Share

Kabanata 4: Anak

"Dianna, I am pregnant!" Hawak ko ang aking dibdib ng kumalabog ang pintuan ng aking opisina, kasabay ng pag-abot sa akin ni Chelsea ng isang pregnancy test na may positibo na resulta. Nanlaki ang aking mga mata.

"Oh my gosh! It's definitely a good news, Chelsea. Masaya ako para sa inyo ni Dave."

"Congratulations!" dagdag ko pa at ibinalik sa kaniya ang pregnancy test. Natutuwa naman siyang umupo muna sa silya na nasa harapan ng aking table.

"Alam na ba ni Dave?"

"Actually, hindi pa. Ngayon ko lang nalaman, at umiisip pa ako ng way para naman maging unique iyong pagsabi ko sa kaniya."

"Iyong tipo na mai-iyak talaga siya kapag nalaman niya!"

"Dianna, ang saya ko talaga. I mean, iba pala talaga sa pakiramdam kapag malalaman mo ng magiging Mommy ka na soon." I saw the glow on her face and smile. She was so happy, it's too obvious. Well, who wouldn't?

"Tiyak ko naman na kahit sa paanong paraan mo iyan ibalita sa asawa mo ay abot langit ang magiging ngiti niya." Mas naging malawak pa ang kaniyang tingin, ang mga mata niya ay tila ba naglalaman na ng mga bituin.

"Ay, natitiyak ko rin iyan! Paano ba naman makailan ulit na kaya kaming nagyugyugan, at sa wakas ngayon naging worth it na rin ang pa-fireworks niya sa loob ko." Humalakhak siya, ako naman ay natatawa rin na napasapo sa aking noo.

"Oo na, ikaw na ang masaya. At dahil diyan ay ia-announce ko sa buong team ang magandang balita para makapag-celebrate tayo."

"Gusto ko 'yan! Eh, maiba ako..."

"Kayo ba ni Lucas, kailan niyo balak magkaroon ng anak?" Napatulala ako. Sa loob ng tatlong taon namin bilang mag-asawa ay hindi pa talaga namin napagu-usapan ang pagkakaroon ng anak, ngunit hindi rin naman natatanggal sa aking isapan iyon, dahil isa rin ito sa aking pangarap.

"Hm, hindi pa namin napagu-usapan, dahil nga sa trabaho. Ayoko rin naman isabay dahil nga tiyak na hindi rin naman niya mabibigyan pansin, lalo na at marami siyang proyekto na kailangan matapos."

"Bakit hindi mo i-try? Ibig kong sabihin, lalaki iyong si Lucas. Hindi man lang ba siya naglalambing sa iyo?"

"Don't tell me kahit sexy time ay nalilimutan niyo na gawin?" Napangiwi ako, dahil tila nasampal ako ng kaniyang mga sinambit.

"Oh, bakit hindi ka na makapagsalita diyan? Nako, Dianna! Dapat sa mag-asawa, hindi nawawala ang init sa kama."

"Ikaw talaga, syempre gusto ko na rin naman talaga magkaroon ng anak. Ang totoo niyan ay pinagi-isipan ko na rin iyan nitong mga nakaraan na araw."

"Ganoon naman pala! Eh 'di maaga ka umuwi mamaya, huwag mo na palipasin pa ang mga araw. Kung ayaw ng outdoor adventure ni Lucas, ay baka indoor adventure ang gusto."

"Malay mo rides with Dianna Rodriguez pala ang nais!" Hindi ko napigilan na matawa sa kaniyang sinabi, ngunit sa dulo ay napangiti rin ako.

Maga-ala-sais na ng gabi, at ngayon ay naisip ko na umuwi nga ng maaga, marahil pagkatapos ko pirmahan ang mga natitira na dokumento sa aking lamesa.

Pagdating nga sa bahay katulad ng dati ay wala pa rin si Lucas, hindi naman na din iyon nakakabigla dahil madalas nga siya nago-overtime sa kaniyang trabaho.

Dahil sa wala pa naman siya ay naisipan ko na lang muna na magpahinga. 

