Share

Chapter 7

Penulis: Vans Era
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-14 00:08:31

Nag-init ang mukha niya ng maalala niya na magkatabi sila natulog kagabi ni Spade. Bumangon na siya dahil naririnig niya ang tawa ng kambal sa labas ng kuwarto. Nakita niyang masayang nakikipaglaro si Spade sa kambal pero kailangan niya na paalisin si Spade.

"Makakaalis kana." Napatingin sa kanya si Spade, sinalubong niya ang tingin nito.

"Sinabi ko na sa iyo na hindi ako aalis dito," wika ni Spade.

"Kung ayaw mo umalis kami ang aalis ng mga anak ko!" naiinis niyang sabi. Ang aga aga nagagalit na siya. Bakit ba ang hirap itaboy ni Spade?

"Huwag mo ng subukan dahil susundan ko pa rin kayo. Kahit saan kayo pumunta mahahanap ko pa rin kayo."

"Hindi mo pa ba nakukuha ang mana mo kaya ginagawa mo ang lahat? Hindi pa ba sapat na nagka-anak ka sa akin? Oo nga pala para makuha mo ang kayamanan ng lolo mo kailangan mo magpakasal sa akin. Spade, kahit anong gawin mo hindi na ko babalik sa iyo. Sinayang mo ang pagkakataon na binigay ko sa iyo dati." Pinipigilan niyang umiyak sa harapan nito. Ipapakita niyang hindi kawalan sa buhay niya si Spade pero nasasaktan pa rin ang puso niya.

"Tama ang mga sinabi mo pero mahal talaga kita. Wala na ko pakialam sa mana hindi ko kailangan ang kayamanan. Ikaw ang kailangan ko sa buhay ko. Batid kong hindi ka maniniwala sa sinasabi ko dahil galit ka sa akin pero sana bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon nagmamakaawa ako sa iyo," malungkot nitong wika.

Nararamdaman niya ang lungkot at bigat na nararamdaman ni Spade subalit mahirap na magtiwala. Hindi dapat siya magpadala sa mga sinasabi nito dahil noong una nga nagawa nito magsinungaling. Maaaring ulitin nito ang ginawa kaya tama lang na hindi niya ito bigyan ng second chance.

"Alam mo naman pala na hindi ako maniniwala pero bakit pinagpipilitan mo pa ang sarili mo?" tanong niya.

"Dahil mahal kita," seryosong sabi nito.

"Spade! hindi ko kailangan ang pagmamahal mo," galit niyang sabi. Binuksan niya ang pinto dahil gusto niya na itong palabasin. "Ano pa ang hinihintay mo? Lumabas kana!"

"Summer, please. Huwag mo naman ako paalisin," nagmamakaawang saad nito. Nagulat siya nang lumuhod si Spade sa harapan niya at umiiyak ito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman naghalo ang inis at awa sa puso niya.

"Tumayo ka diyan, Spade!" utos niya pero hindi pa rin tumatayo ito.

"Sum, mabuti nakabukas ang pinto hindi na ko kakatok." Sa gulat niya naisara niya ang pinto. Ang aga naman pumunta ni Shane, akala niya mamaya pa ito pupunta.

"Shane, sandali lang," sabi niya.

Bumaling siya kay Spade na nakaluhod pa rin, pinaningkitan niya ito ng mata. Pilit niyang pinapatayo si Spade subalit ayaw pa rin nito kumilos.

"Tatayo ako kung papayag kang manatili ako dito," nakangising wika ni Spade. Kung kanina nakakaramdam pa siya ng awa ngayon hindi na dahil ngumisi ito. Batid kasi nito na may ibang tao at ayaw niyang makita ni Shane na nakaluhod si Spade.

"Ayoko!" masungit niyang sabi.

"Hindi rin ako tatayo," saad ni Spade.

"Iniinis mo ba ako, Spade?"

"Hindi," maikling sagot nito.

Naiinis na siya dahil nagtatanong na ang kaibigan niya kung maaari ng pumasok. Twenty minutes na ang lumipas pero nagmamatigas pa rin si Spade, ayaw pa rin nito tumayo.

"Sum.." sambit nito sa pangalan niya.

