LOGIN
Binibilisan kong maglakad at halos tumakbo na dahil sa kita kong malalate na ako papuntang airport. Huminto ako sa sakayan ng bus pero punuan lahat kaya. Wala din akong mahanap na taxi kaya naglakad ulit ako at baka makakita ng taxing walang laman sa daan. Napapahilamos ako ng mukha ng makita kong walang mga taxing dumadaan dito, hindi nagtagal nakatanggap ako ng tawag mula sa aking kaibigan.
"Jenny, where are you? Are you already at the airport? " Glorina said.
"I'm on my way," saad ko at exactly namang may dumating na taxi kaya pinara ko agad ito."Sigurado ka ha, naku girl sinasabi ko sayo sasabunin ka ng babaeng yun kapag. Ayaw na ayaw nun ng nalalate kaya umayos ka," banta pa ng gaga. Anong magagawa ko at nalate nga akong gumising sabi ko sa aking isip at di na sinabi sa kanya dahil hahaba na naman ang usapang ito. Ayoko ng makarinig ng sermon na naman at baka ma stress lang ako.
"Oo na...kaya stop ka na diyan will you?" I said at nagpaalam na agad bago pinatay."Bakit ba ang sungit ng malditang yun, umagang umaga haiiissssttt," anas ko at biglang sinabunutan ang aking ulo sa inis.
"Hija may problema ka ba?" Tanong ng taxi driver dahil nakita niya ang aking hitsurang ganito. Napaayos tuloy ako ng upo at biglang ayos ng aking buhok bago sumagot."Naku, wala po Kuya...Masakit lang talaga ang ulo ko," nakangiwi kong sagot.
"Akala ko kung napapano ka na," nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot para hindi na humaba pa ang aming usapan. Inaantok pa ako at ilang oras lang ang aking itinulog. "Kung hindi lang importante ang babaeng yun naku, nungka kang manunundo ako," bulong ko."Kuya pwede po bang gisingin niyo na lang po ako mamaya pagka dating natin doon at idlip ko lang po saglit," malawak ang ngiting pahayag ko.
"Sige ineng total medyo traffic naman," sagot naman ni Kuyang driver. Nag message ako sa impakta kong kaibigan na malapit na ako doon kaya huwag na siyang message pa ng message.Pinikit ko ang aking mga mata at wala pang ilang minuto nakatulog na ako. Hindi ko talaga kaya, kahit saglit lang makatulog ako at talagang masusungitan ko lahat ng mga mararaanan ko kapag. Ginising ako ni Kuyang driver pagdating namin ng airport hinatid niya mismo ako sa malapit sa arrival area.
"Ineng dito ka na, ihahatid sana kita sa mismong harapan pero mukhang may importanteng tao na darating sa daming mga tao na nakaabang. Sa tingin ko bawal na ring mag hatid doon at maraming mga security. Ingat ka neng at maraming tao kaylangan mo pang ingatan ang dala mong mga bag." Mahabang paliwanag ni Kuya.Dinagdagan ko na lang ang aking pamasahe dahil mabait naman siya at mapagkakatiwalaang driver. Medyo bangag pa ako ng ako'y palabas ng taxi, hindi ko nga naintindihan ang ibang mga sinabi ni kuya basta nagpasalamat na lang ako bago bumaba.
Pagbaba ko ng taxi nakita kong tumatawag na naman si Glorina, sinagot ko naman at nagsimula ng lumakad. Naiirita nga ako sa mga taong nagsisiksikan. Ano bang meron at akala mo naman darating ang presidente dito? Naka busangot kong sabi sa aking sarili."Yes, friendship...nandito na ako kaya huwag ka ng mag alala diyan," inunahan ko na at baka kung ano na naman ang sasabihin.
"Ok kung ganon. Puntahan mo na sa arrival area sa terminal 3, alam mo naman na diba at pakibilisan mo dahil mag three oclock na ng hapon. Baka lumapag na ang sasakyan nila kasi kung minsan naman mas maaga sa time na talagang uwian niya," sunod sunod na sabi ng gaga."Oo na Nay sige na at puntahan ko na...dami mo pang sinasabi diyan," ani ko na nakabusangot na.
"Naku Jenny, umayos ka diyan sinasabi ko sayo..." Glorina said."Oo na oo na sige na bye," sagot ko at pinatay na ang tawag. Nawala tuloy ang antok ko sa babaeng yun. Naglalakad ako at ng makita kong hindi ako makadaan ng maayos, kaya nakipagsiksikan ako sa mga taong nandito.
