LOGINPinasakay siya ni Lily sa sasakyan nito at agad na ini-lock ang pinto. Kinabahan siya dahil ngayon niya lang nakilala ang babae, at baka nagpapanggap lamang ito na kilala si Summer Suarez. Siguro inutusan ng mommy niya ang babae para ibalik siya sa bahay nila."Inutusan ka ba ni Mommy?" matapang niyang tanong, kahit nanginginig ang loob niya."Hay naku, Summer. Matagal nang patay ang ina mo. Paano naman ako mauutusan ng patay na?" sagot ni Lily, umikot ang mata nito.Natahimik siya, buhay pa ang ina niya. Kahit may pagdududa siya, ito pa rin ang kinikilala niyang ina. Sino ba ang tinutukoy ni Lily?"Nagkakamali ka. Buhay pa ang ina ko. Kausap ko pa lang siya kanina," seryoso niyang wika."Ang tinutukoy mo bang ina ay si Stella Mondragon?" tanong nito."Oo, siya nga. Bakit mo kilala ang mommy ko?""Hindi mo siya ina." Huminga nang malalim si Lily. "Nakita ko kayong magkausap kanina sa loob ng restaurant. Akala ko namalikmata lang ako. Nakilala ko siya noon sa isang party, pero sigurado
Hatinggabi na ngunit gising pa rin si Summer. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga nangyari sa coffee shop. Mga tanong na pilit humihingi ng kasagutan, ngunit wala siyang mapagtanungan. Hangga’t maaari, ayaw niyang itanong kay Spade. Sinulyapan niya ang asawa niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya.Patawarin sana siya ni Spade dahil mag-isa niyang hahanapin ang mga sagot sa tanong niya.Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya kinabukasan. Bumungad sa kanya ang seryosong titig ni Spade."Bakit ganyan ka makatitig sa akin?" tanong niya."Nagagandahan lang ako sa'yo," nakangiting sagot ni Spade.Lumukso ang puso niya sa tuwa. Hinalikan niya ito sa pisngi."Ako lang dapat ang pinakamagandang babae sa mata mo, honey," malambing niyang sabi."Syempre. Ikaw lang at wala nang iba."Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Summer dahil sa kilig."Honey, puwede bang huwag muna akong sumama sa opisina mo ngayon?" mahina niyang tanong"Bakit?" kunot-noong tanong ni Spade."Naiinip kasi ako roon
Nakatitig si Summer kay Spade. Gusto sana niyang sabihin sa asawa na samahan siya nitong pumunta sa bahay nila, ngunit nagdadalawang-isip siya. Paano kung hindi magsabi ng totoo ang ina niya? Hindi talaga mawala sa isip niya si Summer Suarez. Huminga siya nang malalim, ipagpapaliban na muna niya ang plano. "Honey, ano ang iniisip mo habang nakatitig ka sa akin?" Nagulat siya dahil hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang asawa niya. Ngumiti nang pilyo si Spade batid niyang iba ang laman ng isip nito. "Iniisip ko kung gaano kasarap—" Naputol ang sasabihin niya sapagkat kinagat ni Spade ang labi nito. Napanganga siya dahil sobrang hot nito sa paningin niya. "Ano ang masarap, honey?" bulong nito. Kinabig siya ni Spade at napahawak siya sa matipunong dibdib nito. "A-ang k-kape," nauutal niyang sagot. Iyon dapat ang idadahilan niya kay Spade. "Mas masarap pa ako sa kape, honey," mapang-akit na saad ni Spade. Pagkatapos kasi ng lovemaking nila kahapon sa opisina, nasundan pa iy
Tuwang-tuwa si Summer nang malaman niyang papunta sila sa Manila. Habang nasa biyahe, napapatingin siya sa asawa niya dahil sa seryosong mukha nito. Nakaidlip siya sa biyahe, at pag gising niya, nakahinto na ang sasakyan."Sorry, honey. Nakatulog ako," wika niya."Okay lang, honey. Nag-enjoy naman ako panoorin kang natutulog." Tipid na ngumiti si Spade, hinaplos nito ang pisngi niya. "Bumaba na tayo."Pinagbuksan siya nito ng pinto at hinawakan ang kamay niya. Hindi nito binibitawan ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa opisina nito."Bakit hindi mo binibitawan ang kamay ko?" tanong niya, umupo siya sa kandungan ni Spade."Baka kasi mawala ka bigla." Napangiti siya sa sagot ni Spade."Hindi ako mawawala. Pinapangako kong hindi kita iiwan," seryoso niyang tugon.Walang dahilan para iwan niya si Spade. Mas gugustuhin niyang manatili sa tabi nito kaysa bumalik sa bahay nila. Batid niyang alam na ng kanyang ina na wala siya sa bahay nila. Wala na rin siyang balak umuwi. Tatanggapi
Alam na ni Spade ang katotohanan. Mabilis niyang natuklasan ang tunay na pagkatao ni Summer Mondragon. Hindi siya nagkamali sa kanyang kutob si Summer Suarez at si Summer Mondragon ay iisang tao. Ngunit isang tanong pa rin ang hindi niya matanggal sa isipan, paano napunta si Summer sa mga kamay ni Stella Mondragon? Matagal nang karibal ng pamilya nila sa negosyo ang mga Mondragon, kaya hindi siya mapalagay. May amnesia si Summer at dahil doon, hindi siya nito maalala. Gusto sanang sabihin ni Spade ang totoo, pero natatakot siyang baka hindi siya paniwalaan ng babae. "Honey… kumain ka nang marami," malambing niyang sabi habang inaabot ang pagkain. "Dahil iinom ka pa ng gamot." "Opo," nakangiting tugon ni Summer, ngunit halatang pilit ang ngiti nito. Tahimik lang na pinagmasdan ni Spade ang mga mata nito. Sa likod ng maamong titig ni Summer, nakita niya ang lungkot na pilit nitong ikinukubli. Batid niyang pinipilit lang nitong ngumiti dahil sa mga mata pa lang nito, ramdam
Malungkot na nakatingin sa bintana si Summer, kasama niya pa dapat ngayon si Spade. Kayakap niya sana ngayon ang asawa niya, kinilig siya. Isipin niya pa lang ang asawa niya sumasaya na siya. Sinuot niya na ulit ang wedding ring niya. "I miss you Mr. Adams," mahina niyang sambit. Kahit cellphone number ni Spade hindi niya nahingi. Mahihirapan siyang hanapin si Spade. Inopen niya ang cellphone, nakaoff kasi ang cellphone niya kanina dahil baka makita ng mommy niya ang wallpaper niya. Kumunot ang noo niya dahil madaming message ang dumating galing sa unknown number. Tinatanong kung nasaan siya, hindi naman nagpakilala. Nagring ang cellphone niya sinagot niya na para malaman kung sino. "Where are you?" tanong nito sa kanya. "Saan mo nakuha ang number ko?" tanong niya din. Hindi niya mabosesan kung sino baka mamaya scammer ang kausap niya. "Summer, tinatanong kita kung nasaan ka. Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang cellphone number mo. Nag-aalala ako sa iyo bigla kana lan

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





