Share

Chapter 4

“Attorney, bakit kailangan mo pa kaming papuntahin sa inyo kung pwede mo naman sabihin sa amin kung nasaan si Allianna?” seryosong saad ni Benjamin Quinter nang makaupo silang dalawa ng kaniyang asawa sa harap ng attorney.

“Sa totoo lang, Mr. and Mrs. Quinter. Iyon po dapat ang gagawin ko, pero hindi ko po maintindihan kung bakit po nandoon si Allianna.”

“Nasaan ba siya?” kinakabahang tanong ni Mialyn. Kinakabahan siya na parang anak niya ay nawawala at gusto niya na itong makita.

“Napagdesisyonan po ng korte na idala sa bahay ampunan si Ms. Allianna.” Kumunot ang noo ng mag-asawa.

“Anong ibig mong sabihin, Attorney? Hindi ba merong kapatid ang nanay ni Allianna? Paano siya napunta sa bahay ampunan? Hindi pwede ‘yun saka meron din siyang mga Ninong at Ninang.”

“Iyan po ang ating problema, Mrs. Quinter. Wala pong may gustong kumuha kay Allianna dahil na rin sa teenager na ang bata kaya hindi niya na raw po kailangan ng magulang na magpapalaki sa kaniya. Saka walang kung sino man ang nagtangkang kumuha sa kaniya. Hindi ko po alam kung bakit.”

“Ano? Bata pa si Allianna, Attorney, Kailangan niya pa ng magulang na gagabay sa kaniya. Hindi nila pwedeng gawin ‘yun. Hindi nila dapat basta-basta na lang ipamigay si Allianna sa bahay ampunan kung meron naman siyang pamilya.”

“Wala pong abugado ang tumulong kay Allianna kaya wala po tayong magagawa kung hindi sundin ang utos ng korte.”

“Hindi ako papayag.” Tumayo si Mialyn at tinignan ng seryoso ang abugado. “Gusto kong makuha ang bata. Gusto kong ako ang maging guardian niya.”

“Pero mahirap po ang proseso na ‘yun, Misis. Aabutin po tayo ng mga isang taon para lang makuha ang gusto niyo.” Pinaupo ni Benjamin ang kaniyang asawa at pinakalma.

“Kahit gaano pa katagal ‘yan. Hindi ako papayag na lumaki ang bata sa bahay ampunan ang anak ng kaibigan ko. Hindi siya pwedeng tumira roon. Hindi ko kaya.” Pinipigilan ni Mialyn ang kaniyang luha na tumulo kaya pinakalma niya ang kaniyang sarili.

“Sabihin mo na lang sa amin kung nasaan ang bata, Attorney. Bukas na ulit natin ito pag-usapan. Ayusin mo ang problemang ito at gawin ang gusto ng aking asawa. Kahit gaano pa katagal ‘yan. Kahit gaano pa kalaki ang ilabas namin na pera, ay gagawin namin. Makuha lang si Allianna Gregorio.”

“Yes, Mr. Quinter.”

Nang masabi ni Attorney ang address kung nasaan si Allianna, ay inalalayan ni Benjamin ang kaniyang asawa papunta sa kanilang kotse.

“Naalala mo ba kung ano ang sinabi ni Lia sa atin?” walang ganang saad ni Mia.

“Paano ko naman hindi makakalimutan ‘yun? Kaibigan natin sila simula noong mga bata pa tayo kaya hindi ko ‘yun makakalimutan, Hon.”

“Ang sabi sa akin ni Lia na kapag nagkaanak siya at namatay siya pati ang asawa niya. Gusto niya na tayo ang mag-aalaga sa kanilang anak. Pero tignan mo ngayon, Benjamin. Nasa bahay ampunan ang anak nila at ayaw kong nakikita siyang nahihirapan doon. Paano kung sinasaktan siya roon? Hindi siya pinapakain ng maayos? Pinapahirapan siya? Hindi pwede ‘yun. Kailangan natin gawan ng paraan ito. Hindi natin siya pwedeng pabayaan na lumaki sa bahay ampunan na ‘yon.”

