LOGINCHAPTER 2
A cold glint appeared in Ophelia's eyes. Sandaling natigilan si Violeta sa ipinakita niyang pagtutol. “You—” Bago pa siya maka-react, itinulak si Ophelia nang malakas ng nakababatang kapatid ni Dominic na si Jasmine. "Ophelia, what do you think you're doing?! This is the Villacorta family! Gusto mo bang magrebelde at saktan ang mother-in-law mo?” Halos mawalan ng balanse si Ophelia, pero may matibay na puwersang sumalo sa kanya mula sa likod. Si Dominic iyon na kadarating lang sa bahay. Nakunot ang noo nito. “Why aren’t you careful?” tanong niya, parang nag-aalala. Pero para kay Ophelia, mas tunog paratang iyon kaysa concern. Mula nang malaman niya ang katotohanan, puro pagkasuklam na ang nararamdaman niya tuwing nakikita si Dominic. Kaya malamig niya itong itinulak palayo. Napakunot lalo ang noo ni Dominic, nagsisimula na siyang magduda sa kilos niya, nang marinig ang malamig na singhal ni Jasmine. “Kuya, tingnan mo kung ano na ang nangyari sa babaeng ‘to dahil sa sobrang pagspo-spoil mo! Hindi lang si Mom ang binastos niya, she also dared to give you the cold shoulder.” “Ano ba siya?” tanong ni Jasmine. “Isa lang siyang fake heiress na itinapon ng mga Gatchalian! Ilang taon siyang nag-enjoy sa yaman at luho gamit ang pangalan ng eldest daughter ng Gatchalian family! Ngayon na nabunyag na ang tunay niyang identity, pinalayas siya na parang asong gala!” “Swerte na nga siya na napangasawa siya ng Villacorta!” galit na sigaw ni Jasmine, nakataas ang baba habang masama ang tingin kay Ophelia. “She doesn't know what's good for her. Hindi pa siya marunong magpasalamat—nang-aasta pa siya ng bastos!” dugtong pa niya, halatang gigil. "You really should discipline her!" mariin niyang sinabi habang lumilingon kay Dominic, parang inuudyukan ito. Lalong kumunot ang noo ni Dominic sa mga sinabi ni Jasmine, halatang hindi nagustuhan ang sitwasyon. “Ophelia, bakit ganyan ka ka-disrespectful sa Mommy ko?” tanong ni Dominic. “Kahit may sabihin man siya sa’yo, bilang daughter-in-law, hindi mo ba kayang magtiis kahit para sa akin?” Mahigpit na kinuyom ni Ophelia ang kanyang mga kamay, pilit pinipigilan ang galit na kumukulo sa dibdib niya. Dapat noon pa niya nakita ang tunay na ugali ni Dominic. Dati, naiintindihan pa niya ang sitwasyon nito na naipit sa pagitan ng nanay niya at asawa. Pero ngayon? Nakakatawa na lang. Tumingala siya at tiningnan si Dominic. “Magtiis?” Kunootnoong tanong ni Ophelia. “I’ve endured your Mom’s sarcastic remarks for a year… pati na rin ang masasakit na salita ni Jasmine. Hindi pa ba sapat yun?” Napatingin siya sa mansanas na gumugulong sa sahig. “Pagpasok ko pa lang dito, binato na ako ng nanay mo. Si Jasmine naman, tinawag agad akong slut.” Tumingin siya kay Dominic. “Yan ba ang sinasabi mong ‘a few words’ lang?” Sasagot na sana si Jasmine, pero agad siyang pinutol ni Ophelia. “Jasmine, I am your brother’s lawfully wedded wife. Pero patuloy mo akong minumura… hindi ba ikaw ang unang naging bastos?” Sa isang pangungusap lang, namula ang mukha ni Jasmine, and Dominic was also speechless for a moment. Hindi na sila muling tinignan ni Ophelia. Tinalikuran niya ang tatlo at naglakad palayo. Her former submissive demeanor is completely gone. Sumigaw si Jasmine sa galit, habang nagmumura si Violeta. “This is outrageous! Dominic, hahayaan mo na lang