Share

8

Penulis: Allecorianna
last update Tanggal publikasi: 2026-08-10 10:43:41
ELYRIA

Halos hindi ako nakatulog buong gabi. Nasa ICU pa rin si Daddy at kahit ilang beses nang sinabi ng doktor na ginagawa nila ang lahat para maging stable ang kondisyon niya, hindi pa rin ako mapakali. Ilang beses akong bumangon mula sa upuan sa hallway para tingnan ang p***o ng ICU, umaasang lalabas ang doktor at sasabihing maayos na ang lagay niya. Sa bawat pagkakataong walang lumalabas, lalo lamang akong kinakabahan.

Bandang alas-singko ng umaga nang tuluyan akong nakatulog sa upuan. Na
Allecorianna

gusto mo ba ng romance/comedy/ spg? BASAHIN ANG MAID FOR THE BOSS!

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Husband's Endless Regret    14

    ELYRIAKINABUKASAN, maaga akong nagising kahit pakiramdam ko ay halos wala akong tulog. Ilang segundo akong nakahiga habang nakatitig sa kisame bago ko tuluyang naalala ang nangyari sa ospital. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako sa study room dahil sinabi ng family lawyer namin na kailangan naming ayusin ang mga dokumento ni Daddy bago magsimula ang funeral arrangements.Pagpasok ko sa study room, nakita ko agad ang ilang folder na nakapatong sa malaking mesa. Naroon na ang family lawyer namin kasama ang dalawang legal staff ng Ashbourne Group."Good morning, Miss Elyria. Alam kong napakabigat ng sitwasyon ninyo ngayon, pero kailangan nating ayusin ang ilang dokumento dahil bilang nag-iisang anak ni Mr. Ashbourne, kayo ang magiging legal successor ng ilang personal at corporate interests na naiwan niya."Umupo ako sa tapat niya at tumingin sa mga folder. "Alam kong kailangan kong gawin iyon, Attorney, pero gusto kong ipaliwanag ninyo sa akin ang bawat dokumento bago ako p

  • My Husband's Endless Regret    13

    STEVEN NANLAKI ang mga mata ko sa sinabi niya.Hindi ko agad napansin ang pagbabago sa monitor dahil nakatingin ako sa kanya.“Steven, alam kong hindi na ako magtatagal. Ano mang oras, puwede na akong mawala.”"Sir, huwag po kayong magsalita ng ganoon. Magpapahinga muna kayo at gagaling kayo. Kapag naging stable na kayo, kayo mismo ang kakausap sa board at tutulungan ninyo si Elyria na ayusin ang kumpanya."Hindi na siya sumagot nang muli siyang pumikit. Napansin kong hindi na gumagalaw ang dibdib niya gaya kanina."Sir?"Tiningnan ko ang monitor. Biglang naging tuloy-tuloy ang tunog nito at nagkaroon na ng flat line. Tumayo ako agad at pinindot ang call button."Nurse!"Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse. Kasunod nila ang doktor."Step outside, Mr. Laurent."Lumabas ako ngunit nanatili ako malapit sa pintuan. Naririnig ko ang mga utos ng doktor habang sinusubukan nilang i-revive si Adrian."Start CPR.""Prepare the medication.""Again."Hindi ako makagalaw hab

  • My Husband's Endless Regret    12

    STEVENPAGKARATING namin sa ospital, diretso kami ni Elyria sa ICU. Halata sa mukha niya ang pagod dahil ilang araw na siyang halos walang maayos na tulog. Kanina pa siya nakikipag-usap sa board at alam kong hindi naging madali para sa kanya ang buong meeting dahil bukod sa problema ng kumpanya, iniisip din niya ang kalagayan ng Daddy niya.Pagdating namin sa hallway ng ICU, agad siyang tumingin sa loob ng kuwarto ni Adrian."Pwede ba akong pumasok?""Tatanungin natin ang nurse, pero bago iyon, kumain ka muna."Napatingin siya sa akin."Steven, hindi ako gutom.""Alam kong hindi mo nararamdaman na gutom ka, pero buong araw ka ng halos walang kinakain. Kanina sa conference room, ilang oras kang nakaupo at nakikipagtalo sa board. Hindi mo puwedeng ipilit ang sarili mo hanggang sa ikaw naman ang bumagsak.""Marami pa akong kailangang gawin.""Alam ko, pero hindi mawawala ang mga problema ng Ashbourne dahil lang kumain ka ng ilang minuto. Mas kailangan mong may lakas ka dahil mas marami k