"Oo na!" sa sobrang inis niya pumayag na lang siya. "Dahil gusto mo dito manatili ikaw ang maglalaba, magluluto at lahat ng gawaing bahay ikaw ang gagawa!"

"Ano? Sum, huwag naman ganyan."

"May reklamo ka? Umuwi ka sa inyo kung ayaw mong utusan kita dito!' gigil niyang wika.

Batid niyang hindi kayang gawin ni Spade ang mga sinabi niya. Sana umuwi na ito para wala na siyang problema dahil sumasakit ang ulo niya kay Spade.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo. Kahit mahirapan ako titiisin ko," seryosong sabi ni Spade.

"Okay! Magsimula kana ngayon maglinis," naiinis niyang wika.

Pagbukas niya ng pinto, nagulat si Shane dahil nakita nito si Spade na nakaluhod. Akala niya tumayo na ito, maraming tanong sa kanya si Shane subalit wala siyang sinagot kahit isa. Kukunin sana nito ang naiwan na paninda, sinabi niyang pinasuot niya kay Spade dahil walang dalang damit ito. Binayaran niya na lang at umuwi na si Shane.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 13

    Nakaalis na si Summer pero nakatingin pa rin si Spade sa labas ng restaurant. Xerox copy talaga ng dalaga si Summer Suarez ngunit magkaiba ang ugali ng dalawa. Napangiti ng mapait si Spade, batid niyang hindi friendly si Summer Suarez. Subalit, may bahagi ng puso niya na umaasa na si Summer Suarez at ang nakilala niyang babae ay iisa."Spade, matutunaw na ang pinto kakatingin mo," wika ni Aaron na kakarating lang."Sorry, may iniisip lang ako," seryoso niyang saad."Ang iniisip mo ba iyong babaeng kamukha ni Summer at kapangalan niya?" tanong ni Aaron"Oo, siya nga. Buong akala ko lasing lang ako kagabi pero nang muli ko siyang makita napatunayan kong para silang pinagbiyak na bunga," wika niya."Spade, huwag kang umasa na siya iyon dahil alam natin dalawa na wala na sa mundo si Summer.""Aaron, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Kasalan ko ang lahat ng nangyari," malungkot niyang saad. Napakuyom ang kamao niya dahil sinisisi niya ang sarili."Pero kailangan mong tanggapin," n

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 12

    After 1 yearDalawang buwan ng nasa Pilipinas si Summer, nauna siyang umuwi. Namimiss niya ang buhay sa ibang bansa dahil palagi siyang may kasama doon. Sa probinsya siya dumiretso sa bahay bakasyonan nila dahil iyon ang gusto ng ina niyang si Stella Mondragon. Pinagbabawalan siya nitong pumunta ng Manila at lumabas na walang kasama."Hello, Mom," wika niya. Tinawagan niya ito dahil nababagot siya. "Kailan ka ba uuwi dito?""Sa susunod na linggo nandiyan na ko. Mamamasyal tayong dalawa pagdating ko. Sige na may online meeting pa ako," saad ng mommy niya.Napabuntong hininga siya. Bawal siyang lumabas pero wala naman itong oras sa kanya. Wala naman bago palagi naman busy sa negosyo nila ang ina niya. Nagkaroon lang ito ng oras sa kanya noon naaksidente siya. Dinala siya nito sa ibang bansa para doon magpagaling.Gusto niya magswimming para matanggal ang pagkabagot niya. Nag-search siya sa google ng five stars hotel and resort lumabas ang S-Cards Hotel and Resort. Ang problema malayo a

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 11

    Sumisiklab na ang apoy sa katawan niya nang magsimula nang haplusin ni Spade ang hita niya ngunit biglang huminto si Spade at tumayo."Magkano ang kailangan mo para tumigil kana kakasunod sa akin?" Para siyang sinampal ng sampung beses sa tanong ni Spade."Hindi matutumbasan ng pera ang kailangan ko dahil ikaw ang kailangan ko," sagot niya. Napahiya siya dahil buong akala niya mauulit ang nangyari noong una niyang nakilala si Spade. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Hindi mo ba talaga ako maalala? Ipapaalala ko sa iyo ang lahat. Nakilala kita sa bar at may nangyari sa ating dalawa. Pangalawang pagkikita natin dito mismo sa pag aari mong resort at may anak tayo. Buong akala ko nga eh hindi ko sinabi sa iyo ang pangalan ko. Pinilit ko alalahanin ang lahat ng nangyari para maipaalala ko sa iyo," umiiyak niyang wika.Ang sakit makita ang reaction ni Spade parang hindi ito naniniwala sa kanya. Naiintindihan niya naman ito pero masakit na ayaw nitong maniwala."Ang galing m

