LOGINLiza's POV
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop habang nakatitig sa menu. Hindi ko alam kung ano ang o-orderin ko. Napangiti ako. Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, may magandang balita akong natanggap mula sa doktor. Unti-unti na akong gumagaling. Kung magpapatuloy ang magandang resulta ng gamutan ko, may pag-asa pa akong mabuhay nang normal. At kapag dumating ang araw na iyon... Maibabalik ko na ang dati naming buhay ni Nick. Masasabi ko na sa kanya ang lahat. At sana... Mapatawad niya ako. "Miss, puwede bang pabilisan n'yo ang pag-order? Gutom na gutom na kasi ako." Napalingon ako. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa likuran ko. Nakasuot siya ng puting polo na nakatiklop ang manggas at may magiliw na ngiti sa labi. "Naku, pasensya na. Hindi kasi ako pamilyar sa mga pagkain dito." Napakamot siya sa batok. "Kung gusto mo, puwede akong mag-recommend." Napangiti ako. "Sige nga." Saglit niya akong pinagmasdan. "Pero bago 'yan..." Bahagya siyang yumuko para mapantayan ang tingin ko. "Masaya ka ba ngayon?" Natawa ako. "Sa tingin mo?" "Nakangiti ka." Huminto siya sandali. . "Pero malungkot ang mga mata mo." Para akong natigilan. Paano niya napansin iyon? "Hindi ko alam kung tama ako," pagpapatuloy niya, "pero parang may mabigat kang dinadala." Napangiti na lang ako. "Bilang kapalit ng panghuhula mo, ano ang ire-recommend mong order?" Napatingin siya sa menu. "Subukan mo ang Spanish Latte." "Bakit iyon?" "Dahil balanse ang tamis at pait." Ngumiti siya. "Katulad ng buhay." "At kung gusto mo ng makakain, bagay diyan ang Chicken Pesto Sandwich. Hindi mabigat sa tiyan, pero nakakabusog." Napangiti ako. "Parang eksperto ka." "Mahilig lang akong magkape." Nakuha ko na ang order ko at umupo na ako malapit sa bintana. Umuulan sa labas. Kamusta kaya sila Nick ngayon? Malamang masaya siya sa piling ng mag iina niya. " Pwedeng maki table sayo Miss?" Napatingin ako sa lalaking kanina na nakausap ko sa cashier. " Ang gandang pagmasdan ng ulan noh? Lalo na kapag malungkot ka nakakagaan ng feelings. Alam mo bago tayo kumain nito maligo tayo sa ulan!" Umiling-iling ako. " Naku! Ayoko noh! Tingnan mo ang damit ko tapos paliliguin mo ko dyan wh di bumakat ang katawan ko sa nipis nitong damit ko." Sabi ko sa kaniya. " Oo nga noh! Alam mo ang ganda mo! Bat di ka mag asrtista!" Natawa ako sa kaniya. " Napatawa din kita." Nagsimula na kaming kumain at ang daldal niya sobra. Ang dami naming napag kwentuhang dalawa. Mga buhay buhay namin. Pasakay na ako ng kotse nang bigla niyang hinarang ang kamay niya. " Muntikan ka ng maipit!" Sabi ko ng nag aalala. Saka hinawakan ang kamay niya. " Okay lang di naman naipit." Saka may inabot siya sakin na isang paper bag. Binuksan ko ito. " regalo ko sayo." Napailing ako. " Cheese cake?" "Alam mo ba kung bakit cheesecake ang pinili ko?" Umiling ako. "Sabi nila, mas sumasarap ang matamis pagkatapos ng mapait." Napatingin siya sa hawak kong Spanish Latte. Bumili pa kasi ako ng isa para pag uwi ko sa bahay. "Katulad ng kape. Hindi mo maa-appreciate ang tamis kung hindi mo muna nalasahan ang pait." Tahimik lang akong nakinig. "Kaya sana... kahit ngayong araw lang, may matamis kang iuwi." "Huwag kang