Share

Chapter 18

Penulis: Vans Era
last update Tanggal publikasi: 2026-01-01 22:16:11

Tuwang-tuwa si Summer nang malaman niyang papunta sila sa Manila. Habang nasa biyahe, napapatingin siya sa asawa niya dahil sa seryosong mukha nito. Nakaidlip siya sa biyahe, at pag gising niya, nakahinto na ang sasakyan.

"Sorry, honey. Nakatulog ako," wika niya.

"Okay lang, honey. Nag-enjoy naman ako panoorin kang natutulog." Tipid na ngumiti si Spade, hinaplos nito ang pisngi niya. "Bumaba na tayo."

Pinagbuksan siya nito ng pinto at hinawakan ang kamay niya. Hindi nito binibitawan ang kamay n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 28

    "Nalulungkot ako sa nalaman ko, Attorney Cruz, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako magpapakita sa kanya," aniya. Kinuha niya ang inabot nitong shades at sombrero.Pumasok siya sa restaurant at pasimpleng umupo sa kabilang mesa. Kunwari ay tumitingin siya sa menu habang palihim na sinisilip ang tiyahin niya. Ibang-iba ang awra nito ngayon kumpara noon."Mahihirapan tayong bawiin si Summer kay Spade. Sinabi ko na kasi sa iyo na itago mo ng mabuti si Summer," iritadong wika ng tiyahin niya.Gusto niyang takpan ang mga tainga niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Humigpit ang hawak niya sa menu. Buong akala niya ay mabuting tao ang tiyahin niya, ngunit may tinatago pala itong galit sa kanya."Karen, matigas ang ulo ng pamangkin mo. Kahit ikulong ko siya, gumagawa siya ng paraan para makatakas. Wala ka dapat problemahin kasi may amnesia pa si Summer. Mabibilog pa natin ang ulo niya."Hindi siya nagkakamali. Si Stella Mondragon ang kausap ng tiyahin niya. Kahit hindi siya lumingon, kil

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 27

    Gusto niyang tumayo ngunit hindi siya makabangon dahil mahigpit na nakapulupot ang mga braso ni Spade sa baywang niya. Huminga siya nang malalim bago marahang hinaplos ang buhok nito."Honey, hindi ka ba nangangalay?" malambing niyang tanong."Hindi," maikling sagot ni Spade.Nanggigigil talaga siya sa asawa niya."Bumangon na tayo," aniya."Ayoko," saad ni Spade habang lalo pa siyang niyayakap."Magagalit ako sa iyo kapag hindi tayo bumangon," banta niya.Umangat ang tingin nito sa kanya. "Sanay na ako sa iyo. Palagi ka namang galit, dati pa."Natigilan siya sa sinabi nito. Nahahalata na ba ni Spade na bumalik na ang alaala niya? Napansin niya rin kasi na hindi na siya ganoon kalambing sa asawa niya. Nahihirapan siyang ibalik ang dating lambing niya dahil hindi na siya si Summer Mondragon."Honey, ngayon lang ako nagalit dahil pumunta sa office mo ang malanding si Ara," nakaismid niyang wika."Honey, naipaliwanag ko na iyan sa iyo. Kapag nagpapaliwanag ako, ayaw mo kasing makinig," s

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 26

    Inaya niya si Lily uminom pero parang siya lang ang nakakaubos ng alak."Summer, ano ang problema?" nag-aalalang tanong ni Lily."Wala, Lily. Gusto ko lang uminom," sagot niya. Ayaw niyang magkuwento dahil lalo siyang maiinis. Sanay siyang hindi nagsasabi ng problema sa iba. "Lily, order ka ng male models."Nanlaki ang mata ni Lily. "Nilalagnat ka ba, Summer? Alam mo ba ang sinasabi mo? Huwag kana nga uminom kahit anu-ano na ang lumalabas sa bibig mo." Sinalat pa nito ang noo niya.Napatawa siya nang mahina. "Wala naman masama sa sinabi ko. Gusto ko lang naman makakita ng male models ngayong gabi." Para sa kanya normal lang iyon dahil tititigan niya lang naman."Masama iyang sinasabi mo dahil may asawa ka. Kapag nalaman iyan ni Spade, magagalit siya. Mas pogi pa ang asawa mo sa mga male model dito."Biglang nawala ang ngiti niya nang marinig ang pangalan ni Spade. Bakit siya hindi puwedeng tumingin sa iba? pero si Spade puwedeng makipaglandian kay Ara. Unfair naman iyon dapat kung ano

