Share

My Hot Professor is My Fuck Buddy
My Hot Professor is My Fuck Buddy
Author: imnotpsychopath

Prologue

"Sino yung kalandian mo na yun kanina ha? Bakit siya na ba ang isusunod mo sa akin after mo ako pag sawaan?" Nanggagalaiting sigaw nito sa akin habang naka sandal ako sa pader at hawak hawak nito ang kwelyo ng damit ko.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganito ang reaction nito ngayon. Samantalang may kausap lang naman ako kanina na klasmate ko sa isang subject at nag papatulong lang ito sa akin about sa activity na binigay sa amin kanina ng Prof namin.

Tapos bigla na lang niya akong hinila dito sa kanyang office at ganito na kaagad ang kanyang mga pinag sasabi sa akin. Naguguluhan na talaga ako sa kanya.

Kung hindi lang nito nilinaw sa akin na no string attached na namamagitan sa aming dalawa at pure lust lang ang lahat ng yun ay baka iisipin ko na nag seselos ito.

Ang gulo talaga niyang kausap. Akala ko ba ay walang pansinan pag nandito kami sa school pero siya naman itong unang sumuway sa bagay na yun.

Naguguluhan na naka tingin lang ako sa kanya na hanggang ngayon ay galit na galit pa rin at napaka dilim ng kanyang awra na hindi mo gu gustuhin pa na salungatin or gumawa ng mas ikagagalit pa nito.

"Bakit ka ba kasi nagagalit dyan? Wala naman akong ginagawang masama eh. Kausap ko lang yung klasmate ko about sa activity namin. Nevertheless wala na akong ibang ginawa pa." Sagot ko naman sa kanya.

At dahan dahan na umangat ang aking kamay at pumunta ito sa kanyang bandang likuran upang hagudin ang likod nito.

Ramdam ko naman ang pag igtad nito. Hindi siguro nya expect na gagawin ko ito sa kanya. Maya lang ay nag soft na rin ang itsura nito. Pero masama pa rin na naka tingin sa akin.

"Sorry kung may nagawa ako kanina na hindi mo nagustuhan. Pero maniwala ka na hindi ako nakipag landian. At saka hindi ko gagawin ang bagay na yun. Hindi naman ikaw sila para landiin ko eh." Sabi ko dito at tuluyan na itong niyakap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status