mag-alala. Hindi ito panliligaw." Napangiti siya. "Naniniwala lang ako na may mga taong kailangan lang ipaalalang may tamis pa rin ang buhay." Pagkatapos sabihin iyon, ay umalis na siya. Naiwan akong nakatitig sa maliit na kahon ng cheesecake. Hindi ko alam kung bakit... Pero pakiramdam ko, iyon ang unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon na may estrangherong nagpakita sa akin ng kabaitan nang walang hinihinging kapalit.Author’s POV“My Cheesecake, bakit mo raw gustong ipahukay ang bangkay ni Kalix?”Napalingon si Liza kay Emilio na kasalukuyang abala sa pag-aayos ng ilang kumpol ng ubas sa kanilang taniman. Kanina pa ito nagtatanong tungkol sa desisyon niyang ipahukay ang bangkay ng kaniyang yumaong asawa, ngunit ngayon lamang siya nakahanap ng pagkakataong sagutin ito.Sandali siyang natahimik bago muling ibinaling ang tingin sa mga halamang nakapaligid sa kanila.“Gusto kong malaman kung totoong wala na talaga siya,” sagot niya habang malalim ang iniisip.Napahinto si Emilio sa ginagawa. Kumunot ang noo nito at tuluyang humarap sa kaibigan.“Ha? Bakit naman? Nakita ng dalawang mata natin ang katawan niya, di ba? Nandoon tayo noong inilabas nila iyon sa morgue. Tayo mismo ang nag-asikaso sa burol at libing niya.”Napailing si Liza.“Katawan?” ulit niya, bahagyang tumataas ang boses. “Emilio, katawan nga, pero hindi naman natin nakita ang mukha niya! Wasak na wasak ang mukha dahil sa pagsabog na sin
THIRD POV Maagang nagising si Liza upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Balak sana niyang bumangon nang hindi gumagawa ng ingay, ngunit nagulat siya nang mapansing wala na ang lalaking katabi niya kagabi sa kama. Napatingin siya sa kabilang bahagi ng higaan. Maayos na ang unan at nakatiklop na ang kumot na ginamit ni Kaidex. Napabuntong-hininga siya. Mukhang mas maaga pa itong nagising kaysa sa kaniya. Agad siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng silid. Pagdating niya sa dining area, bumungad sa kaniya ang nakahandang almusal sa mesa. May pritong itlog, sinangag, at ilang hiwa ng prutas. Sa kusina naman ay nakita niya si Kaidex na abalang nagtitimpla ng kape. Para siyang nakakita ng isang pamilyar na eksena. Ganoon din kasi ang ginagawa ni Kalix noon kapag may pasok siya. Madalas ay nauuna itong gumising upang maghanda ng kanilang almusal, lalo na kapag alam nitong magiging abala ang araw niya. Napailing si Liza. Hindi na naman. Bakit ba palagi niyang naiuugnay kay Kalix
THIRD POVHindi makatulog si Liza kahit ilang beses na siyang nagpalit ng posisyon sa kaniyang kama.Pumikit siya at pilit na inalis sa isip ang mukha ni Kalix, ngunit lalo lamang iyong luminaw sa kaniyang alaala. Naalala niya ang mga ngiti nito, ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya, at ang bawat pagkakataong ipinadama ng lalaki kung gaano siya kamahal.Maging ang simpleng paghawak nito sa kaniyang kamay ay sariwa pa rin sa kaniyang alaala.Napahawak siya sa kaniyang dibdib.Bakit ba ganoon? Kahit wala na ang kaniyang asawa, tila naroon pa rin ito sa bawat sulok ng kanilang silid. Sa kanilang kama, sa kabinet na magkatabi nilang pinili, at maging sa unan na palagi nitong ginagamit.Napapikit siya nang maramdaman ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi."Kalix..."Mahina niyang sambit sa pangalan ng asawa.Miss na miss na niya ito.Kung maibabalik lamang niya ang nakaraan, marami siyang gustong itama. Gusto niyang iparamdam dito ang pagmamahal na matagal niyang ipinagkait. Gusto niyan
