Share

Kabanata 10

EMELY

FOUR YEARS AGO

Nakatulala lang ako sa may mahabang pasilyo ng ospital, sa may labas ng room kung saan nakalagi si Papa. Natuyo na ang mga luha kong walang humpay kanina dahil sa takot na baka bigla na lang itong mawala sa amin. Marami pa akong pangarap para sa kanila ni Mama, kaya hindi ko pa kakayanin na mawala siya at mabawasan ang pamilya namin. 

"You father has COPD, at kinakailangan niyang sumailalim sa lung volume reduction...The surgery costs around 1.2 to 1.5 million pesos," naaalala kong sambit ng doktor kanina bago siya lumabas sa silid. 

Nasa loob si Mama, at nasa klase naman niya si Gigi na ngayo'y grade 8. Mabuti na lang at tapos na ang klase ko nang tumawag sa akin si Mama kanina. 

Tumulong muli ang mga luha ko. 

Matagal na palang may iniinda si Papa, pero pinili niyang huwag pansinin dahil wala kaming pera. Bukod doon ay dahil nag-aaral pa kami ni Gigi. Naibaon ko na lang sa mga palad ko ang mukha ko. 

Saan kami kukuha ng higit isang milyon para kay Papa? Kahit yata tumigil ako sa pag-aaral para magtrabaho ng araw at gabi ay hindi sasapat ang kikitain ko. 

***

"Love, are you okay?" Napabalik ako sa wisyo nang tapikin ako ni Drake. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa mukha ko. "May problema ba?" 

Pilit akong ngumiti saka umiling. "Wala, love. May iniisip lang ako,"

Isinara ni Drake ang librong binabasa niya at humarap sa akin. Lunch break ngayon, at magkasama kami kagaya ng palagi. Sinapo ni Drake ang mukha ko at sinipat-sipat bago sumimangot. 

"You look like a zombie, Em. Ang laki ng eyebags mo--teka, umiyak ka ba?" 

Ini-iwas ko ang mukha ko mula sa pagkaka-kapit niya at tumawa ng peke. "Nag-cram ako kagabi, halata ba?" pagsisinungaling ko.

Pinaningkitan niya lang ako ng mata na para bang hindi siya naniniwala. Alam kong hindi ako magaling magsinungaling, pero hindi ko pa lang kasi kayang sabihin sa kaniya ang problema ng pamilya ko. Marami siyang iniisip ngayon, ayokong maka-apekto sa pag-aaral niya. 

Humarap ako kay Drake tapos ay hinawakan ang kamay niya. Huminga ako ng malalim bago sinabing, "Love, titigil muna ako sa pag-aaral pansamantala,"

"Bakit?" agad niyang tanong, 

Ngumiti ako sa kaniya at umusog palapit. Inihilig ko sa balikat niya ang ulo ko bago sinabing, "Kailangan ko magtrabaho e,"

"May problema ba, Em?" 

"Wala," pagsisinungaling ko bago pumikit para pigilan ang nagbabadya ko na namang luha. "Kailangan ko lang munang tulungan sina Mama. Isang taon lang naman, hindi naman ganon katagal."

"Love, if you need help financially para sa pag-aaral mo, tutulungan kita--"

"Graduating college is not a race, Drake. Hindi naman kailangan magmadali. At isa pa, I want to call you Attorney El Fuente as soon as possible."

Nagmulat ako at tumingin sa kaniya kasabay ng pagpisil nang bahagya sa ilong nito. Ayokong huminto, pero kailangan ako ng pamilya ko sa ngayon. 

Bumuntong hininga si Drake saka ipinulupot sa akin ang kaliwang bisig niya. "You're already an adult, Em. I trust your decision, pero if you need help, just tell me, okay? Magtutulungan tayo,"

"Yes, boss," pabiro kong tugon saka yumakap na rin sa baywang niya. 

"Nakahanap ka na ba ng papasukan mong trabaho?" tanong ni Drake matapos ang ilang sandali. 

"Wala pa e," sagot ko naman. 

"Kung ganon, I can help you get one. I'll ask Dad kung may job opening ba sa company. Gusto mo ba?"

"Sure. I'll take it kahit anong trabaho, 'wag lang magbebenta ng drugs," biro ko na ikinatawa ni Drake. 

"Sira," 

And just like that, I went to his Dad's company and got hired as his secretary. I thought luck was with me, dahil kahit na walang may-alam sa relasyon namin ni Drake ay nakakuha ako ng maayos na posisyon. Medyo weird nung una, pero kinapitan ko na rin dahil kailangan ko ng pera. 

Ang hindi ko alam...

"Emely, I heard nasa ospital ang Papa mo," sambit ni sir Rico habang ibinababa ko sa desk niya ang folder na hininihingi niya kanina. 

