MALAKI man ang kama, pakiramdam ni Yvette na masikip pa rin iyon kaya hindi siya makagalaw. Hindi pala iyon ang tamang salita. Mas akma kasi kung sasabihin niyang ayaw niyang gumalaw. Pakiwari niya kasi'y makukuryente siya kapag nagdikit ang mga balat nila ni Liam. Shucks, bulalas na naman niya ng parang tuksong pumasok sa isip niya ang maiinit na eksenang pinagsaluhan nila ng lalaki. Kung susundin lang talaga niya ang sinasabi ng kanyang katawan, yayakap na talaga siya rito pero mas nananaig ang kanyang pride. Hindi niya ito dapat magustuhan! Hindi dahil sa ito talaga ang pinili ng kanyang ama para pakasalan niya kundi dahil sa simula pa lang ay alam niyang niloloko lang siya nito. Nakakasiguro siyang pinakasalan lang siya nito dahil ibig nitong mailayo siya sa ama nito at mangyayari lang iyon kapag pinakasalan siya. Kaya, nakasisiguro siyang darating din ang araw na pagsasawaan din siya nito, iiwanan siyang luhaan. Kaya, hindi niya dapat na hayaang mapalapit ang loob dito. Sigur
ANONG kagagahan ang sinabi mo? Naiinis na tanong niya sa sarili pagkaraan ng ilang sandali. Talaga kasing hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nasabi niya ang mga salitang iyon. Sinabi na niya kay Liam na anim na buwan lamang ang kanilang pagsasama tapos sinabi pa niyang maaari siya nitong angkinin palagi. Pakiwari niya tuloy ay inaalok niya ang kanyang sarili sa lalaki. Well, wala namang masama kung gawin niya iyon dahil asawa naman niya si Liam. Hindi nga lang sila nagpakasal dahil sa nagmamahalan sila. Ngunit, alam niyang kailangan nila ang isa't isa. Sa kaso niya ay gusto niyang makalimutan si Henry pero, anong dahilan ni Liam?Ang kanyang katawan, wika siya sa sarili. “Really?" Hindi makapaniwalang tanong nito. “Ha?”” wika niya nang bumuka ang bibig niya para bawiin ang kanyang sinabi pero agad inangkin ni Liam ang kanyang mga labi. Sa tingin niya ay iyon na ang oportunidad nito para mapatotohanan ang kanyang sinabi. Dapat ay itulak niya si Liam pero hindi n
KAHIT na abala sa paghahanda ng breakfast si Yvette ay naging matalas pa rin ang kanyang pakiramdam kaya alam na alam niyang gising na ang kanyang asawa. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa pagtukoy niyang iyon kay Liam. Talagang feel na feel na niyang asawa niya ito. Kunsabagay, bukod sa may papeles sila na ikinasal, ginagawa rin nila ang ginagawa ng tunay na mag-asawa. "Yvette!" sigaw nito sabay bukas ng pinto. Malayo man ito sa kanya ay dama niya ang katarantahan nito. Para tuloy gusto niyang matawa sa kaisipang may takot itong naramdaman nang magising itong wala siya. Marahil bumalik din sa isipan nito ang pag-iwan niya rito matapos ng may nangyari sa kanila. Sabi kasi ng isip niya nung panahon na iyon ay wala namang patutunguhan ang namagitan sa kanila kaya't makabubunting wakasan na lang niya kahit tumututol ang kanyang kalooban. Ngunit hindi nangyari ang plano niyang wakasan na ang ugnayan nila dahil kilala siya nito at kayang-kaya siya nitong sundan. "Nandito ako," sa
SHUCKS, wika ni Yvette. Ngunit, kahit bumubuhos na sa katawan niya ngayon ang malamig na malamig na tubig, wala pa ring epekto. Ang init-init pa rin ng kanyang katawan. Para nga siyang sinisilaban. Ito ba ang tinatawag na pagnanasa? Kailanman ay hindi niya ito naramdaman kay Henry kaya tiyak niyang hindi pag-ibig ang kanyang nararamdaman. "Ohhh," hindi niya napigilang ibulalas dahil may yumakap buhat sa kanyang likuran. At kahit na hindi niya iyon lingunin, walang ibang gagawa noon kundi si Liam. Bukod pa roon, si Liam lang ang nakakapagparamdam sa kanya ng parang may milyun-milyong boltahe ng kuryente na nanunulay sa kanyang katawan. "Miss you so much, Asawa ko," wika nito. Ibinulong lang iyon ni Liam pero pakiramdam niya'y ipinagsigawan nito sa buong mundo ang mga salitang iyon. Asawa ko. Oh, parang gusto niyang isipin na hindi lang ang katawan niya ang inangkin ni Liam, pati na ang buo niyang pagkatao. Huwag kang ambisyosa! Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan. Pagkatapos