THIRD POVHindi muna natuloy ang balak ni Liza na sumakay sa cruise.Sa halip na magliwaliw at magpahinga, napilitan siyang manatili sa kompanya nila ni Kalix matapos niyang malaman na nagkakaroon ito ng problema kapag walang maayos na namamahala.Noong una, naisip niyang ipagpaliban na lamang ang lahat.Tutal, gusto rin naman niyang makalayo kahit sandali. Gusto niyang huminga, kalimutan muna ang lahat ng sakit at pagsisising ilang araw nang gumugulo sa kaniyang isip.Pero habang tinitingnan niya ang mga dokumento sa kaniyang mesa, unti-unti niyang napagtanto na baka ito na rin ang tamang pagkakataon para ayusin ang lahat.Para sa kanilang mga anak.At higit sa lahat…Para kahit papaano ay makabawi siya kay Kalix.Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang opisina nang biglang bumukas ang pinto.Agad siyang napatingin nang makita si Emilio.“Akala ko ba aalis ka na muna at magliliwaliw?” tanong nito habang papalapit sa kaniya.“Kailangan ko pa palang manatili muna rito,” sagot ni Liza.Kumuh
THIRD POV“Paano, magpapaalam na ako sa inyo.”Pagpapaalam ni Liza kina Nick at Lorena.“Saan ka naman pupunta?” tanong ni Nick.Napangiti si Liza bago sumagot.“Doon ko na balak tumira sa mga magulang ni Kalix kasama ang mga anak namin. May edad na rin kasi sila, at nag-iisang anak lang si Kalix. Gusto kong makasama nila ang mga apo nila.”Sandaling natahimik ang lahat.Alam nilang hindi magiging madali para kay Liza ang desisyong iyon.Ang bahay ng mga magulang ni Kalix ay puno ng alaala.Doon siya minsang naging asawa.Doon niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya.At ngayon, babalik siya roon nang wala na si Kalix.Ngunit hindi para manatili sa nakaraan.Kundi para alagaan ang mga taong naiwan nito.“Sigurado ka?” tanong ni Nick.Tumango si Liza.“Oo.”Bahagya siyang ngumiti.“Matagal ko nang naisip. Hindi ko kayang hayaang tumanda silang wala ang mga apo nila sa tabi nila.”“Isa pa…”Napatingin siya sa mga anak niyang masayang naglalaro sa di-kalayuan.“May mga anak kami ni
THIRD POVNawala ang pagod nina Liza at Nick nang tuluyan nilang marating ang kanilang pupuntahan.Mula sa kinatatayuan nila ay agad nilang nakita si Lorena na abala sa pagwawalis ng bakuran.Simple lamang ang suot nito. Nakalugay ang buhok at walang anumang magarbong ayos sa mukha. Ngunit para kay Nick, tila mas lalo itong gumanda kumpara sa huli niyang pagkikita rito.O baka ngayon lamang niya ito tinitingnan nang walang takot at pag-aalinlangan.Napalingon si Liza kay Nick.Natigilan ang lalaki.Hindi nito maalis ang tingin kay Lorena.Kanina, habang naglalakad sila papunta roon, napakarami nitong sinasabing gusto nitong sabihin.Ngayon, parang biglang nabura ang lahat sa isip nito.Napangiti si Liza.“Lapitan mo na. Dali!”“Ha?”“Nick!”“Okay, okay.”Huminga nang malalim si Nick bago naglakad papunta kay Lorena.Ngunit bago pa man niya ito matawag, biglang bumukas ang pinto ng bahay.Isang batang lalaki ang lumabas.Pagkakita kay Nick ay agad itong napahinto.“Daddy.”Natigilan si