ba siyang apihin kami?” Bwelta ni Violeta sa anak. “Ano bang balak mo? Itatago mo pa rin ang impostor na ‘yan at hindi hihiwalayan? Gusto mo ba akong patayin sa sama ng loob?” Si Dominic, na kakasermonan lang, ay napahawak sa sentido niya at halatang iritado. “Enough, Mom!” sigaw nito. “She’s pregnant. Unstable ang emotions niya ngayon. Dapat mas pagpasensyahan niyo siya.” Pagkasabi nun, tumalikod siya at hinabol si Ophelia. Naiwang nakatulala sina Violeta at Jasmine. Pregnant? Buntis ang babaeng ‘yon?! Natagpuan ni Dominic si Ophelia sa kusina. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya sa kusinera na tumutulong, at agad itong umatras. Hinawakan ni Dominic ang pulso ni Ophelia at hinila siya palapit. Medyo galit na ang ekspresyon niya. “Alright, Ophelia. What’s wrong with you?” galit niyang tanong sa asawa. “Matagal lang akong hindi nakauwi, ganyan ka na agad umasta sa nanay at kapatid ko?” “I told them you’re pregnant.” Malakas na bumuntong hininga si Dominic. “From now on, ang buong Villacorta ay mag-aadjust sa’yo. Are you satisfied now?” Narinig iyon ni Ophelia at napangiti na lang siya pero puno ng pangungutya. “Dominic, you really value the child in my womb.” Mula nang mabunyag na fake heiress siya, mas mababa pa sa katulong ang tingin sa kanya ng mga Villacorta. Sa tuwing bumabalik siya rito, paulit-ulit niyang tinitiis ang lahat. At ngayon? Handa nang magpakumbaba ang nanay at kapatid ni Dominic? It was because he was convinced that the child in her womb was his and Claudette's, so he was willing to put on this attitude. Nang makita niya ang tunay nitong kulay, lalo lang siyang nandidiri. Bigla siyang tumalikod at nagsimulang magsuka. “You—” Dominic's face was ugly. Hindi niya napigilang magpakita ng konting disgust nang maamoy ang suka ni Ophelia. Sasawayin na sana niya si Ophelia, nang biglang dumating sa pintuan ang housekeeper na si Manang Lordes. “Ma’am Ophelia, bakit nandito ka pa? Kanina ka pa hinihintay ni Senyora Cynthia. Sumama ka na sa akin, dali.” Nagbanlaw ng bibig si Ophelia. Maputla ang mukha niya nang magsalita. “Wait… gumawa ako ng soup para kay Lola.” Tinuruan na niya ang kusinera sa phone habang papunta siya, kaya pwede na niyang dalhin iyon ngayon. Senyora Cynthia lived in a separate small villa in the backyard of the Villacorta residence. “Apo, finally dumating ka na!” masayang bati ng matanda, agad na lumiwanag ang mukha habang iniabot ang kamay kay Ophelia. “Come here, let Grandma see you,” dagdag niya, hinihila ito palapit at sinisipat ang itsura niya. Napakunot ang noo niya habang pinag-aaralan ang mukha ni Ophelia. “Why do you look so haggard?” nag-aalalang tanong niya. Bahagya siyang tumigil, saka bahagyang lumalim ang tingin. “Did Dominic bully you?” Nanghihina na ang kalusugan ni Senyora Cynthia kaya nakatira siya sa isang nursing home. Pero once a week, bumabalik siya sa mansion, at sa araw na iyon, kailangang umuwi rin si Ophelia para alagaan siya. Mas gusto pa ni Senyora Cynthia si Ophelia kaysa kay Jasmine. At siya lang din ang nag-iisang tao sa buong Villacorta na nanatiling mabait at loyal kay Ophelia kahit nalaman na ang totoo tungkol sa background niya. Sumunod si Dominic. “Grandma, parang ayaw mo na sa eldest grandson mo ngayon na may granddaughter-in-law ka na.” His face was full of jealousy. “At sino naman sa