Share

Kabanata 9

"Leave, Em," mahinang sambit ni Drake matapos ang ilang sandali. 

Nakatalikod siya sa akin at  wari'y hindi gusto ang lingunin manlang ako. Wala pa ring patid sa pag-agos ang mga luha ko nang dali-dali akong bumuhat sa pagkakaupo sa kama. Nanginginig pa rin ang mga tuhod at kamay ko kaya't walang imik akong tumakbo palabas ng silid. 

Lumabas ako sa condo ni Drake at diretsong sumakay ng elevator. Napa-upo ako sa sahig ng elevator dahil sa walang tigil na pagbuhos ng mga luha ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Rico na nakita ko kay Drake kanina, at hindi ko magawang kumalma sa tuwing bumabalik sa akin ang masasalimuot na gabing iyon. 

Bumukas ang elevator, kaya agad akong bumuhat at lumabas. Nadaanan ko pa ang kotse  ni Drake sa may parking lot pero nilagpasan ko na iyon at dali-daling pumara ng taxi para umuwi. Nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ng driver sa rearview mirror nang marinig ang mga hikbi ko. Pinili ko na lang na hindi pansinin. 

Kalmado na ako nang makarating ako sa bahay, na dahil sa katangahan ko'y kinailangan ko pang paghintayin ang driver ng taxi sa may labas para lang makakuha ng pambayad. Naiwan ko kasi sa kotse ni Drake ang bag ko. 

Sinalubong ako ni Diday na nag-uusisa kung bakit daw ang aga kong umuwi. Pinansin pa niya yung suot kong t-shirt na cute raw, pero pinili ko na lang ngumiti kaysa hindi siya pansinin. 

I went upstairs to change. I don't want to remember what happened earlier. Pagkahubad ko ng suot na kamiseta ay agad kong isinuot ang damit na kinuha ko sa damitan ko. Akmang itatapon ko na sana sa basurahan ang kamisetang hinubad ko nang mapahinto ako at mapatingin sa repleksyon ko sa salamin. 

I can still feel Drake's lips on mine, at naghaharumintado pa rin ang puso ko sa nangyari. Masakit marinig ang mga hinanakit ni Drake na minsan nga'y naiisip ko nang magpaliwanag, pero...natatakot akong hindi iyon maging sapat para mapatawad niya ako. Hindi ko rin naman deserve ang patawarin. 

Marahan kong hinawakan ang labi ko at bago ko pa man mapagtanto ay tumutulo nang muli ang mga luha ko. 

I miss Drake... I miss him so much. Walang araw na hindi ko siya namiss, naalala, at minahal. Pero, mali. Hindi ito tama.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nanatili roon, nakatitig sa sarili kong repleksyon at inisiip ng paulit-ulit kung anong dapat kong gawin, paano ko iiwasan ang mali, at kung paano matatahimik, pero bigo ako. Sa huli, isang malalim na buntong hininga lang ang nagawa ko bago lumabas, bitbit ang kamisetang hindi ko rin magawang itapon. Inilagay ko na lang iyon sa basket ng maruruming damit bago naupo sa kama. 

Balak kong magpunta sa Em's para na rin matignan kung ano nang lagay ng opisina. Hindi naman tuatawag si Mikee kaya sa tingin ko'y maayos naman. Dapat sana'y nasa opisina ako ni Drake ngayon, pero hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon. Bukas na lang siguro.

Nalingat ako sa mga iniisip ko nang marinig ang phone kong tumutunog, kaya agad kong kinapa ang bulsa ko at napagtantong wala sa akin ang phone ko. Napalingon ako sa side table, at doon nakita ang phone ni Rico na nakapatong. Dinampot ko iyon, at nakitang tumatawag si Mr. Alcantara kaya sinagot ko dahil baka importante. 

"Rico, I just got back from my two-week business trip in France, I'll head straight to your office for our postponed meeting," saad ni Mr. Alcantara pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag. 

