LOGINBigla akong tinapik ng dalawa ng makita nilang nakatulala ako. Nabalik sa hinaharap ang aking diwa lalo na ng paluin ni Glorina ang aking tagiliran. Sinimangutan ko siya ng mapatingin ako sa kanya.
"Stop spacing out pwede ba, alam mo ba girl simula ng wala ka nag umpisa na siyang mag ganyan. Hindi ko alam kung namimiss lang ba niya ang kanyang ex or ano pa man," naka ngiwing pag kwekwento ang gaga.
"Aba at nakapagsalita ang magaling," ani ko naman.
"Siyempre magaling nga diba!!!pambabara niya.
"Naku, kung hindi lang kita kaibigan matagal na kitang iniwanan...nakakaloka kang impakta ka," naka busangot kong pahayag.
"Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa namin kinakausap pero lutang ka?"..sagot naman ni Jayjey. Napangiwi ako sa kanyang sinabi, alangan naman na sabihin kong si Nimer ang nasa utak ko di lalo akong dakdakan ng dalawa.
"May naalala lang ako, grabe naman kayong dalawa kung maka judge," drama ko naman.
"Ang sabihin mo naalala mo na naman ang nangyari kanina sa airport," bwelta ni Jayjey.
"Hindi noh!!! depensive kong sagot.
"Sigurado ka..." huminto saglit si Jeyjey bago muling nagsalita. "Alam mo girl ang nangyari kanina kaya kami natagalan. Ganito kasi yu-" hindi niya natapos ang kanyang sinasabi ng biglang may humiyaw sa aming likuran kaya napatingin kaming lahat sa maingay na yun pero hindi namin makita.
"Ano pong meron?...tanong ni jayjey sa isang waitress na lumapit.
"May viral na video kani kanina lang po naganap," ani ng napag tanungan ko.
"Ano pong video?"
Sabay naming banggit na tatlo pero wala namang sinabi ang waitress kaya nagkibit balikat na lang kami.. Kampante naman ako dahil alam kong binura naman ni Nimer lahat ng mga nasa camera or mga nag vivideo kanina lang. Nagtinginan kaming magkakaibigan at nangunot ang noo ng mapansin naming nakatingin silang lahat sa amin.
Hindi ko alam kung bakit sila tumitingin and I feel somethings not right. Tumingin sa akin si Glorina at sinabing huwag na silang intindihin, baka lang daw nagagandahan sila sa amin. Napangiwi naman ako sa kanyang excuses.
"Feeling mo naman ang ganda ganda mo na," ani ko kay Glorina dahil may pa flying flying kiss pa siya.
Lalo akong nahiya at gusto ko na lang umalis dahil sa kagagawan ng dalawang bruhang to. Biglang tumayo si Jeyjey at kumaway sa kanilang lahat hindi na nila alintana ang mga sasabihin ng iba basta pose na lang ng pose.
Tumayo ako at akmang aalis na ng bigla akong pigilan ni Jeyjey. Tinanong niya kung saan ako pupunta na sinagot ko naman ng pabalang na uuwi na.
"Siyempre uuwi na at hindi ko na kaya ang kahihiyang pinapakita ninyo. Alam ba ninyo kung anong dahilan kaya sila tumitingin, feeling niyo naman ang gaganda ninyo," bara ko sa kanila sabay walk out.
Hindi maipinta ang aking mukha habang naglalakad ng bigla akong mapahinto dahil narinig ko ang bulungan ng mga kumakain tungkol sa amin.
"Diba sila yung kanina sa airport," rinig ko na ikinakunot ng aking noo.
"Siya yata yung kahalikan kanina ni Nimer Williams, yung billionaire tycoon. Balita ko halimaw daw siya sa larangan ng business at sobrang gwapo pa niya," usap usapan na aking naririnig.
Nang marinig ko yun, hindi na ako mapakali sa aking upuan kaya lumapit ako sa mesang nag uusap at tinanong kung saan nila nakita yung video. Gusto kong makasiguro bago gagawa ng hakbang. Nakatingin silang lahat sa akin at mukhang inaalisa ang aking mukha pero pinakita din naman ang video. Namutla ako ng makita kong nakalantad ang aking mukha sa camera. Nakuhanan din ang paghalik ko sa kanya.
