LOGIN"Nalulungkot ako sa nalaman ko, Attorney Cruz, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako magpapakita sa kanya," aniya. Kinuha niya ang inabot nitong shades at sombrero.Pumasok siya sa restaurant at pasimpleng umupo sa kabilang mesa. Kunwari ay tumitingin siya sa menu habang palihim na sinisilip ang tiyahin niya. Ibang-iba ang awra nito ngayon kumpara noon."Mahihirapan tayong bawiin si Summer kay Spade. Sinabi ko na kasi sa iyo na itago mo ng mabuti si Summer," iritadong wika ng tiyahin niya.Gusto niyang takpan ang mga tainga niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Humigpit ang hawak niya sa menu. Buong akala niya ay mabuting tao ang tiyahin niya, ngunit may tinatago pala itong galit sa kanya."Karen, matigas ang ulo ng pamangkin mo. Kahit ikulong ko siya, gumagawa siya ng paraan para makatakas. Wala ka dapat problemahin kasi may amnesia pa si Summer. Mabibilog pa natin ang ulo niya."Hindi siya nagkakamali. Si Stella Mondragon ang kausap ng tiyahin niya. Kahit hindi siya lumingon, kil
Gusto niyang tumayo ngunit hindi siya makabangon dahil mahigpit na nakapulupot ang mga braso ni Spade sa baywang niya. Huminga siya nang malalim bago marahang hinaplos ang buhok nito."Honey, hindi ka ba nangangalay?" malambing niyang tanong."Hindi," maikling sagot ni Spade.Nanggigigil talaga siya sa asawa niya."Bumangon na tayo," aniya."Ayoko," saad ni Spade habang lalo pa siyang niyayakap."Magagalit ako sa iyo kapag hindi tayo bumangon," banta niya.Umangat ang tingin nito sa kanya. "Sanay na ako sa iyo. Palagi ka namang galit, dati pa."Natigilan siya sa sinabi nito. Nahahalata na ba ni Spade na bumalik na ang alaala niya? Napansin niya rin kasi na hindi na siya ganoon kalambing sa asawa niya. Nahihirapan siyang ibalik ang dating lambing niya dahil hindi na siya si Summer Mondragon."Honey, ngayon lang ako nagalit dahil pumunta sa office mo ang malanding si Ara," nakaismid niyang wika."Honey, naipaliwanag ko na iyan sa iyo. Kapag nagpapaliwanag ako, ayaw mo kasing makinig," s
Inaya niya si Lily uminom pero parang siya lang ang nakakaubos ng alak."Summer, ano ang problema?" nag-aalalang tanong ni Lily."Wala, Lily. Gusto ko lang uminom," sagot niya. Ayaw niyang magkuwento dahil lalo siyang maiinis. Sanay siyang hindi nagsasabi ng problema sa iba. "Lily, order ka ng male models."Nanlaki ang mata ni Lily. "Nilalagnat ka ba, Summer? Alam mo ba ang sinasabi mo? Huwag kana nga uminom kahit anu-ano na ang lumalabas sa bibig mo." Sinalat pa nito ang noo niya.Napatawa siya nang mahina. "Wala naman masama sa sinabi ko. Gusto ko lang naman makakita ng male models ngayong gabi." Para sa kanya normal lang iyon dahil tititigan niya lang naman."Masama iyang sinasabi mo dahil may asawa ka. Kapag nalaman iyan ni Spade, magagalit siya. Mas pogi pa ang asawa mo sa mga male model dito."Biglang nawala ang ngiti niya nang marinig ang pangalan ni Spade. Bakit siya hindi puwedeng tumingin sa iba? pero si Spade puwedeng makipaglandian kay Ara. Unfair naman iyon dapat kung ano
Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan hahanapin si Attorney Cruz. Kaya napagpasyahan niyang puntahan ang dati nilang bahay.Nanikip ang dibdib niya nang makita ang dating magandang tahanan na ngayon ay wasak na wasak na. Tila bawat sirang pader at sunog na kahoy ay may kasamang alaala ng nakaraan. Hindi niya napigilang mapaluha.Dahan-dahan siyang lumapit sa gate. Nanginginig ang kamay niyang itinulak iyon.Papasok na sana siya upang tingnan ang loob ng bahay nang bigla niyang maramdaman na may ibang taong naroon."Summer, ikaw ba iyan?" Natigilan siya, mabilis siyang lumingon at agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita kung sino iyon."Attorney Cruz!" gulat niyang sambit."Buhay ka, Summer." Maluha-luhang wika ni Attorney Cruz. "Akala ko tuluyan ka nang namatay sa sunog. Mabuti na lang at napadaan ako rito ngayong araw. Palagi akong nagsisindi ng kandila sa tapat ng bahay ninyo."Mahigpit niya itong niyakap at tuluyan siyang humagulhol nang iyak."Attorney, kailangan nating ma