Villacorta ang maglalakas-loob na i-bully siya? Ophelia is pregnant, and we all love her very much.” Halos mapatalon sa saya si Senyora Cynthia. “What?” Nanlaki ang mata ng matanda. “Ophelia, totoo ba ‘yan?” Alam ni Ophelia na hindi na niya maitatago ang pagbubuntis niya. Kaya napilitan na lang siyang tumango. “Yes, Lola.” Sobrang natuwa si Senyora Cynthia kaya agad niyang inutusan si Manang Lordes na kunin ang family heirloom bracelet mula sa safe. Si Violeta, na agad dumating nang marinig ang ingay at nakita ang eksena ay halos mapasigaw sa galit. Hindi pa nga niya natatanggap ang family heirloom bracelet tapos ibinigay na agad kay Ophelia?! Napatingin si Jasmine sa kanyang ina, namumula ang mata sa galit. “Mom, Lola just gave that family heirloom bracelet to that slut, Ophelia!! Noong pinanganak mo kami ni kuya, hindi ka man lang niya binigyan!” reklamo ni Jasmine, nanginginig ang boses sa galit habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay. “Ikaw na ang nag-manage ng buong pamilya all these years, ang dami mong hirap—even if you haven't done anything great, hindi pa ba sapat iyon? She skipped you and gave it directly to Ophelia!” galit niyang saad, halatang hindi matanggap ang nangyari. Umiling siya, puno ng sama ng loob. “Hindi ko talaga maintindihan si Lola,” bulong niya, nanginginig ang boses sa inis at hinanakit. “It's all because of that vixen, Ophelia!” Namumutla at namumula sa galit ang mukha ni Violeta, bahagyang nanginginig ang balikat niya. “Ngayon pa lang na buntis siya, pinapaboran na siya ng kapatid mo, and scolding us to protect her. Pati ang Lola niyo, ibinigay pa sa kanya ang family heirloom!” “If she really gives birth to the eldest son of the Villacorta family… may lugar pa ba tayo dito?” A vicious scheme flashed across Violeta's face. “Hindi… hindi pwedeng manganak si Ophelia!” Pagkarinig nito, kinilabutan si Jasmine pero kasabay nun, lalong tumindi ang galit niya kay Ophelia. Biglang nanginig si Ophelia. Napalingon siya sa may anino at nakita ang dalawang taong mabilis na umalis. Walang lasa ang naging pagkain. Hindi umuwi ang father-in-law niyang si Ignacio. Kaya si Senyora Cynthia lang ang masayang nagce-celebrate sa pagbubuntis ni Ophelia. Pagkatapos mapakalma ang matanda, agad tinanggal ni Ophelia ang bracelet nang makasakay na siya sa kotse palabas ng Villacorta mansion. “Ophelia, anong ibig sabihin nito?” Nakita iyon ni Dominic at agad napakunot ang noo. “Minamaliit mo ba ang bracelet na ‘yan?” The Villacorta family had only been wealthy for three generations. Therefore, the bracelet wasn't of particularly high quality. It only seemed valuable because of its age and the fact that it was a family heirloom. But what hadn't Ophelia seen since childhood? The Gatchalian family had pampered her like a precious jewel. Kaya in-assume ni Dominic na minamaliit niya iyon. Galit na galit ang mukha nito habang malakas na hinampas ang likod ng upuan ni Ophelia. “Ophelia, don’t go too far!” Bago pa makapagpaliwanag si Ophelia, puno na ng galit ang boses ni Dominic. “Don’t forget, even if the Gatchalian family rejected you, tinanggap ka pa rin ng Villacorta bilang daughter-in-law! Kaya anong karapatan mong maliitin ang bracelet na ‘yan?” The sinister look in Dominic's eyes was like a ferocious beast about to devour someone. He had always