Sandali akong napaisip dahil ilang araw na ang nakakaraan ay kasama niya ito, hindi ba?

"Uh, y-yes, Mr. Alcantara," nauutal kong sabi. "Rico left his phone at home, but I'll make sure to tell him that."

"Oh, Emely," saad nito sa kabilang linya. "Uh, yes. Please do. Thank you."

Pinatay ko ang tawag at sandaling napakunot ang noo. Mr. Alcantara clearly said 'two-week business trip' namali lang ba ako ng dinig?

Napatingin ako sa orasan. I still have at least 45 minutes, kaya minabuti ko nang tumayo at bumaba. Ibibigay ko kay Rico ang phone niya at sasabihin na rin ang ipinasasabi ni Mr. Alcantara.

***

Hindi ako makakurap at hindi rin ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko dalawang hakbang mula sa pintuan ng opisina ni Rico. Tanaw na tanaw ko siya mula sa labas pati ang secretarya niyang si Kitty. Nakaupo ito sa ibabaw ng desk ni Rico habang nakalingkis ang mga braso sa leeg nito. Aktibo namang iginagala ni Rico ang kaniyang mga kamay sa baywang at dibdib ni Kitty habang abala sa paghalik sa labi nito. Nakatalikod sa gawi ko si Rico, kaya't nang magmulat si Kitty ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Napa-sapo ako sa bibig ko at bahagyang napa-atras. 

What...was that?

Nagbaba ako ng tingin bago humakbang paalis at hindi ko sinasadyang nabangga ang isang empleyado. 

"Sorry," aligaga kong sambit bago muling naglakad paalis, pero hindi pa man ako nakakalimang hakabang ay bumalik ako. 

"Uh, excuse me?" tawag ko sa atensyon ng empleyado. "Can you please give this to Rico? And pwedeng makahingi ng papel?"

Tumango naman ang babae at saka ako inabutan ng papel. Nanghiram na rin ako ng ballpen at sa nanginginig kong mga kamay isinulat ang dapat sana'y sasabihin ko kanina. 

'You left your phone at home, Hon. Mr. Alcantara called. He'll be here in 15 minutes for your postponed meeting.' -Em

"Thank you!" nakangiti kong sambit sa babaeng empleyado matapos i-abot sa kaniya ang tinupi kong note at nagdudumaling umalis bago pa man pumatak ang mga luhang nagbabadya. 

I couldn't believe it. Rico is cheating on me.

DRAKE

I felt stupid when Emely left. Pakiramdam ko'y iniwan na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon. But maybe, this is for the best. If Em hadn't called me 'hon' I would've made love with her despite knowing na mali 'yon. Tama nga ba? I know for a fact na pwede niya akong akusahan ng rape kung gugustuhin niya. 

Nababaliw na talaga ako.

I am rich and successful. I have the looks. I am good at what I do. I basically have everything, pero heto ako, hindi maka-move on sa ex kong ipinagpalit ako sa tatay ko, and worst, pinagnanasahan ko ang ngayo'y asawa na ng ama ko. Mali, hindi ba? Maaari akong makulong at mawalan ng trabaho, pero... parang may mali sa sitwasyon...

Should I tell Dad about Em and I? Kaya ko bang sirain ang marriage nila? Dad looks happy, and Em is better off now than before. I am happy that she's now successful, pero...ewan! Nakakabaliw!

Nasabunutan ko ang sarili ko dahil taliwas sa planong si Em ang mahumaling sa akin ay mas lalo ko lang siyang gustong mabawi. Pero, paano? Paano ko siya mababawi kung wala na talaga siyang pagmamahal sa akin?

Napatulala na lang ako sa basag-basag na piraso ng lampshade na ibinato ko kanina. 

Why...couldn't I be happy?

Growing up, Dad and I never had the best father-son relationship. He and Mom didn't have a happy marriage, too because Dad is a womanizer, and mom hated him for that. I was fifteen back then, he wasn't there when mom breathed her last breath, which is why I worked so hard to build my own name. 

