Home / Romance / My Hired Boyfriend is a CEO / CHAPTER SEVENTY-FOUR

Share

CHAPTER SEVENTY-FOUR

Author: ZANE
last update Last Updated: 2025-12-30 23:48:07

Good morning everyone!” simula ni Kenneth. “Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa personal na buhay ko. Kaya naman ngayon, gusto ko pong i-confirm na hindi na po ako isang bachelor. May asawa na ako…” Huminto siya ng kaunti, tila tinitiyak ang bigat ng salita bago ituloy.

Napatingin si Riza sa TV, hindi makapaniwala. Ang kanyang puso ay mabilis na tumitibok.

“Wait… ano?” bulong niya sa sarili.

“…at ang aking asawa, si Riza Gomez, isang ordinaryong babae at siya ay nagdadalang-tao sa aming anak. Ang magiging tagapagmana ng aking mga ari-arian At bilang karagdagan, inihahanda na rin namin ang aming muling pagpapakasal sa simbahan, at lahat kayo ay iniimbitahan ko upang masaksihan ang espesyal na okasyon na iyon sa aming buhay."

pagtatapos ni Kenneth, nakatingin sa camera nang seryoso ngunit may halong pagmamahal.

Hindi makapaniwala si Riza, halos mahulog ang baso ng kape sa kamay niya. “Alexa… t-t-tama ba ang napanood ko… sinabi niya lahat?” tanong niya, nanginginig ang tinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rhea Joyce
Ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
Rhea Joyce
More update po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Hired Boyfriend is a CEO   CHAPTER SEVENTY-FOUR

    Good morning everyone!” simula ni Kenneth. “Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa personal na buhay ko. Kaya naman ngayon, gusto ko pong i-confirm na hindi na po ako isang bachelor. May asawa na ako…” Huminto siya ng kaunti, tila tinitiyak ang bigat ng salita bago ituloy.Napatingin si Riza sa TV, hindi makapaniwala. Ang kanyang puso ay mabilis na tumitibok. “Wait… ano?” bulong niya sa sarili.“…at ang aking asawa, si Riza Gomez, isang ordinaryong babae at siya ay nagdadalang-tao sa aming anak. Ang magiging tagapagmana ng aking mga ari-arian At bilang karagdagan, inihahanda na rin namin ang aming muling pagpapakasal sa simbahan, at lahat kayo ay iniimbitahan ko upang masaksihan ang espesyal na okasyon na iyon sa aming buhay." pagtatapos ni Kenneth, nakatingin sa camera nang seryoso ngunit may halong pagmamahal.Hindi makapaniwala si Riza, halos mahulog ang baso ng kape sa kamay niya. “Alexa… t-t-tama ba ang napanood ko… sinabi niya lahat?” tanong niya, nanginginig ang tinig.

  • My Hired Boyfriend is a CEO   CHAPTER SEVENTY-THREE

    “Ahhh?! Riza! Ano—?” napahinto si Kenneth sa sorpresa niya.“Ikaw! Akala ko, napaano ka na! Sabi ni Leo, nasa ospital ka!” galit na sabi ni Riza, na hindi na napigilan ang sarili na mapaiyak.Si Leo naman, nakatayo sa gilid, parang wala sa sarili sa kakatawa. “Ma’am… I’m so sorry. Wala po talaga akong maisip na paraan para maisama po kayo rito kundi… magsinungaling po ako!”Napabuntong-hininga si Riza, halatang nagagalit at nagulat sa parehong pagkakataon. “Leo! Pinaniwala mo ako na may nangyari kay Kenneth? Hindi mo ba alam na halos mamatay ako sa biyahe sa kakaisip."“Hindi ko po sinasadya! Eh… alam niyo po, Ma’am, wala po akong ibang paraan para masiguro na makakapag-date kayo… special date po ito! Promise po!” paliwanag ni Leo, parang nag-aalay ng buong puso at utak sa pagpapaliwanag.Napatingin si Riza sa gitna ng restaurant, nakita ang violinist, ang soft lights, at si Kenneth na parang nakalimot na sa sakit, sa lungkot, sa lahat ng mundo maliban sa kanya. Sa kabila ng init ng g