played the role of a gentle and considerate husband, and now he was finally going to show his true colors? Matagal ng nagpapanggap si Dominic, iniisip siguro na once ma-buntis si Ophelia, hindi na siya makakatakas pa. Ophelia suppressed the turmoil in her heart and deliberately showed a sad expression on her face. “Dominic… so this is how you see me?” Namumula ang mga mata niya habang maingat niyang binalot ang bracelet sa panyo at inilagay sa bag. “Iniisip ko lang na sayang kung masira ang isang bagay na ganito kaimportante. I’m really grateful for Grandma’s kindness kaya paano ko naman magagawang magreklamo?” “Also, sabi ni Lola, para ito sa eldest daughter-in-law ng Villacorta. +Pero mas safe siguro kung ilagay na lang ito sa safe sa bahay.” “Only after the Villacorta eldest grandson is truly born will his mother be qualified to wear this bracelet. Dominic, don’t you think so?” Sadyang nagkunwari si Ophelia na parang api, may halong sakit pero pilit pinipigilan ang luha habang diretso siyang nakatingin kay Dominic. Dahil doon, medyo lumambot ang ekspresyon ni Dominic. Hinila nito ang kwelyo at sumagot na parang obvious lang ang lahat. “You’re right. Only the true mother of the eldest grandson is qualified to receive this family heirloom.” Palihim na ngumisi si Ophelia. Si Claudette ang iniisip niya ngayon, hindi ba? But it's a pity their child is already tainted. Sisiguraduhin niyang dudurugin niya ang ilusyon nilang iyon sa tamang oras. Napansin ni Dominic ang malamig na tingin ni Ophelia, at hindi siya naging komportable. “Alright, I was wrong earlier. Hindi kita dapat sinigawan. Pero mali ka pa rin. Hindi ko na papatulan yung pagsagot mo kay Mom this time. But there won’t be a next time. Naiintindihan mo?” Pagkasabi nun, hinawakan niya ang mukha ni Ophelia, parang nagpapakita ng konting pagsisisi. Pagkatapos, pinababa na niya si Ophelia ng sasakyan. Nag-excuse si Dominic na busy siya sa company at pinaubaya na lang sa driver ng Villacorta na ihatid si Ophelia pauwi. Pagkawala na pagkawala ng sasakyan ni Dominic sa paningin niya, agad naglabas si Ophelia ng panyo at mariing pinunasan ang pisngi na hinawakan nito. Her cheek was burning with pain. Sa sobrang pagkasuklam, itinapon niya ang panyo sa lupa. Pagdating sa bahay, hindi naman talaga inilagay ni Ophelia ang bracelet sa safe. Sa halip, tinawagan niya ang isang kakilala na matagal na niyang hindi nakakausap. “Sir, long time no see, Sir Manuel” bati niya. “May set ako ng jade ornament design drawings… pwede mo ba akong tulungan na gawin ‘to?” Halos mapatalon sa tuwa si Manuel nang marinig ang boses ni Ophelia. “Ophelia? Ikaw ba talaga ‘yan?! Oh my God… ikaw yung sikat na L’Artiste na nag-retire na! If you want to come out of retirement, of course tutulungan kita! But… sigurado ka ba talaga na babalik ka?”Chapter 145Eksakto alas-otso y medya ng gabi.Kumatok si Jasmine sa pinto, at pagkabukas ni Ophelia ay agad niyang nakita si Jolie na mahimbing na nakahiga sa sahig."Mahimbing ba ang tulog?" tanong ni Ophelia habang nakatingin sa katulong."Don't worry, Ophelia. Iyong sleeping pills na nakuha ko sa kwarto ni Dr. Almoneda, hinalo ko sa baso ng tubig na ininom ni Jolie bago siya natulog," bulong ni Jasmine sabay senyas na ayos na ang lahat. "Mas mahimbing pa ang tulog niyan kaysa noong tanghali."Nagsuot na ng coat si Ophelia at hinigpitan ang pagkakaayos ng kanyang collar. "Let’s go."Naintindihan na niya ang tungkol sa painting, kaya wala na siyang dahilan para manatili pa sa bahay ng mga Villacorta. Nauna na ring nailabas ni Arlando si Dr. Almoneda gamit ang rutang itinuro ni Jasmine.Maingat na sumunod si Ophelia kay Jasmine. Pa-simple silang nagtatago at umiilag sa mga security cameras sa bawat sulok na dinadaanan nila."Paano mo nalaman ang daan na 'to?" tanong ni Ophelia, hanga
