分享

Chapter 25

作者: Veyra Voss
last update publish date: 2026-11-02 22:06:47

Hindi mapakali si Mike matapos ang tawag mula sa clinic.Ilang minuto na siyang nakaupo sa loob ng kaniyang sasakyan, hawak ang cellphone at paulit-ulit na binabasa ang mensaheng ipinadala sa kaniya.

Kailangan niyang pumunta sa clinic para sagutin ang ilang katanungan tungkol sa araw ng procedure ni Ylaine.Hindi niya alam kung gaano karami ang nalaman ng mga ito.

Pero alam niyang hindi na basta-basta mawawala ang pangalan niya sa imbestigasyon.Muli niyang tinawagan ang lalaki mula sa restaurant.
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 35

    Hindi agad nakapag salita si Ylaine matapos marinig ang sinabi ni Daniel sa telepono.May hiwalay na inheritance claim ang batang dinadala niya.Ibig sabihin, hindi lamang siya ang may koneksyon sa pamilyang Montenegro. Pati ang anak niya ay maaaring magkaroon ng karapatan sa mga ari-ariang iniwan ng kanyang lolo at ng pamilya ng ama nito.Pero hindi pera ang unang pumasok sa isip niya.Kundi ang tanong kung bakit kailangang idamay ang isang batang hindi pa ipinapanganak sa mga kasalanan ng matatanda.“Mr. Montenegro,” mahinang tawag niya.Tumingin sa kaniya si Adrian.“Yes?”“Ayaw kong gamitin ang anak ko para sa anumang usapin tungkol sa mana.”“I understand.”“Hindi ko gustong maging dahilan siya ng panibagong away sa pamilya ninyo.”“Then we won't allow that to happen.”Napailing si Ylaine.“Hindi ganoon kadali. Hindi ko nga alam kung sino ang mapagkakatiwalaan ko sa pamilya ninyo.”Hindi sumagot si Adrian.Alam niyang may punto ang babae. Kung tutuusin, maging siya ay hindi na sig

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 34

    “Ylaine, ang tunay mong ama ay isang Montenegro.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Ylaine.Hindi siya agad nakapag salita. Nakahawak lamang siya sa cellphone habang pilit inuunawa ang narinig.“Hindi… hindi puwede.”“Ylaine, alam kong mahirap itong tanggapin.”“Hindi po, baka po nagkakamali lang kayo.” nanginginig na ang boses niya. “Ang alam ko, si Roberto ang ama ko. Siya ang nagpalaki sa akin.”“Si Roberto ang kinilala mong ama. Pero hindi siya ang tunay mong ama.”Napapikit si Ylaine.Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang impormasyong iyon. Buong buhay niya, alam niyang may ama siya. May mga litrato sila noong bata pa siya. May mga alaala siyang hindi niya kailanman kinuwestiyon.At ngayon, sinasabi ng isang estranghero na kasinungalingan ang lahat.“Sino po ang tunay kong ama?”Matagal na natahimik ang babae.“Hindi ko kayang sabihin sa telepono. Kailangan nating magkita.”“Hindi, gusto ko ng malaman ngayon. Kailangan niyo na sabihin sa akin ang

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 33

    Hindi na naman naka tulog ng maayos si Ylaine buong gabi. Paulit-ulit niyang binabasa ang message na natanggap niya. Hindi aksidente ang pagkakaugnay mo kay Adrian. Matagal ka ng bahagi ng plano ng kanyang ina.Ano ang ibig sabihin noon? Paano siya naging bahagi ng plano ng isang babaeng hindi naman niya nakilala? At higit sa lahat, bakit siya? Sa dami-rami ng babaeng pwedeng isali sa planong iyon, bakit siya?Kinabukasan, maaga siyang nakarating ng clinic. Nandoon na si Scarlett at naghihintay na ito sa consultation room.“Good morning. How are you feeling?”“Hindi maganda.”“Did you receive another message?”Tumango si Ylaine at ipinakita ang cellphone.Binasa iyon ni Scarlett bago ibinalik.“Ylaine, I need you to stay calm. Hindi natin alam kung sino ang nagpapadala ng mga mensaheng iyan. Posibleng gusto ka lang nilang guluhin at lituhin.”“Pero paano kung totoo?”“Then we'll find out through the records, hindi sa pamamagitan ng pagbabanta.”Bumukas ang pinto at pumasok ang isang