“Kaya nga gagawa tayo ng paraan para mailabas siya roon hindi ba? Sigurado ako na makukuha natin si Allianna dahil tayo lang naman ang may gustong alagaan siya. Kailangan ni Allianna ng mag-aalaga sa kaniya dahil hindi niya pa kayang mag-isa. Magiging maayos din ang lahat. Isang araw magigising ka na lang nasa bahay na natin si Allianna.” Hinawakan ni Benjamin ang kamay ni Mialyn kaya naging maayos ang pakiramdaman ng babae.

“Sana nga.”

**

“President!” kahit may tumatawag kay Daylon sa likod niya ay hindi pa rin ito lumilingon dahil kilala niya kung sino ‘yun. “Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka man lang lumilingon. Ano ba ang problema mo?” dagdag pa ng lalaki nang makapantay ito sa paglalakad niya.

“Ano ang kailangan mo?”

“Kailangan agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang kumustahin?” Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ng walang emosyon ang lalaki. “Oo na, meron akong kailangan. Pwede bang pahiram ng notes mo sa mathematics? Promise ibabalik ko ‘yun bukas. Hindi kasi ako nakapagtake notes kanina kasi ang bilis magsalita ni Sir.”

“Ibalik mo sa akin bukas bago mag-umpisa ang klase.” Napangiti ang lalaki nang makita niyang binubuksan na ni Daylon ang bag nito. Nang maibigay niya ang notebook niya sa lalaki ay pinagpatuloy niya na ulit ang kaniyang paglalakad kahit hindi niya pa naririnig na nagpasalamat ang lalaki.

‘Yun lang naman ang kailangan sa kaniya ng lalaking ‘yun. Tamad kasi magtake note kaya sa kaniya ito nangongopya. Hindi naman niya matanggihan dahil nahihiya siya.

“Nandyan na pala si Captain,” saad ng kaniyang members nang makapasok siya sa basketball court.

“Bakit hindi pa kayo nag-uumpisang magpractice?” Inilapag niya ang kaniyang bag sa kanilang upuan at tinignan ang buong team niya na nakahanay sa harap niya. “Hindi ba ang sabi ko sa inyo. Kapag wala pa ako ng limang minuto mag-umpisa na kayo? Kaya bakit hindi pa kayo nag-uumpisa?” dagdag pa niya kaya nagsiyukuan ang kaniyang team.

“Napag-isipan naming hintayin ka dahil hindi kami makapagpractice ng maayos kapag hindi ka kasama.”

“Hindi ‘yan ang tamang rason para sawayin ako, Miguel. Tatlong linggo na lang ang ang meron tayo para makapagpractice tayo ng maayos. Kung gusto niyong manalo sa larong ‘to! Makinig kayo sa akin! Simpleng utos ko lang ‘yun sa inyo tapos hindi niyo magawa ng maayos!? Tapos pagdating ko pa rito kumakain at nagtatawanan?!”

“Tang-ina, umpisahan na natin ‘to!”

Nang mag-umpisa sila ng practice ay nagkakaroon na ng mga babaeng nanonood kaya mas naging energetic ang mga lalaking naglalaro. Habang si Daylon ay naglalaro lang ng seryoso.

Sa tuwing pinapasa sa kaniya ang bola ay shinushoot niya agad ang bola sa ring kahit malayo ito sa kaniya.

Halos isa’t kalahating oras ang kaniyang practice kaya sila ay pagod. Si Daylon nam,an ay pawisan lang kaya uminom ito ng tubig,

“Hanggang dito na lang muna ang practice dahil meron pa akong pupuntahan.” Tumungo ang team niya kaya lumabas na siya sa basketball court.

Habang naglalakad siya ay merong humarang sa kaniyang babae. Nakalahad ang dalawang kamay nito sa kaniya at meron din itong hawak na papel.

“Gusto kita, Daylon. Please, tanggapin mo ito.” Nang humarap ang babae sa mukha niya ay bigla itong kinabahan at umiwas ng tingin.

“Itapon mo na ‘yan dahil hindi ko ‘yan kailangan.” nang malampasan niya ang babae ay nakahinga siya ng maayos.

Hindi niya maintindihan ang mga babae sa kanilang paaralan kung bakit nagkakagusto ang mga ito sa kaniya. Tapos may mga babae pa na nagagalit dahil sinaktan niya ang mga ‘yun.