Kaylangan ko nang makarating doon at baka nandiyan na nga siya sabi ko sa aking isipan at nag excuse na ako sa mga tao pero ng nasa kalagitnaan na ako bigla silang nagsitayuan at nagsigawan. Napamura ako ng halos itulak na ako magkabilaan dahil sa kamamadali nilang tumakbo.Nagsisiksikan sila at hiyawan, samo't sari ang mga naririnig ko na kesyo gwapo daw, hot at nasa kanya na raw ang lahat. Nilagay ko ang aking cellphone sa loob ng aking shoulder bag at hinawakan to ng mahigpit bago buwelo.
Nagsimula na akong lumakad, wlaa na akong pakialam kung may maitulak man ako or what hanggang sa ng malapit na ako sa harapan lalo akong nakarinig ng mga sigawan at siksikan hanggang sa maitulak ako paharap.Tumilapon ako sa harapan, nabuwag ang pagkakapit ng mga bantay dahil sa lakas ng pagkatulak sa akin, napapikit ako at ini expect kong mag lalanding na ang aking mukha sa may sahig. Good bye magandang kutis. Kayo na ang bahala sa akin Lord sabi ko sa aking isipan at naghintay ng pagkatumba pero imbes na sa matigas na bagay ako masusubsob.
Naramdaman kong lumanding ang aking bibig sa isang malambot na bagay pero hindi ako natinag bagkos pumikit pa ako lalo at sumiksik sa isang bagay na nakadagan sa akin. Hanggang sa makarinig ako ng tinig kaya napamulat ako."Sir sir are you ok," rinig kong boses kaya napamulat ako at nanlaki ang aking mata ng makitang ang malambot na dumikit sa akin pala'y isang labi.
Napalunok ako at napaawang ng mapatingin ako sa kanyang mukha'y makita ko si Nimer na nakatunghay sa akin na nakakunot ang noo."Are you done staring? Baka gusto mong tumira na lang sa itlog ko dahil kanina mo pa hinahawakan," sarcastic niyang sabi kaya napatingin ako sa aking kamay at napabitaw ng di oras dahil nakahawak nga ang kamay ko sa kanyang ari.
Dahil sa nagmamadali akong makauwi na at dahil din sa isang bus na lang ang alam kong kaylangan kong abutan kaya kahit na malakas ang ulan tinakbo ko na lang.Basang basa ako at hingal na hingal ng makarating sa bus stop, mabuti na lang at saktong nandoon na pala ang bus kaya dali dali akong sumakay. Nanginginig ako ng makasakay dahil sa lakas ng aircon nito tapos basa pa ang buo kong katawan."Naku, ineng basang basa ka na. Heto magpunas ka kung ok lang sayo," ani ng mamang driver saka nito inabot ang isang bagong tuwalya na alam kong bago pa dahil may tag pa ito."Salamat ho," ani ko sabay ngiti dito."Walang anuman...siya umupo ka na at ng hindi ka mangawit. Papatayin ko na lang ang aircon tutal malamig naman ang panahon at iilan lang naman kayong sakay ko," ani pa nito."Maraming maraming salamat po talaga," saad ko bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa harapan.Tumango naman ang driver bago tumutok sa daan ang tingin nito. Nanlalamig ako kaya ang tuwalyang binigay sa akin ng m
Napipi ako sa kaniyang harapan hindi ko alam ang aking isasagot sa babaeng ito. Ibang iba na siya ngayon, nakakagulat siya na nakakatuwa. "Have you eaten already," mga katagang lumabas sa aking bibig. Imbes na magalit ako dito dahil sa na late siyang umuwi pero ibang kataga ang lumabas sa bibig ko."It's almost 2 in the morning so yeah I ate already duhhhh.... Ikaw bakit gising ka pa," pahayag nito habang nakatingin sa kaniyang relo."Kakauwi ko lang din," wala sa sariling sagot ko."Ok...Siya sige at kaylangan ko ng matulog," paalam nito. Tumango ako sa kaniya at hinayaan na itong pumasok sa kwarto niya. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin pero wala namang katagang gustong lumabas sa bibig ko kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko na lang siya.Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin sa ngayon, baka nga kaylangan ko na talagang maghanap din ng girlfriend para maibaling ko sa iba ang pagkakahumaling ko sa kaniya. Aminin ko man o hindi pero yun ang katotohanan.Kinabukasan n
