Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya ‘yun. Para ko siyang naging jowa.”
“Girls!” Napatigil sa pagbubulungan ang mga babae nang sigawan sila ng guard. “Hindi ba sinabi ko sa inyo na pumunta kayo rito? Mukha kayong mga tanga riyan na nakatayo!”
Lahat na kasi ng estudyante ay nakapila sa gilid ang tatlong babae na lang ang hindi.
Nang makapila sila, ay sinabi ng guard na ibaba ang kanilang mga gamit sa sahig dahil sila ay mag-squat.
“Thirty minutes kayong nakagan’yan. Kung sino man ang magbababa ng kanilang mga kamay ay madadagdagan ng ten minutes.” May mga nagreklamong estudyante, pero si Daylon ay nanatiling kalmado.
Hindi mapakali ang mga babaeng katabi ni Daylon, pero walang pakeelam si Daylon dahil ang gusto niya lang, ay makapagconcentrate sa ginagawa niya. Hindi niya nga alam kung bakit ganito ang reaksyon ng babae sa kaniya, pero halata naman na nagagwapuhan sa kaniya ang mga babae. Kaya dedma na lang siya.
“Palit tayo, Charlie.”
“Ano ba, Rosie? Masyado ka nang lumalandi ngayong araw. Pwede bang manahimik ka muna ngayon? Baka gusto mong madagdagan ang oras mo rito? Dahil ako ayaw ko. Kaya huwag mo akong daldalin.”
“Ang kill joy mo naman. Minsan na nga lang ako humingi ng favor e.”
“Manahimik ka.”
Allianna’s POV“Mauna na kayo sa bahay dahil muna ako ngayon. Gusto kong icelebrate ang pagkapanalo ko ngayon,” seryosong sabi kokay Lio at kay Bianca.“Miss, paano po itong mga documents na kailangan niyong pirmahan? Kailangan niyo na po itong mapirmahan.”“Bukas na ‘yan, Bianca. Gusto ko munang maging masaya ngayon. Kaya hayaan mo muna ako.” Nang makalabas ako ng kotse, ay agad akong naglakad papunta sa entrance ng bar, pero bago pa ako makapasok, ay meroon nang pumigil sa akin na dalawang guard.“May I’D po ba kayong dala, Miss?” Kumunot ang noo ko sa lalaking nagtanong.“Bakit mo kailangan?”“Gusto ko lang pong malaman kung ilang taon na kayo, Miss.”“Wala akong dalang I’D kaya papasukin mo na lang ako.”“Hindi pwede, Miss.”“Fuck! Papasukin mo ako, gusto ko lang magsaya ngayon. Kaya hayaan mo na ako maging masaya. I’m an adult now!” Dahil sa mga sinabi ko, ay agad na nila akong pinapasok. Kaya masaya akong pumunta agad sa dance floor. Habang sumasayaw ako, ay kumuha ako ng isang
Third Person's POV"Congratulations, Miss Gregorio. Ikaw na ngayon ang may-ari ng lahat ng kayamanan ng Gregorio." Pilit na ngumiti si Allianna kay Attorney Heiz nang matapos niyang pirmahan ang documents na pinapirma ni Heiz kay Allianna.Nakuha man ni Allianna ang hustisya na matagal niya nang gustong makuha, pero may isa namang tao ang nawala sa buhay niya. Kaya lungkot at saya ang nararamdaman ni Allianna ngayon."I am Bianca Green, ako ang secretary ng daddy mo noon." Nginitian siya ni Alliann at nakipagkamayan. "Ako lang ang nandito, dahil may mga documents na kailangan mong pirmahan.""Pwedeng mamaya na lang 'yan? Meroon pa akong kailangan puntahan.""Sige po.""Lio," tawag ni Allianna sa kaniyang driver. Kaya pumunta agad si Lio sa harap ni Allianna. "Ihanda mo ang sasakyan dah pupunta tayo sa Catholic School.""Yes, Miss." Nang makaalis si Lio, ay nagpaalam na rin si Attorney Heiz kay Allianna na aalis na ito dahil manganganak na raw ang kaniyang asawa. Kaya si Biance na lang