Hindi naman niya kasalanan kung magkakagusto sila sa kaniya. Kaya magalit sila sa kanilang mga sarili hindi sa kaniya.

“Hindi mo man lang siya kinausap,” saad ng kaniyang kaibigan na si William nang makasabay ito sa kaniyang paglalakad.

“Wala akong oras para magbasa ng mga walang kwentang sulat.” Nang makalabas sila ng paaralan ay pumunta sila sa parking area ng mga bike.

“Hindi kaya walang kwenta ‘yun. Dapat kinukuha mo ang mga love letter na binibigay nila sa’yo dahil binigyan nila ng effort ‘yung sulat na ‘yun.”

“Kapag kinuha ko ang sulat nila. Iisipin na nila na meron akong gusto sa kanila. Kaya manahimik ka na lang.”

“Sabagay, meron ka namang punto. Hindi ko na nga rin kuhain ang mga love letter ng mga bebe loves ko.” Napailing na lang si Daylon at sumakay sa kanilang bike.

Kasama niya si William papuntang book store dahil meron silang kailangang bilihin doon. Naisip din ni Daylon na bilihan ng libro ang kaniyang kapatid.

“Tips to make your crush fall in love with you.” Pagbabasa ni Daylon sa librong nasa kamay niya. Napangisi siya at ibinalik ang libro kung saan niya ito nakuha.

Kung ano-ano na lang ang libro na tinitignan niya, hindi naman niya kailangan.

“Ano na ang nakuha mo, Daylon?” tanong sa kaniya ni William at pinakita naman niya ang tatlong libro na hawak niya.

“Tatlo pa lang? Bakit ang unti pa lang? Halos kalahating oras na tayo rito tapos tatlo pa lang ang nakukuha mo? Ako nga nakalima na.” Tinignan niya lang ng walang emosyon ang kaniyang kaibigan kaya dinilaan siya ng lalaki.

“Gay.”

**

Allianna’s POV

Ano ba ang ginagawa ko sa bahay ampunan? Parang kulungan na rin ito e. Iba nga lang ang mga kasama ko rito.

Ang mga bata na palaging masaya na parang wala silang mga problema. Sabagay, wala pa naman silang problema dahil mga bata pa sila. Puro saya pa lang ang kanilang iniisip. Hindi katulad ko lahat na lang pinoproblema.

Ang hirap tumira rito. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Palagi ka pang nahihiya sa tuwing binibigyan ka ng pagkain. Hindi naman kasi nila obligasyon na pakainin ako dahil ang Tita ko dapat ang gumagawa no’n.

Wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin na lang kung ano ang mangyayare sa aking buhay. Gano’n naman dapat ang gawin hindi ba? Ang akala ko kasi perfect na ang buhay ko dahil meron akong masayang pamilya. Wala kaming problema sa pera, pero hindi ko inaasahan na maagang mawawala ang aking mga magulang. Ang malala pa nito, ako pa ang pinagkamalan nila na pumatay sa aking mga magulang.

Nang makahiga ako sa aking kama tinignan ko ang dingding at ipinikit ang aking mga mata.

Ang hindi ko lang maintindihan ay  bakit walang may gustong kumuha sa akin. Walang may gustong alagaan ako.

Tama nga ang sabi ng lahat. Kapag wala ka ng pera hindi ka na nila makikila, kakalimutan ka na nila. Wala na silang pakeelam. Hindi ka na nila tutulungan. Pero sana may taong kumuha sa akin dito at gusto akong ipaglaban.

“Kahit sino man diyan. Parang awa niyo na, tulungan niyo ako.”

Napadilat ako ng mga mata nang biglang may magbukas ng aming kwarto.

“Miss Allianna?” Napatayo ako bigla at tignan ng tuwid si Mam Flora.

“Bakit po?”

“Meron kang bisita. Pumunta ka na lang sa visitor’s area.”

“Sige po.”

Nang maisara niya ang pintuan ay kinabahan ako. Hindi kaya ang bisita ko ay ang Tita ko ulit? Huwag naman sana dahil nahihiya ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko sa kaniya dahil alam niya na ako ang pumatay sa kaniyang kapatid kahit hindi naman.