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 25

    Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan hahanapin si Attorney Cruz. Kaya napagpasyahan niyang puntahan ang dati nilang bahay.Nanikip ang dibdib niya nang makita ang dating magandang tahanan na ngayon ay wasak na wasak na. Tila bawat sirang pader at sunog na kahoy ay may kasamang alaala ng nakaraan. Hindi niya napigilang mapaluha.Dahan-dahan siyang lumapit sa gate. Nanginginig ang kamay niyang itinulak iyon.Papasok na sana siya upang tingnan ang loob ng bahay nang bigla niyang maramdaman na may ibang taong naroon."Summer, ikaw ba iyan?" Natigilan siya, mabilis siyang lumingon at agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita kung sino iyon."Attorney Cruz!" gulat niyang sambit."Buhay ka, Summer." Maluha-luhang wika ni Attorney Cruz. "Akala ko tuluyan ka nang namatay sa sunog. Mabuti na lang at napadaan ako rito ngayong araw. Palagi akong nagsisindi ng kandila sa tapat ng bahay ninyo."Mahigpit niya itong niyakap at tuluyan siyang humagulhol nang iyak."Attorney, kailangan nating ma

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 24

    Tulalang nakatitig si Summer sa kisame ng hospital. Naalala niya na ang lahat. Hindi siya si Summer Mondragon kundi si Summer Suarez.Sa kagustuhan niyang mailigtas ang kanyang mga anak, aksidente siyang nadulas at tumama ang ulo niya sa semento. Pagmulat ng mga mata niya, nasa hospital na siya walang maalala, walang kilalang tao. Nagpakilala sa kanya si Stella Mondragon bilang ina niya at agad siyang dinala nito sa abroad.Ngayon, malinaw na ang lahat. Napaiyak siya. Buhay pa kaya ang mga anak niya? Nasaan na ang kambal? Kumirot ang dibdib niya sa pag-aalala. Paano kung binawian na ng buhay ang mga ito? Kung hindi sana siya sumama kay Lily, kung hindi siya umalis baka kasama pa niya ngayon ang mga anak niya.Mabilis niyang pinahid ang luha nang marinig ang pagbukas ng pinto. Walang emosyon siyang napatingin kay Spade. Alam niya kung bakit hindi nito sinasabi ang tungkol sa amnesia niya. Pero hindi rin niya ipapaalam dito na bumalik na ang alaala niya."Honey, okay ka na ba? May masak

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 23

    Kakausapin niya sana si Spade, ngunit pagdating niya sa loob ng kuwarto ay tulog na ito. Ang bilis naman nitong makatulog. Dahan dahan siyang lumapit sa asawa."Sorry," mahina niyang sambit.Dinampian niya nang halik si Spade bago siya nagtungo sa banyo upang maligo.Maghapon natulog si Spade. Nalungkot siya dahil nagluto pa naman siya ng pananghalian, ngunit mag-isa lang siyang kumain. Ayaw niya naman itong gisingin dahil batid niyang pagod ito. Isa pa, may kasalanan siya kay Spade. Ngunit paano kung hindi rin ito kumain?"Ipapasundo kita sa driver mamayang alas-siyete." Napaangat siya ng tingin. Nakabihis na si Spade."Bakit driver ang magsusundo sa akin?" tanong niya.Hindi sumagot si Spade. Para bang hindi siya nito narinig o sadyang pinili nitong huwag siyang pansinin. Diretso itong lumabas ng kuwarto. Ilang saglit pa ay narinig na lamang niya ang pag-andar ng sasakyan nito.Sa inis, naibato niya ang hawak na unan. Tumayo siya mula sa sofa at sinilip ang papaalis na sasakyan.Hin

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 16

    Malungkot na nakatingin sa bintana si Summer, kasama niya pa dapat ngayon si Spade. Kayakap niya sana ngayon ang asawa niya, kinilig siya. Isipin niya pa lang ang asawa niya sumasaya na siya. Sinuot niya na ulit ang wedding ring niya. "I miss you Mr. Adams," mahina niyang sambit. Kahit cellphone

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 20

    Hatinggabi na ngunit gising pa rin si Summer. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga nangyari sa coffee shop. Mga tanong na pilit humihingi ng kasagutan, ngunit wala siyang mapagtanungan. Hangga’t maaari, ayaw niyang itanong kay Spade. Sinulyapan niya ang asawa niyang mahimbing na natutulog sa tabi niy

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 19

    Nakatitig si Summer kay Spade. Gusto sana niyang sabihin sa asawa na samahan siya nitong pumunta sa bahay nila, ngunit nagdadalawang-isip siya. Paano kung hindi magsabi ng totoo ang ina niya? Hindi talaga mawala sa isip niya si Summer Suarez. Huminga siya nang malalim, ipagpapaliban na muna niya an

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 17

    Alam na ni Spade ang katotohanan. Mabilis niyang natuklasan ang tunay na pagkatao ni Summer Mondragon. Hindi siya nagkamali sa kanyang kutob si Summer Suarez at si Summer Mondragon ay iisang tao. Ngunit isang tanong pa rin ang hindi niya matanggal sa isipan, paano napunta si Summer sa mga kamay ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status