Noong ikasal sila ni Em, mas lalong lumaki ng galit ko sa kaniya, pero wala akong magawa. 

Thinking about it, wala akong sinubukang gawin noon kaya siguro ako lang ang nandito sa sitwasyon na 'to. I want to change things so badly pero worth it nga ba?

***

I saw Em getting off a taxi. Nagmamadali siyang pumasok sa El Fuente Company building. It's at least an hour, at iba na rin ang suot niyang damit. Napailing ako at napaismid sa hangin. Of all things, iyon talaga ang napansin ko. 

Gayunpaman, sinundan ko siya, at sa pagpasok ko sa building ay namataan ko na lang siyang papasok ng elevator. Sinubukan kong hindi magmadali, dahil ayaw kong isipin na gusto kong malaman kung bakit siya naririto. 

Isusumbong niya ba ako kay Dad dahil sa nangyari kanina? Sasabihin niya bang tinangka ko siyang pagsamantalahan? 

Napailing ako. Alam kong hindi ugali ni Em iyon, pero paano kung ganun na nga? Kakayanin ko kayang matanggap na tama ang konklusyon ko tungkol sa pag-iwan niya sa akin?

Napabuntong hininga ako nang bumukas ang elevator, at paglabas na paglabas ko ay siya na naman ang bumungad sa akin. Nakatayo siya sa may labas ng opisina ni Dad, nakatanaw sa loob mula sa salaming pintuan nito. Napakunot pa ang noo ko nang hindi siya pumasok sa loob, imbis ay umalis. May nabangga siyang empleyado na pinag-abutan niya ng cellphone tapos ay tuloy-tuloy nang umalis. Nadaanan niya pa ako, pero hindi niya ako napansin. 

Hindi naman nakapipikon na nilagpasan niya lang ako. Talagang wala na lang ako sa kaniya na kahit pa tatlong metro lang ang lapad ng pasilyo kung saan kami nagkasalubong ay hindi niya ko napansin. 

"Miss," tawag ko sa empleyadong nakabanggan ni Em na agad namang lumingon sa akin. 

"Yes, Atty. El Fuente?" nakangiti nitong tanong.

"Ano 'yung ini-abot ni Em?" tanong ko. 

"Ah, ipinabibigay niya po sa Daddy niyo, naiwan po yata ni sir Rico,"

"Ganun ba," sambit ko saka tinignan ang hawak nitong cellphone at nakatuping papel. "Ako na ang magbibigay, papunta rin naman ako sa kaniya."

"Ah, sige sir," 

Ibinigay niya sa akin ang phone saka yung note bago ngumiti at tumalikod. Nginitian ko lang rin siya bago naglakad patungo sa opisina ni Dad. Napahinto ako nang akmang bubuksan ko na ang pintuan matapos kong makita ang senaryong hindi na bago sa akin, pero parang bago pa rin— si Dad at ang secretarya niyang halos magtalik na sa loob ng opisina niya. 

Nabitawan ko ang pagakahawak ko sa handle ng pinto. Mukhang nakita ito ni Em kaya hindi siya tumuloy kanina. 

Napabuntong hininga ako bago lumingon sa direksyon kung saan siya tumakbo kanina at kuyom ang mga kamao nang ibalik ko ang tingin kina Dad. 

Binuklat ko ang note, at nabasa ang tunay na sadya ni Em kay Dad. Bahagya akong nakaramdam ng kaluwagan nang malamang hindi ako balak ipahamak ni Em, pero natabunan iyon ng galit dahil sa nasasaksihan ko. 

Masama akong tumingin sa kanilang dalawa mula sa labas, at nang maakita ako ng secretarya ni Dad ay nanlaki ang mga mata nito at naitulak palayo ang babaero kong ama. Hindi ko na hinintay na makapag-ayos silang dalawa. Bago pa man makalingon si Dad ay pumasok na ako sa loob. 