Tulalang nakatitig si Summer sa kisame ng hospital. Naalala niya na ang lahat. Hindi siya si Summer Mondragon kundi si Summer Suarez.Sa kagustuhan niyang mailigtas ang kanyang mga anak, aksidente siyang nadulas at tumama ang ulo niya sa semento. Pagmulat ng mga mata niya, nasa hospital na siya walang maalala, walang kilalang tao. Nagpakilala sa kanya si Stella Mondragon bilang ina niya at agad siyang dinala nito sa abroad.Ngayon, malinaw na ang lahat. Napaiyak siya. Buhay pa kaya ang mga anak niya? Nasaan na ang kambal? Kumirot ang dibdib niya sa pag-aalala. Paano kung binawian na ng buhay ang mga ito? Kung hindi sana siya sumama kay Lily, kung hindi siya umalis baka kasama pa niya ngayon ang mga anak niya.Mabilis niyang pinahid ang luha nang marinig ang pagbukas ng pinto. Walang emosyon siyang napatingin kay Spade. Alam niya kung bakit hindi nito sinasabi ang tungkol sa amnesia niya. Pero hindi rin niya ipapaalam dito na bumalik na ang alaala niya."Honey, okay ka na ba? May masak
Kakausapin niya sana si Spade, ngunit pagdating niya sa loob ng kuwarto ay tulog na ito. Ang bilis naman nitong makatulog. Dahan dahan siyang lumapit sa asawa."Sorry," mahina niyang sambit.Dinampian niya nang halik si Spade bago siya nagtungo sa banyo upang maligo.Maghapon natulog si Spade. Nalungkot siya dahil nagluto pa naman siya ng pananghalian, ngunit mag-isa lang siyang kumain. Ayaw niya naman itong gisingin dahil batid niyang pagod ito. Isa pa, may kasalanan siya kay Spade. Ngunit paano kung hindi rin ito kumain?"Ipapasundo kita sa driver mamayang alas-siyete." Napaangat siya ng tingin. Nakabihis na si Spade."Bakit driver ang magsusundo sa akin?" tanong niya.Hindi sumagot si Spade. Para bang hindi siya nito narinig o sadyang pinili nitong huwag siyang pansinin. Diretso itong lumabas ng kuwarto. Ilang saglit pa ay narinig na lamang niya ang pag-andar ng sasakyan nito.Sa inis, naibato niya ang hawak na unan. Tumayo siya mula sa sofa at sinilip ang papaalis na sasakyan.Hin
After 1 year Dalawang buwan ng nasa Pilipinas si Summer, nauna siyang umuwi. Namimiss niya ang buhay sa ibang bansa dahil palagi siyang may kasama doon. Sa probinsya siya dumiretso sa bahay bakasyonan nila dahil iyon ang gusto ng ina niyang si Stella Mondragon. Pinagbabawalan siya nitong pumunta ng
Magdamag umiiyak si Summer dahil hindi siya maalala ni Spade. Ayaw niyang maniwala na may amesia si Spade pero iyon ang sabi ng Tita Karen niya. Umaga na pero hindi pa rin siya natutulog. "Sum," sambit ng tiyahin niya sa pangalan niya. Hindi niya napansin na nakatayo ang tiyahin niya sa may pintua
Pinasakay siya ni Lily sa sasakyan nito at agad na ini-lock ang pinto. Kinabahan siya dahil ngayon niya lang nakilala ang babae, at baka nagpapanggap lamang ito na kilala si Summer Suarez. Siguro inutusan ng mommy niya ang babae para ibalik siya sa bahay nila."Inutusan ka ba ni Mommy?" matapang ni
Hatinggabi na ngunit gising pa rin si Summer. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga nangyari sa coffee shop. Mga tanong na pilit humihingi ng kasagutan, ngunit wala siyang mapagtanungan. Hangga’t maaari, ayaw niyang itanong kay Spade. Sinulyapan niya ang asawa niyang mahimbing na natutulog sa tabi niy