Napatingin ako sa kaniya na noo'y nakangiti sa akin ng malapad. Hindi ako kumportable na may nakaka-alam sa personal kong buhay. Mag-iisang buwan na rin noong magsimula akong magtrabaho sa kaniya, at araw-araw akong nawi-weirduhan sa mga kilos niya. I don't know kung masyado lang akong sensitive, pero sana nga ganun na lang ang kaso, dahil una, kailangan ko ang trabaho. Pangalawa, ama siya ni Drake, ng boyfriend ko, kahit na hindi niya alam na may relasyon kami ng anak niya. 

"Uh, yes sir. By the way, naririto na ho ang reports mula sa research team--"

"You father needs surgery, tama?" putol niya sa sinasabi ko habang binubuklat ang folder na ibinigay ko. 

Pinilit kong ngumiti. "Opo,"

Tumangu-tango siya bago inilapag sa lamesa ang folder bago ako tinignan na para bang nakikita niya ang nasa loob ng damit ko. Ilang beses ko nang napapansin, pero hindi talaga ako kumportable sa mga titig niya. 

Walang mali sa suot kong desenteng blouse at pencil skirt, sadyang kahit anong suot ko ay lumilitaw ang hulma ng katawan ko. 

"Do you need help?" tanong niya matapos i-angat muli sa akin ang tingin. 

"Hiring me is enough, sir,"

Nagulat ako ng tumawa si sir Rico sa itinugon ko. Walang nakatatawa, pero bakit parang nagsabi ako ng isang malaking joke? 

"Gusto kita. Hindi ka katulad ng iba na kusang lumalapit sa akin dahil mapera ako," sambit nito na naging dahilan ng pagtawa ko. 

"With all due respect, sir. Wala ho akong interest sa inyo kundi ang trabaho ko. I can work to have money, so I will work to have money."

"I see," turan niya saka tumayo at lumapit sa akin. "May boyfriend ka?"

"Yes, sir."

"I knew it. Break up with him and be my woman. Ibibigay ko sa'yo ang lahat ng kailangan mo--"

"No thanks, sir. Hindi ko ako bayarang babae. Please excuse me," putol ko. 

Isang ngiti lang na pilit ang ibinigay ko sa kaniya bago tumalikod at lumabas ng opisina niya. Namimilog pa ang mga kamao ko sa inis, pero agad din iyong nawala nang tumunog ang phone ko at makita si Drake sa caller ID. 

"Love," bungad ko. 

"Are you busy?" tanong niya. Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko sa pagkakarinig sa boses niya. 

"I'm about to take a 15-minute break, bakit?" 

"Good. Meet me at the cafe outside, miss na kita e," 

Natawa ako sandali bago huminto at tumingin sa labas. Natanaw ko siya sa cafe na tinutukoy niya, hindi kalayuan sa building na ito. Hindi niya ako nakikita pero natutuwa akong pagmasdan siya mula sa malayo. 

"Sure, love. I'll be there in three minutes. I love you," 

"I love you, Em."

Ibinaba ko ang tawag at sandali pa siyang pinagmasdan na sumuntok sa hangin, animo'y nanalo ng jackpot. Dalawang linggo na rin kasi noong huli kaming magkita dahil sa busy siya sa exams, at ako naman sa trabaho. Maganda na nga rin siguro na si Drake ang pampakalma ko mula sa nakakailang kong trabaho. 

***

"How're your exams, Attorney El Fuente?" bungad ko nang umupo ako sa tabi niya na nakangiti. 

"Oh, damn it. I miss you so bad, love. Pero 'wag kang mag-alala dahil I aced them, like always. Gusto na kasi kitang tawaging Mrs. El Fuente A-S-A-P!" sabi nito saka ako pinisil sa pisngi. 

Napatawa ako at kinilig sa linya niyang iyon. Sandali akong napatitig sa mukha niya. Mukha siyang puyat at pagod, pero bakas na bakas sa mga ngiti niyang masaya siya. I miss going to his condo to cook for him. Panigurdo kasing sa labas na naman ito kumakain dahil una, kaaway niya ang kusina. Drake can cook for survival, though, pero mula kasi nang maging kami ay nasanay na siyang ipinagluluto ko. 

"Mukhang namayat ka," puna ko habang nakatitig sa kaniya. 

"Aish! Don't ask me why, I can't cook, Em. At madalas nakakalimutan ko nang dapat palang kumain-- aray!"

Hindi na niya naituloy ang biro niya nang kurutin ko siya sa tagiliran. "Do I really have to ask you to take care of yourself, Drake? My God! You're already an adult. Gusto mo bang mamroblema ako kapag pati ikaw maospital?"

Napakunot ang noo ni Drake sa nasabi ko. "Pati ako?"

Napatahimik ako nang mapagtanto kong nadulas ako. 

"Sinong nasa ospital, Em?" pag-uusisa niya. 

Napabuntong hininga ako. Great! Now, kailangan ko tuloy sabihin sa kaniya. "Si...Papa."

"What? Anong nangyari?"

