Share

Chapter 9 Ang Pagsasama nina Liam at Yvette

"HUWAG mong isipin na nakalimutan ko na ang ex ko dahil lang tumugon ako sa halik mo," wika ni Yvette kay Liam. Buong diin pa niyang sinabi ang mga salitang iyon dahil ayaw niyang isipin ng kanyang 'asawa' na may damdamin siya rito.

Wala nga ba? Tanong niya sa sarili. Gusto niyang magsabi ng 'wala talaga' pero hindi niya iyon nagawang ibulalas dahil hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang kanyang dibdib. Wala siyang tugon na narinig kay Liam na abala sa pagmamaneho kaya napilitan siyang lingunin ito.

Kahit nga nakatutok ang atensyon nito sa daan ay hindi nito magawang itago ang pilyong ngiti sa labi. Hindi tuloy niya alam kung narinig nga ba nito ang kanyang sinabi. Dahil doon, nag-init na naman ang kanyang pakiramdam at wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili.

"Masarap ka lang kasing humalik kaya…" Hindi na niya nagawang ituloy ang kanyang sasabihin dahil agad rumehistro sa kanyang isipan ang kanyang sinabi. Malutong na halakhak kasi ang pinawalan ni Liam.

"Shut
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status