After 10months*Allianna's POV"Miss, ako na po ang hahawak ng maleta niyo." Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin. Isa siguro sita sa nagtatrabaho rito sa airport dahil nakauniform siya."I don't need your help. I can handle my things." Tutungo na sana ang lalaki nang biglang lumapit sa akin si Aunt Grace."Let him help you, dear. Pagod tayo sa flight. Kaya gusto ko nang magpahinga... I can't wait to go home." Napangisi ako sa sinabi ni Aunt Grace, kaya ibinigay ko na lang ang dalawang maleta ko sa lalaki.Sa sampong buwan namin sa France, ay wala akong ginagawa kung hindi ang tumunganga lang sa hotel room. Minsan naman, at sinasama ako ni Aunt sa business meeting nila, pero hindi ako nakikinig. Wala rin anmang kwenta ang pinag-uusapan nila. Puro kwento lang ng buhay, 'yung ibang lalaki naman ay grabe makatingin sa akin.Hindi ko inaasahan na magtatagal kami sa France at ngayon na nakabalik na ako. Ito na siguro ang masayang mangyayare sa buhay ko.Matagal man akong nawal
Third Person's POVPinindot ni Attorney Heiz ang doorbell sa bahay ng Quinter family. Kaya naghintay siya ng magbubukas ng gate.Nang makita niya ang isang lalaking binata na papunta sa kaniya, ay inayos niya ang kaniyang tayo."Sino po kayo?" tanong ni Daylon."I am Attorney Heiz. Gusto ko lang makausap ang magulang mo, pwede ko ba silang makausap?""Sorry, but I don't know you.""Of course, you don't know me, pero importante kasi ang sasabihin ko sa magulang mo. Kaya gusto ko sana silang makausap. Kahit dito na lang kami mag-usap.""Wait, I'll call them." Pinanood ni Attorney Heiz ang lalaki na pumasok sa bahay at mga ilang segundo, ay lumabas na ang mag-asawa na si Mialyn at Benjamin."Gusto mo po kaming makausap? Pwede ko bang malaman kung ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Benjamin."Tungkol po kay Allianna Gregorio." Napatulala si Mialyn kay Attorney Heiz at hindi alam kung ano ang sasabihin."Pag-usapan natin sa loob ng bahay.," sagot naman ni Benjamin. Alam niyang hindi pa
Nagising ako na masakit pa rin ang ulo. Dumadalas na ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Umiinom naman ako palagi ng tubig, pero kaunti lang ang kinakain ko. Baka pagkain lang ang kailangan?Bumuntong hininga ako at tumayo para buksan ang kurtina ng bintana ng kwarto ko. Hihintayin ko na lang siguro na kumatok si Carol na tawagin ako para mag-almusal, pero hindi kumatok si Carol.Kaya lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa dining area, pero hindi ko nakita sila Aunt Grace."You," tinuro ko ang isang kasambahay na palaging kasama ni Aunt Grace. Kakadaan niya lang sa dining area. Kaya nakita ko siya. "Nakita mo ba si Aunt Grace?""Maaga po siyang umalis, Miss.""Bakit?""Aasikasuhin niya raw po ang passport and ticket niyo papuntang France at deretsyo po siya sa kompanya.""Nakita mo si Carol?""Opo, nasa likod po siya ng mansion, naglalaba po.""Ok." Pagkatapos kong sabihin 'yun, ay pumunta agad ako sa likod ng mansion at doon ko nakita si Carol na nagsasampay
Habang hinihintay ko si Carol na makabalik, ay hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Kulang lang ba ako sa kain? O ililigo ko na lang ito?Hindi naman mainit dahil nakaopen palagi ang aircon ang buong bahay. Napabuntong hininga na lang ako at isinandal ang aking likod sa upuan.Sasama ba ako kay Aunt Grace papunta sa France? Wala akong choice kung hindi ang sumama dahil alam ko na kailangan niya akong tignan palagi. Hindi ako pwedeng mawala sa mga mata niya. Kaya kailangan niya akong isama. Siguro kaya niya naisip na isama ako dahil kapag umalis na siya, ay baka umalis ako? Pwede kong gawin 'yun, pero alam ko na malalaman 'yun ni Aunt Grace."Miss, nakuha ko na po 'yung book na pinapakuha niyo." Pumasok si Carol sa loob at ibinigay sa akin ang libro."Salamat, Carol. Balik ka na lang ulit dito, para kuhain ang cellphone." Pagkakuha ko ng libro, ay tumungo siya at lumabas.Tatawagan ko pa ba sila? Sabado naman ngayon kaya sure ako, ay walang pasok sila Daylon. Ang kailanga