Habang nakaupo mag-isa ay hindi ko mapigilan na lumipad ang aking isipan, lalo na sa katahimikan. Ngayon ko lamang napagtanto na sa mga nakalipas na panahon ay tila ba nawala ang init sa pagsasama namin ni Lucas, sinisisi ko rin ang aking sarili kung bakit nga ba tuwing nagiging ma-distansya siya sa akin ay wala akong ginagawa.

Sa aking damdamin ay may kaunti rin akong inggit na naramdaman ng ibalita sa akin ni Chelsea na magkaka-anak na siya. Isang taon pa lamang silang kasal ni Dave, parehas din naman silang may trabaho, ngunit naunahan pa nila kami sa pagbuo ng pamilya.

Ilang minuto lamang ay narinig ko na ang busina ng kotse ni Lucas. Mabilis akong napatayo mula sa aking pagkakaupo at masaya siya na sinalubong. At sa gabi na ito ay hindi ko hinayaan na mawaglit sa aking isipan ang nais ko sabihin sa kaniya.

It's already passed 9:00 in the evening. We are now both laying on our bed with his laptop on his stomach, typing furiously. I can hear the music blasting through the headphones he wore something that he didn't usually put on.

Tumikhim ako at saka kinalabit siya, at iminwestra na tanggalin niya ang kaniyang headphones, na kaniya naman ginawa.

"Why?" walang gana na tanong niya sa akin, habang nakatutok pa rin sa laptop ang kaniyang tingin.

"Honey..." Marahan ko na hinaplos ang kaniyang braso.

"Naisip ko lang na gusto ko na gumawa ng pamilya. Ahm...gusto ko ng magkaroon tayo ng anak." Yumakap ako sa kaniyang braso, ngunit dahan-dahan niya iyong inalis at nang magtama ang aming paningin ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang salubong niyang mga kilay.

"Dianna, napag-usapan na natin ito dati hindi ba? Gusto ko naman sa iyo ibigay ang lahat, alam mo 'yan. Kaya lang hindi ko rin naman pwede isantabi itong trabaho ko."

"My career is still on its unstable status. Nais ko na maging maayos muna ang lahat sa negosyo ko para naman secure na ang future natin. At hindi ko iyon magagawa kung magpo-focus ako sa ibang bagay." Napalunok ako at bahagya ng napalayo sa kaniya, tila ba ay may kung ano na tumusok sa aking puso. Habang ina-alala ang pangarap na magkaroon ng anak na makakalong ko sa aking mga bisig ay pumipiga sa aking puso.

"Pero, Lucas..." may pagsusumamo pa sa tono ng aking boses.

"Hindi na tayo buma-bata pa. Gusto ko ng magkaroon ng pamilya sa iyo. Wala naman siguro masama dito sa sinasabi ko dahil tatlong taon na rin naman tayong kasal." Bumuntong hininga siya ng malalim kasabay ng pagsara niya sa kaniyang laptop.

"Dianna, pangako ko sa iyo na kapag stable na ang trabaho ko ay darating tayo diyan sa gusto. But for now, I am really sorry but I can't give what you're asking for." Tuluyan ng bumagsak ang aking balikat, naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata.

Gustong-gusto ko na magkaroon ng anak, ngunit alam ko rin naman na hindi ko mapipilit si Lucas sa ganitong klase na sitwasyon, dahil mas nais ko na ang aming anak ay maging bunga ng pagmamahalan namin at hindi dahil sa pinilit ko lamang siya.

"N-Naiintindihan kita, Lucas. Hindi naman kita pini-pilit, gusto ko lang malaman mo na mahalaga para sa akin ang pangarap ko na magkaroon din tayo ng anak, para na rin mas maging makulay pa ang pagsasama natin."

"Don't be sad, Dianna. Kaunting tiis at hintay na lamang. I promised that we will make that dream come true. Alright?"

"Matulog na tayo at pagod na rin ako." Tipid akong ngumiti at tumango na lamang sa kaniya. At sa aking paghiga sa kaniyang tabi ay tahimik kong hinayaan na pumatak ang aking mga luha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status