  • My Husband's Endless Regret    11

    ELYRIA"Wala ka namang magagawa,” nakangising sabi ni Damian.Mabilis akong tumayo."Huwag kang masyadong kampante.""Ano ang gagawin mo? Tatanggalin mo ako? Kailangan mo muna ng board approval. Babaligtarin mo ang resolution? Kailangan mo ulit silang kumbinsihin. Maghahanap ka ng bagong investors? Samantalang ako, may existing investors na handang sumuporta sa akin. Gusto mong harapin ako ngayon habang nasa ICU ang Daddy mo at ikaw pa mismo ang kailangang mag-asikaso ng kumpanya?""Kumpanya ng Daddy ko ito.""Sa ngayon.""At hindi ito magiging iyo."Muli siyang ngumisi."Ang gusto ko sa iyo, Elyria, matapang ka pa rin kahit alam mong wala ka nang sapat na resources para labanan ako. Pero huwag kang mag-alala. Hindi kita mamadaliin. Mas gusto kong makita kung gaano katagal mong kayang lumaban bago mo tanggapin na hindi mo na kayang iligtas ang kumpanya.""Hindi ako susuko.""Sinabi mo na iyan.""At uulitin ko hanggang marinig mo.""Ulitin mo kahit ilang beses. Hindi naman mababago ng

  • My Husband's Endless Regret    10

    ELYRIAHindi agad natapos ang meeting pagkatapos ng mungkahi ng senior board member. Ilang minuto pang pinag-usapan ng mga directors ang magiging saklaw ng temporary authority na ibibigay kay Damian. At habang pinagmamasdan ko silang isa-isang nagbibigay ng opinyon, lalo kong nararamdaman ang inis sa dibdib ko. Gusto kong tumutol sa lahat ng sinasabi nila, pero alam kong kailangan kong maging maingat. Kapag nawalan ako ng composure sa harap ng board, lalo lamang akong gagamitin ni Damian bilang dahilan para sabihin nilang hindi pa ako handang humawak ng kumpanya.Sa kabilang bahagi ng mesa, tahimik lamang si Damian. Nakaupo siya nang maayos at paminsan-minsan ay tumatango kapag may nagsasalita. Para siyang isang taong walang pakialam kung ibibigay ba sa kanya ang authority o hindi, pero kilala ko na siya ngayon. Alam kong iyon lamang ang ipinapakita niya sa harap ng ibang tao."Kung wala ng ibang objection, maaari na nating ilagay sa board resolution ang temporary authority ni Damian

  • My Husband's Endless Regret    9

    ELYRIABandang alas-siyete, bumalik ako sandali sa ICU upang tingnan si Daddy bago kami umalis. Hindi ko siya maaaring makausap dahil sedated pa siya, pero ilang minuto akong nakatayo sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya bago ako tuluyang lumabas.Pagdating namin sa Ashbourne Group, agad kong napansin ang kakaibang tensiyon sa buong building. May ilang executives na mabilis na naglalakad patungo sa conference room at may mga empleyadong nag-uusap nang mahina. Alam kong kumalat na ang nangyari noong nakaraang araw..Pagpasok ko sa conference room, halos kumpleto na ang board.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Damian. Kasunod niya si Valentina. Napansin kong kalmado ang expression ni Damian. Kung hindi ko alam ang totoong ugali niya, iisipin kong isa siya sa mga taong pinakanaaapektuhan sa nangyari kay Daddy. Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko."Elyria, kumusta ang Daddy mo? Nabalitaan kong nasa ICU pa rin siya. Kung kailangan ninyo ng kahit a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status