  • My Hired Boyfriend is a CEO   CHAPETER SEVENTY-TWO

    Malungkot na nakaupo si Riza sa gilid ng kama sa kanyang silid. Hawak niya ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan ang screen kahit alam niyang wala pa ring bagong mensahe. Isang linggo na. Isang buong linggo na mula nang makalabas siya ng ospital, at ni isang text o tawag mula kay Kenneth—wala.Tahimik ang kwarto, pero maingay ang isip niya. "Business trip."Iyon lang ang huling impormasyong alam niya. Iyon lang din ang paulit-ulit niyang inuusal sa sarili, kahit mas masakit ang tanong na pilit niyang iniiwasan. "Talaga bang mas importante iyon kaysa sa akin? Ang kanyang trabaho?"Huminga siya nang malalim, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib. Alam niyang hindi dapat siya mag-isip ng masama, pero paano kung ganoon na lang kadali para kay Kenneth na iwan siya? Paano kung nagbago na talaga ang lahat mula nang malaman nitong buntis siya noon? Paano kung—Napapikit siya, pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ayaw niyang maging mahina. Ayaw niyang maging babae na palaging naghihintay.Samant

  • My Hired Boyfriend is a CEO   CHAPTER SEVENTY-ONE

    “Boss… tayo ba ay babalik na sa ospital? Tumawag si Madam Cely, nagkamalay na daw po si Maam Riza” tanong ni Leo, habang pinapadala ang impormasyon sa mga tauhan na nagsasakay sa tatlo palayo.“Hindi pa. Siguraduhin mong maghihirap sila kung saan ko man sila ipapatapon. Ang leksyon na ito ay hindi nila makakalimutan,” sagot ni Kenneth, ang boses ay malamig ngunit punong-puno ng kontrol.Ang eksena ay malinaw na nagpapaalala sa lahat kung sino ang nakatayo sa harap nila—si Kenneth Sy, ang bilyonaryong asawa na hindi basta-basta, at ang lalaki na handang gawin ang lahat para sa kanyang asawa at pamilya.----------Mahina ang ilaw sa silid ng ospital. Ang tanging maririnig ay ang banayad na tunog ng makina na nagbabantay sa tibok ng puso ni Riza. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, parang may mabigat na ulap sa isip niya. Masakit ang ulo niya, at pakiramdam niya ay may kulang—parang may bahagi ng alaala na ayaw magpakita.“Gising ka na pala.”Isang pamilyar na boses ang pumasok sa

  • My Hired Boyfriend is a CEO   CHAPTER SEVENTY

    Sa labas, si Tanya, Veronica, at Nikko ay nagulat sa hindi inaasahang pagpasok ni Kenneth sa nag-aapoy na bodega. “Ano ‘yan? Bakit pumasok siya?!” galit na galit na sabi ni Tanya."Tara na! Hayaan mo na sila! Baka makita pa tayo ni Kenneth," aya ni Nikko na dala na ang maleta ng pera."May araw ka rin sa akin Riza. Sa susunod hindi ka na makakaligtaa." pagbabanta ni Tanya. Si Kenneth, ay buhay niya si Riza palabas ng bodega, hindi alintana ang panganib at init ng apoy. Ang huling tingin niya sa kidnapper ay nakita niyang paalis na ang sasakyan ng a mga ito at puno ng babala na sinundan niya ng tingin ang kotse. Ang apoy ay unti-unting kumakalat sa paligid, ngunit hindi niya alintana. Ang tanging mahalaga ay si Riza at ang kanilang baby.----------Tumatama ang liwanag sa bintana ng ospital. Dahan-dahan na nagising si Riza, ngunit ang kanyang isip ay malabo, puno ng kalituhan. Napansin niyang nakaupo sa tabi ng kanyang kama si Madam Cely, ang lola ni Kenneth, nakatitig sa kanya nang

  • My Hired Boyfriend is a CEO   CHAPTER SIXTY-NINE

    Pagdating ng gabi, habang nakahiga sa kanyang kwarto, hindi agad nakatulog si Kenneth. Ang isip niya ay bumabalik sa nangyari sa mall, sa halik, at sa bawat cute moment nila ni Riza habang namimili. Hindi niya namalayan ay nakatulog na din siya.Sa kanyang panaginip, lumitaw si Riza sa harapan niya, nakangiti at may dalang ilang baby items, ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya. Naglakad ito patungo sa kanya, at tila ba lumilitaw sa hangin ang kabuuan ng kanilang nakaraan—ang unang halik sa kalsada ng isang estranghera."Sakyan mo lang ako babayaran kita.” bulong ni Riza sa kanya.Tumango si Kenneth, ngunit sa panaginip, may ngiti sa labi at sabay hawak sa kamay niya si Riza. Nagpakita siya ng kabuuan ng intensyon noon—ang pagtanggap na maging peke nitong boyfriend upang paghigantihan sina Nikko at Tanya, ang kapatid ni Riza na taksil, at ang pagtatago ng tunay niyang pagkatao bilang bilyonaryo habang nagpanggap na mekaniko.Ngunit habang nagpapatuloy ang panaginip, unti-unti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status