Chapter 143Napatulala si Claudette sa inasal ni Dominic. Kinabahan siya sa narinig."Realidad? Dom, ano’ng ibig mong sabihin?" tanong ni Claudette habang mabilis na lumapit at yumakap sa mga braso ng lalaki. "Ako ba ang dahilan ng gulo? Kasalanan ko ba kaya ka nahihirapan?"Hindi agad sumagot si Dominic kaya mas lalong naging emosyonal si Claudette."I know our relationship has put you in a difficult situation," dagdag pa niya habang nakabaon ang mukha sa dibdib nito. "Kung busy ka talaga, kaya kong lumayo muna sa’yo. Pero Dom, kahit text messages lang sana kapag pagod ka na, para lang malaman ko na okay ka. Sobrang nag-aalala ako sa’yo."Inangat ni Claudette ang kanyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ni Dominic. Tumingin siya rito nang puno ng pagmamahal at pag-aalaga.Dahil sa haplos na iyon, tila lumambot ang mga mata ni Dominic. Iniiwasan niya si Claudette nitong mga nakaraang araw, pero mahal niya pa rin naman ang babae. Para sa kanya, napakabait ni Claudette at palag
Chapter 142Punong-puno ng pagsisisi si Dr. Almoneda. Pinagsisisihan niya ang padalos-dalos na pag-atake kay Ophelia. Masyado niyang minaliit ang babae, hindi niya alam na handa pala ito.Tinignan ni Ophelia si Arlando at nag-utos. "Busalan mo siyang muli. Ilabas niyo siya kapag madilim na.""Masusunod po," sagot ni Arlando habang mabilis na kumikilos.Nanlaki ang mga mata ni Dr. Almoneda sa takot. Nagpupumiglas siya na tila tinatanong si Ophelia kung bakit hindi ito tumupad sa usapan."Sinabi ko bang pakakawalan kita ngayon?" malamig na tanong ni Ophelia. "Pwede kong panindigan na wala akong alam sa mga pagnanakaw niyo ni Manang Lordes kay Lola, at hindi ko kayo isusumbong.""Pero hindi ko sinabing hindi tayo magtutuos sa pagtatangka mong turukan ako ng droga para saktan ako!" dagdag pa niya.Halos himatayin sa galit si Dr. Almoneda. Nang makita ang hitsura nito, lalong tumigas ang boses ni Ophelia. "Maghintay ka, may pagkakataon ka pa namang pagbayaran ang mga kasalanan mo."Tumingi
Chapter 141Sa isang iglap, naipasok ni Jolie ang karayom sa ugat sa leeg ng doktor. Pati si Jolie ay nagulat sa sariling galing. "Grabe, may talent pala talaga ako sa ganito!""Huwag! Pakiusap, huwag niyong ituloy!" halos mawalan ng ulirat sa takot si Dr. Almoneda. "Gamot po 'yan na nagiging sanhi ng muscle atrophy! Magkakaroon po ng symptoms na parang ALS ang ituturok niyan! Please, maawa kayo..."Nanginginig ang buong katawan ni Dr. Almoneda habang umaagos ang luha. Sa pagkakataong ito, alam ni Ophelia na totoo na ang sinasabi niya. ALS symptoms? Ibig sabihin ay hindi makakagalaw at hindi makakapagsalita—parang naging gulay na rin.Sa sobrang galit ni Jolie, gusto na niyang ituloy ang pag-inject, pero pinigilan siya ni Ophelia sa pamamagitan ng isang tingin. Napilitan si Jolie na hugutin ang karayom."Dr. Almoneda, mahigit sampung taon tayong magkasama sa iisang bubong, 'di ba?" sigaw ni Jolie na punong-puno ng poot. "Hindi ko akalain na isa kang hayop! Doktor ka pa naman, paano mo