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 10

    Magdamag umiiyak si Summer dahil hindi siya maalala ni Spade. Ayaw niyang maniwala na may amesia si Spade pero iyon ang sabi ng Tita Karen niya. Umaga na pero hindi pa rin siya natutulog."Sum," sambit ng tiyahin niya sa pangalan niya. Hindi niya napansin na nakatayo ang tiyahin niya sa may pintuan ng kuwarto niya."Tita, nandiyan ka pala. Pasok ka po," wika niya."Tulog pa ba ang mga bata?" tanong nito."Opo," magalang niyang sagot. Umupo sa tabi niya ang tiyahin walang imik na niyakap siya nito. Tahimik siyang umiiyak. Inabot ng tiyahin niya ang cellphone nito, pinanood niya ang balita tungkol kay Spade. Totoo ngang nagka-amesia si Spade."Alam kong mahirap paniwalaan pero iyan ang totoo. Mahirap tanggapin na may amesia siya.""Ang sakit Tita Karen na hindi niya ako maalala," umiiyak na wika niya."Iiyak mo lang ang sakit na nararamdaman mo," wika ng tiyahin niya. Hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng nangyayari. Gagawa siya ng paraan para maalala siya ni Spade."Tita, maaari ko

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 9

    Ilang araw ng nasa hospital si Spade ngunit hindi pa rin ito nagigising. Tuwing nakikita niya ang hitsura nito napapaluha siya. Pinagsisihan niya ang lahat ng sinabi niya kay Spade, kung maibabalik niya lang ang oras hindi niya papaalisin si Spade."Spade, mahal kita at pinapatawad na kita. Magpapakasal na ako sa iyo, gumising kana," malungkot niyang saad. Sunod sunod pumatak ang luha niya at araw araw din siyang umiiyak. Tuwing gabi hindi siya makatulog dahil inuusig siya ng konsensya at sinisisi niya ang sarili."Sum, umuwi ka muna. Wala kapang tulog," wika ni Aaron na kakapasok lang sa kuwarto."Dito lang ako sa tabi ni Spade," umiiyak na wika niya."Sum, hindi matutuwa si Spade na hindi ka nagpapahinga. Kailangan ka din ng mga anak mo. Sige na umuwi kana muna ako na bahala dito. Bumalik kana lang bukas," wika nito."Sige," mahinang saad niya.Nasa bahay na siya pero ang isip niya nasa hospital pa din. Kahit anong gawin niya hindi siya makatulog dahil nag-aalala siya kay Spade. Tin

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 8

    Madalas umaalis si Summer, sinasama niya ang kambal kahit nahihirapan siya dahil wala siyang tiwala kay Spade. Nagta-trabaho siya sa convenience store, pumayag ang may-ari na isama niya ang kambal dahil batid nito na walang magbabantay."Sir Roy, out na po ako," aniya."Ihatid ko na kayo ng mga anak mo. Mahirap pa naman makasakay ng ganitong oras. Sana pala hindi kita pinayagan mag-overtime para nakauwi kayo ng maaga," wika ni Roy."Sir Roy, kailangan ko mag-overtime dahil kailangan ko ng pera.""Sum, ang sabi ko sa iyo Roy na lang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang ang nag-uusap," seryosong sabi nito. Matagal ng nanliligaw sa kanya si Roy subalit hindi niya ito magustuhan dahil kaibigan lang ang tingin niya sa lalaki. Sinabi niya na noong una pa lang na wala itong pag-asa ngunit patuloy pa rin si Roy sa panliligaw sa kanya."Okay, sorry. Sige, ihatid mo na kami." Matagal na siyang hinahatid ni Roy pero minsan tinatanggihan niya ito. Pumayag siya ngayon dahil sobrang pagod siy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status