Laglag ang balikat kong umiwas ng tingin. Hindi naman ito ang dapat naming pinag-uusapan, pero alam kong hindi siya matatahimik kapag binitin ko siya sa impormasyon. 

"COPD, kailangan ni Papa ng surgery," sagot ko. 

"Iyan ba ang dahilan kaya ka nagtrabaho?" 

Tumango ako. 

Sandaling naantala ang usapan namin ni Drake nang lumapit ang isang waitress sa amin at iserve ang inorder ni Drake na iced coffee at muffin. Pinilit ko siyang i-drop ang topic about kay Papa dahil ayaw kong mag-alala ito, kahit na hindi pa siya pormal na naipakikilala sa mga magulang ko, pinaghahandaan niya ang araw na dalhin ko siya sa bahay, at excited siyang makilala sila. 

Nagtagumpay naman akong ibahin ang usapan. Nagpalitan kami ng kwento tungkol sa school at sa trabaho ko, at habang nagkukwentuhan kami'y hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit magkaibang-magkaiba si Drake at ang Daddy niya. Ang alam ko'y hindi sila close, kaya marahil ay sa Mama niya nakuha ang personality niya. Mabuti na lang...

***

A week after, sir Rico received an invitation to a party at nirequire niya akong sumama dahil bago iyon ay magkakaroon sila ng private meeting with some of the boardmembers. The party will be in two days, at hindi maganda ang pakiramdam ko rito kaya buo ang desisyon kong magsabi kay sir Rico na hindi ako pupunta dahil kailangan ko ring bantayan si Papa sa ospital. 

Umuwi ako sa bahay isang gabi bago ang araw ng party, at doo'y nadatnan ko si Mama na umiiyak, dahil palala nang palala ang kundisyon ni Papa. Kinakailangan na niya ng agarang operasyon, kaya naman ganoon na lamang ang pamomroblema ni Mama. 

Hindi pa sapat ang ipon kong bahagya nang umabot ng limampung libo, hindi ko alam ang gagawin ko. Mukhang nakakaramdam na si Gigi at nagpapahiwatig na rin ito na titigil muna siya para magtrabaho, pero tumanggi ako. Napakabata pa ni Gigi, at hindi niya pa kakayanin. 

"Emely, nababaon na tayo sa utang. Hindi na natin kakayanin ang gastusin ng Papa mo sa ospital," lumuluhang sambit ni Mama. 

Pumatak na rin ang mga luha ko. "Ma, 'wag natin susukuan si Papa. Gagawan ko ho ng paraan ito, ha?" 

Yumakap ako ng mahigpit kay Mama. Alam kong kung pagod ako ay mas pagod na rin siya dahil sa araw-araw ay nakikita niya si Papa na nahihirapan. Alam kong ayaw niyang madamay kami ni Gigi sa problema, pero wala siyang choice kung hindi ang manood at maghintay ng himala. 

"Ma, maooperahan si Papa. Makakapag-aral ako ulit, at hindi titigil si Gigi. gagawin ko ho ang lahat ng paraan para mairaos itong problema na ito. Magkakampi ho tayo,"

Hindi na nakasagot pa si Mama, bagkus ay napahagulgol na lang sa balikat ko. Sabay naming iniiyak ang pagod at pangamba namin ni Mama, at ilang oras matapos ang walang humpay niyang pag-iyak ay nakatulog na rin siya. 

Nanginginig ang mga kamay akong pumasok sa opisina ni sir Rico kinaumagahan. Ipinatawag niya ako kanina na ang akala ko'y may iuutos siya, ayun pala ay gusto niya lang ipasukat sa akin ang damit na gusto niyang isuot ko mamayang gabi. 

"It's a formal event, so you better wear that," sabi niya sabay turo sa malaking box na nakalapag sa desk niya. 

Nanlalamig ang mga kamay ko. Ayaw ko, pero alam ko namang wala akong choice dahil secretarya niya ako. Pakiramdam ko lang talaga ay hindi appropriate ang isang ito. 

Marahan kong dinampot ang box at saka marahang tumango. Hindi ako maka-imik kahit na may isang malaking pabor akong hihingiin sa kaniya. 

"S-Sir--"

"I'll pay for your father's surgery and all of his medical expenses. Just make sure you'll show up tonight with that dress," sabat niya na nagpa-angat sa akin ng tingin. 

"H-Ho?" 

Ngumiti si sir Rico na hindi ko malaman kung bakit ako kinabahan. "I know that you'll ask for that someday, Emely. Kailangan ng pamilya mo, kaya tanggapin mo na lang at magtrabaho ng maayos. Pag-usapan natin kung paano mo mababayaran iyon pagkatapos ng event, okay?"

Sinenyasan niya akong umalis na, kaya't hindi na ako nakapagtanong pa. Lumabas ako ng opisina niya at napaisip, paanong alam niya ang lahat tungkol sa pamilya ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status