Chapter 140Nagtaka si Tiago at napakamot sa ulo. "Ano po iyon, Madam? Mukhang wala naman pong nawawalang paintings sa mga nakasabit dito.""Sigurado ka? Parang may kulang talaga, eh," dagdag pa ni Ophelia para lalong magduda ang mga tao.Hindi nagtagal, kumalat ang balita sa bawat sulok ng mansion na naghahanap ang Madam ng nawawalang painting.Pagkatapos ng tanghalian, biglang dinalaw ng matinding antok si Ophelia. Maaga siyang pumasok sa kwarto para mag-nap. Sa sobrang himbing ng tulog niya, hindi na niya namalayan na dahan-dahang bumukas ang pinto at may pumasok sa loob.Isang matangkad at matipunong lalaki ang tumayo sa tapat ng kanyang kama. Matagal itong nakatitig sa mukha ni Ophelia."Madam?" tawag nito nang mahina. "Madam, gising po ba kayo?"Dahil walang sagot si Ophelia, kinuha ng lalaki ang isang bagay mula sa kanyang bulsa. Dahan-dahan niyang hinila ang pulso ni Ophelia palabas ng kumot.Pagkatapos ng kaunting kaluskos, lumabas ang hawak ng lalaki isang syringe na puno ng
Chapter 139Tinitigan ni Ophelia si Dominic nang may pagdududa, habang si Dominic naman ay tila kinukurot ang puso sa sakit. Ramdam niyang hindi ito naniniwala sa kanya. Buong gabi siyang pabalik-balik sa higaan, hindi makatulog dahil sa iniisip ang pag-aaway nila."Bakit ganyan ka makatingin? Galit ka pa rin ba?" tanong ni Dominic habang sinusubukang basahin ang emosyon ng asawa.Gusto sana niyang puntahan si Ophelia sa gitna ng gabi para magmakaawa, pero pinigilan siya ng pride niya kaya hinintay na lang niya ang bukang-liwayway. Nag-check pa siya sa Facegram para tignan ang mga update, at doon niya nakitang natutulog lang ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya."Gusto ko lang talagang magkaayos tayo, Ophelia. Seryoso ako," dagdag pa niya.Kung hindi siya seryoso, sana ay maaga pa lang ay umalis na siya at iniwan itong naka-lock sa lumang bahay. Pero ang paulit-ulit na pagkawala ni Ophelia ay muntik na niyang ikabaliw. Kahit kasama niya si Claudette, mukha pa rin ni Opheli
Chapter 126Pagkababa ng phone ay muling huminga nang malalim si Ophelia. Inisip niya na baka wala namang kinalaman ang kakaibang kilos ni Magnus kanina sa kanyang sikreto. Baka sadyang naging sensitibo lang siya. Kung may alam na ito, siguradong hindi siya nito hahayaang makaalis nang basta-basta.
CHAPTER 36Gayunpaman, hindi siya umalis. Sa halip, tumigil siya nang marinig ang boses ni Ophelia at dahan-dahang itinuon ang kanyang paningin sa babae.Naka-suot si Ophelia ng maluwag na khaki trench coat at ang kanyang mahabang buhok ay nakatali ng ponytail. Kahit sa simpleng pananamit, hindi ma
CHAPTER 35"Dominic, we just happened to run into each other," paliwanag ni Rafael na tila sumusuko na sa tensyon. "Bakit ka ba nagseselos sa akin? You know I'm just being friendly."Hindi nakasagot agad si Dominic. Nanatiling nakapako ang tingin niya sa dalawa na magkatabi sa harap ng painting. Pa
CHAPTER 24Matapos ibaba ang tawag, sa wakas ay kumalma na ang puso ni Ophelia na buong magdamag na binalot ng kaba. Mabuti na lang at kumilos siya nang mabilis para paalisin sina Dr. Monroe at ang nurse. Kung hindi, hindi niya mapapatawad ang sarili sa anumang pwedeng mangyari.Dahil dito, muling







