Share

Chapter 39 Ang Salpukan nina Yvette at Janiz

"WELL….well…well, nandito na pala ang lovebirds."

Ang sabi ni Yvette sa sarili, walang sinuman ang makapagpapa-badtrip sa kanya pero nagkamali siya. Para kasi gusto na niyang dukutin ang mga mata ni Janiz na malagkit na malagkit na nakatitig kay Liam.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" Buwisit na tanong ni Liam.

Pulang-pula ang mukha ni Liam na nagsasaad ng matinding galit. Siguro ay dahil naalala na naman ng kanyang asawa ang pagsampal sa kanya ni Janiz.

Dapat nga sana ay pamahayan din ng galit ang kanyang dibdib pero hindi niya iyon magawa. Sa halip kasi kay Janiz niya ibaling ang kanyang nararamdaman, napunta iyon kay Liam. Sa pagkakatitig niya tuloy dito, bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Nagpunta ako rito para humingi ng tawad," wika nitong mababang mababa ang tono. Nang buksan kasi ni Liam ang pintuan ng opisina nito ay agad sumunod sa kanila na para bang invited na pumasok roon. Marahas na buntunghininga na lang tuloy ang pinawalan ni Liam pero mahigpit ang ginawang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status