"ANAK ng tokwa…" Hindi napigilan ni Yvette ang mapabungisngis sa tinurang iyon ni Liam. Kitang-kita niya kung paanong napalis ang ngiti nito nang makita siya. Ang rason, dahil sa kanyang MIss Minchin looks. Dark blue ang straight dress na kanyang suot, tapos naglagay pa siya ng malaking salamin sa mata na wala namang grado ay ipinusod pa niya ang kanyang buhok. Sa hitsura niya ngayon ay alam niyang walang sinumang magkakainteres na siya'y tapunan man lang ng sulyap. Twenty three years old pa lang siya pero para na siyang nasa edad singkuwenta. Alam niya kasing magiging masyado siyang pansinin kung magmi-make up siya at magsusuot ng sexy. At saka, ayaw naman niyang ibalandra sa buong mundo ang kanyang pagkatao. Sapat na sa kanya na magkaroon ng trabaho. Kung sa ibang kumpanya pa siya maga-apply, siguradong makakalkal pa ang kanyang identity. Hindi rin naman niya gustong masaktan ang kanyang ama kung malalaman nitong magtatrabaho siya sa ibang kumpanya. At least kung kay Liam siya m
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Yvette habang nakatingin sa monitor ng PC. Ngunit, wala sa mga nakasulat doon ang kanyang atensyon kundi nasa repleksyon na nakikita niya sa screen ng computer. Ang babae kasing bisita ni Liam ay nakakairitang tumawa. Sobrang arte. Hindi iyon humahagalpak na nagsasaad ng labis na kasiyahan kundi pigil na pigil ang pagtawa na para bang sinapian ng dwende. Kahit tuloy hindi niya ito lingunin ay tinatapunan niya ito ng matalim na tingin. "Pasalamat ka at nakakain na ako," inis niyang sabi dahil kung hindi pa siguradong nagpapabalik-balik na ito sa cr ngayon. Malakas kasi siyang maka-usog palibhasa minsan na siyang nausog kaya may kakayahan na rin siyang makausog. Dahil nga sa lumaki siya sa Yaya, marami siyang nakuhang kuwento rito tungkol sa kung anu-anong mga kababalaghan at pinaniwalaan niya iyon. Mahal siya nito kaya alam niyang hindi siya nito lolokohin. Saka, sabi rin ng Mama niya, sa ating mundo ay mayroon talagang nilalang na mapagl
MASAKIT na masakit na ang tiyan ni Liam sa kakatawa pero hindi pa rin siya makuhang huminto. Hindi niya akalain na napakagaling na artista ng kanyang napangasawa. Kunsabagay, AB Masscommunication ang kurso ni Yvette kaya talagang madali lang rito na papaniwalain ka sa mga sinasabi nito. Katotohanan man iyon o isang kalokohan. Napailing siyang muli nang magawa nitong papaniwalain si Roselyn na may lahi nga itong mangkukulam at sa lugar na Achucheche. Si Roselyn naman kasi ang tipo ng tao na naniniwala sa kung anu-anong kababalaghan kaya madali lang itong napasakay ni Yvette. Kaya, tiyak niyang hindi na siya pupuntahan pa ni Roselyn dito sa WilMar Mall. Hindi naman alam ni Roselyn kung saan siya nakatira kaya malaki ang paniniwala niya na hindi siya pupuntahan nito. Saka, nangako ito kay Yvette na hindi na makikipagkita sa kanya. Dahil doon, para siyang siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Si Roselyn Sayson ay ang pinakamakulit niyang manliligaw. Napabuntunghininga tuloy siya
"LET'S go…"Natigil si Yvette sa pagliligpit ng kanyang mga gamit nang magsalita si Liam. Buonv pagtataka niya itong tiningnan. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya nahagilap ang kanyang boses. "Saan tayo pupunta?"Kung ibang tao ang magsasabi sa kanya ng mga salitang iyon, iisipin niga agad na iniinsulto siya. Na ang tanga-tanga niya para magtanong pa siya kung saan sila pupunta pero dahil si Liam ang nagtanong, hindi negatibo ang naisip niya. Para lang naman kasi siyang tinutudyo nito. Ang lambing-lambing naman kasi nitong magsalita. Pakiramdam niya tuloy, idinuduyan siya sa alapaap. "Hindi ba dapat mauna na akong umuwi?" Nagtatakang tanong niya rito. Kumunot ang noo ni Liam. "Why?"Kahit na sumimangot si Liam sa kanyang tanong, hindi pa rin niya magawang alisin ang tingin dito. Pakiwari nga niya'y mas lumutang ang kaguwapuhan nito dahil ang pagkatao nito'y nababalutan ng kumpiyansa sa sarili. "Nasa iisang bahay lang tayo, bakit kailangan mo pang mauna?" Buong pagtatakang tanon