"Pwede ko bang makuha ang video na to, pwede bang pasa mo sa akin"...maalumanay kong tanong.
"Ikaw ito diba po...not bad," rinig kong sabi ng isang kasama nila.
"Ma'am, type mo ba si Sir Nimer?" sabi naman ng isa na ikina ubo ko.
"Ma'am bagay po kayo," ani ng isa din.
"Ikaw ata mam ang nanghahabol sa kanya, kita naman sa camera na ikaw yung humalik"...sagot ng isang babae na mukhang type si Nimer kaya ako sinusungitan.
Namula ako sa mga pinagsasabi nilang lahat, kaya dali dali kong pinasa ang video. Ngumiti lang ako sa kanila sa mga komento nila pero hindi ako umimik or sumagot man lang sa mga tanong nila.
"Guys...isa isa lang ha,,, hindi ko masagot lahat ng inyong mga tanong," ani ko at ng makita kong tapos na pagka d******d ng video kaya nag paalam na agad ako. Hindi ko na sinagot ang iba pa nilang sagot basta ang sinabi ko na lang na hindi ko siya kilala at hindi sinasadya ang pangyayaring yon
Dali dali akong pumunta kila Glorina at Jeyjey na mukhang tuwang tuwa pa na wala ako sa kanilang tabi. Masaya silang kumakain habang nag kwekwentuhan. Hanep din ang dalawang to ah, akala ko pa naman nag da-diet sila ang dami naman nilang inorder. Nag order pa ata sila ng iba.
Dahil sa nagmamadali akong makauwi na at dahil din sa isang bus na lang ang alam kong kaylangan kong abutan kaya kahit na malakas ang ulan tinakbo ko na lang.Basang basa ako at hingal na hingal ng makarating sa bus stop, mabuti na lang at saktong nandoon na pala ang bus kaya dali dali akong sumakay. Nanginginig ako ng makasakay dahil sa lakas ng aircon nito tapos basa pa ang buo kong katawan."Naku, ineng basang basa ka na. Heto magpunas ka kung ok lang sayo," ani ng mamang driver saka nito inabot ang isang bagong tuwalya na alam kong bago pa dahil may tag pa ito."Salamat ho," ani ko sabay ngiti dito."Walang anuman...siya umupo ka na at ng hindi ka mangawit. Papatayin ko na lang ang aircon tutal malamig naman ang panahon at iilan lang naman kayong sakay ko," ani pa nito."Maraming maraming salamat po talaga," saad ko bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa harapan.Tumango naman ang driver bago tumutok sa daan ang tingin nito. Nanlalamig ako kaya ang tuwalyang binigay sa akin ng m
Napipi ako sa kaniyang harapan hindi ko alam ang aking isasagot sa babaeng ito. Ibang iba na siya ngayon, nakakagulat siya na nakakatuwa. "Have you eaten already," mga katagang lumabas sa aking bibig. Imbes na magalit ako dito dahil sa na late siyang umuwi pero ibang kataga ang lumabas sa bibig ko."It's almost 2 in the morning so yeah I ate already duhhhh.... Ikaw bakit gising ka pa," pahayag nito habang nakatingin sa kaniyang relo."Kakauwi ko lang din," wala sa sariling sagot ko."Ok...Siya sige at kaylangan ko ng matulog," paalam nito. Tumango ako sa kaniya at hinayaan na itong pumasok sa kwarto niya. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin pero wala namang katagang gustong lumabas sa bibig ko kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko na lang siya.Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin sa ngayon, baka nga kaylangan ko na talagang maghanap din ng girlfriend para maibaling ko sa iba ang pagkakahumaling ko sa kaniya. Aminin ko man o hindi pero yun ang katotohanan.Kinabukasan n
