Share

Kabanata 5: Forgotten

He gentle stroke my back as I lay down in bed, holding me close. His lips move down to the crook of my neck as his hand moves up and down my bare thigh.

"Oh, Lucas..."

"I want to make you happy, Dianna. Gusto kitang bigyan ng anak." Ang malambot niya na labi ay patuloy na dinampian ang aking leeg, pababa sa aking dibdib.

"You're so beautiful, honey." Umarko na ang aking katawan, nang mag-umpisa ko ng maramdaman ang 'kaniya' sa aking pagkababae.

"It makes me want you even more." My fingers dig into his shoulders as his mouth presses against mine passionately. My heart races in a rush and I feel like crying out with happiness as he pushes me onto my back with a kiss so powerful.

"Ohhh, L-Lucas..." Napapikit ako, kagat ko ang aking labi ng maramdaman ko na ang kaniyang kahabaan.

Nanginginig ang aking katawan, habang nagpapatuloy siya sa kaniyang paggalaw ay hindi natatanggal ang labi niya sa ibabaw ng aking dibdib. Nagpalitan kami ng maiinit na halik at malalalim na ungol hanggang sa naramdaman ko na ang init na sumakop sa aking kalooban na nagmula sa kaniya.

"Mmm..." Dahan-dahan ko naimulat ang aking mga mata dahil sa matinding sikat ng araw na nagmumula sa may bintana sa aming kwarto. Inunat ko ang aking mga kamay.

"Honey?"

"L-Lucas?" Kinapa ko ang tabi ng kama kung saan ako nakahiga ngunit paglingon ko roon ay wala na pala si Lucas at katulad ng dati ay maaga na naman siyang pumasok sa kaniyang trabaho.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga, ramdam ko na basa ang aking pang-loob sa ibaba. Napasapo ako sa aking noo at malalim na napabuntong-hininga ng mapagtanto na panaginip lamang ang lahat.

Hanggang sa pagdating ko sa opisina ay wala akong gana sa aking bawat pag-galawa, bagama't panay sa akin ang bati ng mga ka-trabaho ko.

"Dianna?" boses ni Chelsea ang aking narinig.

"Pasok," mahina na sambit ko lamang.

"Coffee? Ipinagtimpla kita, pansin ko kasi na parang tulala ka lang, baka kailangan mo ng pampagising." Ngumiti ako sa kaniya at ibinaba sa lamesa ang tasa ng kape.

"Are you okay? I mean, patamlay ka yata ng patamlay? Dahil ba sa hindi ka na naihahatid ni Lucas?" Mapait akong napangiti.

"Hello? Magsalita ka naman!"

"I talked to Lucas about us having a child."

"Ah, talaga? So, ano ang sabi niya? Sinunggaban ka ba agad ng halik o baka naman sa sobrang excited niya ay ipinasok niya na kaagad ang sandata niya sa iyo?" Napa-irap ako sa kaniya at sumandal sa aking swivel chair.

"Hindi pa siya handa."

"Ang sabi niya ay gusto niya muna pagtuunan iyong mga problema sa kompanya nila."

"What?!"

"Nako naman iyang si Lucas! Paano kung hindi maubos ang problema roon sa trabaho niya? Baka naman menopause ka na ay wala pa rin siyang plano na anakan ka."

"Hindi ko naman siya pwedeng pilitin, Chelsea. At saka..."

"Ano?"

"Nangako naman siya sa akin. Basta maging stable lang ang kompanya ay itutuloy na namin iyong plano na magkaroon ng anak."

"Ay, ewan ko na lang talaga, Dianna. Hindi ka ba nagdududa sa asawa mo?"

"I mean, wala ka ba talaga napapansin?" Kumalabog ang aking puso, iniwas ko sa kaniya ang aking tingin.

"W-Wala naman. Chelsea, talagang busy lang talaga siya sa trabaho. At nangako na siya sa akin, at kaya ko naman maghintay."

"Kilala ko ang asawa ko. Alam ko na gusto niya rin naman magkaroon kami ng anak."

"Well, kung iyan ang desisyon niyo. Syempre wala naman akong magagawa, wala naman sa akin ang ari ng asawa mo." Ibinato ko sa kaniya ang folder na walang laman.

"Lumabas ka na nga! Baka may makarinig pa sa mga pinagsasabi mo."

"Aba! Honest lang ako, Dianna! Gusto ko lang din na maging masaya ka. Huwag ka lang talaga sasaktan ng asawa mo."

"At sana..."

"Sana nga ikaw ang tama, at mali iyong mga hinala ko."

Ganoon ang aking ginawa, naghintay ako. Ipinagdarasal ko rin araw-araw na sana nga ay maging stable na ang kanilang kompanya. Ini-isip ko na lamang din na para rin naman sa amin ang kaniyang ginagawa.

Dumating ang araw ng aking kaarawan, na siyang palagi kong pinakahihintay dahil sa ganitong pagkakataon ay napupuno ng saya ang paligid, bagama't nitong mga nakaraan na taon ay hindi nakadalo ang aming pamilya dahil nasa ibang bansa ang mga ito.

Hindi ko rin naman nararamdaman na mayroon kulang, dahil kasama ko amg aking asawa at hindi siya pumapalya na iparamdam sa akin kung gaano ako ka-espesyal. Ngunit ngayon ay 'di ko maitatanggi na parang may mali, na talagang mayroon nagbago.

Maaga akong nagising, hindi ko siya nakita sa aking tabi. Hindi rin naman ako nag-isip ng kahit anong negatibo. Sa aking kalooban, sa aking bawat paghakbang palabas ng aming kwarto ay mas na nanabik ako sa maaari kong makita na sorpresa. Ilang araw ko na rin kasi pinagi-isipan kung ano na naman ang pakulo na gagawin niya para magiging memorable na naman ang kaarawan ko ngayong taon.

"Good morning, honey!" masigla na bati ko sa kaniya, at ng malapitan ko na siya ay mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kaniya.

"Maaga ka yata nagising ngayon?" tanong niya, habang inaayos ang kohelyo ng suot niyang damit na pang-trabaho. Dumapo ang aking tingin sa nakahanda niya ng mga gamit.

"Saan ka pupunta?" Nang lingunin niya ako ay tila ba hindi pa siya makapaniwala.

"Dianna, anong klaseng tanong ba 'yan? Malamang ay magtra-trabaho ako." Bahagya na nagsalubong ang aking mga kilay.

"P-Pero, hindi ba ay pupunta tayo sa isang lugar, tapos doon ay may surpresa ka sa akin?" Umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"Seriously? Sa tingin ko ay inaantok ka pa, Dianna. Baka naman na nanaginip ka habang gising."

"No, Lucas. You're joking me right? It's a special day. You always get some off from your work to give me surprises every year, during this day."

"Special day?" Nagtimpi ako, umaasa na marahil ay binibiro niya lamang ako, tutal ay ganito naman ang mga nauuso ngayon sa social media.

"You really need to have your breakfast, Dianna. I am going. See you later." Bumagsak ang mga balikat ko ng wala pa rin siya naging tugon tungkol sa aking kaarawan at mas lalo na akong hindi makapaniwala ng kuhanin niya na ang kaniyang bag at naglakad palabas ng aming bahay. At kaagad ko naman siyang sinundan.

"Today's my birthday, Lucas. And you just simply forgot it for the very first time," sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking pisngi.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status