Naka tanga ako ng biglang may bumusina sa akin kaya nagulantang ako at nabalik sa kasalukuyan. Bumaling ako sa bumusina sa akin at susungitan sana ng inunahan ako nito."Nagpapakamatay ka ba?" Bulyaw nito sa akin kaya nagpanting ang aking tenga. Susugurin ko na sana ng biglang pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan ng mabilisan."Fuck shit!!! "Sigaw ko sabay pikit ng mata saka tumingala. Bumuntong hininga ako, saka ko hinamig ang aking sarili. Makita lang kita makita mong hayop ka sa isip isip ko. Biglang nawala ang kalasingan ko, tumingin ako sa paligid at nakita kong may pa isa isa pang lumalabas sa bar."Makauwi na nga," bulong ko ng wala naman akong makitang kakaiba sa paligid. Wala namang nakapansin kanina at mukhang mga lasing na ang mga taong lumalabas.Pag uwi ko napansin kong madilim ang buong paligid. Hindi ba sinisindi ng babaeng yun ang mga ilaw sa isip isip ko. Nang lumiwanag ang buong kapaligiran nakita kong walang bakas na dumating dito. Lahat ng mga gamit ganoon pa ri
Simula ng mangyari ang tagpong yun hindi na kami muling nagkita pa. Nagalit din ako sa aking sarili kaya mas pinili ko na lang na lumayo. Tutal ginusto ko namang iwanan siya at balikan si Ivy kaya yun na lang ang pinandindigan ko.Nagalit ang aking mga magulang sa akin dahil sa mga pinaggagawa kong yun. Si lola halos hindi na ako kausapin ng mabalitaan niyang nagkahiwalay na kami ni Jenny ng dahil kay Ivy. Ayaw na ayaw nila si Ivy dahil sa ginawa nito sa akin noon pero mahal ko siya kaya kahit ano kaya kong isakripisyo.Napabuntong hininga ako ng bumalik na naman sa nakaraan ang aking alaala. I did so many mistakes at ngayon ko lang narealized na halos mali pala lahat ng mga pinaggagawa ko. Masyadong magulo pa ang utak ko noon at dahil sa nakakulong pa rin kay Ivy ang aking presensya kaya kahit na nakakasakit na ako parang wala pa rin yun sa akin.Nagbukas akong muli ng aking inumin at tinungga ko ito ng deretso. Hindi ko alam pero magulong magulo ang utak ko ngayon. Simula ng makita
Hindi ko nga lang maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ganoon pa rin ang estado nito samantalang ang kaniyang mga kaibigan malayo na ang narating ng mga ito. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa kanila pero nalalaman ko lang dahil kay Kevin at James. Alam ko hindi pa rin nakaka move on ang mga kaibigan kong ito lalo na itong si James. May malalim lang siyang problema na ayaw nitong masangkot si Jeyjey at pati kaming mga kaibigan niya.Hindi ko rin alam ang exact na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay pero I know my friend. Hindi naman yan gagawa ng isang desisyon na walang malalim na dahilan. Hindi ko naman natanong noon kung bakit niya nagawang saktan si Jeyjey at ipagpalit ito sa babaeng pinagsawaan na ng iba't ibang lalaki.Gusto ko man itong kausapin noon pero hindi ko na nagawa dahil nahaharap din ako sa problema ko kay Jenny at kay Ivy. Bumalik sa piling ko si Ivy noon kaya nabalewala si Jenny.Noong una litong lito ako, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Jenn
Nawala talaga sa aking isipan na hindi ko na dapat gawin ito pero yun naman ang gusto ng aking katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit saka nagpasalamat na siya ang naging roommate ko. Alam ko naman na nagdududa siya sa akin kung bakit ako nandito ngayon. I mean sa kung bakit ako nag rent at siya pa ang naging ka roommate ko.Maganda naman itong lugar na ito sa makati maraming mga mayayaman din ang nakabili ng bahay dito or should I say penth house. Isa itong pent house na binili ko pero hindi alam ni Jenny. Pinaki usapan ko lang ang isa sa kakilala ko na lapitan ang kaniyang mga kakilala sa lugar na yun para mapalapit si Jenny dito at mapatira.Supposed to be wala na akong pakealam sa kaniya pa, kaniya kaniya na kami noon pa pero ng dahil sa kalagayan ko ngayon kaya ko siya nilapitang muli.Sa paglapit kong ito nalaman ko ang kaniyang sitwasyon, doon ako naglakas loob para mapalapit na muli sa kaniya.Habang tumatagal na nakakasama ko siya, nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang binab