Naka tanga ako ng biglang may bumusina sa akin kaya nagulantang ako at nabalik sa kasalukuyan. Bumaling ako sa bumusina sa akin at susungitan sana ng inunahan ako nito."Nagpapakamatay ka ba?" Bulyaw nito sa akin kaya nagpanting ang aking tenga. Susugurin ko na sana ng biglang pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan ng mabilisan."Fuck shit!!! "Sigaw ko sabay pikit ng mata saka tumingala. Bumuntong hininga ako, saka ko hinamig ang aking sarili. Makita lang kita makita mong hayop ka sa isip isip ko. Biglang nawala ang kalasingan ko, tumingin ako sa paligid at nakita kong may pa isa isa pang lumalabas sa bar."Makauwi na nga," bulong ko ng wala naman akong makitang kakaiba sa paligid. Wala namang nakapansin kanina at mukhang mga lasing na ang mga taong lumalabas.Pag uwi ko napansin kong madilim ang buong paligid. Hindi ba sinisindi ng babaeng yun ang mga ilaw sa isip isip ko. Nang lumiwanag ang buong kapaligiran nakita kong walang bakas na dumating dito. Lahat ng mga gamit ganoon pa ri
Simula ng mangyari ang tagpong yun hindi na kami muling nagkita pa. Nagalit din ako sa aking sarili kaya mas pinili ko na lang na lumayo. Tutal ginusto ko namang iwanan siya at balikan si Ivy kaya yun na lang ang pinandindigan ko.Nagalit ang aking mga magulang sa akin dahil sa mga pinaggagawa kong yun. Si lola halos hindi na ako kausapin ng mabalitaan niyang nagkahiwalay na kami ni Jenny ng dahil kay Ivy. Ayaw na ayaw nila si Ivy dahil sa ginawa nito sa akin noon pero mahal ko siya kaya kahit ano kaya kong isakripisyo.Napabuntong hininga ako ng bumalik na naman sa nakaraan ang aking alaala. I did so many mistakes at ngayon ko lang narealized na halos mali pala lahat ng mga pinaggagawa ko. Masyadong magulo pa ang utak ko noon at dahil sa nakakulong pa rin kay Ivy ang aking presensya kaya kahit na nakakasakit na ako parang wala pa rin yun sa akin.Nagbukas akong muli ng aking inumin at tinungga ko ito ng deretso. Hindi ko alam pero magulong magulo ang utak ko ngayon. Simula ng makita
Hindi ko nga lang maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ganoon pa rin ang estado nito samantalang ang kaniyang mga kaibigan malayo na ang narating ng mga ito. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa kanila pero nalalaman ko lang dahil kay Kevin at James. Alam ko hindi pa rin nakaka move on ang mga kaibigan kong ito lalo na itong si James. May malalim lang siyang problema na ayaw nitong masangkot si Jeyjey at pati kaming mga kaibigan niya.Hindi ko rin alam ang exact na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay pero I know my friend. Hindi naman yan gagawa ng isang desisyon na walang malalim na dahilan. Hindi ko naman natanong noon kung bakit niya nagawang saktan si Jeyjey at ipagpalit ito sa babaeng pinagsawaan na ng iba't ibang lalaki.Gusto ko man itong kausapin noon pero hindi ko na nagawa dahil nahaharap din ako sa problema ko kay Jenny at kay Ivy. Bumalik sa piling ko si Ivy noon kaya nabalewala si Jenny.Noong una litong lito ako, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Jenn
Nawala talaga sa aking isipan na hindi ko na dapat gawin ito pero yun naman ang gusto ng aking katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit saka nagpasalamat na siya ang naging roommate ko. Alam ko naman na nagdududa siya sa akin kung bakit ako nandito ngayon. I mean sa kung bakit ako nag rent at siya pa ang naging ka roommate ko.Maganda naman itong lugar na ito sa makati maraming mga mayayaman din ang nakabili ng bahay dito or should I say penth house. Isa itong pent house na binili ko pero hindi alam ni Jenny. Pinaki usapan ko lang ang isa sa kakilala ko na lapitan ang kaniyang mga kakilala sa lugar na yun para mapalapit si Jenny dito at mapatira.Supposed to be wala na akong pakealam sa kaniya pa, kaniya kaniya na kami noon pa pero ng dahil sa kalagayan ko ngayon kaya ko siya nilapitang muli.Sa paglapit kong ito nalaman ko ang kaniyang sitwasyon, doon ako naglakas loob para mapalapit na muli sa kaniya.Habang tumatagal na nakakasama ko siya, nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang binab