Pwede naman na hindi na ako pumunt asa visitor’s area hindi ba? Hindi ko naman kailangan na magpakita sa kanila. Baka kung ano lang ang sabihin sa akin ng mga ‘yun.

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan.

“Bilisan mo, Miss Allianna. Naghihintay sila roon.”

“Pwede ko po bang malaman kung sino sila?”

”Wala silang sinabing pangalan, pero sila raw ay ang mga kaibigan ng magulang mo. Kaya lumabas ka na riyan dahil gusto ka nilang makausap.” Ang kaba na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala.

Alam ko ng may mga kaibigan ang mga magulang ko, pero bakit naman nila ako bibisitahin dito? Ang alam ko kasi ay ang lahat ng kaibigan ng mga magulang ko ay nasa korte noon at lahat sila ay galit sa akin.

Nang makalabas ako sa kwarto ay nginitian ako ni Mam Flora.

“Mababait sila, Allianna. Kaya huwag kang kabahan at mag-alala. Hindi sila katulad ng mga taong nasa korte noon. Sigurado ako na magiging close kayo.” Ngumiti ako kay Mam Flora at naglakad na papuntang visitor’s area.

Walang tao roon maliban lang sa mag-asawang nakatayo habang nakatingin sa akin. Ang isang babae ay nakahawak ang mga kamay sa kaniyang bibig habang ang mga luha nito ay tumutulo at ang lalaki naman ay nakangiti sa akin.

Hindi ko kilala ang mag-asawang ito.

“Ikaw na ba si Allianna?” umiiyak na saad ng babae habang naglalakad papunta sa akin. Nang makalapit siya sa akin, ay kinuha niya ang aking kamay. “Kamukhang-kamukha mo si Lola Emelda,” dagdag pa nito na nagpakunot ng noo ko.

“Kilala niyo po ang Lola ko?” Pinaupo ako ng babae sa kanilang harap at doon na nagumpisa ang aming kwentuhan. Binigyan muna ng tuwalya ang kaniyang asawa para punasan ang mga luha ng babae.

“Oo, simula bata pa kami ng mga magulang mo ay magkakaibigan na kaming apat. Sa bahay ng Lola mo kami palagi nakatamdam dahil palagi kaming pinapagalitan ng aming magulang kapag sa bahay namin kami tumatambay.” Kinuha ng babae ang kaniyang bag at may ipinakita sa aking picture.

Ang mga tao sa picture na iyon ay ang dalawang mag-asawang nasa harap ko, ang magulang ko, at si Lola.

“Matagal na naming hinahanap ang magulang mo, Allianna. Nalaman na lang namin na wala na sila dahil sa balita.” Napayuko ako dahil alam ko na magagalit sila sa akin. Siguro nalaman din ng mga ito na ako ang pumatay sa magulang ko dahil sa balita.

“Kakampi mo kami rito, Allianna. Hindi mo kailangang mahiya sa amin dahil kami ang tutulong sa’yo.”

“Bakit po?”

“Alam namin na hindi ikaw ang pumayat sa magulang mo dahil kilala namin ang aming kaibigan. Kilala ko si Lia at alam ko na papalakihin niya ng maayos ang kaniyang anak.” Naramdaman ko na lang bigla ang aking luha sa aking pisngi dahil hindi ako makapaniwala na meron pang naniniwala sa akin.

Lumapit sa akin ang babae at niyakap ako. Kaya mas lalong lumakas ang aking pag-iiyak.

“Nandito lang kami, iha. Hindi ka namin papabayaan at ipapangako namin sa’yo na ilalabas ka namin dito, pero kailangan mo pang maghintay ng matagal dahil kailangan pa namin ayusin ang pagkuha sa’yo. Gusto naming linisin ang iyong pangalan. Gusto naming humingi ng tawad sa’yo ang lahat ng mga nasa korte. Ipaghihiganti ka namin. Kaya huwag ka nang mag-alala sa’yong kinabukasan. Hanggat nabubuhay kami, ikaw ay ligtas. Makakapaghintay ka ba, iha?”

“Opo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status