"What a busy day, huh, Dad?" sarcastic kong bungad nang makapasok sa loob. 

Aligaga namang inayos ni Kitty ang suot niya at hindi makatingin sa aking tumayo sa may gilid ng desk ni Dad. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa saka ngumisi. "You guys are working so hard," kumento ko pa bago binalingan si Dad na hindi rin makatingin sa akin ng tuwid. 

"Drake," tawag ni Dad habang pinapahid ang kaniyang basang labi. Namumula pa ito mula sa lipstick ni Kitty. "Anong ginagawa mo rito?"

Nag-igting ang panga ko. Em...malaki ang chance na nakita ni Em ang kagaguhan ni Dad kaya minabuti na lang niyang umalis. I wonder kung gaano siya na-shock, o kung ito nga ba ang unang beses na may nakita siyang hindi maganda. I know nothing about their marriage, so I can't tell. Pero, iniisip ko pa lang na nasaktan si Em, kumukulo na ang dugo ko. 

I handed Dad his phone pati na 'yung note na iniwan ni Em. "Ipinabibigay ng asawa mo."

Agad na tinignan ni Dad ang nakalagay sa note at napakamot sa batok. "Ah, nakalimutan ko pala sa bahay ito," sabi niya.

Hindi ako umimik. Sa isip-isip ko'y masyado yata siyang nililibang ni Kitty para mapansin niyang wala ang phone niya sa kaniya. 

"By the way, anong oras natapos ang hearing ng kasong hawak mo? I thought kasama mo si Emely, paanong nasa kaniya ito?" taong nito, bago ipinatong sa desk ang phone niya. 

"Kanina pa. Siguro'y lagpas isang oras na. Umuwi siguro siya dahil nakita ko na lang siya kaninang naglalakad paalis pagkatapos i-abot iyan sa isang empleyado," sagot ko naman saka namulsa sa harapan niya. 

Ganitong-ganito ang eksena noong huli ko siyang nahuling may kasamang babae, akala mo'y ang nadatnan ko ay hindi big deal, ni hindi niya ako sinusubukang kausapin na huwag kong babanggitin kay Mom ang nakita ko. Ibang klase. 

Napakunot ang noo niya. "Galing dito si Em? Ngayon?"

Tumingin ako kay Kitty at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pag-iwas sa akin ng tingin. Marahil ay nakita niyang galing dito si Em pero hindi siya nagsalita. 

Tumango ako. "Oo."

Napasapo si Dad sa ulo niya. Marahil ay nag-iisip na siya kung nakita ba ni Em o hindi ang kagaguhan niya. Napailing na lang ako at napa-ismid. 

"Alis na ako," sabi ko saka tumalikod, pero napahinto ako sa tanong ni Dad. 

"Pumunta ka lang dito para ihatid ito?" 

Lumingon ako sa kaniya. Oo nga pala, nakalimutan ko ang ipinunta ko. "Ah, iyon ba? Nagpunta sana ako rito kasi naiisipan kong mag-migrate sa Canada, pero nagbago bigla ang isip ko. Kalimutan mo na. You have at least 5 minutes. Parating na si Mr. Alcantara," sambit ko habang naglalakad palabas ng pintuan ng opisina niya. 

I almost thought of letting them be. Naisip ko kaninang hindi worth it kung patuloy akong magmumukhang tanga kahihintay at kaaasa na baka pwede pa. Pero, mukhang hindi pa nga yata ako dapat na umalis...

I want to hear Em's thoughts first, at kung paninindigan niya ang Daddy ko sa kabila ng katarantaduhan nito, ibig-sabihin lang noon ay mahal niya talaga si Dad. I'll give up, kung iyon ang magiging desisyon niya, at kung maririnig ko mula sa bibig niya na kaya niya ako iniwan ay dahil hindi ako ng tunay na mahal niya. 

This time, I want to do something first before I walk away. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status