Share

Chapter 43 Ang Bakasyon nina Liam at Yvette

"LOVE…."

Hindi man siya sigurado kung si Liam nga ba ang tumatawag sa kanya pero pinili niyang sundan ang boses nito. Alam kasi niyang kahit nasa gitna siya ng kapahamakan ay magagawa siya nitong mailigtas. Muli'y tinawag na naman siya nito kaya talagang ginusto na niyang makita ito.

"Liam…" wika niya nang imulat niya ang kanyang mga mata.

"Hindi naman tayo nagsi-sex pero panay ang ungol mo kaya nag-alala ako ng sobra sa'yo."

Kahit na alam niyang gusto lang pagaanin ni Liam ang kanyang nararamdaman, hindi niya magawa nang maalala niya ang kanyang panaginip. Pagkatapos noon ay bumalik ang takot sa kanyang dibdib kaya bigla siyang napahagulgol. Pagkatapos ay yumakap siya kay Liam.

"Hey…" wika nito.

Kahit na nalilito ito sa kanyang ginawi, marahan nitong hinagod ang kanyang buhok at likod para payapain ang kanyang nararamdaman.

"Napanaginipan mo bang nawala ako sa buhay mo?" Natatawang tanong nito.

Hindi niya nagawang sagutin ang tanong nito dahil hindi na rin naman niya maalala ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status