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 32

    Hindi mapakali si Ylaine matapos ang tawag ni Vincent.Paulit-ulit niyang tinatawagan ang numero nito, pero hindi na iyon sumasagot. Ilang beses din niyang binasa ang huling mensahe na natanggap niya.Huwag ka nang magtanong tungkol sa pangalawang specimen kung ayaw mong malaman kung sino talaga ang ama ng batang dinadala mo.Napahawak siya sa tiyan.“Anak, ano ba talaga ang nangyayari sa atin?”Hindi niya alam kung kanino siya magagalit. Kay Mike na ilang taon siyang niloko? Sa mga taong sangkot sa laboratoryo? O sa sarili niyang naniniwala na magiging maayos na ang lahat kapag nagkaroon siya ng anak?Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Scarlett.“Ylaine? What's wrong?”“Tumawag sa akin si Vincent.”Agad na nagbago ang tono ng kaibigan.“Vincent Hale?”“Oo. May sinabi siya tungkol sa pangalawang specimen.”“Ano raw?”“May dalawang specimen reference number sa folder na dinala niya sa clinic. Pareho raw may pangalan ng mga Montenegro.”Natahimik si Scarlett.“May sinabi ba siya k

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 31

    Tatlong buwan, iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Ylaine habang nakatitig sa dokumentong ipinadala ng clinic. Tatlong buwan bago ang kanyang ikaapat na artificial insemination procedure. Tatlong buwan bago pumayag si Mike na magbigay ng sample. Tatlong buwan bago niya muling inasa sa asawa ang pangarap niyang magkaroon ng anak. Pero bakit may dokumentong may pangalan ni Mike na may kaugnayan sa specimen transfer?“May posibilidad bang peke ang dokumentong ito?” tanong niya.“Possible,” sagot ng legal representative. “Pero hindi natin pwedeng balewalain ang matching reference number. Kailangan nating i-verify ang original record.”“Gaano katagal?”“Hindi pa namin masasabi. Kailangan din naming makuha ang archived records mula sa dating laboratory administrator.”Napayuko si Ylaine.Hindi niya alam kung gaano pa katagal bago matapos ang lahat.“Gusto kong makausap si Mike.”“Ms. Ylaine,” singit ni Adrian, “I suggest you wait until the document is authenticated.”Umiling siya.

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 30

    Hindi maalis ni Ylaine ang tingin sa dokumentong hawak niya. Isabella Montenegro, pangalan iyon ng ina ni Adrian. Paulit-ulit niyang binasa ang nakasulat sa ibabang bahagi ng papel, may pirma, petsa at isang authorization code na hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung bakit may pangalan ng isang babaeng matagal ng wala sa mundong ito sa dokumentong may kaugnayan sa nangyayari sa kanila. Mas lalong hindi niya alam kung bakit ngayon lang iyon lumabas. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinunan ng buo ang dokumento, ipinadala niya iyon kay Scarlett.Ylaine: May nakita na naman ako. Kailangan ko ng tulong mo.Hindi nagtagal ay tumawag ang kaibigan niya.“Ylaine, saan mo nakuha 'yan?”“May nag-send sa akin, hindi ko kilala kung sino.”“Don't forward this to anyone else yet. Kailangan nating malaman kung authentic ang document.”“Pangalan ng nanay ni Adrian ang nandiyan, Scarlett.”“I know pero hindi ibig sabihin na siya ang nag-utos. Pwedeng lumang authorization ito, pwedeng gin

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status