Share

Chapter 38 Ang Sweetness nina Liam at Yvette

"GOOD morning," sabay pa nilang bati ni Liam nang imulat niya ang mata. Ang totoo kanina pa siya gising pero hindi siya kumikilos para gumalaw. Paano ba naman kasi, ang sarap sa pakiramdam na magkayakap silang dalawa.

Ilang araw na rin kasi niyang hindi nararamdaman ang yakap ni Liam. Nang una ay sobra siyang nasaktan dahil pakiramdam niya'y wala na itong nararamdaman sa kanya kahit na pagnanasa pero ngayon ay unti-unting nagkakaroon siya ng pag-asa. Hindi naman kasi nito sasabihin na liligawan siya kung wala talagang nararamdaman sa kanya.

"Mas maganda ka pa sa morning," wika ni Liam.

Hindi man niya tiyak kung seryoso si Liam sa sinabi, napangiti pa rin siya. Talaga kasing na-miss niya na lagi itong makita. Nang nakalipas na araw kasi ay lagi itong nauunang magising. Ngunit, sinisiguro namang himbing na siya bago tumabi sa kanya. Kapag kasi naaalimpungatan siya ay nararamdaman niya ito sa kanyang tabi.

"Bolero."

Tumaas ang kilay nito. "Bakit ko naman bobolahin ang sarili kong asa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status